2 minute read

Pulang Rosas

Next Article
Astrophilia

Astrophilia

Crystal Anne Mallari

Alam kung mali. Alam kung kasalanan ko ang lahat. Alam kung walang kapatawaran ang ginawa ko kaya habang maaga pa, tatapusin ko na ito.

Advertisement

"Drew, kita naman tayo please. Tatlong buwan ka ng busy, may sasabihin lang akong importante sa'yo. Sa may park kung saan tayo unang nagkita, 6pm. Please hinintayin kita.", huminga ako nang malalim kasabay ng pagpapadala ko ng mensahe sa aking nobyo.

"Babe, anong bang pinagkakabusihan mo sa cellphone mo? Akala ko ba no using of phone kapag magkasama tayo?", naglalakad siya papalapit sa akin kaya naman binitawan ko kaagad ang aking cellphone. Kasama ko ngayon si Jas, ang aking kinakasama ngayon.

Oo, tama kayo. Pinagtataksilan ko ang aking nobyo. Alam

68

69

kung mali ito, ngunit masisi niyo ba ako? Tatlong buwan ko ng hindi nakikita ang aking nobyo dahil may pinapaasikaso daw sakanya ang kaniyang mga magulang para sa family business nila. Alam kung hindi tama ang ginawa ko, ngunit nung mga panahong nilamon ako ng kalungkutan wala siya sa tabi ko at si Jas, si Jas, dinamayan niya ako. Dahil dun, hindi ko napansin na nahulog na ang loob ko sakanya.

Kamulat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Jas. Nakatulog pala kami dito sa may sala.

Rinig ko rin mula sa labas ang lakas ng pagulan. Inabot ko ang aking cellphone, 10 messages, 30 missed calls "shit 7pm na". Dali dali akong nag ayos at pumara ng taxi.

"The number you have dialed is out of coverage area, please try again later", hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Ang lakas ng ulan pero kilala ko si Drew, alam kung hanggang ngayon hinihintay niya ako. Bakit kasi ako nakaidlip, dapat itamama ko na aking pagkakamali pero lalo pang nadagdag amg aking mga kasalanan.

Pagkarating ko sa park, may mga nagkakagulong tao at mayroon ring ambulansya. Lumapit ako sa komosyon at nakita ko si Tita Cass, ang mama ni Drew.

Si Drew, basang basang nakahandusay sa strecher, sinasakay sa ambulansya.

Nilapitan ako ni Tita Cass, hindi ko namalayan na tutumulo na pala ang aking mga luha.

"Ana, wala na siya. Stage 3 cancer of the blood." Ayaw kung maniwala, pero ang sakit sa puso ng paghagulgol ni tita. "Pinilit namin siyang sabihin sayo ang totoo pero ayaw ka daw niyang mag alala, I'm sorry", binitawan ni Tita ang aking mga kamay at pumasok na sa ambulansya.

Hindi ko alam ilang oras na akong nakatulala, nakaupo sa mismong bench kung saan una kaming nagusap, tumila na ang ulan at wala na ang mga tao.

70

May nakapa ako sa aking tabi. Ang aking paboritong bulaklak, pulang rosas. May nakasabit na papel, hindi na malinaw kung ano ang nakasulat, ngunit pag iyak nalang ang aking nagawa nung naintindihan ko ang nakasulat.

"Ana, alam kung masaya ka na sa piling niya. Pasensya na kung hindi ko na kayang ipaglaban ka, pinapalaya na kita."

71

Dibuho ni

John Abenido

A child’s memory lane Photo by: Jobbely Figueroa

72

Graphics by

Jayric Dacanay

This article is from: