
1 minute read
Dinuguan
Dinuguan Jobbely Figueroa
“Tay, hi…hindi ko na po uulitin.”
Advertisement
Ilang ulit na palahaw ng dalaga habang pilit na nagsusumiksik sa sulok ng may kasikipang kuwarto. Gawa sa kawayan ang dingding kaya rinig na rinig sa labas ang magkahalong iyak ng pagsusumano at sigaw ng galit sa dalaga.
Nakatihaya na ang dalaga sa malamig na sahig ngunit patuloy pa rin ang walang-awang paglaspag ng kanyang ama sa kanyang katawan. Kagat labi at pikit matang tinatanggap ang bawat latay na natatanggap ni Elisa mula sa hampas ng sinturon ng kanyang ama sa katawan nito. Walang kasing- hapdi ang mga naiiwang bakas ng galit.
Ang mga salitang bumababoy ay tinitiis niyang pakinggan. “Anak ka nga ng isang puta!”
Ramdam ni Elisa ang sakit mula sa mga salitang paulit-ulit bum- ababoy sa kanyang pagkatao. Masakit. Mahapdi. Pagod na ang kanyang katawan. Ramdam niya ang mainit na likidong umaagos sa kanyang hita.
At sa sandaling iyon ay tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa nakaestatwa na niyang ama.
“Tay…… 57 ………ang anak ko.”
Dibuho ni
Marielle Ann Fernandez
58