
5 minute read
Astrophilia
Reiben Tuquero
In the sable sky,
Advertisement
Have I accustomed myself. To stare from afar.
Silently prizing your light, Dreaming for a distant height.
Dinig ang pagkabasag ng salamin, sabay ng pagpalahaw ng isang batang musmos habang ang tingin ay nasa katawang nakabulagta sa sahig. Hindi takot ngunit may pangamba ang naramdaman noong umagang iyon.

Editor-in-Chief | JOBBELY B. FIGUEROA

Nasaan na ang ibong lumilipad? Nawala ang ibong lumilipad sa himpapawid, dumaan ang unos sinabayan ng pagdagit ng mapangahas na kawal. Pinaglaruan, pinagpasahan, at hindi na pinakawalan.
Wala na ang ibon na lumilipad. Hindi na muling babalik ang ibon, ngunit maaaring bumalik,kapag wala na ang mandaragit. Associate Editor | JESEL CRIZZA MAE L. JAMIG
Tila tuluyan nang nalunod ang kabarkong dedikasyon at tila'y hindi na kinakikitaan ni kahit anino man lang ng pag-ahon. Naging bahag na ang buntot at kakikitaan na rin ng takot. Nagiging mapaglupid ng buhangin sa harap ninyong taong nakapaligid sa akin. Managing Editor | JAFFY F. BUSTAMANTE

Pagkatapos ng pagsisid niya mula sa liwanag, tila nilamon siya ng dilim at nawala sa landas na kanyang tinatahak. Nabulag man dulot ng liwanag o kaya dilim, magpapatuloy tatahakin ang landas pabalik.

Associate Managing Editor/Layout Editor | RESLIE M. NEVALASCA
Pagod na mga paa at tagaktak na pawis habang patuloy paring binabaybay ang daang di alam kung saan nga ba patungo. Mayroon mang pag-aalinlangan ay pipilitin

News Editor | TRISHA R. DUGAY
Sa kabila ng ingay sa mundo, naroon sawa nang humingi ng saklolo. Taong ginapos ng mga gahaman sa karunungan at ikinulong ng reyalidad na mailap at mahirap makamit ang katotohanan. Pagkat pilit hinahadlangan ningning sa pagnanais matuto at magtamo ng kaalaman sa ordinaryong tulad ko.

Features Editor | ROSE VALERIE SANCHEZ
Unti-unti lumulubog sa kumunoy sabay ng pagpaos ng tinig na sumisigaw, pinilit kong umangat, nang makaahon ay muli kong tiningnan ang lalim ng kinasadlakan tumalikod ako kahit sugat-sugat at patuloy na tumahak palabas ng mapanganib na gubat ngunit ako'y muling lumulubog puno na naman ng putik ang aking katawan. Development Communication Editor | KATRINA MIKAELA MUSNI


I killed someone. My hands are tainted, I run as I bleed. Perplexed mind, empty pockets. I have nothing left. Would you hide my trails? Would you let me stay if I confess my crime? I changed, and will continue to change if needed. I will never stop killing Me for You. Literary and Culture Editor | REIBEN G. TUQUERO
Sabi nila, mas masaya raw ang mabuhay sa mundo. Sabi ko naman, naranasan mo na bang mamatay?

Graphics Editor | MARIELLE G. FERNANDEZ

Tanikalang nakapulupot sa leeg, nakagapos ang kamay at paa, at mga nakapiring na mata. Gustong sumigaw at makaalpas, hanggang sa natuto akong pumatay. Takot at pangamba ay aking pinatay dahil kung hindi ako, sino? Science Editor | JAMEL AARON C. DAUZ
Napadpad man sa iba't ibang dako , sa iilang tanawin ay napako at paminsan minsan di mo batid kung saan hihinto. Ngunit walang kabuluhan ang panahong lumipas kung walang maiiwang gintong aral sa pagpapakatao

Sports Editor: VINCENT ROJO
Ang nagbabagang apoy ng pagkahumiling sa pagsusulat ay unti unting naglaho. Nawala ang apoy na nagsisilbing gabay, naligaw sa sariling paglalakbay. Hindi alam kung ano ang dapat gawin, tiwala sa sarili ay naglaho rin.

Correspondent | CRYSTAL ANNE A. MALLARI
Nagsimula ang laban, puno ng pag-asa at pangarap. Tila musika ng na sa aki'y nagbibigay sigla. Pilit na nanghahawak kahit ang kamay ay sugatan na. Dumurugo ang puso dahil sa takot na mabigo. Subalit sa tuwing kumakaway ang pagsuko, pikit mata pa ring sumusuntok dahil sa pangarap na gustong maabot.

Correspondent |NOLY KING IVOR C. DE GUZMAN
Nagsimula ang lahat ng tayo'y lumingon. Ang pagkakasabay ng iba't-ibang tugon. Sa pagtapak sa tarangkahan ng mga pangarap dumating ang isang unos. Pagtataka ng lahat, isang daang porsientong pagtulong ang inalay para sa mga may bangka. Samantalang ang mga hirap, pagod at hapong nalulunod ay tuluyan pang ibinaon papalayo sa kanilang mga pangarap. Eto na nga ba ang tamang pakahulugan ng edukasyon?

Correspondent | CHRISTIAN GENER BUENAVENTURA
The Fusion Editorial Board and Staff |editorial year 2019 - 2020
Editor-in-Chief: JOBBELY B. FIGUEROA | Associate Editor: JESEL CRIZZA MAE L. JAMIG | Managing Editor: JAFFY F. BUSTAMANTE | Associate Managing Editor/Layout Editor : RESLIE M. NEVALASCA | News Editor: TRISHA R. DUGAY | Features Editor: ROSE VALERIE SANCHEZ |Literary and Culture Editor: REIBEN G. TUQUERO | Development Communication Editor: KATRINA MUSNI | Science Editor: JAMEL AARON C. DAUZ | Sports Editor: VINCENT ROJO | Graphics Editor: MARIELLE G. FERNANDEZ | Graphics Artist: JAYRIC DACANAY | Cartoonists: CEASAR ABENIDO, TRISHA KAYE D. DELA CRUZ| Correspondents: CRYSTAL ANNE A. MALLARI, NOLY KING IVOR C. DE GUZMAN, CHRISTIAN GENER BUENAVENTURA, CRISTINE DELA CRUZ ,BIANCA TACLIAD
Adviser: ENGR. ESTRELLA B. PAGCO
Pasasalamat
Taos-pusong pasasalamat sa Maykapal, sa pagbibigay ng talento at pasensya sa bawat miyembro ng aming publikasyon. Salamat sa pagtitiwala, Kolehiyo ng Agham. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit nabuo itong folio. Sa aming bago at supportive na adviser, Engr. Estrella B. Pagco. Salamat po sa walang-sawang pagpapaalala na kayang gawin ng publikasyon ang ganitong uri ng pampanitikang aklat. Marami ring salamat sa mga kaklase at kaibigan naming laging andyan, mga taong masasandalan tuwing stress na sa buhay at sa mga taong umintindi sa kabila ng pagiging toxic natin. At higit sa lahat, maraming salamat at binigyan niyo kami ng pagkakataong mabigyan ng kahulugan ang bawat pula sa inyong buhay.
SCIENTIFIC WRITERS INITIATING ACTIONS

