Piktyur
Jesel Crizza Mae Jamig Alas does ng gabi ng ako ay makauwi ng bahay. Pagod sa trabaho pagod sa lahat. Agad kong napansin ang iyong ngiti ng walang bahid ng kalungkutan. Ang iyong ngiti ang laging sumasalubong sakin tuwing ako ay uuwi at tuwing ako ay aalis. Hindi pa din napapawi sa yong mata ang masasaya nating alaala. Ikaw ang lakas ko kaya ako bumabangon sa araw-araw na pagsubok ko sa buhay. Hintayin mo ako dyan at susunod din ako pero kelangan ko munang tapusin ang misyon ko, ang buhayin ang pamilya natin. Salamat sa mga ngiti mo ito ang baon ko sa araw-araw. Lumapit ako sa kanya at sinabing; “Hindi ka ba napapagod ngumiti mahal?� dahan dahan kong hinaplos ang iyong mukha , kasabay nadin ang pagtulo ng aking luha “Halos tatlong taon ka ng nakangiti dito sa larawan na to oh"
32