Bandila
Christian Gener Buenaventura Hindi naman binaliktad ang bandila Ang kulay asul pa naman ang nasa itaas ngunit bakit tila walang humpay ang pagkulong, pagrehas. Mga kaluluwang walang layadi makatalas. Hindi tunog ng kampana ang gigising da mga hapong pangangatawan Kundi mga alingaw-ngaw ng baril ang maririnig mula sa labasan. Isang engkwentro na naman mula sa mga sundalo't rebelde sa mga kalsada. Mga taong pilit nakikipaglaban, Na kung saan, sakanila din naman nakatutok ang bunganga ng kanilang mga sandata. Ang buhay ay walang katapusang digmaan At ang mundo ay tila isang napakalawak na kulungan. Ang lubos na kalayaan ay hindi pa nga natin nakakamtan. Hanggang ang nakakarami ay tuyo pa ang nasa hapag-kainan, 18 Habang ang iilan ay tila araw-araw may kapistahan.