Kapeng Barako Jamel Aaron C. Dauz Tayong mamamayan ang makapangyarihan, Ngunit parang may mali? Nasa kamay natin ang pagbabago ng bayan, Pero nakanino ang susi? Mga hindi matapos-tapos na proyekto, Iniiwan na lamang nakatiwangwang Habang ang namumuno ay isang trapo, Kaban ng bayan ay patuloy na nasasayang.
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
15
Nagsisikalat na nakabulagtang katawan, Hustisya ay hindi kayang makamtan. Mga kababayan nating baon sa hirap, Nawawala at namamatay din ang pangarap.