The Fusion Literary Folio

Page 13

Gasolina

Jesel Crizza Mae Jamig

“….patay ang limang taong gulang na babae matapos makain--” pinatay ko na ang telebisyon sa kadahilanang umiiyak nanaman ang mama at papa. Nagulantang nalamang sila at biglang umiyak. Oras-oras nilang ibinubuhos ang kanilang luha. Ayoko ng makita sila mama’t papa na umiiyak. Niyakap ko nalang sila dahil namimiss ko sila. Isang araw bago ang balita... Wala pa ang mama’t papa. Asan na kaya sila? Si Tiya Bel naman bumili ng pagkain doon sa malayo. Namimiss ko na sila mama’t papa. Gutom na din ako, wala pa si Tiya Bel. Pumunta ako sa garahe namin dahil may nakita akong coke dun sa tabi ng sasakyan, agad kong kinuha at saktong may chichirya din sa may sasakyan. Dali dali kong binuksan ang chichirya at kinain, kinuha ko ang mug ko para maisalin ang coke. Kain, inom kain inom. Dumating si tiya bel papunta sakin ng tumatakbo at umiiyak. Bakit kaya? Nakita nanaman niya si mang jun siguro may kasdamang babae. Hanggang naalala ko miss ko na sila mama’t papa.

10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.