ANG PIYESA NG ISANG REYALISASYON Poem by Cristina Gallego
Sa mundong napuno ng pangungulila at pagsikip ng dibdib at pagtulo ng mga luha. Mga tuhod na nanghihina at hanapbuhay Na mistulang naging bula. Mga imaheng nagdulot ng mapagpanggap na tuwa. Isang tahananang nawalan ng kalayaan, Ang tahanang naging mukha ng mundong puno ng walang kasiguraduhan. Manunulat na nga lang ba ang magiging dahilan ng pagmulat ng ‘yong mga mata? Ngunit meron ka ring taglay na tinta, na kayang iguhit ang mga salitang nais mong iparining sa mga saradong tenga. Mamulat ka sa reyalidad ng iyong sariling karanasan. ‘Wag mong hayaang dungisan ang imahen ng pangarap mong tahanan. Ang tahanang pinapangarap din ng iba, Masaya at malaya, payapa at may kasiguraduhan. Buhayin mo ang nag aalab na apoy sa ‘yong pagkatao. Tupukin mo ang mapagpuksang imahen sa loob mo. Pumasok ka sa pintuan ng realidad ng buhay at Akyatin mo ang hagdan upang kamtin ang siklo ng tagumpay. Ngayong ika’y mulat na, dinggin mo ang nais kong Wag ka nang matulog pa sa mapagpanggap na mundong minsa’y iyo ng kinalakhan.
45 43 42