5 minute read

MORNING ROUTINE

Poem by Diahnne Hazareno

Isa na siguro sa mga mahirap mapansin yung may kinakasanayan, Kagaya ng ilang beses na pagtulog ng umaga; ‘di mo mamamalayan na ang tiktilaok ng manok na gumigising sa iba ang siyang magpapatulog sa’yo. At kapag nagtagal, mahihirapan ka nang baguhin ang nasa sistema.

Advertisement

Isa siguro sa pinakamahirap baguhin yung nakasanayan, Katulad ng pagkakape sa umaga. Hindi na init sa sikmura ang habol, Kundi pati ang ideyang hindi makakakilos kung wala ang inumin. At kapag nagtagal, magigising ka na lang na alipin ka na nito.

Isa na siguro sa pinakamahirap e yung masasanay ka, Na iisang pader lang ang makikita mo sa’yong pagmulat at pagpikit Sa araw-araw na pagtitig mo, di mo mamamalayang tila karton pala ang pundasyon nito. At kapag nagtagal, magugulat ka na lang na wala na pala ang pader na dapat e nagpoprotekta sa’yo.

Mahirap pag nasasanay ka, hindi mo malaman kung ano nga ba ang tama, O kung ano ang sumusobra na. Minsan hindi mo rin mawari kung lumalangoy ka pa o nalulunod ka na.

At sa mga bagay pauli-ulit na, hindi naman masama ang minsanang pag-ikot ng puwit. Dahil kailangan mo rin mag-iba ng puwesto, para makita kung ano nga bang nasa kabilang dulo.

LAYOFF

Flash fiction by Ma. Angelica Blessing Agaid Illustration by Justin Dacocos

Batikan at teror na guro sa Chemistry si Mr. Sanchez. Sa dalawampu’t isang taon niyang pagtuturo, normal na ang magkaroon ng estudyante na tila ba’y ayaw mawalay... apat na taon na sa kolehiyo, at sa buong apat na taon na ‘yun hindi pa rin pumapasa sa chemistry. Natatangi ang CIT3-3 ng pamantasan na pinapasukan ni Mr. Sanchez. Naturingang magagaling sa kursong kinuha pero hindi maipasa ang chemistry.

Hindi madaling magturo, lalo na kung hindi mo pisikal na nakikita ang mga tuturuan. Napilitang mag-aral si Mr. Sanchez kalikutin ang nagluluma na laptop, kung nasa aktwal na klase lamang sila ay madaling solusyunan ang problema. Lalo na’t ang mga estudyante niya sa CIT3-3 ay mga estudyante ng kursong IT. Hawak ang yupi yupi at nasisira nang libro sa Chemistry ay humarap si Mr. Sanchez sa laptop, kita sa mukha ng kanyang 12 na estudyante ang lungkot at saya. Dahil sa ikatlong taon na nila ito sa klase niya.

Samu’t saring pagbati ang maririnig, “Hello sir. Long-time no see!” at pangangamusta ang maririnig mula sa mga estudyante. Nagsimula nang magtalakay ang ginoo---Lesson 1. Tahimik na nakinig ang klase, paminsan ay nagtatanong, may magbibiro, may magsasabing “sir, kaya tatlong taon na ako sa’yo eh. ‘Di ko talaga ma-gets!” at sabay-sabay silang magtatawanan.

Matatapos na ang unang talakayan nang mag salita muli ang isa sa mga estudyante, “sir, time na po.”

Nagsihagalpakan sa tawa ang mga estudyante, palihim na napangiti ang guro. Inilapag ni Mr. Sanchez ang yupi yuping libro at umupo sa harap ng kanyang laptop, maiging tinignan ang labing dalawa na estudyante.

“Sir, isang oras lang po kasi yung maibibigay namin sa inyo. May klase pa po kami sa Chemistry, magsisimula na po. Salamat, sir. Biro lang yung hindi ko naiintindihan. Kuhang kuha ko na sir, yakang yaka na mamaya sa quiz.”

Batikan at teror na guro sa Chemistry si Mr. Sanchez, kung kaya’t paborito siya ng marami sa pamantasan. Sa dalawampu’t isang taon niyang pagtuturo ngayon lang siya makakapagpahinga. Mahirap man maging guro at halos paulit-ulit lang ang gawain kada taon, hindi matanggap ng guro na para bang sapilitan siyang pinagretiro nang alisin siya sa kanyang mahal na unibersidad ng dahil sa pandemya. Matanda na raw si Mr. Sanchez, hindi na kayang makipagsabayan at kung minsan ay kinakailangan pa ang mga estudyante niya sa CIT3-3 para maiayos ang kanyang laptop.

Malaki ang ngiti ng mga estudyante na kumakaway sa iskrin habang isa-isa silang nawawala na parang bula. Napapalitan ang magagandang ngiti ng maitim na kawalan.

Artwork by Vince Miranda

Paghamak (2020)

HAIRCUTS, TANGLED HAIR, AND TWISTED THOUGHTS

Flash fiction by Haniel Joy Leron

I woke up that night - panting, heart racing, sweat all over my face, and with dried lips. It’s not uncommon for me to be awaken by my sudden shallow thoughts, like what if I was not able to turn off the gas stove? What if I forgot to put my doors on lock and strangers might be looking at me within my home?

Or what if I simply did not flash the toilet and I’ll be facing a very disturbing smell?

That’s how my mind works during the quick pause. I often call the situation a quick pause, where I see myself being corrupted by my inability to grasp air. It’s a break from my thoughts, but an alarm for my body signalling that something’s not feeling right again.

By morning, I usually got up and expect nothing. I don’t usually prepare breakfast at all because it feels illegal. Serving myself feels unrequited.

I faced the mirror, and ask myself, why is my hair so messy? Is it really this messy?

But I usually don’t engage with combing my hair. Untangling every strands requires a lot of work and it somehow reminds me of the quick pause. I feel like I am trapped within the strand s of recurring statements and negativities and I have no control over it, or maybe I was too absorbed to manage it.

However, today is a very different day. I faced the mirror and I was really looking forward to fixing my hair. But the comb was out of my sight.

Where did it go? I checked the holder - Eyebrow pencils, scissors, some random stick, screwdrivers? - where did it go?

Was it color yellow? pink? gradient? Why can’t I remember?

Due to my high demand, I found myself wiping off my face, as tears went on pouring. Where is my comb? Or do I actually have one?

I suddenly had the urge to stop whining and rethink what the conflict is. Do I want to comb my hair, or do I just want to satisfy myself.

In light of the situation, I picked the scissors, faced the mirror, and told myself to remain calm. The strands of my hair kept falling down, one by one, group by group. There is only me, the scissors, the sound of my nose sniffing, and the cutting sound of the scissors.

What I really felt was bravery. Not because I was able to do the hair cutting myself. But because I was so close to using the scissors on my skin. I was that close.

I tried to remain calm and touched my hair - or head. The strands are okay, they are manageable. They are shorter than before but I feel less tensed.

Shorter hair does not mean I won’t be experiencing the quick pause...again. But it eases my frustrations.

At this point, I think being bald would not be a bad decision at all.

This article is from: