
1 minute read
ANG KULUNGANG NAGPALAYA Poem by Hannah Sigrid Durias Illustration by Blesselle Ramirez
from BALINTATAW
by PnC Herald
ANG KULUNGANG NAGPALAYA
Poem by Hannah Sigrid Durias Illustration by Blesselle Ramirez
Advertisement
Pumasok ako sa isang silid kung saan maririnig ang samu’t saring bulungan at sigawan. Alingawngaw ng galit, lungkot, inis, pighati’t pait ang nangingibabaw. Ako’y nabibingi na, mga sinasabi’y hindi na nalalaman pa. Lumundag ang oras; may isang Hiyaw na pilit na pumapasok sa silid. Ang mga bintana’y nabasag, ang pinto’y kumalas sa taglay nitong lakas. Madali kong tinakbo ang labas at sumulyap sa silid na minsang pinaroonan.
Hanggang dito na lang.
HARAYA
Flash fiction by Aimes Catherine Berdin
Taimtim ang kalangitan habang sumasayaw ang hanging yumayakap sa pusong mapanglaw.Kumakaway ang mga puno, kasabay ang paglaglag ng mga dahong nalipasan na ng panahon.Binabalot ng makislap na sinag ng araw ang kagiliran, animo’y puno ng kagalakan ang sangkatauhan...habang humihiling ang isang musmos na sana’y naging ibon na lamang. Umaawit, lumilipad at masayang naglalakbay sa himpapawid ng kawalan. Malayo sa mapanakop na mundo, mapaminsalang talino at walang katapusang gulo...malayo sa mga tao.
Tumayo at unti-unting ‘kinampay ang mga braso. Umaasang sa susunod niyang buhay, iiral naman sa anyo ng isang inakay.Subalit, kung nakapagsasalita lamang ang ibong kanyang kinaiinggitan…malalaman niyang walang totoong kalayaan. Ang mayroon lamang ay limitadong pagpipilian.