
4 minute read
KAGAMITAN
from BALINTATAW
by PnC Herald
Poem by Jane Elmundo Illustration by Haniel Joy Leron
Masyado ko nang minahal ang lumbay, para hindi ko pagtuunan ng pansin ang lahat sa apat na sulok ng silid ko.
Advertisement
Kabisado ko kung para saan ang alin.
Alam ko kapag may nagbago, ‘pag may nag-iba.
Ang bawat ayos, espasyo at distansya,
Kilala ko ang mga gamit kung kailan ko kukunin, kailan ko kailangan;
Aminado akong hindi sila lahat ay nakukuha kong pahalagahan, pero hindi ko kayang basta na lang itapon ang mga naiwan; Ang mga bagay na ayaw kong iayos, dahil lang sa ito ang paborito kong tignan.
Paulit-ulit na binabalikan.
Kung paanong mas higit pa nating naging tahanan ang nakaraan, kaysa sa silid na kasama mo, pero nakalimutan kang hagkan.
Masyado ko nang minahal ang lumbay.
Ang mga kalat na ito ang magpapatunay na minsan din nating ginustong maghintay, hanggang sa ang maiwan na lamang ay ang mga bakas ng kanilang pananatili.
At ang katotohanang isa tayo sa mga gamit na hindi nila pinili.
Artwork by Blesselle Ramirez

In a Mind of an Overthinker (2020)
AYOS LANG SI MELA
Spoken Word Poetry by Aimes Catherine Berdin
Kamusta ka? Dalawang salita na para bang kay hirap sagutin ng tama Siyam na letra na pilit ikinukubli ang dala-dalang problema
Kamusta ka? Kamusta na? Pagkatapos ng mahabang panahon nang pag-inda Tila walang katapusang mga banta at trahedya “Ayos lang,” yan ang laging sagot ni Mela.
Tandang tanda niya pa Kung paanong ang lahat ay nagsimula Masayang sinalubong ang taon na inakalang Magdudulot ng ginhawa at pag-asa Ngunit hindi Kabaligtaran ng minimithi Pambihirang taon, ika nga nila Pambihirang karanasan ang nadama Hindi pa nakita sa tanang buhay niya Pero ayos lang si Mela
Ayos lang si Mela Kasi akala niya yun na ang una at huli Pero hindi Muli hindi nila pinili.
Nabalot ang kanyang puso ng pangamba at pighati Naunawaang baka ito ang unang ganti Ng Inang Kalikasang matagal nang inaapi Hindi pa man nakakabawi Ang unti-unting pagbangon ay wala pa sa kalahati
Pero heto na naman Panibagong pagsubok ang muling dumampi Kailan ba wawakasan? Sana’y panaginip na lamang
Panaginip Panaginip ang pagkaubos ng maraming nilalang Ang pagbagsak ng maraming kabuhayan Ang paglubog ng pangarap na inaasam Gayunman, Ayos pa rin si Mela Kaya niya pang tumayo ng mag-isa Lumakad kahit paika-ika Magpatuloy kahit pa sa pinakasimula
Bente-Bente Dalawang libo’t dalawampu Ano man ang gamiting salita Pagandahin man ang bawat bigkas ng dila Hindi na maiiba Marahil, isa itong babala Abala
Ang mga tao sa paninisi sa numerong ginawa Bukambibig na ang panahong ito’y isang sumpa Hindi nauunawaan ang totoong diwa Tama na! Ayos parin si Mela Sa kabila ng lahat Sa tuwing maiisip niya kung paano binago ang nakasanayang umaga Kung gaano kalimitado ang hakbang ng mga paa Pinilit maging ayos ni Mela
Kasi ayaw niyang maniwala Maniwala na ang taon sa kasalukuyan ay walang nagawa Kasi ayaw niyang maniwala Na walang dahilan ang pagkadapa Ito ang dahilan kung bakit ayos lang si Mela
Pinaglapit ng di inaasahang pandemya Sakit! Na bumawi sa buhay ng iba Ngunit bumuhay sa pusong tumigas na Iniabot ang kamay upang iligtas sila Naging ayos si Mela
Sa paniniwalang may magliligtas sa kanya Mula Sa kaitaas-taasang lumikha Muling naniwala sa pagmamahal ng Ama
Walang duda Ayos lang si Mela Kahit pa ito ang taon ng matinding pagtumba Dahil ito ang simula nang pag-alaala Pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa Panahon Upang buksan ang mga mata Isipin ang mga nagawa Hawakan ang mga pagkakamali’t unti-unting itama
Kasi ito ang taon na kakambal ng susunod na taon At ng mga susunod pang mga dekada Ito ang pagsubok patungo sa pagbangon
Ang nagtatagong galak sa tuwing umaambon Ang kalakasan sa tuwing mundo’y ‘di umaayon Ang instrumento sa tunay na pag-ahon Kaya masisisi mo ba? Kung ayos lang si Mela
Nga pala Binabati kita! Nalubos mo ang aking paggunita sa nakaraang dala-dala Ako nga pala si Ana, ang kapatid ni Mela Na sa bawat paggising sa umaga Sinasalubong ng mga alaala
Alaalang kasama ko pa siya Sa tuwing ibabalik sa akin ang palaging tanong ko sa kanya “Ayos lang ako Mela,” sambit ko ng mahina
SLOWLY CRUMBLING
Poem by Josh Anne Cipriano
Time slowed. The hourglass shifted, from almost empty to quarter of the grains. Pouring slowly, right from the beginning.
Somehow, everything restarted. Somehow, everything shifted.
But not up here, not my state of mind.
As if when the time slowed down, when I got all these time to myself, the demons I had to hide, the crippling thoughts I had to put under, the intrusive whispers I had to mute; They all started to reappear.
They all started to reappear, and I had no power over them.
Drowning, Suffocating, Gasping for air, Nothing.
Went to do everything, just the way I did before, just to put them behind me, Again.
But they stayed.
When the time slowed down, indication blared through the air, Time was shifted, time was restarted.
Well, not up here. Not my state of mind.
Time slowing down, my mind burning down, ‘Cause I had to face the thoughts I want to stay hidden.