MORNING ROUTINE Poem by Diahnne Hazareno
Isa na siguro sa mga mahirap mapansin yung may kinakasanayan, Kagaya ng ilang beses na pagtulog ng umaga; ‘di mo mamamalayan na ang tiktilaok ng manok na gumigising sa iba ang siyang magpapatulog sa’yo. At kapag nagtagal, mahihirapan ka nang baguhin ang nasa sistema. Isa siguro sa pinakamahirap baguhin yung nakasanayan, Katulad ng pagkakape sa umaga. Hindi na init sa sikmura ang habol, Kundi pati ang ideyang hindi makakakilos kung wala ang inumin. At kapag nagtagal, magigising ka na lang na alipin ka na nito. Isa na siguro sa pinakamahirap e yung masasanay ka, Na iisang pader lang ang makikita mo sa’yong pagmulat at pagpikit Sa araw-araw na pagtitig mo, di mo mamamalayang tila karton pala ang pundasyon nito. At kapag nagtagal, magugulat ka na lang na wala na pala ang pader na dapat e nagpoprotekta sa’yo. Mahirap pag nasasanay ka, hindi mo malaman kung ano nga ba ang tama, O kung ano ang sumusobra na. Minsan hindi mo rin mawari kung lumalangoy ka pa o nalulunod ka na. At sa mga bagay pauli-ulit na, hindi naman masama ang minsanang pag-ikot ng puwit. Dahil kailangan mo rin mag-iba ng puwesto, para makita kung ano nga bang nasa kabilang dulo.
39