BALINTATAW

Page 23

KAGAMITAN Poem by Jane Elmundo Illustration by Haniel Joy Leron

Masyado ko nang minahal ang lumbay, para hindi ko pagtuunan ng pansin ang lahat sa apat na sulok ng silid ko. Kabisado ko kung para saan ang alin. Alam ko kapag may nagbago, ‘pag may nag-iba. Ang bawat ayos, espasyo at distansya, Kilala ko ang mga gamit kung kailan ko kukunin, kailan ko kailangan; Aminado akong hindi sila lahat ay nakukuha kong pahalagahan, pero hindi ko kayang basta na lang itapon ang mga naiwan; Ang mga bagay na ayaw kong iayos, dahil lang sa ito ang paborito kong tignan. Paulit-ulit na binabalikan. Kung paanong mas higit pa nating naging tahanan ang nakaraan, kaysa sa silid na kasama mo, pero nakalimutan kang hagkan. Masyado ko nang minahal ang lumbay. Ang mga kalat na ito ang magpapatunay na minsan din nating ginustong maghintay, hanggang sa ang maiwan na lamang ay ang mga bakas ng kanilang pananatili. At ang katotohanang isa tayo sa mga gamit na hindi nila pinili.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
BALINTATAW by PnC Herald - Issuu