Sa traysikel na ito inilalako ni Tay Teddy Orquia ng Infanta, Quezon ang tanim ng KOMBA, ang kanilang samahang magsasaka sa lugar.
Ang krusyal na papel ng pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya ni Ryan D. Damaso
Totoong sa panahon ng kagipitan at krisis lalong lumalabas ang pagmamahal sa kapwa ng mga Pilipino. Talaga namang punong-puno ng ganitong enerhiya ang mga maralitang magsasaka sa bansa. Bukod sa pagtugon sa kakayaning tulong sa mamamayan at pagsiguro ng sariling suplay ng pagkain, panawagan din ng MASIPAG Luzon sa pagpasok ng pandemya na tiyakin ang nutrisyon o kalusugan at dagdag na kita para sa pamilya ng mga kasaping magsasaka nito. Kaya’t naging susing kawing dito ay ang pagpapatuloy ng produksyon sa sakahan at ang pagpapatibay o pagbubuo ng mga bagong lokal na pamilihan. Halos hindi pa nauubos ang mainit na kape na pinagsasaluhan ng pamilya ni Tay Lauro “Larry” Diego, mula sa pamilya ng maliit na magsasaka ng Barangay Duale, Limay, Bataan, sabay-sabay nang lumusong ang mag-anak sa bukid upang umani at pumitas ng mga gulay na tanim nila sa kanilang munting bukid. Si Tatay Larry ay kasapi ng DUMAOFA o Duale Masipag Organic Farmers Association. Hindi kakaiba ang pamamaraan ni Tatay Lauro sa kanyang pagtatanim at pag-aalaga ng gulay at halaman. Sa isang plot bed ay makikita ang samu’t saring tanim gaya ng letsugas sa pagitan ng spinach, sibuyas at saluyot, na tinawag niyang Bio-Intensive Gardening na multiple cropping o mix cropping na nakapaloob sa companion planting, relay planting at integrated planting.
Ginagawa niya rin ang crop rotation para mahinto ang peste sa halaman at mapanumbalik ang sustansya at taba ng lupa dahil sa kanyang obserbasyon, may mga halaman na malakas kumain ng sustansya ng lupa, mayroon ding katamtaman lamang, at may mga halaman ding nagbabalik ng sustansya sa lupa gaya ng mga legumbre. Sa kanyang garden makikita ang iba’t ibang uri ng gulay at ibat ibang root crops gaya ng kamoteng kahoy, baging at gabi. Sa itaas naman na bahagi ay ang mga prutas at punong kahoy. Ang Diversified Integrated Farming System Malaki ang kinalaman sa pananagumpay ng marketing ng isang magsasakang organiko ang sistemang sinusunod sa pagsasaka. Kaya para sa MASIPAG farmer gaya ni Tay Larry, DIFS ang pinakaakma at lapat sa kanilang kalagayan. Ang tanimang bukid ni Tay Larry ay hindi lalaki sa tatlong-ektaryang bukid at hindi kanila, pagkat binubuwisan lamang ito ng kanyang pamilya mula sa may ari na nakatira sa ibang lugar. Kasama sa maliit na sakahang iyon ang mga alagang hayop gaya ng mga kambing, kalabaw, native na manok, native na baboy at isda. Kayang
kayang pagtuwangan nilang pamilya ang pangangasiwa sa kanilang bukid. Bayanihan at tugon ng mamamayan Dahil hindi napaghandaan ng pamahalaang Duterte ang COVID-19, mas marami pang problema ang nabuo. Isa na rito ang restriksyon sa galaw ng mga tao. Marami ang hindi na makapagtrabaho at nawalan ng kita sa araw-araw na nagdulot ng kakapusan sa akses at suplay sa pagkain. Kaya maagap na nanawagan ang MASIPAG Luzon sa kanyang mga kasaping samahan na makibahagi at makipag-bayanihan para sa mga kapwa magsasakang naiipit sa lockdown, lalo na ang mga mamamayang hindi nababahaginan ng maagap at episyenteng ayuda o tulong mula sa nasyunal o lokal na pamahalaan. “Ang anak kong may tindahan ang pinakiusapan namin ni Brod Dino (Aladino) na magtinda, pero ang mahigpit naming bilin ay babaan ang presyo at huwag nang tutubuan pa. Siguradong malaking tipid ito lalo sa mahihirap na pamilyang kailangan ang pagkain ng gulay.” Kahit sa panahon ng kagipitan, kakayanin ng kapwa na makatulong sa iba kahit pa sa maliit na bagay. Habang nagtutulungan, napapatalas
HUNYO 2019 - HUNYO 2020
|
9