ESPESYAL NA ISYU
Pandemya,
“Plant, plant, plant�, at ang krisis sa pagkain 6
Malinamnam na tagumpay ng organikong sibuyas
14
Kampanya Kontra Gutom: Tugon sa COVID-19 at lockdown
18
Tagumpay at hamon ng Organic Agriculture Act
NILALAMAN
2 Rice Breeders Forum, Isinagawa sa Iloilo 2 Pagdiriwang ng ani sa paaralang Lumad, dinaluhan ng MASIPAG 3 Unang Anibersaryo ng Pagpatay kay Atty. Ben Ramos, Ginunita 3 Mga FDAT Forum sa Visayas at Mindanao, Tagumpay na Inilunsad!
Youth Congress for Agro-Ecology, Matagumpay na 4 International Idinaos
5 Ika-17 Asembliya ng MASIPAG Luzon, matagumpay na inilunsad 6 Ang malinamnam na tagumpay ng organikong sibuyas Gawain sa MASIPAG National Back Up Farm, hindi natinag ng
8 pandemya
10 Ang krusyal na papel ng pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya 12 Pandemya, “Plant, plant, plant”, at ang krisis sa pagkain Kampanya Kontra Gutom: Tugon ng MASIPAG Visayas sa COVID-19 at
14 Lockdown
HINGGIL SA PABALAT Isa sa kinakaharap na pagsubok ng ating mga magsasaka ay ang pagtuloy ng produksyon sa gitna ng pandemya. Makikita sa pabalat si Arnulfo Palma, Jr., farmer trainer ng MASIPAG Mindanao na galing sa Marilog District, Davao City. Nakasuot siya ng face mask alinsunod sa polisiya upang maagapan ang higit pang pagkalat ng virus. Kuha ni Gary Ben Villocino.
pakiki-saknungan: Maniningning na mga kwento sa kanayunan 16 Ang sa gitna ng COVID-19
18 Organic Agriculture Act: Mga Tagumpay at Patuloy na Hamon 22 Gintong ani: Isang taon ng liberalisasyon ng bigas sa Mindanao 24 ASF: Ang natabunang pandemya
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA (MASIPAG) 2611 Carbern Ville, Los Baños, Laguna
masipag.org
@masipagfarmers
Ang SUHAY ay ang opisyal na pahayagan ng Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura. Ngayong taon, minabuti ng patnugutan na gumawa ng espesyal na edisyon upang mas malalim na matalakay ang ibang mga paksa lalo na sa usapin ng kinakaharap na pandemayang COVID-19 at ang seguridad sa pagkain.
PATNUGUTAN Punong Patnugot Cris Panerio Patnugot sa Pamamahala Jio Baldesimo Layout Artists Pol Carson, Tani Famador Mga Manunulat Dennis Omison, XL Fuentes, Bonbon Cacho, Kervin Bonganciso, Jojo Wayang, Georita Pitong, Romeo Cordez, Ryan D. Damaso, Bonifacio Nazareno, Eugene Baylon, Alfie Palumbarit, PJ Santos, Dennis Omison, Joel Abrao, Marloun Miras, Rowena Buena, Chi Ortiz
BALITANG MASIPAG
Talaan ng mga aktibidad ng MASIPAG at ng mga networks nito sa buong bansa
mula sa MASIPAG staff
Rice Breeders Forum, Isinagawa sa Iloilo ni Dennis Omison
M
atagumpay na idinaos ng MASIPAG Visayas ang Regional Rice Breeders forum noong Oktubre 21-22, 2019 sa back up farm sa San Dionisio, Iloilo.
Dinaluhan ito ng mga rice breeders, mga may potensyal na maging bagong breeders at mga interesado sa rice breeding mula sa mga probinsya ng Negros Occcidental, Bohol, Capiz, Antique, Iloilo. Ang mga binhi ng bigas na ipinresenta sa forum ay may kanikanilang katangian tulad ng resistensya na kayang labanan ang peste, ang mahabang tag-init at iba pang banta ng nagbabagong klima. Maganda rin ang eating quality at ani ng mga nasabing farmer-bred varieties. •
Mabungang talakayan | Tinalakay ang mga bagong teknolohiya sa rice breeding sa Rice Breeders’ Forum ng MASIPAG Visayas. (Loob) Isa sa mga organikong rice variety na pinresenta ng mga breeder. masipag visayas
Pagdiriwang ng ani sa paaralang Lumad, dinaluhan ng MASIPAG
I
ni XL Fuentes
nimbitahan ng Community Technical College of Southeastern Mindanao In (CTCSMI) ang MASIPAG Mindanao sa kanilang ‘Kasaulogan sa Produksyon 2019’ o pagdiriwang ng ani, bilang bahagi ng kanilang taunang Foundation Day nitong Oktubre 2019. Ang CTCSMI ay isang paaralan sa Maco, Davao de Oro (dating Compostela Valley) na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga kabataang Lumad at anak ng mga magsasaka sa Mindanao.
Dugong bughaw | Nilagyan ng mga kabataang Lumad Children ang kanilang mga ulo ng kanilang likhang mga korona gawa sa dahon ng niyog bilang simbolo ng masayang pagdiriwang. masipag mindanao
2 | SUHAY
Tampok ang paligsahan ng mga mag-aaral ng kanilang ani: sa pamamagitan ng mga pamantayan ng timbang at bilang, habang isinasapraktika ang Diversified Integrated Farming System (DIFS). Bilang pagpapakita rin ng kanilang kasanayan gamit ang kanilang ani, nagluto ang mga mag-aaral ng talong salad, crispy alugbati, at plant based ‘meatballs’ gamit ang puso ng saging at sapal ng niyog. Simula 2016, naging kabahagi ng MASIPAG Mindanao ang CTCSMI sa adbokasiya para sa likas-kayang pagsasaka. •
Unang Anibersaryo ng Pagpatay kay Atty. Ben Ramos, Ginunita ni Kervin Bonganciso at Jojo Wayang
N
agtipon-tipon ang humigit-kumulang 700 katao noong Nobyembre 6, 2019 upang gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay ni Atty. Ben Ramos.
Magkakasamang ginunita ng mga kapamilya, kasamahan sa trabaho at kaibigan, maging ng mga maralitang magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng Negros. Sa loob ng isang araw na pagtitipon, nagbigay-pugay ang mga kinatawan ng mga asosasyon ng mga magsasakang natulungan ni Atty. Ramos. Nagbigay ng tula, awit at kultural na pagtatanghal ang mga dumalo upang ipanawagan ang hustisya sa pagpaslang kay Atty. Ramos at sa lahat na mga biktima ng extra-judicial killings. Tinapos ang araw sa pagsindi ng kandila (candle lighting) sabay ang panawagan ng katarungan sa pagpaslang kay Atty. Ben Ramos at sa lahat na biktima ng extra-judicial killings. •
Pagluluksa | Inalala at pinagdiwang ng mga organisasyong magsasaka sa Negros ang buhay at ambag ni Atty. Ben Ramos sa mga magsasaka sa isla. masipag visayas
Mga FDAT Forum sa Visayas at Mindanao, Tagumpay na Inilunsad! ni Bonbon Cacho at MASIPAG Mindanao
I
nilunsad ng MASIPAG Visayas at Mindanao ang Farmer’s Developed and Adapted Technologies (FDAT) Regional Forum sa Florentino Galang Sr. National High School, Brgy. Oringao, Kabankalan, Negros Occidental noong nakaraang Oct. 24-25, 2019, at noong Setyembre 11-13, 2019 sa Surallah National Agricultural School (SUNAS). Dinaluhan ang una ng mga magsasaka mula sa mga probinsya ng Western Samar, Leyte, Bohol, Capiz, at Negros Occidental, gayundin ng mga siyentista mula sa Central Philippine State University, at ni Dr. Chito Medina, MASIPAG Scientist. Labing-apat (14) na iba’t-ibang klaseng teknolohiya naman ang iprinisenta ng labindalawang magsasaka sa FDAT Forum ng MASIPAG Mindanao. Kabilang dito ang pinakabatang miyembro ng MASIPAG at youth farmer-leader na si Janel Juaton.
Mahuhusay na praktika | Pinresenta sa Mindanao FDAT ni Jerome Frinal ang kanyang water management mechanism sa pamamagitan ng “sabwag” o direct seeding upang kontrolin ang pagdami ng mga damo sa kanyang taniman. masipag mindanao
Naging hamon sa mga kalahok kung paano papaunlarin ang metodolohiya ng inaaral na inobasyon at pagsisinop sa dokumentasyon nito. Layunin ng mga forum na maibahagi ng mga magsasaka ng kanilang inobasyon at mga bagong tuklas sa iba pang mga magsasaka at mas mapaunlad pa ito sa tulong ng mga siyentista. •
HUNYO ENERO 2019 2019 -- HUNYO HUNYO 2020 2020
|
3
Lathalaing MASIPAG
International Youth Congress for Agroecology, Matagumpay na Idinaos ni Kervin Bonganciso at Georita Pitong
M
alaki ang papel ng sektor ng kabataan sa pagtatatag ng isang mahusay, matiwasay at likas kayang lipunan bilang tagapangalaga at makikinabang nito. Kaya importante ang mulat at aktibong pakikilahok sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Sa kasalukuyan, ang kapabayaan at kakulangan ng suporta ng gobyerno sa sektor ng agrikulura ay malaking isyung dapat pag-usapan. Dito sa Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay isang tumatandang sektor kung saan nasa 57 taong gulang ang karaniwang edad ng isang magsasaka. Ibig sabihin, walang kabataan o iilan na lamang ang may interes sa agrikultura na maaring maging banta sa kasiguraduhan sa pagkain dahil wala na o kakaunti na lamang ang magtutuloy sa pagsasaka bilang kabuhayan. Ito ay bunga ng ilang taong kapabayaan ng gobyerno sa naturang sektor. Ito ang mga dahilan kung bakit na inorganisa ng Central Philippine State University (CPSU), Florentino Galang Sr. National High School (FGSNHS), Paghidaet sa Kauswagan Development Group, Inc. (PDG Inc.), Kalibutan Society Inc., MASIPAG
4 | SUHAY
Inc., Monash University, Melbourne at University of Newcastle, New South Wales, Australia ang kaunaunahang International Youth Congress (IYC) na may temang “Youth for Agroecology.” Ito ay naganap noong Setyembre 2729, 2019 sa Central Philippine State University Main Campus sa Kabankalan City, Negros Occidental. Siyamnapung delegado mula sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas at mula sa Vietnam, India at Australia ang dumalo rito. Ibahagi ng mga delegado ang kanilang mga plano’t programa sa kani-kanilang pinanggalingang komunidad para sa pagbubuo ng isang likas kayang sistemang agrikultura at pagkain sa gitna ng mga kinakaharap na krisis sa klima at ekonomiya. Dumalo ang mga lokal na opisyales ng Kabankalan City na sina Mayor Pedro Zayco at Federated SK President Jorgielyn Largado upang magbigay ng kanilang mensahe sa mga delegado. Naghatid din ng kanyang mensahe ng pagbati at inspirasyon si Cong. Sarah Elago ng Kabataan Partylist via phone patch. Ibinahagi niya ang mga ginagawang
adbokasiya-lehislatibo sa sector ng agrikultura at kabataan at hinikayat na kausapin ang mga LGUs upang ideklara ang “climate emergency” dahil sa mga banta na hatid ng pagbabago ng klima. Dumating din si Dr. Cecilia Gayat Abello ng Department of EducationKabankalan City at nagbigay ng kanyang mensahe ng pagbati sa mga delegado at nag-organisa ng IYC. Matagumpay na idinaos ang kaunaunahang IYC, naging malaman din ang mga workhops at bahaginan ng mga delegadong kabataan. Ani Moy Dela Cruz ng UP Diliman Geographical Society, “Nakaparaming suliranin na kinaharap ang agrikutura sa Pilipinas, nanatiling walang lupang sinasaka ang mga magsasaka natin [...] nakasandig ang produksyon sa agrikultura pero mga magsasaka mismo ay lugmok sa kahirapan. Maganda na bigyang-diin natin ang mga magandang praktika sa agrikultura partikular na sa pagiging organic nito at makakalikasan. Sa hinaharap malaki ang pag-asa kong malutas natin ang problema ng kawalan ng [lupa.]” •
Ika-17 Asembliya ng MASIPAG Luzon, matagumpay na inilunsad ni Romeo Cordez
M
atagumpay na inilunsad ang ika-17 asembliya ng MASIPAG Luzon (MASLUZ) sa Yumi’s Farm, Ilayang Bukal, Lungsod ng Tayabas noong Agosto 27-30, 2019. Isinagawa ang asembleyang ito upang pahigpitin ang kaisahan ng mga kasapi sa MASLUZ sa temang: “Pagpapanday ng ugnayan, pagpapatibay ng bigkis para sa agroekolohiya” sa kasalukuyang kalagayan ng network at ng mga hamon na kinahaharap nito. Dinaluhan ang asembliya ng humigit-kumulang 100 delegado mula sa hanay ng mga samahang magsasaka, siyentista at nongovernment organizations sa Luzon. Sumalubong sa kanila ang eksibit ng mga surplus na organikong produkto ng mga magsasakang MASIPAG. Tinalakay ni Alfie Pulumbarit (Advocacy Officer ng National Secretariat o NS) ang implikasyon ng mga batas at polisiya ng pamahalaan sa mga magsasakang Pilipino. Tinalakay naman ni Ryan Damaso (CLP Area Coordinator) ang krisis sa klima at krisis ng mga magsasaka, habang ibinahagi ni Candy Hidalgo ng PMPI ang mga punto ng Rights
of Nature Bill. Naging bukas ang talakayan para sa mga katanungan.
samahan ang mga butil ng palay, mais, adlai, sorghum, gulay, punongkahoy at rootcrops.
Nagbahagi rin ng mga natatanging karanasan ng mga samahan, tulad ng pagpapaunlad ng samahan ng Malpalon Farmers Integrated Rural Development Association (MFIRDA) ng Calintaan, Occidental Mindoro; grupuhang pagsasapamilihan (MFGS) ng GBP Bungo ng Gapan, Nueva Ecija; Patikim Festival (Advocacy) ng Provincial Coordinating Body ng Quezon 2; at ng Diversified Integrated Farming System (DIFS) ni Lauro Diego ng Duale Masipag Organic Farmers Association (DUMAOFA) ng Limay, Bataan.
Sa ikatlong araw, pormal na idineklara ang pagbubukas ng ika17 Asembleya ng MASIPAG Luzon ni outgoing RMT Chairman Elmer Bolusan. Isinagawa ang pag-ulat ng mga komite na pangungunan ng mga miyembro ng RMT. Nagbahagi ng MASIPAG network updates at direksyon ng network sa susunod na tatlong taon sina Cristino Panerio (MASIPAG National Coordinator) at Rowena Buena (MASLUZ Regional Coordinator).
Ang mga pagbabahaging ito ng mga karanasan ay nagsilbing aral at hamon sa pagpapalakas pa ng mga Provincial Consultative Bodies sa buong Luzon.
Nagkaroon din ng review ng CBL ng MASIPAG. Inendorso at kinilala rin ng kapulungan ang mga bagong associate at regular na miyembro ng network.
Samantala, makulay at masayang nagtanghal ang limang cluster ng MASLUZ sa solidarity night na ginanap sa ikalawang gabi. Nakiisa ang mga mag-aral ng UP College of Social Work and Community Development na inimbitahan sa naturang okasyon. Nagtanghal din ang mga staff ng Masipag Luzon at mga kasapi ng NS.
Inihalal ng kapulungan si Fernando Dechavez ng Bicol bilang bagong RMT Chairman kasama ang miyembro ng RMT na sila Elmer Bolusa (North Luzon), Leody Velayo (CLP), at Robert Estuesta (Southern Tagalog). Inaprubahan naman ng kapulungan ang mga resolusyon hinggil sa pag-aaral at ebalwasyon sa mga kasapi ng MASLUZ, na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng mga samahan. •
Naging taimtim at masaya ang selebrasyon ng buhay sa seed exchange. Inambag ng bawat
HUNYO 2019 - HUNYO 2020
|
5
Tuloy-tuloy ang gawain sa MASIPAG National Back-Up Farm, kahit na malaki ang naging epekto ng umiral na enhanced community quarantine sa bansa.
Gawain sa MASIPAG National Back Up Farm, hindi natinag ng pandemya ni Bonifacio Nazareno at Eugene Baylon
S
a unang bahagi ng taong 2020, naalarma ang buong mundo sa pandemyang Covid-19. Naitala ng Kagawarang Pangkalusugan ang unang positibong kaso sa Pilipinas noong buwan ng Enero, samantalang naitala naman ang unang lokal na transmisyon ng virus pagpasok ng buwan ng Marso. Upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa Pilipinas, ipinatupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR) na sinundan ng mas pinalawig ng quarantine na sumaklaw sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Malaki ang naging epekto nito sa pangkalahatan kabilang sa gawain ng MASIPAG. Subalit ang gawain sa back up farm ay pundamental. Ang pagtitiyak na patuloy na maitanim ang mga binhi sa koleksyon na bahagi ng matagal nang gawaing konserbasyon ng MASIPAG ay kinakailangang ipagpatuloy. Buwan ng Abril nang simulan ang pag-ani sa higit dalawang libong baryedad ng palay. Sa tulong ng dagdag lakas-paggawa na mula sa komunidad ay matagumpay na natapos ang anihan sa loob ng isang buwan na may mahigpit na pagsunod sa mga panuntunang inilabas ng gobyerno tulad ng physical distancing, pagsuot ng PPE, palagiang paghugas ng kamay at
6 | SUHAY
pagpapalit ng damit. Sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad labas ng national back-up farm (NBUF), ikinalulugod nating marinig mula sa mga manggagawang-bukid na malaki ang tulong ng MASIPAG sa kanilang pamilya sa panahon ng lockdown. Sa sistematikong latag ng programa sa BUF, natitiyak ang binhi para sa koleksyon gayundin ang binhing para sa trial farm. Nagpatuloy rin ang mass production. Bahagi ng ani mula rito ay naipaabot sa mga katuwang na organisasyon ng MASIPAG upang makatulong sa relief operations para sa ilang pamilyang lubhang apektado ng pandemya. Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga PO sa binhi, patuloy ang seed
distribution para sa mga trial farm nang lumuwag ang restriksyon sa pagkilos at paglabas sa mga boundary ng munisipyo at probinsiya. Kinilala maging ng empleyado ng courier ang gawain nating ito gayundin ang labis na pagsusumikap na maabot ang mga PO. “Bigyan ko kayo ng discount, alang-alang sa mga magsasaka,� aniya ng courier. Sa gitna ng krisis at ligalig, makaaasa ang mga PO at ang buong network ng MASIPAG sa ibayong pagsusumikap para sa NBUF. Ito ay upang makatugon sa mga pagbabago at maipagpatuloy ang operasyon nito para sa pagmintina ng koleksyon ng binhing palay; binhing mapagpalaya at umaangkop sa nagbabagong klima.
•
Nagpatuloy ang mass production sa NBUF habang sinusunod ang karampatang health and safety protocols, tulad ng pagsusuot ng face masks at pagtalima sa social distancing para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus.
SIBUYAS FACTS MAY DALAWANG TIPO NG SIBUYAS SA PILIPINAS. DILAW Inulat ni Orcino ng DOFA ang tagumpay ng organikong agrikultura sa pagtatanim at pagpaparami ng sibuyas.
N
itong mga nagdaang taon, pinasigla ng MASIPAG Luzon ang produksyon at pananaliksik sa organikong sibuyas dahil pangunahing pananim at produkto ito ng mga magsasakang MASIPAG sa Nueva Ecija. Pinag-aaralan ng mga magsasaka ang pinakamabisang paraan sa pagaalaga ng sibuyas sa organikong pamamaraan; mula sa pagbibinhi, pagpapalaki ng mga bulb, soil at water management, at epektibong paglikha ng sariling buto at pagpaparami ng binhi upang hindi na bumili pa ng mga komersyal at imported na binhing sibuyas. Sa pangangasiwa ng Provincial Consultative Body (PCB-NE), aktibong bahagi ng pag-aaral na ito ang mga samahang magsasaka ng Digmala Organic Farmers Association (DOFA) sa Brgy. Digmala, Bongabon at Gabay sa Bagong Pag-asa (GBP) ng Sitio Carugang, Brgy. Bugnan, Gabaldon, Nueva Ecija.
Granex
Gamit ang sariling karanasan sa pagtatanim ng sibuyas at iba pang halaman at sa fermentation, nakagawa ng organikong mga pataba sina Carlito Orcino ng DOFA.
Grano
PULA
Ang prutas ng halamang tibig (Ficus nota Merr.) ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang concoction bilang fermented fruit juice (FFJ) na nagsilbing foliar fertilizer at ang suob kabayo (Hyptis suaveolens) naman ang ginawa niyang fermented plant juice (FPJ) at growth enhancer. Sa pagitan ng mga kama ng sibuyas tinanim ang mga amarillo at marigold habang native na mais sa gawing ibaba.
Red Creole
Red Pinoy
Ang mga pulang barayti ang kadalasang itinatanim sa bansa dahil higit na mas matagal itong masira kumpara sa dilaw na sibuyas.
Ani, Kita, Pag-asa Inani ang mga tanim na organikong sibuyas ni Orcino noong unang linggo ng Abril 1-6, 2019, at kanya itong dinala sa ika-10 General Assembly sa Quezon City. Mabilis na naubos ang unang sampung sakong buriki na inani niya.
ni Ryan D. Damaso
Ang malinamnam na tagumpay ng organikong sibuyas
HUNYO 2019 - HUNYO 2020
|
7
U
nang naitanim ang sibuyas (Allium cepa L.) at pinarami bilang pagkain at medisina sa Gitnang Asya at Babylonia (Iran) at Pakistan, 5,500 taon na ang nakakalipas. Sa Pilipinas, hindi tiyak kung kailan unang pinarami at itinanim ang sibuyas, ngunit naging isa ito sa mga mahalagang pampalasa sa mga lutuin nating mga Pilipino.
SAAN KARANIWANG TINATANIM ANG SIBUYAS SA PILIPINAS?
“Halos wala akong gastos sa produksyon ng organikong sibuyas dahil nakukuha ko sa aking paligid ang aking gamit. Halos kapareho lang din ang resulta sa sibuyas na ginamitan ng komersyal na pataba,” ayon kay Orcino. “Hindi rin dinapuan ng peste gaya ng harabas ang aking mga sibuyas dahil palagi ko naman nadadamuhan at nalilinisan ang taniman.” Galing sa ramp pump ang tubig na pandilig ng sibuyas ni Carlito na hindi ginagamitan ng kuryete o diesel. “Talagang kikita ka dito sa organikong sibuyas. Kailangan na nga lang tuklasin kung paano tayo makalilikha at magpaparami ng sarili nating binhi ng sibuyas upang hindi na tayo bibili pa,”dagdag pa ni Carlito.
Next Level Na Sa huling pulong ng PCB NE at ng Technical Working Group-Onion, napagpasyahang ilunsad ang susunod na lebel ng research: ang pagpapabuto. Kinukumpleto ngayon ng PCB NE at MASIPAG Luzon ang dokumentasyon sa ginawang Organic Onion Trial nila Orcino at ng iba pang magsasaka at paunlarin ang Organic Onion Protocol na gabay sa proseso sa pag-
aalaga at pagtatanim ng sibuyas sa pamamaraang organiko at likas-kaya. Dahil sa inisyal na tagumpay ng praktika ng magsasakang MASIPAG sa Nueva Ecija, isa si Orcino sa naimbitahan ng Right Seeds Workshop Group sa Germany sa darating na July 2020. Bahagi ng kanilang pagbisita ang pagpapalitan ng mga buhay na karanasan, kongkretong kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga, pamamahala, at pagsasaka ng sibuyas at iba pang halamang gulay at butil. Sa nagbabagong klima at pagkasira ng maraming ekosistema sa daigdig, higit na mahalaga ngayon ang paglilinang ng mga maliliit na magsasaka ng kanilang kasanayan sa pagsasaka habang nilalabanan ang pagkasira ng kalikasan. Sa pamamagitan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng produksyon ng sibuyas at iba pang mga pagkaing halaman, at pagbabahaginan ng mga kaalaman at karanasan sa pagsasaka, napapalalim at napapalawak natin ang isang kilusang nagtataguyod ng nakasasapat sa sariling ekonomiya sa pagsasaka, at napapatibay ang pundasyon ng ating adhikaing itaguyod ang maliliit na magsasaka sa buong mundo. •
Dahil sa tagumpay ni Orcino at ng DOFA, inimbitahan sila ng Right Seeds Workshop Group para ibahagi ang kanilang mga pamamaraan sa pagpapayabong ng organikong sibuyas.
8 | SUHAY
Sa traysikel na ito inilalako ni Tay Teddy Orquia ng Infanta, Quezon ang tanim ng KOMBA, ang kanilang samahang magsasaka sa lugar.
Ang krusyal na papel ng pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya ni Ryan D. Damaso
Totoong sa panahon ng kagipitan at krisis lalong lumalabas ang pagmamahal sa kapwa ng mga Pilipino. Talaga namang punong-puno ng ganitong enerhiya ang mga maralitang magsasaka sa bansa. Bukod sa pagtugon sa kakayaning tulong sa mamamayan at pagsiguro ng sariling suplay ng pagkain, panawagan din ng MASIPAG Luzon sa pagpasok ng pandemya na tiyakin ang nutrisyon o kalusugan at dagdag na kita para sa pamilya ng mga kasaping magsasaka nito. Kaya’t naging susing kawing dito ay ang pagpapatuloy ng produksyon sa sakahan at ang pagpapatibay o pagbubuo ng mga bagong lokal na pamilihan. Halos hindi pa nauubos ang mainit na kape na pinagsasaluhan ng pamilya ni Tay Lauro “Larry” Diego, mula sa pamilya ng maliit na magsasaka ng Barangay Duale, Limay, Bataan, sabay-sabay nang lumusong ang mag-anak sa bukid upang umani at pumitas ng mga gulay na tanim nila sa kanilang munting bukid. Si Tatay Larry ay kasapi ng DUMAOFA o Duale Masipag Organic Farmers Association. Hindi kakaiba ang pamamaraan ni Tatay Lauro sa kanyang pagtatanim at pag-aalaga ng gulay at halaman. Sa isang plot bed ay makikita ang samu’t saring tanim gaya ng letsugas sa pagitan ng spinach, sibuyas at saluyot, na tinawag niyang Bio-Intensive Gardening na multiple cropping o mix cropping na nakapaloob sa companion planting, relay planting at integrated planting.
Ginagawa niya rin ang crop rotation para mahinto ang peste sa halaman at mapanumbalik ang sustansya at taba ng lupa dahil sa kanyang obserbasyon, may mga halaman na malakas kumain ng sustansya ng lupa, mayroon ding katamtaman lamang, at may mga halaman ding nagbabalik ng sustansya sa lupa gaya ng mga legumbre. Sa kanyang garden makikita ang iba’t ibang uri ng gulay at ibat ibang root crops gaya ng kamoteng kahoy, baging at gabi. Sa itaas naman na bahagi ay ang mga prutas at punong kahoy. Ang Diversified Integrated Farming System Malaki ang kinalaman sa pananagumpay ng marketing ng isang magsasakang organiko ang sistemang sinusunod sa pagsasaka. Kaya para sa MASIPAG farmer gaya ni Tay Larry, DIFS ang pinakaakma at lapat sa kanilang kalagayan. Ang tanimang bukid ni Tay Larry ay hindi lalaki sa tatlong-ektaryang bukid at hindi kanila, pagkat binubuwisan lamang ito ng kanyang pamilya mula sa may ari na nakatira sa ibang lugar. Kasama sa maliit na sakahang iyon ang mga alagang hayop gaya ng mga kambing, kalabaw, native na manok, native na baboy at isda. Kayang
kayang pagtuwangan nilang pamilya ang pangangasiwa sa kanilang bukid. Bayanihan at tugon ng mamamayan Dahil hindi napaghandaan ng pamahalaang Duterte ang COVID-19, mas marami pang problema ang nabuo. Isa na rito ang restriksyon sa galaw ng mga tao. Marami ang hindi na makapagtrabaho at nawalan ng kita sa araw-araw na nagdulot ng kakapusan sa akses at suplay sa pagkain. Kaya maagap na nanawagan ang MASIPAG Luzon sa kanyang mga kasaping samahan na makibahagi at makipag-bayanihan para sa mga kapwa magsasakang naiipit sa lockdown, lalo na ang mga mamamayang hindi nababahaginan ng maagap at episyenteng ayuda o tulong mula sa nasyunal o lokal na pamahalaan. “Ang anak kong may tindahan ang pinakiusapan namin ni Brod Dino (Aladino) na magtinda, pero ang mahigpit naming bilin ay babaan ang presyo at huwag nang tutubuan pa. Siguradong malaking tipid ito lalo sa mahihirap na pamilyang kailangan ang pagkain ng gulay.” Kahit sa panahon ng kagipitan, kakayanin ng kapwa na makatulong sa iba kahit pa sa maliit na bagay. Habang nagtutulungan, napapatalas
HUNYO 2019 - HUNYO 2020
|
9
pa ang mga prinsipyong gabay at teknika na itinataguyod sa pagsasaka at nabibigyan mo ng klarong balidasyon ang saysay ng gawaing likas-kayang pagsasaka para sa maliliit na magsasaka.
Upang makatulong sa kapwa maralita na nahirapang maghanapbuhay dahil sa lockdown, binabaan ni Tatay Larry at kapatid na si Aladino ang presyo ng kanilang binebentang gulay.
Iba pang halimbawa sa Quezon, Nueva Vizcaya, at Benguet Bukod sa DUMAOFA ng Bataan, sinikap din ng KOMBA sa Baranggay Agos-agos, Infanta, Quezon na makatugon sa panawagan. Bago pa ang ECQ, karamihan sa mga kasapi ay katatapos lamang umani ng kanilang mga tanim na palay, habang nagkonsentra ang ibang kasapi sa mga backyard gardening at gulayan. Makalipas ang lockdown, naani na ang mga tanim na gulay. Subalit, naging problema naman ang pagbebenta dahil nahirapan nang dalhin sa bayan ang mga produkto. Bukod sa binabarat sa pamilihan, kinailangan din ng papeles upang makalusot sa mga checkpoints ng pulis at militar. Sa kanilang mga konsultahan, nagboluntir si tatay Teodorico “Teddy� Orquia na kunin ang mga naaning gulay ng mga kasapi ng KOMBA at ilako sa barangay gamit ang sariling tricycle. May tindahan din siya papasok sa kanilang barangay na pamilihan ng mga gulay ng kanilang kapitbahay at ng mga mamimili mula sa karatig barangay. Ang iba naman ay kanyang binebenta sa karatig barangay gamit ang lumang sasakyan. Naging kagila-gilalas naman ang karanasan ni Tatay Basilio Prado, lider ng SJOFA sa Solano, Nueva
Vizcaya. Mismong sa kanilang barangay covered court sa San Juan siya naglatag ng paninda na sariwa at organikong mga gulay. Sinuportahan ito ng kanilang Barangay Kapitan bilang pagtugon sa panawagan ng LGU ng bayan na iwasan ang paglabas ng mga tahanan at komunidad upang hindi na mahawaan ng bayrus. Dinadala naman ni Priscillo Bumatay, o mas kilala bilang Tatay Silong, sa palengke ng Bagabag, Nueva Vizcaya ang kanyang mga produkto. Subalit dahil sa kanyang edad na 80, ibinebenta na lamang ni Tay Silong ang kanyang mga gulay ng wholesale (maramihan) upang makaiwas sa pagtagal sa palengke at makauwi agad. Sa Tuba, Benguet, ang mga sertipikadong organikong gulay ay naibebenta ng mga magsasaka sa pamamagitan ng text messages. Iniaalok ng mga magsasaka ang gulay at dito na rin pipirmihin ang pagdedeliver at pagbayad. Maraming naging paraan ang mga magsasakang MASIPAG kung paano makatulong sa mga kababayan habang natutugunan ang sariling pangangailangan.
Nabuo rin ang mga bagong lokal na pamilihan, na may malaking potensyal na maibenta ang kanilang sariwa at organikong tanim.
Mga dapat pang kamtin Bagamat malaki ang naitutulong ng mga gawaing ito ng mga magsasaka, kailangan pa rin ng mas malaking suporta, angkop at malinaw na polisiya, plano, at istratehiya sa pagkain, kalusugan at pamilihan laluna sa panahon ng pandemya. Dapat ito ang isa sa pangunahing tinutugunan ng pamahalaan. Nananatili ang pangangailangan ng libreng mass testing; ayuda, hindi pautang, sa sektor ng agrikultura; pagpapahinto sa mga antimagsasakang polisiya tulad ng Rice Liberalization Law at TRAIN Law; pagpapalakas sa maka-magsasakang programa katulad ng organic agriculture at higit na pagbubukas sa mga lokal na pamilihan at kakayahan ng mga samahang magsasaka sa gawaing pagsasapamilihan ng kanilang mga produkto at ani, upang masiguro ang pagkakamit ng mga maliliit na tao sa kasapatan sa pagkain na ligtas at abot-kaya para sa lahat, may pandemya man o wala. •
(Kaliwa) Ipinakita ni Tatay Silong ang kanyang gulayang naka-DIFS. (Gitna) Ang munting tindahan ng gulay ni Tatay Basil sa barangay covered court sa San Juan, Solano, Nueva Vizcaya. (Kanan) Si Tatay Larry sa harap ng tindahan ng kanyang anak sa Limay, Bataan. Dito nila ibinebenta ang kanilang mga aning gulay.
10 | SUHAY
ng MASIPAG ICA Unit
H
indi na bago sa atin ang problema sa pagkain at agrikultura. Hindi pa man tumatama ang pandemya, milyong Pilipino ang nakararanas ng kronikong kagutuman, habang karamihan, lalo na ang mga batang Pilipino, ang nakararanas ng matinding malnutrisyon. Sa hanay ng mga magsasaka, marami sa kanila ang hindi makawala sa pagkakatali sa programang Green Revolution na naglubog sa kanila sa utang, at nagdulot ng problema sa kalusugan at kapaligiran. Sa pagtama ng pandemyang COVID-19, higit pang nailantad ang malalim na problema sa pagkain at agrikultura. Ayon sa datos ng Social Weather Stations, halos dumoble ang bilang ng mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman, o 3.9 milyong pamilya. Pinakamatinding tinamaan ang mga maralita sa Metro Manila, na tinaguriang sentro ng pandemya sa bansa.
Ayon sa datos ng Social Weather Stations, halos dumoble ang bilang ng mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman, o 3.9 milyong pamilya.
Sa kabila ng ayudang ibinibigay ng gubyerno, nananatiling kulang ang nasabing tulong para sa araw-araw na pangangailangan ng mamamayan, laluna sa pagkain. Sa kabilang banda, dahil sa matinding restriksyon sa pagbyahe ng produkto at barat na presyuhan, maraming produktong agrikultural ang itinatapon na lamang ng mga magsasaka.
Mabagal ang pagdating ng tulong sa mga magsasaka. Target ng DA na bigyan ng financial subsidy ang halos 591,000 beneficiaries. Ngunit ayon kay Neri Colmenares, na nagsalita sa isang webinar ng Bantay Bigas, umabot lamang sa mahigit 52,000 beneficiaries ang nabigyan ng tulong noong Abril 14. Matapos ang dalawang buwang lockdown, saka pa lamang inulat ng DA, na nakaabot na ang tulong na Php 5,000 cash aid sa 89% ng target beneficiaries o halos 525,478 magsasaka ng palay.
Plant, Plant, Plant ng DA – ayuda para sa magsasaka? Para matugunan ang nararanasang kahirapan ng mga magsasaka bunga ng pandemya, inilatag ng Departamento ng Agrikultura (DA) ang programang ALPAS COVID o mas kilala sa Plant, Plant, Plant. Layon nitong bigyang ayuda umano ang sektor ng agrikultura upang makaagapay sa pangangailangan ng mamamayan sa pagkain.
Sadyang maliit pa rin ang bilang ng nakatanggap ng nasabing ayuda. Nasa 2.7 milyon ang kabuuang bilang ng mga magsasaka at manggagawang bukid na nagtatanim ng palay. Sa kabuuang budget ng DA para sa pandemya, na nagkakahalaga ng 51 bilyong piso (P20 bilyon para sa food logistics at P31 bilyon para sa ALPAS COVID), tinatayang 6% lamang ng nakalaang pondo ang para sa social amelioration program (SAP) sa mga magsasaka.
Sa ilalim ng nasabing programa, 31 bilyong pisong supplemental fund ang ilalaan para sa ayuda sa mga magsasaka gaya ng binhi, gamit pansaka at relief.
Hindi rin maayos ang sistema kung paano ipapaabot ang ayuda. Ayon sa mga ulat, kinakailangang rehistrado ang mga magsasaka sa DA upang maging kwalipikado sa ayuda. Tinitignan bilang benepisyo ang SAP sa halip na ayuda na para sa lahat ng nangangailangan. Sa panahon ng kalamidad, dapat unibersal ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan para maharap ang kawalan ng kabuhayan. Ngunit dahil benepisyo ang pagturing ng pamahalaan, targeted o nakatiyak lamang sa iilang benepisyaryo ang ayuda, na
Gayunman, nakikitang pagpapatuloy lamang ito ng mga kasalukuyang programa ng DA, na pangunahing nakatuon sa malawakang importasyon ng produktong agrikultural, pagpapalakas ng kontrol ng mga korporasyon sa pagkain at agrikultura, tinutulak ng pamilihan, at hindi para sa kaseguruhan sa pagkain. Walang malinaw at agarang tugon para tulungan ang mga maliliit na mga magsasaka.
HUNYO 2019 - HUNYO 2020 |
11
Sa panahon ng kalamidad, dapat unibersal ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan para maharap ang kawalan ng kabuhayan. nagdudulot ng dagdag na problema sa pagpili at pamamahagi. Apat na bilyong piso mula sa programang ALPAS COVID ay nakalaan sa Expanded SURE Aid Program at Expanded Agriculture Insurance Project, na pawang pautang imbes na direktang tulong sa mga magsasaka.
Agrikultura para sa pakinabang ng mga korporasyon Imbes na paunlarin, itinutulak pa rin ng DA ang mga dati nang programa nito sa pagkain at agrikultura. Sa ilalim ng 8.5 bilyong pisong Rice Resiliency Program (RRP) sa ilalim ng Plant, Plant, Plant, itutulak ang pagtatanim ng hybrid rice at paggamit ng kemikal na abono sa mga palayan. Sinabayan pa ito ng promosyon ng genetically-modified (GM) crops at iba pang tipo ng kumbensyunal na pagsasakang nakaasa sa mamahalin at panlabas na inputs na tanging makikinabang ay mga kumpanya at komersyante. Ginawang oportunidad ng Bayer at Corteva Agriscience ang programang Plant, Plant, Plant ng gubyerno sa pamamagitan ng libreng pamimigay ng mais at palay. Mamimigay naman ang Bayer ng hybrid Arize rice at Dekalb corn seeds, na pawang GMO na produkto ng Monsanto. Prayoridad pa rin ang cash crops at plantation crops pang-export sa halip na food crops para sa mga mamamayan. Hindi pa rin humihinto ang land use conversion sa maraming lugar sa bansa. Pinaplano rin ng DA ang pagpapalit-gamit ng mga lupaing ninuno para taniman ng mga produktong agrikultural. Patuloy pa rin ang liberalisasyon sa agrikultura, partikular sa industriya ng palay.
12 | SUHAY
Ngayong 2020, tinatayang aabot sa 3.3 milyong metriko tonelada (MMT) ng bigas ang planong angkatin ng bansa, mas malaki kumpara sa 3.1 MMT na inangkat natin noong 2019. Nangangamba rin ang mga lokal na producers ng manok sa planong pagdagsa ng imported na manok ngayong taon. Maaaring palalain pa ito ng programang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa na nakikitang magpapataas ng antas ng kawalang-trabaho sa kanayunan, kung walang aabutang maayos na trabaho at kabuhayan ang mga mamamayang uuwi sa mga probinsya. Lumalala pa ang krisis, at nag-anak pa ito ng mga komplikasyon para sa ating mga magsasaka at mamamayan. At kung hindi ito mabilis na matutugunan, maaaring makaranas ng ikalawang pandemya ang bansa – ang pandemya ng gutom – gaya ng inilahad ng World Food Program ng United Nations.
Agroekolohiya, Soberanya sa Pagkain sa Panahon ng Pandemya Hindi na uubra ang dating mga programa ng gubyerno para sa agrikultura. Sa ilang buwang lockdown, ipinakita ng mga mamamayan at magsasaka na
napakaraming inisyatiba alternatiba para makaangkop makatugon sa krisis.
Naging pangunahing panawagan ang pag-aaral at pagsasapraktika ng mga prinsipyo ng agroekolohiya bilang tugon sa krisis sa pagkain. Binibigyang diin ng mga prinsipyo ng agroekolohiya ang kahalagahan ng sama-samang paggawa, pagsasapraktika ng likas-kayang pagsasaka, pagpapatatag ng lokal na merkado at ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagkamit ng sapat, ligtas, abot-kamay at abot-kayang pagkain. Nariyan din ang iba’t ibang mga serbisyo at hakbang upang tugunan ang kagyat na pangangailangan sa pagkain. Sa Iloilo, pinangunahan ng MASIPAG Visayas ang health and nutrition programs sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa pagkain, training sa urban gardening at community kitchens. Pagpapalakas ng bayanihan at batarisan naman ang naging gawi para makaangkop ang mga magsasaka at people’s organization sa MASIPAG Luzon. Online information dissemination naman hinggil sa COVID-19 at iba’t ibang tips sa urban gardening ang pinagsikapan ng MASIPAG Mindanao. Maaaring matagal-tagal pa susuungin ng mga magsasaka ang pandemya, kasabay na pagdagan ng mga maling polisiya sa agrikultura. Kung mayroon mang nakikitang positibo, ito ay ang unti-unting pagkamulat at pagkikiisa ng mga mamamayan sa pag-asam ng isang matatag na sistema sa pagkain at agrikultura, kung saan sentral ang mga maliliit na mga magsasaka.
•
Mga sanggunian: PAN Asia Pacific. ‘Business as usual’ for Agrochemical Industry: Damaging to Biodiversity, Farmers.
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pagsusuri sa Programa ng DA na Plant, Plant, Plant (ALPAS-COVID).
Philippine News Agency. 89% of target beneficiaries receive pandemic relief.
Manila Times. No chicken, pork imports until end of year.
Department of Agriculture. Rice farmers to receive free seeds, fertilizers for May 2020 main season
at at
Reports mula sa regional offices ng MASIPAG
Kampanya Kontra Gutom:
Tugon ng MASIPAG Visayas sa COVID-19 at Lockdown ni Kervin Bonganciso, Dennis Omison, at Bonbon Cacho
M
arso 16 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong isla ng Luzon, matapos maitala ang kauna-unahang kamatayan dahil sa COVID-19 na mula sa bansa. Sa kabila ng maingay na panawagan ng mamamayan noong Enero na itigil ang pagpasok ng mga flights mula sa Wuhan, China, sentro ng virus, isinaalang-alang pa ng administrasyong Duterte ang diplomatikong relasyon nito sa China kaysa sa kapakanan ng sarili nitong mamamayan. Idineklara rin ng World Health Organization (WHO) na Global Health Crisis ang COVID-19, ngunit minaliit ito ng administrasyon at hindi pinaghandaan ang nakaambang pandemya. Ilang araw matapos na isailalim ng pamahalaang nasyunal sa ECQ ang buong Luzon, sumunod naman ang mga Local Government Units (LGUs) sa labas ng Luzon at isinailalim sa ECQ ang kanilang mga lugar, alinsunod sa guidelines ng InterAgency Task Force for Emerging
sa 3 milyong magsasaka sa buong bansa. Sa ilalim ng RRP, 210,000 lamang na magsasaka ng palay ang mabibigyan ng tulong sa Region 6 at ayon sa datos ng DA VI nasa 114,500 na magsasaka lang ang rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture.
Infectious Diseases (IATF-EID). Dahil sa naging padalosdalos at kawalan ng maayos at komprehensibong programa ng gobyernong nasyunal para harapin ang pandemya, malaki ang naging epekto ng lockdown sa mga informal sectors, mangingisda, at magsasaka.
Mayroon din na one-time cash assistance na P5,000 na kabilang sa amelioration program na limitado at ibibigay lamang sa mga magsasaka na mayroong lupang hindi hihigit sa isang ektaryang lupa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Ayon sa DA, kakaunti ang mabibigyan ng onetime cash assistance dahil hindi lahat ay pasok sa batayan ng ahensya.
Sa sektor ng agrikultura, naging limitado ang paggalaw ng mga magsasaka dahil sa curfew at sa kawalan ng maayos na transportasyon. Nabulok ang kanilang mga produkto at kung maibenta man ay halos ipamigay na lang dahil sa sobrang baba ng presyo. Ayon sa Department of Agriculture (DA), mayroong P31 bilyon na supplemental budget ang ahensya para sa Ahon Lahat, Pagkaing Sapat kontra COVID-19 (ALPAS COVID-19) o mas kilala sa programang “Plant, Plant, Plant�. Layunin ng programang tulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng ECQ.
Malinaw na hindi naging sapat ang tulong na ibinibigay sa magsasaka, kung mayroon man, at hindi akma sa kanilang pangangailangan. Dahil sa sitwasyong ito, nagbuo ng Kampanya Kontra Gutom ang MASIPAG Visayas. Layunin ng kampanyang mabigyan ng kaukulang gabay ang mga People’s Organizations (PO) at ang komunidad kung paano haharapin ang kakulangan sa suplay ng pagkain
Ngunit P8.5 bilyon lang ang inilabas na budget ng ahensya, para lamang sa Rice Resiliency Project (RRP) na magbibigay ng binhing palay at abono
(Kaliwa) Isa sa mga nabigyan ng Food Relief sa Brgy. Poblacion, Cauayan. (Gitna) Mobile Feeding Program sa San Dionisio, Iloilo, kasama ang LGU ng Brgy. San Nicolas. (Kanan) Seed Distribution pagkatapos ng Urban at Health Orientation sa Ajuy, Iloilo.
HUNYO 2019 - HUNYO 2020|
13
ang pinakabulnerable sa gutom at food insecurity dahil sa limitado at kadalasan walang access sa abot-kaya at masustansyang pagkain. Kung mayroon mang tulong mula sa LGUs, delata at noodles lang ang kadalasang laman ng mga relief packs – hindi sapat para punan ang kinakailangang sustansya ng katawan.
(Kaliwa) Mga produkto ng mangingisda mula sa Roxas na ipinagpalit sa produkto ng mga magsasaka. (Kanan) Health Orientation sa mga kabataan sa Ajuy, Iloilo.
at gutom sa gitna ng ECQ; magpalitaw ng rekurso para sa seed and food relief activities; palakasin ang pakikipagalyansa sa mga LGUs, taong simbahan, at iba pang mga grupo at mapakilos ang mga organisasyon ng magsasaka upang ipanawagan sa gobyerno ang ayudang dapat sa kanila.
Isla ng Negros Sa Cauayan, Negros Occidental, problema ng mga magsasaka ang pagbebenta ng kanilang mga produkto dahil sa ECQ. Bukod kasi sa limitadong paggalaw dahil sa curfew, hindi na rin sila makapagbenta ng kanilang mga produkto sa barangay at munisipyo. Pansamantalang itinigil ang market day upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao at ang pagkalat ng virus. Tigil pasada rin ang mga pampublikong sasakyan na kadalasang naghahatid ng kanilang produkto sa bayan. Bagamat may sariling mapagkukunan ng pagkain habang naka-lockdown, lubos na naapektuhan ang kanilang kabuhayan at iba pang pangangailangan. Sa kabila nito, nagsumikap ang MASIPAG na tulungan ang mga miyembro ng POs sa Cauayan na ibenta ang kanilang mga produkto. Sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office at Municipal Social Welfare Department-Sustainable Livelihood Program (MSWD-SLP) ng Cauayan, nakapaglaan ng pondo para bilhin ang mga produkto ng mga
14 | SUHAY
myembro sa 4 na POs dito (DAPAT, AMLIG, TUSFA, MANGGAD). Matagumpay ring naglunsad ng food relief at feeding program sa Barangay Poblacion, isang coastal community sa Cauayan. Ang mga nabiling produkto (bigas, kalabasa, munggo) mula sa magsasaka ay ipinamigay sa 40 pamilya. Masaya ang mga magsasaka, dahil kahit papaano ay nalutas ang kanilang problema nang nabenta ang kanilang mga produkto. Gayundin, masaya rin ang mga napakaing kabataan, dahil sa halip na noodles at delata, sariwa at masustansyang pagkain ang kanilang natanggap.
Isla ng Panay Sa bayan ng Capiz, barter naman ang naisip na paraan ng mga mangingisda at magsasaka para lampasan ang hamon ng ECQ sa pagbebenta ng kanilang produkto. Sa halip na hayaan na lamang na mabulok o ‘di kaya ay mabenta sa sobrang babang presyo, naisipang i-barter ng mga magsasaka ang kanilang produktong bigas, gulay, at iba’t ibang halamang-ugat sa mga mangingisda kapalit ng ilang kilong tuyo at isda. Naging tampok din ang urban gardening orientation sa mga urban poor communities sa Roxas City at Iloilo City. Sa panahon ng pandemya at lockdown, ang mga maralitang tagalungsod
Hindi lang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at palagiang paghugas ng kamay ang kailangan para sugpuin ang COVID-19. Mahalaga rin ang malakas na resistensya para labanan ang anumang uri ng sakit, at makukuha ito sa masustansyang pagkain, gaya ng mga gulay at prutas. Ito ang dahilan kung bakit bahagi ng Kampanya Kontra Gutom ang pagbibigay ng urban gardening orientation at binhing gulay sa mga urban poor communities. Pangunahing layunin nito na makaabot ang masustansyang pagkain gaya ng gulay sa mga komunidad, na kadalasan ay limitado o walang access sa abot-kaya at masustansyang pagkain. Nagsagawa rin ng serye ng feeding activities para sa mga kabataan sa Ajuy, San Dionisio, Barotac Viejo, Dumangas, at Sara sa probinsya ng Iloilo. Nasa 900 packs ng kalabasa canton ang ginawa sa MASIPAG Visayas Back Up Farm na ginamit para sa mga feeding activities. Umabot sa 17 komunidad ang nabigyan ng urban gardening orientation at health orientation. Mayroon namang 314 sets ng binhing gulay ang naipamigay sa mga dumalo. Nakasama ang 439 kabataan sa feeding na ginawa sa Nothern Iloilo. Lahat ng ito ay matagumpay na nangyari dahil sa iba’t ibang mga organisasyon, LGUs, at simbahan na nakatuwang ng MASIPAG. Patunay ito na sa panahon ng pandemya, ang sama-sama at organisadong pagkilos ang susi para malampasan ang anumang pagsubok. Gayunpaman, simula lamang ito ng mas mahaba at masalimuot na laban para makamit ang karapatan at kasiguraduhan sa pagkain.
•
ni Gary Ben S. Villocino at Leo XL Fuentes
N
akatihaya sa ilalim ng upuan sa sala, madalas rin ay sa baba mismo ng hapag-kainan pinapakain. Pana-panahon ay pinapaliguan para mabango pag tinabi na nilang matulog sa gabi. Mahalaga ang alagang hayop para sa magsasaka. Sila ang mga piping saksi sa lahat ng paghihirap sa buhay-bukid.
Fever (ASF) sa Davao City, na umabot sa nakakaalarmang antas.
Pero kakaiba ang alaga ni Ate Enalyn Basarte. Kaiba sa kadalasang tumatahol, ang alaga niyang si Babes ay baboy.
Daang libong baboy na ang nakahanay para sa culling o pagkatay. Dahil kaunti lamang ang impormasyong nakaka-abot sa kanayunan, at nagresulta ito ng malawakang pangamba sa hanay ng mga magsasaka.
Kaya naman labis ang lungkot na nadama niya noong tamaan ang kanyang mga hayop ng sakit na agad nilang ikinamatay. Isa si Babes sa daan-daang baboy na tinamaan ng African Swine
ANO ANG ASF? Ang African Swine Fever (ASF) ay isang nakamamatay na sakit sa baboy dulot ng African Swine Fever Virus. Nagreresulta ito ng malubhang lagnat at hemorrhage sa mga alagang baboy gayundin sa mga wild boars o baboy ramo. Unang naobserbahan ang ASF sa Kenya sa Africa noong 1921. Noong 1957, naitala sa Portugal ang unang outbreak nito hanggang kumalat sa Iberian Peninsula, sa kalakhang Europa hanggang Asya. Ang pag-aangkat ng kontaminadong hayop o produkto kagaya ng ham ang sinasabing dahilan ng pagkalat nito noon.
HUNYO 2019 - HUNYO 2020 |
15
Ayon sa mga pag-aaral, nakakahawa ang ASF sa pamamagitan ng direktang kontak ng mga alagang baboy, sa pamamagitan ng damit, kuto/garapata o di naman ay sa pagpapakain ng mga tira-tirang kontaminado ng ASF virus. Wala itong bakuna o gamot at halos lahat ng mga nahawaang baboy ay namamatay. Labing-isang bansa na sa Asya ang may ASF ayon sa United Nations’ Food and Agriculture Organization (UNFAO). Noong 2019, tinatayang nasa USD 20 milyon ang lugi ng industriya ng baboy sa Pilipinas kada buwan dahil sa ASF.
PAANO NAKAPASOK ANG ASF SA BANSA? Katulad ng pagkalat ng ASF sa ibang bahagi ng daigdig, ang sanhi ng pagkalat nito sa bansa ay ang pagaangkat ng karne. Ayon sa ulat ng Reuters noong 2019, ang Pilipinas ang ika-7 sa may pinakamalaking bilang ng inaangkat na karne ng baboy sa buong mundo.
Ang importasyon ng karne tulad ng baboy ay bahagi lamang ng mga polisiya sa ilalim ng globalisasyon. Kung saan winawasak nito ang ekonomiyang nakabatay sa local food security at self-reliance.
Malinaw na sa China nanggaling ang mga kontaminadong karne ng baboy, na kinumpirma ni DA Secretary William Dar. Puweba ito ng kaluwagan at pagkaatrasado ng gobyerno sa pagpapatupad ng kwarantina at iba pang biosafety protocols na malayang nakakapagpalusot sa mga smuggler na namamayani noong malaganap ang korapsyon sa Bureau of Customs.
ANO ANG EPEKTO NG ASF SA MAGSASAKANG PILIPINO? Tiyak na mapangwasak ang ASF sa kabuhayan lalo na sa mga pinakamahihirap na magsasakang Pilipino. Sa Davao City, halimbawa, ang mga baboy na namatay sa ASF ay hindi na mababayaran. Ang saklaw lamang ng compensation ay para doon sa mga kakatayin pa lamang. Maliit din ang compensation, dahil ang halagang P5,000 ay para lamang sa baboy na may timbang na 50 kilo pataas, at P1,500 lamang
sa mas mababa rito. Ang biik ay nagkakahalaga na ng P2,000-2,500 bawat isa.
tone-toneladang importasyon, katulad ng kanilang ginawa sa industriya ng bigas.
Ang pagkalat ng ASF ay maaring magdulot ng biglang pagbagsak sa produksyon ng baboy bunsod ng malawakang culling at hindi makasabay sa papalaking demand. Dahil dito, tataas ang presyo ng karneng baboy sa merkado. Malamang gamitin ng administrasyon ang artipisyal na shortage para pahintulutan ang
Malinaw na hindi ito solusyon sapagkat lalong nililikha nito ang kalagayan para tayo ay maging palaasa sa imports, na kailanman ay hindi sustainable at malinaw na pagtataksil sa maliliit na Pilipinong magbababoy. Tandaan natin na ang imported na karne ang nagdala ng ASF sa bansa.
PAGHARAP SA HAMON Ang City Coordinating Body (CCB) ng Davao City ay nagsagawa ng isang Round Table Discussion tungkol sa ASF kasama ang City Veterinarian’s Office at ang opisina ni Councilor Ralph Abella na Chairman ng Food and Agriculture Committee ng Sangguniang Panglungsod. Ipinaabot dito ng mga magsasakang MASIPAG ang kanilang pangamba. Ang nais ng mga magsasaka ay: huwag ipagbawal ang backyard hog raising na iminungkahi ni DA Sec. Dar; pataasin ang kompensasyon sa mga alagang baboy na ika-
16 | SUHAY
Tinanggap ng kinatawan ng opisina ni Konsehal Ralph Abella ng Davao City ang petisyon ng mga miyembro ng CCB Davao sa pangunguna ng METSA Foundation, at ni Janel Juaton, PCB Chairperson.
cull; palawakin ang saklaw ng kompensasyon at isama ang mga baboy na namatay sa sakit. Naging positibo naman ang tugon ng mga kinatawan ng mga ahensiyang dumalo. Anila, tutol din sila sa pagbabawal sa backyard hog raising dahil kinikilala rin nila ang kahalagahan ng mga alagang hayop sa mga magsasaka. Nangako sila na magdadagdag ng
pondo para palawakin ang saklaw ng kompensasyon at dadagdagan nila ang perang matatanggap ng mga magsasaka para sa mga baboy nilang kakatayin. Inimbitahan rin ang mga kinatawan ng MASIPAG para umupo sa mga pagpupulong ng City Council hinggil sa pagharap ng lungsod sa ASF.
mga ahensiya para palaganapin sa kanilang mga komunidad ang impormasyon tungkol sa ASF. Bumuo ang CCB Davao ng trainers’ pool para umarangkada ang diskusyon tungkol sa ASF sa eryang nasasakupan nito. Inayos rin nila ang paghahanda ng mga feed gardens para tiyak na ligtas sa sakit ang mga kakainin ng kanilang mga alaga.
Sa kabilang banda, nangako ang mga magsasaka na tutulong sa
Umupo sa pulong ng ASF Task Force ng Davao City na pinangungunahan ni Konsehal Abella, ang mga kinatawan ng PGS Davao, at ng MASIPAG, sa pamamagitan ni XL Fuentes, Regional Coordinator ng MASIPAG Mindanao.
NATABUNANG PANDEMYA Ilang linggo matapos ang mga nagawang paghahanda, biglang dumating ang pandemya ng COVID-19. Dumaan ang ilang buwan, humina ang naging pagtugon rito. Biglang natutok ang mga rekurso ng pamahalaan at atensyon ng taumbayan sa banta ng COVID at nawalis sa gilid ang ASF. Unti-unting lumawak ang eryang apektado ng ASF. Dumarami rin ang bilang ng mga alagang hayop na kinakatay. Para sa mga magsasaka, maliban sa paggawa ng mga hakbang para hindi dapuan ng sakit na COVID, marapat lamang na gumawa rin ng hakbang para makakaiwas rin sa ASF ang mga alagang baboy. Ang ASF at COVID-19 ay magiging parte na ng ating “new normal”. •
HUNYO 2019 - HUNYO 2020 |
17
A
ng ‘saknungan’ ay singkahulugan ng konsepto ng pagbabayanihan. Isa itong tradisyunal na kaugalian ng pagdadamayan at pagtutulungan ng mga Filipino. Sumasalamin ito sa mapayapang bukluran at pagdadamayan ng mga tao sa isang pamayanan batay sa iisang layunin. Sa totoo lang, hindi naman ito kaugaliang lumalabas tuwing may kagipitan lamang. Sa katunayan, makikita ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino at ito’y tumitingkad lamang sa oras ng pangangailangan. Sa panahong may COVID-19, naging maningning muli ang kaugaliang ito at pinamalas ng mga magsasakang MASIPAG tulad ng sa Luzon.
Saknungang magsasaka sa Quezon, Mindoro at Rizal Ayon kay Ronald Leynes, chairperson ng SAMBIT sa Polilio, Quezon,
bagamat limitado ang galaw nila dahil sa pandemya, sinisiguro pa rin nila ang pagkain, lalo na ang bigas at halamang-ugat. Para sa kanila, mahalaga ang pagkain hindi lamang upang mapunan ang kalam ng tiyan kundi upang masiguro rin ang sustansya at resistensya para makaiwas sa sakit at maging malakas ang pangangatawan ng tao. Dahil dito, napakahalaga sa kanila ng pagtitiyak ng paglikha nito na sya namang pangunahing binabalikat ng mga magsasaka at katutubo. Sa sitwasyong gipit at maraming restriksyon, ang pagtutulungan at suportahan ang pinakamahalagang armas nila sa pag-igpaw sa sitwasyon upang maging bahagi ng “new normal” ang arawang pagtatanim at paglikha ng pagkain. Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng tatlong buwan, ang mga organisasyon ng magsasaka sa lalawigan ng Quezon gaya ng Polilio, Panukulan, General Nakar, Infanta, at Lucena; maging sa Bulalacao, Oriental Mindoro at Rodriguez, Rizal, ay patuloy na nakapagsagawa ng saknungan sa mga katutubong Dumagat; na nakapailalim sa kanilang “Patlo tabengan”.
Kwento naman ni Tatay Eddie Ungkay, chairperson ng SAPALA sa Mindoro, sinasaliwan ng masiglang kantahan ng mga Hanunuo Mangyan sa kanilang bersyon ng bayanihan habang nagtatanim. Tinatawag nila itong ‘marayaw’, pagsamo sa mga diyos upang pahusayin ang kanilang ani at ang upang hindi sila mahawaan ng COVID-19. Sa General Nakar, Quezon, ang saknungan ay regular na ginagawa ng organisasyong KCFA, may krisis man o wala sapagkat bahagi ito ng pagpapalakas ng kanilang organisasyon. Laman nito ang kumustahan sa kalagayan ng mga kasapi at aktibidad sa pagtitiyak ng suplay ng pagkain ng bawat pamilya.
Saknungan sa Hilagang Luzon, Gitnang Luzon at Bicolandia Ipinamalas ng mga taga-Pangasinan, sa pangunguna ng mga Gabay sa Bagong Pag-Asa chapters (GBP) sa Bayambang, ang kanilang saknungan sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods at pagkaing bigas, gulay at ilang punla ng pananim, gayundin ang sama-samang pagbuo ng bahaypulungan ng kanilang samahan sa Warding.
‘Patlo tabengan’, o saknungan ng mga katutubong Dumagat na nagsasaka sa mga bahagi ng bulubunduking Sierra Madre sa Rizal, sa Quezon province, at Oriental Mindoro.
Ang pakiki-saknungan:
Maniningning na mga kwento ng pagtutulungan sa kanayunan sa gitna ng COVID-19 ni Joel Abrao, Marloun Miras at Rowena Buena
18 | SUHAY SUHAY
(Kaliwa) Saknungan sa anihan ng mga miyembro ng LMFA sa Lucena, Quezon. (Kanan) ‘Pabakal’, o tradisyunal na pagtatanim ng palay ng mga katutubong kasapi ng SAPALA sa Bulalacao, Oriental Mindoro.
Para sa (SAMBIT), mahalaga ang pagkain hindi lamang upang mapunan ang kalam ng tiyan kundi upang masiguro rin ang sustansya at resistensya para makaiwas sa sakit at maging malakas ang pangangatawan ng tao. Dahil dito, napakahalaga ng paglikha [ng pagkain, na] pangunahing binabalikat ng mga magsasaka at katutubo. Nakapangalap ang mga samahan ng pondo na nagamit sa pagtulong. Ang ilang mga samahang magsasaka sa pangunguna ng GBP, katuwang ang SAFRUDI sa Gabaldon, Nueva Ecija, ay nakapanahi at nakapagpamahagi ng mga face mask, banana chips, at turmeric powder bilang suporta sa mga frontliners sa ospital at kapwa maralita sa kanayunan.
sa mga mamamayan sa ilang baryo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit na sabaw at pagkain mula sa kanilang Mobile Hot Meals ang mga kasamahan sa Bicol sa pakikipagtulungan nila sa mga NGO partner gaya ng Tarabang sa Bicol, Inc. o TABI.
Namahagi naman nang libre at nagbenta ng mga murang organiko at masustansyang gulay ang samahang DUMAOFA sa Bataan nila Ginoong Lauro Diego, Amy Matias at Aladino Caratao, at SJOFA ng Solano, Nueva Vizcaya nila Basilio Prado, sa kanilang mga kababaryo at kababayan.
Sa kabila ng mga pagsisikap ng mga magsasakang MASIPAG upang tiyakin ang kanilang kaseguruhan sa pagkain, marami pa rin silang mga agam-agam sa ipinatutupad na lockdown. Pangunahin dito ang kalayaang makapagsaka at kapanatagan sa usaping seguridad. Ilan sa kanila ay nakararanas ng pandarahas mula sa mga pwersa ng estado.
Napagsilbi nila ang kanilang kasanayan sa organikong paggugulay para sa kanilang kapwa sa panahon ng krisis. Malikhain din silang nakatugon sa bayanihan para
bilang mga manggagawang pangkomunidad at pangkaunlaran. Malisyoso silang minamata kahit lehitimo silang organisasyon sa komunidad na kinikilala ng lokal na pamahalaan. Dahil dito, nag-aalala ang mga magsasaka kapag nagbebenta ng kanilang mga produkto sa komunidad at lokal na pamilihan. Ipit na nga sila dahil sa lockdown, didiinan pa sila ng militaristang pagdududa.
Panawagan at suporta
Kaya malinaw din sa kanila na ang saknungan ay porma ng pagsalag sa hindi makatarungang mga paratang at paglabag sa kanilang mga karapatan. Igigiit nila ang saknungan, gaya ng mahabang panahon na nilang paggigiit sa pagpapayabong ng kanilang mga batayang karapatan bilang mga magsasaka, katutubo at mamamayan.
Sa probinsya ng Rizal, halimbawa, paulit-ulit na inuusisa ng mga militar ang kanilang pakay sa pagpunta sa mga lokalidad ng mga magsasaka
•
HUNYO 2019 - HUNYO 2020|
19
Organic Agriculture Act: Mga Tagumpay at Patuloy na Hamon ng MASIPAG RET Unit a kasaysayan ng organic movement sa Pilipinas, may mga organisasyon na buhay na patotoo sa kagalingan at kontribusyon ng organikong agrikultura bago pa man maisabatas ang Republic Act (RA) 10068 o ang Organic Agriculture Act (OAA) of 2010.
S
Ang mga organisasyong ito ay binubuo ng mga maliliit na magsasakang nagpapaunlad ng kanilang lupang sinasakang hindi hihigit sa tatlong ektarya. Mayorya ng mga magsasakang ito ay nagbubungkal ng kapirasong lupang minana o‘di kaya naman ay lupang ninuno para sa mga kapatid na katutubo’t Lumad. Malaking bilang din ng mga magsasaka ang nabibilang sa kategoryang tenante o nakikisaka. Sa matagal na panahon ay hindi nabigyang halaga at karampatang suporta ang mga magsasakang nagsusulong ng sistema ng pagsasaka na may ibayong pagpapahalaga sa kalikasan, sa kalusugan, at sektoral na pag-unlad. Ang pagsasabatas ng RA 10068 ay tagumpay nang maituturing para sa kilusan para sa organikong agrikultura, laluna sa mga maliliit na magsasaka na umaasang lubos na magsisilbi ang batas sa kanilang kagalingan. Tiwala ang mga organikong magsasaka, mga civil society
20 | SUHAY
organizations, akademya, grupong mula sa simbahan, maging mga pribadong indibidwal, na hindi lamang motibo ng pagsasabatas ng RA 10068 ang pagkilala sa mga pagsusumikap at inisyatiba sa larangan ng organikong agrikultura, kundi upang bigyang prayoridad at bigyan ito ng angkop na suporta. Subalit, sa pagsusuri ng batas, tinatakda ng Section 17 ng RA 10068 na tanging “Third Party Certified” na mga produkto lamang ang maaaring gumamit ng label na organic, ay malinaw na pagbabalewala sa mga magsasakang matagal na sa praktika ng organic; mababalewala ang kanilang pagsusumikap at adbokasiya dahil lamang hindi nila kayang tustusan ang magastos na Third Party Certification. Sa pinagsama-samang pagkilos na pinangunahan ng MASIPAG, mga organikong magsasaka, at iba’t ibang grupong kabilang sa organikong kilusan, nabuo ang PGS Pilipinas upang ipanawagan sa gobyerno ang pagkilala sa Participatory Guarantee System (PGS). Ang PGS ay isang anyo ng maaasahang organik na sertipikasyon na angkop sa kalagayan ng maliliit na magsasaka.
Bahagi sa kabuuang proseso ng PGS ang mga magsasaka, konsumer, mga church-based groups, LGUs, akademya, at mga indibidwal na nagkakaisa sa layunin ng PGS. Hindi ito nakakahon sa usapin ng sertipikasyon, bagkus ay nagpapatingkad din sa mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagbalangkas ng makatarungang pag-unlad ng organikong agrikultura sa kanilang lokalidad. Noong 2004 pa lamang ay may adaptasyon na ng PGS ang MASIPAG, na tinawag na MASIPAG Farmers Guarantee System. Hindi nagtagal, matapos mabuo ang PGS Pilipinas, marami pang lokal na pormasyon ng PGS, kasama ang ilang lokal na yunit ng gobyerno (LGU), ang nabuo at naging kasapi ng PGS Pilipinas. Dahil na rin sa walang tigil na adbokasiya at pagbabantay ng PGS Pilipinas, MASIPAG, at iba pang mga grupo, nagkaroon ng aksyon sa Kamara upang amyendahan ang Organic Agriculture Act of 2010. Mahalagang amyenda ng batas, halimbawa, ang pagkilala sa Participatory Guarantee System, ngunit patuloy na hangad ng mga
Pinresenta sa mababang kapulungan nila Rowena Buena at Cris Panerio ng MASIPAG ang posisyon ng MASIPAG sa OAA Amendments na nasa Kamara at hiling na kilalanin ng gobyerno ang Participatory Guarantee System na umiiral bilang sistema ng sertipikasyon ng mga organikong magsasaka.
Malulubos lamang ang tagumpay kung ang batas ay iiral at papabor sa mayorya – ang mga malilit na magsasakang kapos sa rekurso na nais ng agrikulturang tutugon sa lokal na kasapatan sa ligtas na pagkain at magaambag sa lokal na ekonomiya. tagapagsulong ng OA na ang buong batas at ang PGS ay manatiling sa serbisyo ng mga lehitimong maliliit na magsasaka, katutubo at Lumad para sa makabuluhang pag-unlad ng agrikulturang para sa masa. Katulad ng pagsasabatas ng RA 10068, ang pagkakapasa ng mga amyenda sa OAA sa Senado ay paunang tagumpay pa lamang para sa mga maliliit na magsasaka sa larangan ng organic agriculture. Malulubos lamang ang tagumpay kung ang batas ay iiral at papabor sa mayorya – ang mga malilit na magsasakang kapos sa rekurso na nais ng agrikulturang tutugon sa lokal na kasapatan sa ligtas na pagkain at mag-aambag sa lokal na ekonomiya. Inirerehistro rin natin ang pagkadismaya sa hindi pagkakasama ng ilang puntos sa amyenda, tulad na lamang ng depinisyon ng “small farmers”. Kung ang Magna Carta for Small Farmers ang pagbabatayan, tinutukoy sila bilang mga indibidwal na nakaasa sa maliitang pagsasaka upang ikabuhay at primaryang pagmumulan ng kabuhayan. Ang mga produkto, maging ang pakikipagpalitan ng kalakal, ay hindi hihigit sa 180,000 piso kada taon. Kung pagbabasehan ang taunang kita, masasabing ang nabibilang sa depinisyon ng “small farmers” ay iyong mga nagbubungkal ng hindi hihigit sa 3 ektaryang lupa, mga katutubo at Lumad na nagsasaka sa lupang ninuno, at mga nakikisaka. Karamihan sa mga maliliit na magsasaka ay may alagang hayop na kayang alagaan batay sa kinikita at kung anong rekurso ang mayroon. Halimbawa, may mga magsasaka na may 3 inahing baboy at limang patabain, 20 neytib na manok, at 3 kambing.
Subalit kung pagbabatayan ang depinisyon ng small farmers na ginamit sa OAA Amendments, sila ay “mga nagsasaka o gumagamit ng lupang hindi hihigit sa limang (5) ektarya para sa mga agrikultural na produkto tulad ng palay at mais, mga aquaculture producers at may poultry/hayupan na may bilang na hindi hihigit sa: poultry – 1,000 nangingitlog o 5,000 broiler, babuyan – 10 inahin o 20 patabain, neytib na baboy – 30 piraso, cattle – 10 fatteners o 5 breeder, dairy – 10 gatasang kalabaw o baka, at kambing – 50 heads”.
na rin ng matagal na panahon ng patuloy na praktika ng organikong agrikultura sa lupang sinasaka. Upang makatulong sa mga magsasaka sa paglipat sa organikong agrikultura mula sa kumbensyunal, kinakailangang magbigay ng angkop na suporta sa mga magsasaka. Halimbawa nito ay ang pagtatayo ng mga lokal na organic seed centers, gayundin ng suportang teknikal at mga pasilidad na hindi makalilikha ng internal na problema sa mga samahan ng magsasaka. Dapat bigyang prayoridad ang samahan ng maliliit na magsasaka sa lahat ng aspeto nito, sa pamamagitan ng makabuluhang konsultasyon at farmer-led na proseso.
Ang paglawak ng saklaw ng terminong “small farmers” sa amyenda ay pinangangambahang maglilihis ng suportang marapat na para sa mga lehitimong malilit na mga magsasaka patungo sa mga sakahan at pribadong pag-aari na may kapital at rekurso.
Sa bahagi ng MASIPAG, ipagpapatuloy at ibayong palalakasin ng mga kasaping people’s organization ang praktika nito ng likas-kaya at organikong pagsasaka. Magpapatuloy din ang pagpapalakas ng programang Local Marketing and Processing, kung saan nakapaloob ang MASIPAG Farmers Guarantee System (MFGS), at palaging sisikaping maabot ang malawak na bilang ng maliliit na magsasaka para mag-adapt ng likaskaya at organikong pagsasaka tungo sa makabuluhan at makatwirang pag-unlad ng sektor.
Malaki ang maitutulong ng maliliit na magsasaka sa paglawak ng saklaw ng organic agriculture. Isang paraan upang ibayo itong mapalaganap ay sa pagpapataas ng kapasidad ng maliliit na magsasaka sa buong bansa lalo na sa kanayunan. Sa pagbibigay ng mga oryentasyon at pagsasanay, dapat ilagay sa prontera at kilalanin ang kakayanan ng maliliit na magsasakang bihasa dala
•
Nakipagdayalogo ang MASIPAG sa opisina ni Sen. Cynthia Villar, tagapangulo ng Senate Committee on Agriculture and Food, upang irekomenda ang suporta para sa PGS at iba pang amyenda sa RA 10068.
HUNYO 2019 - HUNYO 2020 |
21
ni Gary Ben S. Villocino
I
sa sa si si Tay Insoy sa sa Ang dating na presyuhan ng palay Dagdag pasanin pasanin din pa ang Tay Insoy ilangmga mga kumbensyunal Ayon pa sa sakanya dagdag ang bayad pagtaassa kumbensyunal na magsasakang kanilang lokalidad ay naglalaro sa upa ng lupa. Ayon sa pag-aaral ng magsasakang inimbitahan ng MASIPAG sakilo. presyo ng mga chemical inputs bagoCenter, pa isabatas inimbitahan ng MASIPAG 18 piso – 19 piso bawat Ngayon, Farmer’s Learning isang Mindanao sa isinagawang konsultasyon kaugnay Mindanao sa konsultasyon kaugnay nasa 13 piso na lamang Kwento na nakabase sa CARAGA region, angito. RLL. Labis rinNGO nitong pinataas ang gastos sa sa Rice Liberalization Law (RLL) noong ika -10 sa Rice Liberalization Law (RLL) pa ni Tay Insoy, dati ay kumikita maaring umabot sa 13,829 piso ang produksyon ng mga magsasaka. Ang dating isang Pebrero 2020 halos isang taon matapos noong ng ika-10 ng Pebrero 2020, pa siya ng higit 12,000 piso kada lugi ng magsasakang kumbensyunal lagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang bag ng Urea ay nagkakahalaga ng 900.00 Php halos isang taon matapos lagdaan ni cropping season. kung hindi nila pagmamay-ari ang nasabing batas. Presidente Rodrigo Roa Duterte ang lupang kanilang sinasaka. noon, ngayon mula nang naisabatas ang ay nasa 990.00 Php na ito. Ang nasabing batas. ng RLL ay pagtugon sa Ngunit Ang pagsasabatas obligasyon ng RLL, halos 10,000 mababang piso na ang kwento ni Tay Insoy ay uri kwento klase rinAng na cypermethrine, isang ng pamahalaan sa ilalim kasunduang Ang pagsasabatas ng ng RLL ay nawalaGeneral sa kanyang kita. Dumagdag ng maraming kumbensyunal na pestisidyo ay nagkakahalaga na ng 300.00 Php pagtugon sa Tariffs obligasyon ng sa kanyang magsasaka sa palayan na dumalo Agreement on and Trade - pa World Trade pasanin ang pagtaas bawat litro. rin ang iba Mayorya pang gastusin pamahalaan sa ilalim ng General sa presyo ng mga chemical inputs,Tumaas sa konsultasyon. sa mga Organization (GATT-WTO) dalawang dekada na ang Agreement on Tariffs and Tradena mahal na bago padahil man sa isabatas dumalo ay galing sa mga lalawigan pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, nakaraan. Layon nitong tanggalin “quantitative World Trade Organization (GATT- ang ang RLL. ng North at South Cotabato, kilalang halimbawa ang renta hand-driven rotavator WTO) dalawang dekada na ang mgasarice granaries ngna Mindanao. restrictions” o limit sa dami ng bigas na pwedeng Labis rin nitong pinataas ang gastos nakararaan. Layon nitong tanggalin ay nagkakahalaga naItinala ng 2,000.00 php bawat ektarya angkatin ng bansa, kung kaya sa kasalukuyan, ang ng mga sa produksyon magsasaka. ng mga partisipanteng ang “quantitative restrictions” o mula dating php. Pilipinas ang ng dating bigas saisang bag Ang ng sa urea ay 1,800.00 kumbensyunal na magpapalay hangganan sa pinakamalaking dami ng bigas importer na nagkakahalaga ng 900 piso ay nasa ang higit kumulang na 75%-85% pwedeng angkatin bansa. buong mundo na ng nasa tinatayang aabot sa 3.3 milyong 990 piso na. Ang mababang klase na bawas sa kanilang kita. Dagdag pasanin pa ang bayad sa upa ng Agaran lupa. metriko-tonelada. Ang bolyum na ito ay katumbas ng 75 Kung kaya sa kasalukuyan, ang ng cypermethrine, isang uri ng nilang naramdaman ang biglaang Ayon pag-aaral bagsak ng Farmer’s Center, – 78 porsyento dami ng palay na nalikha Pilipinas angng kabuoang pinakamalaking pestisidyo, ay nasa 300 pisosabawat ng kita Learning sa isang cropping importer ng bigas sa buong mundo litro. season mula nang naisabatas ang isang NGO na nakabase sa CARAGA region, ng Mindanao sa taong 2018. Sa pagdami ng suplay ng na aabot sa 3.3 milyong metrikoRice Liberalization Law. bigas, labis naapektuhan nito ang Tumaas presyorinng umabot sa 13,829.00 Php ang lugi ng ang iba maaring pang gastusin tonelada. Katumbas nito ang 75-78 dahil pagtaas sa presyo ng kumbensyunal Ayon sa datoskung ng Philippine Rice kumbensyunal na palay dami sa lokalidad. Ang sadating porsyento ng kabuuang ng magsasakang hindi nila produktong petrolyo, halimbawa ang Research Institute (PhilRice) noong palay na nalikha ng Mindanao sa presyuhan ng palay sa kanilang lokalidad ay naglalaro sa kanilang renta sa hand-drivenpagmamay-ari na rotavator ang lupang Nobyembre 2019,sinasaka. tinatayang nasa taong pagdami suplaykilo, ng ngayon 18.00 2018. Php –Sa19.00 Phpngbawat nasa 13.00 ay nagkakahalaga na ng 2,000 piso 61.77 bilyong piso ang nawalang kita bigas, labis na naapektuhan nito ang Php nanglamang ito. Kwento pa niya kumikita siya mula saAng ektarya dating 1,800ni TaysaInsoy mga magsasaka ipinatupad kwento ay kwentomula ng maraming presyo kumbensyunal na palay sa dati bawat piso. season, ang RLL. lokalidad. ng higit 12,000.00 Php sa nakaraang cropping
mula nang naisabatas ang RLL halos 10,000.00 php ang 22 | SUHAY nawala sa kanyang kita.
kumbensyunal na magsasaka sa palayan na dumalo sa konsultasyon.
potensyal para sa organikong pagsasaka sa panahon ng RLL. Sa tindi ng kahirapan, naghahanap ang malawak na bilang ng mga magsasaka ng palay ng mga alternatibong pamamaraan upang maibsan ang kahirapan. Isa sa mga kumikinang na pag-asa ang organikong pagsasaka. Malinaw sa mga dumalong kumbensyunal na magsasaka ang mga modelong kanilang tatahakin.
iyon. Kaya sa dalawang cropping season, umabot sa 19,919 piso ang buwanang kita ni Tay Paps.
Naging mailap ang benepisyong ito sa mga magsasakang nalugi katulad ni Tay Insoy. Ayon naman sa mga magsasaka mula sa Arakan, North Cotabato, halos 5% pa lamang ng mga magsasakang potensyal na benepisyaryo ang naabot nito.
Para kay Tay Paps at Nay Kiling, dahil organiko ang bigas na kanilang ibinibenta, kaya nila itong isapamilihan sa magandang presyo. Ang dagdag na kita ay ilan lamang sa mga benepisyong inani ng mga organikong magsasaka, bukod sa pagsigla ng kalikasan at kanilang komunidad.
Organikong agrikultura bilang sagot sa RLL Mala-ginto ang kulay ng palay bago ito anihin, subalit parang tanso na lamang ang halaga nito kung tatanungin ang mga kumbensyunal na magsasaka. Pero maaring hindi, ayon sa mga magsasakang Masipag. Masiglang ibinahagi ni Tatay Paps, isang organikong magsasaka mula sa Sto. Nino, South Cotabato, ang kanyang karanasan. Dahil bigas at hindi palay ang ibinebenta niya, aabot sa higit 119,518 piso ang netong kita niya mula sa pagbebenta ang black rice sa nakaraang cropping season. Ayon sa kanya, mababa pa ito dahil bumagsak nang bahagya ang kanyang ani sa panahong
Bilang pagtatapos, nagkaroon ng pag-uusap upang opisyal na pumaloob sa Masipag ang anim na mga organisasyong magsasaka na dumalo sa konsultasyon. Pinlano rin ang susunod na mga serye ng aktibidad, tulad ng pagset-up ng trial farm, treyning sa organikong pagsasaka, hanggang sa mga lokal na porum at pagkilos hinggil sa Rice Liberalization Law.
Ganoon rin ang karanasan ni Nay Kiling, isang organikong magsasaka mula sa Davao City. Umabot sa 79,520 piso ang kanyang netong kita mula sa pagbebenta ng black rice noong nakaraang cropping.
Ipinunto ng mga organikong magsasaka ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kontrol ng mga magsasaka sa mga kailangan nila sa produksyon hanggang sa pagsasapamilihan. Ang hindi mapaghihiwalay na karapatan ng mga magsasaka sa lupa, binhi at teknolohiya ang mga susi upang makaalpas sila sa kadena ng mga transnasyunal na korporasyon at sa kahirapan sa pangkalahatan. Dahil sa kontrol na ito, napapababa nila ang epekto ng anumang banta, tulad ng RLL. Naging malinaw sa lahat ng dumalo na mataas ang
“
Si Tay Isoy ay magseset-up na ng trial farm sa kanilang lokalidad. Sa huli, ginto parin ang aanihin ng mga magsasakang kagaya niya. •
Ipinunto ng mga organikong magsasaka ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kontrol ng mga magsasaka sa mga kailangan nila sa produksyon hanggang sa pagsasapamilihan.
Dahil sa kontrol na ito, napapababa nila ang epekto ng anumang banta, tulad ng RLL.
HUNYO2019 2019- -HUNYO HUNYO2020 2020| HUNYO
“
Sa kabila ng napakalaking pagkaluging ito sa mga magsasaka, depensa ng mga tagapagsulong ng RLL ang Php 10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mula sa makukuhang buwis mula sa mga pribadong tagaangkat ng palay. Kung gayon, lugi pa rin ng higit 50 bilyong piso ang mga magsasaka.
Para sa mga Magsasakang Masipag na dumalo, mas lalong lumalim ang kanilang pagtanaw sa kanilang papel – nakikita nila na kailangang mas hikayatin pa ang mas marami pang magsasaka patungo sa organikong pagsasaka.
23
Hinihikayat ang lahat na ipalaganap at gamitin ang publikasyong ito na materyales para sa pulong at talakayan. Para sa mga katanungan, suhestyon, o puna, maaring ipadala ang inyong mensahe sa:
advocacy@masipag.org
MASIPAG REGIONAL OFFICES MASIPAG - Luzon
Back-up Farm, Rajal Centro Sta. Rosa, Nueva Ecija Cell: (0921) 486 1261 E-mail: masluz@masipag.org
MASIPAG - Visayas
Zone 5, San Isidro, Tabuc Suba Jaro, Iloilo City 5000 Telefax: (033) 329 5152 E-mail: masvis@masipag.org
MASIPAG - Mindanao
Durian St., Juana Subd., Matina, Davao City Cell: (0916) 575 9279 E-mail: mindanao@masipag.org