Skip to main content

SUHAY July-December 2021 Issue

Page 1

07.21 12.21

SUHAY

A N G O P I S YA L N A PA H AYA G A N N G M A G S A S A K A AT S I Y E N T I P I K O PA R A S A PA G - U N L A D N G A G R I K U LT U R A

A

Ni CRIS PANERIO

pat na buwan mula ngayon ay magaganap na naman ang pambansang eleksyon sa Pilipinas. Tinatayang 18,000 posisyong pulitikal mula presidente hanggang konsehal ng bayan ang nakataya at pag-aagaw-agawan ng mahigit 47,000 kandidato. Bukod sa paggamit ng 3 Gs - Guns, Goons and Gold ng mga political dynasties para matiyak ang boto sa pamamagitan ng pamimili ng boto o intimidasyon, malaking bahagi ng eleksyon na makuha ang pampublikong opinyon para pumabor sa kanilang pagtakbo. Katulad marahil ng maraming bansa sa buong mundo, ang eleksyon sa Pilipinas ay magmimistulang piyesta kung sari-saring gimik at pangeengganyo ang gagawin makamit lamang ang boto ng mga mamamayan. ‘Di paman eleksyon, bumubuhos na ang mga pulitikal na advertisement at bawat espasyo pisikal man o virtual ay napupuno na ng mga larawan ng mga pulitiko na gustong mahalal at mahawakan ang posisyong ninanais. Kalakip ng nasabing mga larawan ang kanilang mga natatanging nagawa at mga pangako kung sila ay mahahalal. Kamakailan, dahil na rin sa labis na popularidad ng social media tulad ng Facebook, Twitter, TikTok at iba pang social media platforms, maari nang malaman at magamit ng mga tumatakbong pulitiko ang sentimiento at pangarap ng mga mamamayan upang pumabor sa kanyang nais. Tinatawag na populist leaders- ipinapangako nila ang gustong marinig ng publiko sa panahon ng halalan; ngunit kung ito’y kanilang tutuparin kung sila’y maluluklok na sa pwesto ay iba namang usapin. Sa huli, walang pagbabago sa istatus ng ating lipunan, at marapat pa’y mas nagiging matindi pa ang pagdistansya at pagkakahati ng mga mamamayan. Sa MASIPAG, dahil

Dapat nating suriin ang posisiyon at programa sa kalikasan at agrikultura ng tumatakbong pulitiko.

MAGSASAKA NASA KAMAY MO ANG

PAGBABAGO

interes ng mga maliliit na magsasaka ang pangunahin natin itinataguyod bilang pundasyon ng pagpapaunlad ng kanayunan, higit tayong dapat maging mapagbantay sa mga pulitikong nangangako ng pagbabago at pag-unlad. Tingnan natin ang kanilang track record sa kanilang panunungkulan. Huwag iboto ang mga taong may record na korapsyon, pagsasagawa ng mga batas at palisiya na laban sa mga maliliit na magsasaka at maralita. Lagi nating isa-isip na ang likas-kayang agrikultura na ating isinasagawa at pinapalaganap ay naka-asa din sa balanseng kalikasan; kung kayat dapat nating suriin ang posisyon at programa sa kalikasan at agrikultura ng tumatakbong pulitiko. Naging pabor ba siya sa liberalisasyon ng agrikultura, halimbawa, at iba pang polisya na maaring kontra o pabor lalo na sa maliliit na magsasaka. Ano ang posisiyon niya sa Repormang Agraryo dahil ang kawalan ng lupa ng maraming mga magsasaka ang nagbabaon sa kanila sa kahirapan at sagka sa pagyabong ng likas-kayang pagsasaka sa bansa. Naging katuwang ba natin sila sa panahon ng higit na pangangailangang protektahan ang karapatan ng mga magsasaka, ng mga katutubo, manggagawang bukid at komunidad? Ito lamang ang ilan sa maaari nating gabay sa pagpili ng susunod na lider ng ating komunidad at ng ating bansa. Imbes din na sila ang mangumbinsi sa atin, maari nating rebyuhin ang 6-Point Demand ng MASIPAG hinggil sa Food Security upang maging gabay natin sa pakikipag-usap sa mga tumatakbong pulitiko sa ating lugar. Maaari nating pangunahan o maki-network sa iba’t ibang mga samahan para sa likas-kayang pagsasaka, para sa kalikasan at para sa karapatan ng mga magsasaka ang pakikipagpulong at pakikipag-usap sa mga tumatakbong pulitiko sa bansa. Sa huli, nasa kamay natin ang kinabukasan ng sistema ng ating pagkain, ng ating agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka.


GREEN ACTION WEEK

Crop-Livestock Integration, Isinusulong

H

Ng MASIPAG RET

i n d i natatapos sa pagpapalakas sa usaping binhi ang inisyatiba ng mga magsasakang bahagi ng proyektong Green Action Week (GAW). Liban sa patuloy na pagbabahaginan at pagpapaunlad ng mga imbakan ng binhi, pinalawak din ang saklaw ng proyekto para sa taong 2021 kung saan nilayong lalo pang paigtingin ang integrasyon ng mga pananim at hayupan. Nagsagawa ang iba’t ibang pormasyon ng network ng mga lokal at nasyunal na aktibidad ayon sa temang “Pagpapaunlad ng Lokal na Taniman at Paghahayupan para sa Sustenableng Produksyon,” ayon pa rin sa diwa ng community sharing.

TOP: Patuloy na pagtatanim ng Tuyom Small Farmers Association (TUSFA) sa Negros Occidental para sa ipapamahaging produktong gulay at binhing pananim.

Pag-igpaw at Pagtataguyod

M a l i b a n sa hamong dala ng pandemya kaugnay ng akses sa pagkain, malaking dagok din sa mga magsasaka at konsumer ang epekto ng African Swine Fever (ASF). Dahil sa katangian ng bayrus, maraming baboy ay kinailangang patayin kung ito ay nagkasakit o kung nasa loob ito ng 1 kilometrong distansya mula sa mga nahawaang baboy. Dahil sa kakulangan sa restriksyon at suporta mula sa gobyerno, mabilis na nakapasok ang mga produktong nahawaan ng ASF, habang marami pa ring magsasaka ang nangangailangan ng suporta upang makabawi sa dagok na dala nito. Dahil dito, malaki ang lugi sa bahagi ng mga magsasaka at lubhang tumaas naman ang presyo ng karneng baboy sa merkado. Dahil dito, lalo pang napatingkad ang pangangailangan upang patuloy na maisapraktika ng mga magsasaka ang crop-livestock integration. Liban sa samu’t saring pananim ay mainam na sikaping makapag-alaga rin ng iba’t ibang klaseng hayop bilang mapagkukunan ng pagkain, sangkap sa pagpapataba ng lupa, 2  SUHAY  MASIPAG.ORG

LEFT: Livestock training at flood resilient gardening (hanging gardens) sa Bunawan, Davao City. at makatutulong sa pangangasiwa ng peste. Sa bahagi ng MASIPAG, hindi na bago sa mga kasaping magsasaka ang pagbabahaginan at pagpapalitan ng mga rekurso katulad ng binhi at alagang hayop. Nakasanayan na itong isagawa sa loob at labas ng mga People’s Organization (PO) upang sabay-sabay na mapaunlad at mapalago ang genetic pool at maiwasan ang inbreeding sa mga hayop. Kaya naman upang mas mapaigting pa ang integrasyon ng halaman at

hayupan, liban sa layuning bigyang suporta ang mga magsasakang lubos na naapektuhan ng ASF, ang livestock dispersal sa mga GAW partner ang magsisilbing inisyal na yugto upang mas mapalakas pa ang naturang praktika.

Lokal, Nasyunal na Inisyatiba

Bagama’t matagal nang nagsasagawa ng pagpapalitan at pagbabahaginan ng rekurso ang mga magsasakang MASIPAG, nakikilala ng network ang pangangailangan upang magkaroon

ng sistematikong pamamaraan sa gawaing livestock dispersal. Pinahahalagahan din ang mas malawak na layunin at mga responsibilidad na kaakibat nito. Kaya naman sa kasalukuyang taon, sinikap ng mga magsasakang itaguyod ang resulta ng proyekto noong 2020 kasabay ng pagdugtong nito ng integrasyon ng hayupan sa taniman. Ipinagpatuloy na itinatanim ng mga GAW partner ang mga binhing natanggap mula sa seed sharing na siyang mapagkukunan ng ipamamamahagi sa mga magsasaka. Sama-samang binuo ng Gabay sa Bagong Pagasa ng Barangay Warding at Banaban sa Pangasinan ang pang-samahang nursery. Ang rehiyon ng Visayas ay lumikha ng directory ng binhi ng gulay upang mas mabilis ang mga itong matunton sakaling kailanganin. Sa isang banda ay nagsagawa naman ng pagsasanay ukol sa hanging garden sa Bunawan, Davao City upang maiwasan ang pagkasira ng tanim dahil sa baha. Ilan lamang ang mga ito sa mga patuloy na pagpapaunlad ng taniman bilang bahagi ng pagtugon para sa pangangailangan sa pagkain; pagmimintina ng bayodaybersidad; at, bilang komponente sa Soil Fertility Management (SFM) at Alternative Pest Management (APM). Upang mapataas naman ang kapasidad ng mga magsasaka, isinagawa ang online webinar na ang mga sentrong topiko ay pag-aalaga at pangangasiwa ng poultry at kambing, at pagpoproseso ng karne. Matimbang din ang naging diskusyon sa sosyo-ekonomikong aspeto ng agrikultura; crop-livestock integration sa konteksto ng MASIPAG; estado, epekto at pag-iwas sa ASF; at, ekonomiya ng mamamayan at kaunlarang pangkanayunan. Ikinasa rin ang mga mga rehiyon ang mga lokal na pagsasanay sa pag-aalaga ng hayop; paggawa ng pakain; at, pagbuo ng polisiya para sa livestock dispersal. Tinatanaw na mula sa mga inisyatibang ito, dadami pa ang mga magsasakang makapagsasapraktika ng crop-livestock integration sa suporta ng mga kapwa kasapi nito sa PO.


GREEN ACTION WEEK

A

Ni REINA DE BORJA

n g mayaman at makulay na kultura ng Pilipinas ay lalong naipamamalas sa pamamagitan ng mga selebrasyon tuwing piyesta. Mayroong iba’t ibang kadahilanan ang bawat lokalidad upang idaos ang mga kasiyahang ito, gaya ng pagdiriwang para sa magandang ani, o ‘di naman kaya ay ritwal alay sa kalikasan. Sa bahagi ng network, idinaos nito ang MASIPAG Rice Festival na may temang “Lokal na Binhi: Kapsula ng Kultura at Kasaysayan, Gintong Yamang Sumisibol” noong Oktubre 8, 2021. Dito ay ipinatampok ang mayamang daybersidad ng palay at naipaabot sa malawak na hanay ng mamamayan ang benepisyo at kahalagahan ng pagdepensa at pagpapanatili ng mga ito.

Patakam na lang muna

Tuwing piyesta, hindi mawawala ang pagsasalu-salo sa mga putaheng pinagtulung-tulungang ihanda ng mga magkakapitbahay. Sa kabila ng hamong dala ng restriksyon dulot ng pandemya, binisita at pinatakam ang lahat sa padiriwang ng rice festival sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinuno ng mga nakiisang magsasaka ang kanilang mga hapag ng mga produkto mula sa palay/bigas tulad ng suman at inangit, palarusdos, sinukmani, kalamay(hati), at marami pang iba. Ang mga isinaing na LocallyAdapated Varietues (LAVs) at Locally Adapted Selections (LASs), tulad ng AG 5, ABR/PAS-6, JUN 3, PBB 401-3, M160-1, M6-14-1, Balatinao, Dalagang Bukid, Cagingi, Luningning, at Kalipungan Yellow, ay ipinares naman sa mga lokal na putaheng ulam, tulad ng tinolang native na manok, estofadong native na baboy, inabraw (o dinengdeng), atbp. Ang mga ito ay magiliw na ipinakita ng mga magsasaka, na ipinahayag ng karamihan: “kung hindi man lahat (ng pagkain).. karamihan ay mula sa sariling bakuran at ani.” Ibinahagi rin ng South Cotabato ang produkto nitong rice straw paper na nagmula sa by-product ng inaning palay. Ang mga kinain ng LASs at LAVs ay ilan lamang sa mga minimintina at ginagamit na binhi ng

TOP: Ilan sa mga panawagang itinampok ay “Ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka”.

Daybersidad ng Lokal na Binhi, Ipinagdiwang sa Rice Festival mga magsasaka. Liban sa mga tradisyunal na binhing palay, ginagamit rin ang mga binhing pinaunlad sa organiko na pamamaraan na sa kalipunan ay tinatawag na Farmer-Bred Rice at MASIPAG Rice. Ang mga ito ay may iba’t ibang katangian katulad ng kulay, tekstura, halimuyak at lasa. Higit sa lahat, nagiging mas sustinable ang pagtatanim ng iba pang klase ng halaman at ang sabayang pag-aalaga ng hayop dahil sa organikong pamamaraan. Ayon kay Elpidio “Nong Jojo” Paglomutan, farmer-breeder magsasaka mula sa Negros, mahalaga ang daybersipikadong bukirin upang masigurong natutugunan ang pangangailangang pang-nutrisyon na siyang magmumula rin mula sa samu’t saring klase ng pagkain.

Higit pa sa pagkain

H i g i t pa sa layuning mapagsalu-saluhan ang mayamang daybersidad ng palay sa bansa, binalikan

din ang kasaysayan at ugnayan ng palay sa lipunan. Ang palay/bigas ay nagsisilbing artikulong pang-ritwal at kultural na simbolo na siyang sinasalamin sa nabuong bokabularyo at wika ng mga Pilipino. Bagaman may likas-kayang pamamaraan ng pagtatanim ng palay/bigas bilang produktong pangkalakal, minamanipula ng mga transnasyunal na korporasyon ang mga binhi upang tumaas ang ani at umikli ang oras ng kultibasyon nito. Ang panahon ng pagtatanim ay nagiging siklo na lamang ng pag-utang at pagkalugi ng mga magsasaka, habang patuloy na nasisira ang kalikasan dahil sa mga ginagamit na kemikal na input. Ibinahagi ni Rhoda Galang mula sa Center for Development Programs in the Cordillera (CDPC) ang namamayaning pananaw, praktika at kultura ng mga katutubong kapatid mula sa Kordilyera kaugnay ng palay/bigas. Sa kasalukuyan, ang pagtatanim nito ay para lamang sa layuning masigurong ang pagkain ng pamilya at

hindi upang ikalakal, o tinatawag sa katutubong salita na og-ogbo. Bago matapos ang programa ay ibinahagi naman ni Alfie Pulumbarit mula sa MASIPAG ang hamong dala ng pag-aapruba ng komersyal na propagasyon ng Golden Rice o GM Yellow Rice sa bansa. Sa pamamaraang ito, lalo pang makokontrol ng mga korporasyon ang agrikultura at sistema ng pagkain na siyang dahilan ng pagkalugi ng magsasaka at maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng kokonsumo nito, liban pa sa gagamitin ditong kemikal na input. Kasabay nito, ay nakikita ang posibilidad na makontamina ng GM Yellow Rice ang mga lokal na palay na maaring maging dahilan upang masira ang integridad at katangian nito. Muli, ipinaalala ang kahalagahan ng malakas na organisasyon upang madepensahan, mamintina at patuloy na maipalaganap ang paggamit ng mga lokal at tradisyunal na binhi. MASIPAG.ORG  SUHAY  3


MASIPAG LUZON Ni ROMEO CORDEZ at DARIUS GURANGO

S

t a . Rosa , Nueva Ecija. Taong 2010 ng simulang makonseptwalisa ang paglulunsad ng “Patikim Festival” sa proposisyon ni Tay Lucio Gurango, dating PCB Chairman ng PCB Quezon 2 sa mga lugar ng REINA (Real, Infanta, Nakar), POGI (Polilio Group of Islands), at Rizal area. Subalit, ito ay hindi naisakatuparan agad dahil sa mga isyu tulad nang agam-agam ng ilang samahang magsasaka (POs) sa kolektibong paglunsad ng malaking aktibidad; at pagtingin ng area coordinator sa kahandaan ng PCB opisyales na manguna sa larga ng nabanggit. Sa harap ng pagdadalawang-isip ng mga kasamahan, buo ang loob ni Tay Lucio na maipursigi ang kondukta ng ‘patikim’. “Matuloy lamang ang aktibidad, kahit ako ang gumastos nito,” ani Tay Lucio. Ang unang Patikim Festival ay inilunsad noong Abril 2012 na may layuning maipakilala at maipakita sa komunidad ang kahalagahan ng likas-kaya at organikong pagsasaka; masukat kung gaano na kalawak ang inaabot ng Masipag sa REINA at POGI area; at maipatikim sa komunidad ang mga inani at mga produktong nagmula sa mga magsasakang MASIPAG. Ang selebrasyong ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng lubos na pasasalamat ng mga organisasyon ng mga magsasaka (people’s organizations) ng MASIPAG, non-government organizations (NGO), simbahang Katolika, mga Local Government Units (LGUs), at iba pang indibidwal at grupo na tumulong sa kanila upang makabangon sa pagkakalugmok sa trahedya na idinulot ng magkasunod na bagyong Winnie noong Nobyembre at Yoyong ng Disyembre, taong 2004. Itinampok sa pagsisikap na ito ang isang antas ng kooperasyon at ambagan, aktibo at malawak na partisipasyon ng komunidad at Provincial Consultative Body (PCB) Q2. Nagsilbing lunsaran ang ‘patikim’ upang payabungin pa ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lokal ng mga bayan ng REINA. Itinataon ng PCB Q2 4  SUHAY  MASIPAG.ORG

TAGUMPAY NG PATIKIM FESTIVAL,

TAGUMPAY SA ORGANIKONG PAGSASAKA! ang selebrasyon tuwing buwan ng Mayo na ipinagdiriwang ang mga “pintakasi” at harvest festival sa maraming bayan sa buong Pilipinas kung saan nagkakaroon ng salu-salo ang mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at komunidad bilang simbolo ng pasasalamat sa masaganang ani at pagpupugay sa patron ng mga magsasaka, kay San Isidro Labrador na ginugunita tuwing ika-15 ng Mayo. Naging huwaran ang selebrasyong ito ng PCB Q2 sa paglulunsad ng “Panamit Organiko ng Bikol” (patikim-organiko) noong 2019, na dinaluhan naman ng mga kinatawan ng mga samahang magsasaka sa PCB Albay, mga NGO, at organic

ITINAMPOK SA PAGSISIKAP NA ITO ANG ISANG ANTAS NG KOOPERASYON AT AMBAGAN, AKTIBO AT MALAWAK NA PARTISIPASYON NG KOMUNIDAD

focal person ng City Agriculture Office-Legazpi City at ilang nagmula sa akademya. Tampok dito ang pagbabahaginan ng mga tagumpay ng mga magsasakang MASIPAG sa pagpapaangat ng kaalaman, kasanayan, kakayahan at aktitud sa organiko at likas-kayang pagsasaka; sa pagpapayaman ng kaugalian at tradisyon ng pagkakaisa sa mga komunidad; at sa paninindigan sa pagtuligsa sa mga patakaran, polisiya at mga proyektong hindi tumutugon sa interes ng mga maliliit na magsasaka sa rehiyon ng Bicol. Dahil sa paghihigpit sa mga pagtitipon bunsod ng COVID19 sa nakalipas na taon ay di


MASIPAG LUZON VIRTUAL FESTIVAL

Dahil sa pandemya, ginanap online ang Patikim Festival na noo’y isinasagawa sa isang malaking pagtitipon, gaya ng litratong ito mula noong Mayo 2018.

nakapaglunsad ng “Patikim Festival” ang PCB Q2 at “Panamit Organiko” sa Bicol. Samantala, ang planong “Pataway Festival” ng PCB Pangasinan sa kolaborasyon ng LGU Bayambang ay hindi rin natuloy dahil sa pagtaas ng kaso sa bayan. Subalit sa pagsusumikap na masustini, panghawakan at magbahaginan ng mga aral mula sa praktika ng “patikim”, pinagkaisahan ng mga PCBs, Regional Management Team at Regional Secretariat ng Masipag Luzon na idaos ang kaunaunahang “Online Patikim Festival” nitong Hulyo 28, 2021. Hini na lamang ito selebrasyon ng pintakasi at pasasalamat para

ITINAON ITO SA ‘BUWAN NG NUTRISYON’ UPANG ITAMBOL ANG PAGTATAGUYOD ANG SAPAT AT LIGTAS NA MGA PAGKAIN

sa masaganang ani, kundi itinaon ito sa “Buwan ng Nutrisyon” upang tuloy-tuloy na itambol ang pagtataguyod ng sapat, ligtas, at mayaman sa nutrisyong pagkain mula sa mga tanim sa mga bakuran at bukirin ng mga magsasakang MASIPAG. Ang pagyabong ng gawaing pagproseso gayundin ang lokal na pagsasapamilihan ng mga produkto mula rito tulad ng bigas, gulay, prutas, bungangkahoy at halamang-ugat at maging mga naprosesong pagkain tulad ng cassava crunch, pili nut delicacies, matamis na bao (sugar cane syrup at molasses), pastilyas at alak mula sa bigas at mga prutas at marami

pang iba. Ito ay selebrasyon din ng mga tagumpay sa pagharap sa mga suliranin bunsod ng pandemya at climate change. Mahalagang aksyon ito upang sa kabila ng nararanasang lockdown ay maseguro pa rin ang konsolidasyon at pagkakaisa ng mga miyembro ng MASIPAG Luzon. Dinaluhan ang pagtitipong ito ng mga kalahok mula sa 4 na clusters na binubuo ng 11 PCBs na nagtayo ng 20 Information, education, communication (IEC) hubs na may kabuuang 195 na mga magsasaka at mga kinatawan ng mga miyembro at partner na NGO ng MASIPAG Luzon. Tampok sa Online Patikim Festival ang paglalahad ng layunin ng online Patikim Festival na ibinahagi ni Gng. Rowena Buena, Regional Coordinator ng Masipag Luzon, pagtalakay ni Dr. Susan Balingit kaugnay sa “Health and Nutrition” kung saan ibinahagi niya ang halaga ng mga pagkaing natural, sariwa, masustansiya, abot-kaya at abot-kamay na nagmumula sa mga bakuran at sa lokalidad para sa pangangalaga ng ating kalusugan, pagtalakay ng MASIPAG Food Security Agenda ni Alfie Pulumbarit ng ICA unit, at pagpapakita at pagpapakilala ng handang pagkain sa bawat kalahok at pagbahagi ng importansya nito sa kultura at nutrisyon ng komunidad. Tinuldukan ito ng mensahe ni Cris Panerio, National Coordinator ng MASIPAG sa mahalaga at napapanahong aksyon ng network sa panahon ng pandemya at krisis sa klima. Ang masayang salu-salo sa mga hubs ay tunay na isang selebrasyon ng pasasalamat ng mga magsasakang MASIPAG. Ang Online Patikim Festival ay larawan ng pagkakaisa ng mga organisasyong ng magsasaka, NGO at siyentista ng Masipag Luzon. Saad nga ni Darius Gurango, isang farmer-trainer ng PCB Q2: “Bilang isang anak ng Tatay Lucio, hanga ako sa kanyang determinasyon na maipalaganap ang likas-kayang pagsasaka, at ang Patikim Festival ay kinikilala ko bilang kanyang pamana.” MASIPAG.ORG  SUHAY  5


MASIPAG VISAYAS

24th MASIPAG Visayas Assembly, Matagumpay

S

Ni ANALYN DIAZ

a kabila ng matinding hamon ng pandemya, pamamaslang at red-tagging sa mga magsasaka at NGO na kasapi ng MASIPAG sa Bisayas, matagumpay na idinaos ang ika-24 na Regional Assembly ng MASIPAG Visayas noong Mayo 26-27, 2021. Ito ay aktibong dinaluhan ng 6 na PCB (Antique, Capiz, Iloilo, Negros, Bohol at Leyte), 41 na Peoples Organization, 5 non-government organization at siyentista, at 100 na indibidwal kasama ang Regional at National Secretariat, at BOT at RMT ng Visayas. Ang taong 2020 ay simula ng pandemya at militaristang tugon ng gobyerno sa pamamagitan ng mga lockdowns at boundary restrictions. Kaya naging tampok ito na usapin sa pagbabahaginan ng mga karanasan ng magsasakang MASIPAG, kung paano umangkop sa bagong kalagayan. Bahagi ng pag-angkop ang paghanap ng mga lugar na

TOP: Nagpatuloy ang ika-24 na Regional Assembly ng MASIPAG Visayas, kasama ang mga miyembro mula sa anim na mga probinsya.

may malakas na signal ng internet para sa tuloy-tuloy na ugnayan ng mga PO, FTs , NGO at staff upang makadalo sa mga virtual na pulong at mga pagsasanay kaya nabuo ang mga farmers hub sa mga komunidad o lugar na malapit sa sentro ng mga PO. Tuloy-tuloy ang produksyon ng pagkain galing sa DIFs, at dahil hindi maibenta sa labas dahil sa mga lockdown, umugnay ang mga magsasaka ng Negros sa LGU upang bilhin ang kanilang produkto at isama sa mga food packs na pinamimigay. Nagpalitan (barter) naman ang mga magsasaka at mangingisda sa Capiz, at nakilahok din ang ilang PO sa community pantry sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga produkto. Naging signipikante ang papel ng kababaihan at kabataan sa pagpapatupad ng mga gawain ng PO sa panahong ito tulad ng pagproseso ng pagkain, feeding program, pagdalo sa mga pulong, pagtulong sa mga hubs , hanggang sa paghanda, para sa blended na 24th Regional Assesmbly. Natapos naman ang 24th Regional Assembly sa pag-apruba ng mga sumusunod na resolusyon: patuloy na pagpapa-unlad sa mga farmers hub, suporta sa mga peri urban/urban community para sa produksyon ng pagkain, at suporta sa gawaing adbokasiya sa usapin ng karapatang pantao.

Pag-aaral ng Documentation para sa mga Kabataan ng Negros, Inilunsad Ng MASIPAG VISAYAS

Isang photo at video documentation traning ang ginanap noong Agosto 14-15, 2021 sa Kabankalan, Negros Occidental. Dinaluhan ito ng 18 kabataan mula sa CAFA, PAWIS, at Youth for Justice and Peace sa Kabankalan City. Layunin ng aktibidad na linangin ang kakayahan ng mga kabataan sa pagdodukomento ng mga gawain ng kanilang mga people’s organization. Gayundin, maksimahin ang kanilang malikhaing potensyal sa social media upang mabigyang 6  SUHAY  MASIPAG.ORG

pansin ang adbokasiya at teknikal na gawain ng kanilang mga people’s organization sa larangan ng agro-ekolohiya. Ang aktibidad ay bahagi ng youth development program ng PCB Negros, isa rin ito sa mga serye ng mga aktibidad para sa nasabing programa. Mula sa partisipasyon ng mga kabataan sa gawaing produksyon hanggang sa mga gawaing adbokasiya ng kanilang people’s organization ay sinubukan na isali ang mga kabataan para malinang at mabuo ang pagpapahalaga nila sa mga programa ng kanilang mga

POs. Si Carmela Lagang ng Artist ARREST o Artists’ Response to Call for Social Changes and Transformation ang nagtayong resource person sa 2 araw na aktidad . Bagaman hindi pisikal at sa zoom lang nakasama si Ate Kame ng mga kabataan dulot ng mga restriksyon na dala ng pandemya, naging makabuluhan naman ang talakayan, kahit na naninibago at may mga limitasyon na kinaharap hindi ito naging hadlang para sa isang masaya at aktibong talakayan. Ayon sa mga kabataang partisipante, marami silang natutunan

sa mga aktibidad na bago sa kanila at inspirado na ibahagi ang kanilang mga bagong natutunan sa iba pang mga kabataan sa kanilang mga komunidad. Isa sa naging resulta ng documentation training ay ang dokumentasyon ni Jessa De la Rosa sa naging karasanan at epekto ng pandemya sa ng kanilang people’s organization na CAFA o CAMALOBALO small farmers association. Hindi lang sa kanilang mga POs naging aktibo ang mga kabataang partisipante, naging aktibo rin sila sa mobilisasyon bilang mga documentors ng aktibidad.


MASIPAG VISAYAS

M

Ni HANNAH ARANAS

ula sa pagkadapa ay muling bumangon,” pagsasalarawan ni Enda Quilloy, farmer trainer at miyembro ng BEOFA (Barangay Esperanza Organic Farmers Association), sa naging karanasan ng kanilang samahan mula 2005. Isa ang BEOFA sa anim na people’s organization ng PCB Leyte na nagsagawa ng organizational assessment noong Setyembre 2021. Binalikan ng bawat PO kung paano sila nagsimula at ang mga nangyari sa kanilang samahan hanggang sa kasalukuyan. Ang ilang POs ay binuo upang makasali sa mga pagsasanay ng mga ahensya ng gobyerno, o mapasama sa proyekto ng mga non-governnment organizations na bahagi ng rehabilitasyon pagkatapos ng bagyong Yolanda. Ang iba naman ay kusang nagbuklod sa hangaring magtulungan, mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Iba’t-ibang klase at bigat ng pagsubok ang nadaanan ng mga POs bago pa dumating ang pandemyang COVID-19. May mga panahon ng panghihina, pagkalugmok, at panandaliang paghinto. Lubos na sinubok ng pandemya at iba pang sakuna, tulad ng African swine fever (ASF), ang mga samahan. Nabawasan ang pinagkukunan ng kita sa paglaganap ng ASF sa mga komunidad. Naging mahirap ang pagtitipon para magpulong o magtrabaho sa mga komunal noong kasagsagan ng pagpapatupad ng mga restriksyon. Kakabit sa limitasyong ito, ay ang paghina ng pagsasamerkado ng kanilang mga produkto. Sa pagsusuri ng POs sa mga pangyayaring ito ay lumitaw ang maraming mga realisasyon at kamulatan. Nabigyang diin ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan at kakayahan ng samahan sa bawat pagpapasyang gagawin, pagsandal at pagpapatatag sa mga kalakasang angkin, at pagnanais na mapagyaman ang kaalaman at kasanayan sa sustenableng pagsasaka at pagpapaunlad ng samahan. Panandalian man ang pagtugon ng mga ahensya ng

TOP: Naghuhuntahan ang mga miyembro ng organisasyon sa isinagawang mga assessments.

Organization Assessements Series sa Leyte, Nailunsad gobyerno at natapos ang pagpapatupad ng proyekto ng ilan sa mga NGOs, sabay ng unti-unting pagbangon ng mga nasalantang komunidad, nanatili ang mga nabuong POs. Nilinang ng mga natutunan nila bilang samahan, napalalim pa nila ang kanilang mga layunin at tunguhin. “Sa gitna ng mga suliranin, tagumpay, at pagkabigo, andito pa rin ang AMAFA dahil may mga naniniwalang

mahalaga ang pagsasama-sama kaysa sa pagkakanya-kanya,” ani ni Benilda Paradiz ng AringitMakapawa Farmers Association. Napagtanto ng POs na marami pa talaga ang kailangang paunlarin at tugonan ng kanilang mga samahan. Gayunpaman, nauunawaan nila na pagkakataon ito na mapalawak ang kanilang pananaw at karanasan na siyang panghuhugutan ng mga aral at lunsaran ng mga aksyon. Mapanghamon ang

binabagtas nilang daan, lalo na sa lipunang malaki ang kanilang papel ngunit kulang ang pagkilala sa lakas na kanilang taglay bilang uring magsasaka. Bilang mga kasapi ng MASIPAG, bitbit nila ang prinsipyo ng likas-kayang pagsasaka at kolektibong pagkilos sa patuloy nilang paghakbang, tungo sa paghubog ng samahang tanaw hindi lamang ang sariling pagbangon at pag-unlad, kundi pati ng kani-kanilang mga komunidad. MASIPAG.ORG  SUHAY  7


MASIPAG MINDANAO

M

Ni LEO XL Y. FUENTES

a l a k i ng kabalintunaan na ang Pilipinas bilang isang agricultural na bansa ay umaasa sa ibang bansa para tustusan ang kanyang pangangailangan sa pagkain katulad na lamang ng ating staple na bigas. Kung ating sisipatin, malinaw na ang kalakarang export-oriented at import-dependent sa ating agrikultural na ekonomiya ay bunsod ng mga imposasyong neo-liberal na isinusulong ng mga malalaking bansa na may kontrol sa pandaigdigang pamilihan, sintomas ito ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Isa rin sa nangangailangang bigyang pansin ang kalagayan ng mekanisasyon sa bansa. Ayon sa datos ng pamahalaan, tinatayang nasa 1.23 horse power per hectare (hp/ha) ang antas ng mekanisasyon sa bansa. Lubhang kulelat ito kumpara sa ating mga karatig bansa katulad ng Japan na mayroong 7 hp/ha, South Korea na may 4.11 hp/ha at maging sa China na mayroong 4.10 hp/ha. Ayon sa mga eksperto ng UP Los Baños, mayroong iba’t-ibang salik na humahadlang sa mekanisasyon ng maliitang mga sakahan: maliit na sakahan, kakapusan sa rekurso, pangamba para sa pagbabago, kakapusan sa angkop na teknolohiya, kakapusan sa pagsasanay, kakapusan sa impormasyon at iba pang problema. Karamihan sa mga salik na ito ay maiuugat natin sa mga istruktural na problema sa ating lipunan, katulad na lamang ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at kawalan ng oportunidad sa malawak na hanay ng magsasaka.

Abot-kayang teknolohiya

G ayu n paman, ang MASIPAG, bilang network ng mga magsasaka, siyentista at mga NGOs sa kanyang tunguhing iangat ang kalagayan ng maliliit na magsasaka, ay nagpapakahusay sa pag-papaunlad ng mga abot-kayang teknolohiyang angkop para sa mga Pilipinong magsasaka: sa programang Farmers Developed and Adapted Technologies (FDAT). Isa sa mga FDAT na ito ay ang Three Row

8  SUHAY  MASIPAG.ORG

Atrasadong Mekanisasyon at ang FDAT ng MASIPAG May lokal na solusyon man, kailangan pa rin ang adbokasiya.

TOP: Isang blueprint ng lokal na three-row wooden paddy weeder ng SINFA, South Cotabato. Wooden Paddy Weeder ng mga magsasaka ng Sto. Niño Integrated Farmers Association (SINFA) sa South Cotabato. Ayon kay Marlon Recidoro ng SINFA, nakuha nila ang konsepto at disenyo na ito mula sa Sultan Kudarat. Gamit ang mga payak na materyales na kahoy at pako, madaling gawin at magaan gamitin ang weeder na ito. Kumpara sa kadalasang manual weeder na bakal at isang row lamang ang kayang hagipin, ang 3-row wooden weeder na ito ay mas episyenteng gamitin lalo na sa mga sakahang gumagamit ng transplanter. Sa usapin naman ng halaga,

kumpara sa mga imported na 3-row weeder na nasa P30,000 ang presyo ng bawat isa, ang presyo nito ay nasa P1,500 lamang (hindi pa kasali ang shipping cost). Tunay ngang pangangailangan ang siyang inay ng imbensyon at pagiging malikhain. Ang 3-row weeder ay malinaw na nakakatulong sa mga magsasaka para padaliin ang trabaho sa bukid. Ito ay madaling gawin at ang mga materyales ay makukuha sa isang mabilis na pagbisita sa pinakamalapit na hardware store. Bagamat signipikante ang ambag ng mga teknolohiyang isinusulong sa FDAT para paunlarin ang

magsasakang Pilipino, malaki pa rin ang pangangailangan para tugunan ang mga bara sa pagpapataas sa antas ng mekanisasyon sa bansa. Nabanggit rin sa unahan na naka-ugat ang atrasadong pagsasaka sa mga kumplikadong salik. Kasabay ng pagyayaman natin sa mga FDAT ay marapat ring kaalinsabay nito ang ating adbokasiya para tugunan ang mga istruktural na problema. Malulubos lamang ang pagpapataas ng antas ng mekanisasyon sa bansa kung mayroong tunay na repormang agraryo at pagpapaunlad ng industriya sa bansa na nakasentro sa lokal na pangangailangan.


MASIPAG MINDANAO

Pagbawi sa Katutubong Binhi, Sentro sa Lake Sebu

A

k o ay lubhang natutuwa sa ginawa nating Pinipig Festival dahil sa nakalipas na tatlong dekada nawala ang tradisyong ito dito sa Lake Sebu. Naaalala ko nung bata pa ako ito ang pinambabaon ko tuwing papasok sa eskwela” masayang ginunita ni Melissa Dizon, kasapi ng Lem Bulol Farmers Association (LFA) sa paglulunsad ng kauna-unahang Pinipig Festival ng kanilang organisasyon katuwang ang MASIPAG Mindanao at ang mga lokal na opisina ng Agrikultura at Turismo, noong ika-27 ng Hulyo 2021 sa Brgy. Luhib, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato. Bagaman bitbit ng mga migranteng settler mula sa kabisayaan ang kasanayan sa paggagawa ng Pinipig, ito ay mabilis na niyakap ng mga katutubong Tboli sapagkat dati ay sagana ang kanilang lugar sa mga katutubong binhi ng palay. Habang isinagawa ng mga tagapagtaguyod ng kemikal na pagsasaka ang kanilang nakakalasong martsa papasok sa mga bulubunduking sakahan ng South Cotabato ilang dekada na ang nakaraan, ang likas na umaasa sa sariling sistema ng pagkain ng mga katutubong Tboli ay itinulak sa isang tabi at nasa bingit ng paglimot. Sa loob ng maikling panahon nawala ang mga mahalimuyak ng mga upland rice sa laylayan ng Busa Mountain Range at napalitan ng mga lansa ng kemikal dala ng mga high value crops gaya ng Bell Pepper, Kamatis at ng Genetically Engineered Corn na bulnerable naman sa peste. Kaya naman, tatlong dekada ang lumipas, ang malapad na taniman ng mga upland rice ay nawala, kasabay nito ang iilang mga aspeto ng tradisyon ng mga T’boli, kasama na rito ang iilang kasanayan sa pagkain at agrikultura. Sa ngayon,

iilan na lamang ang nagtatamin ng mga tradisyonal na binhi ng palay. Malayong malayo kung ikumpara bago pa dumating ang kemikal na pagsasaka. Ang Pinipig Festival ay patunay sa pagnanais na ibalik ang mga tradisyunal na binhi at ang mga kaugnay nitong kaalaman. Upang mapabilis ang pagbalik nito sa mga sakahan ng Lake Sebu, nagpasya ang mga magsasaka mula sa tatlong baryo na magtayo ng mga community-level seed banks at trial farms. Sa paraang ito, umaasa ang mga katutubong magsasaka na tumungo sa isang sustenableng bukas sa pamamagitan ng pagbalik sa mga hakbang na pinunla ng luma at subok na sa panahong mga tradisyunal na binhing palay. Nagpahayag rin ang mga lokal na ahensya katulad ng turismo at agrikultura ng pagsuporta sa mga hakbangin ng LFA para bawiin ang mga tradisyunal na binhi at palakasin ang kanilang kultura. Nagtapos ang pagdiriwang sa isang ritwal at masayang salu-salo ng komunidad at mga panauhin.

PAGKAIN AT HUNTAHAN

Mainam ang paghalo sa mga sangkap sa Pinipig Festival (left), habang nagkaroon ng diskusyon tungkol sa mga lokal na isyu sa South Cotabato (bottom).

MASIPAG.ORG  SUHAY  9


FEATURE

TANSO ANG PANGA Ang mga bulnerableng sektor, gaya ng mga maliliit na magsasaka, ang papasan ng epekto ng GM Yellow Rice.

S

Ni ALFIE PULUMBARIT

a kabila ng mainit na mga protesta, inaprubahan ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry Director George Culaste ang permit para sa komerysal na pagtatanim ng Golden Rice sa bansa nitong Hulyo 2021. Dineklara rin ng nasabing ahensya ng ligtas bilang pagkain ang Bt talong. Ayon sa Philrice, project proponent ng nasabing GM na palay, makatutulong diumano ang GM Yellow Rice o Golden Rice para resolbahin ang malnutrisyon, lalo sa panahon ng pandemya. Sinegundahan naman ito ng International Rice Research Institute o IRRI, at buong pinagmamalaki na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa buong mundo na magtatanim ng GM Yellow Rice. Target ng nasabing proyekto ang mga komunidad na may mataas na antas ng Vitamin A Deficiency (VAD), particular sa mga bata at sa mga bagong panganak o nagdadalang tao. Kasalukuyan nang ipinapalahi ang GM Yellow Rice sa mga popular na variety ng palay, sa layuning tanggapin ito ng mga magsasaka. Plano naman na magkaroon ng pilot testing o pagtatanim ng GM Yellow Rice sa pitong probinsya sa bansa: Quirino, Catanduanes, Samar, Antique, Lanao del Norte,

10  SUHAY  MASIPAG.ORG

Agusan del Sur at Maguindanao, mga lugar na may mataas na tantos ng VAD. Sa pakanang linlangin ang mga mamamayan na ligtas diumano ang GM na kanin, mismong si DA Secretarty William Dar, kasama ang ilang opisyal ng gubyerno, Philrice at US Agricultural Attache Ryan Bedford ay kumain ng GM Yellow Rice sa inagurasyon ng Crops Biotechnology Center sa loob ng opisina ng Philrice sa Muñoz, Nueva Ecija. Tinataya nila na sa taniman na ng magsasaka at merkado ang GM Yellow Rice sa darating na taon. Hindi pinalagpas

ng mga magsasaka at iba pang mga sektor ang pakana ng Philrice, IRRI at ng mga dayuhang korporasyon para tuluyang kontrolin ang ating mga binhi sa ngalan ng tubo. Napakaraming mga organisasyon ang nagpahayag ng kanilang paninidigan laban sa pag-apruba ng nasabing GM Yellow Rice sa pamamagitan ng unity statements, press releases at online action para kundinahin ang nasabing desisyon ng departamento. Pinagtulung-tulungan ng MASIPAG, Kilusang Mabubukid n g P i l i p i n a s , G r e e n p e a c e, SEARICE, CCNCI, Rice Watch

Action Network, dating senador Orly Mercado, Professor Reggie Vallejos ng SUKI Network, dating UPLB Professor at UP scientist Dr. Tedoro Mendoza, at MASIPAG Board of Trustees member Virgina Nazareno na makapag-file ng petisyon kay DA Secretarty William Dar para bawiin ang desisyon ng DA-BPI sa GM Yellow Rice at Bt talong. Katuwang sa nasabing petisyon si Atty. Zelda Soriano ng Community Legal Help and Public Interest Center. Ayon kay Cristino Panerio, MASIPAG National Coordintor,


AKONG GINTO

NO TO GOLDEN RICE! social media at patuloy na pagsasagawa ng likas-kayang pagsasaka, dibersipikasyon at pagbabayanihan o social solidarity bilang patunay tunay na alternatibo sa GM Yellow Rice. Sa Barangay Malinao, bayan ng Gabaldon sa Nueva Ecija, ipinakita ng SAMAKANA at ng kanilang barangay na may pag-asa para mapigilan ang pagpasok ng GM Yellow Rice sa ating mga komunidad. Ayon kay Hon. Alejandro Del Rosario, punong barangay na “gagawa tayo ng joint resolution na hindi natin pinapayagan ang Golden Rice. Pangungunahan ito ng ating Sangguniang Barangay, SAMAKANA, Upland Farmers at iba pang magsasaka. Isusumite natin ito sa Sanggunian Bayan na tayo ay tumututol at huwag natin payagan.”

Manindigan laban sa GR

“inilaan na lang sana ang bilyun-bilyong ginagastos sa Golden Rice project para suportahan ang produksyon at dibersipikasyon ng pagkain. Tila minamadali ang nasabing approval ng GM Yellow Rice para bigyang katwiran ang pagpasok ng mas produktong nakalalason at mamahalin para sa ganansya ng mga malalaking korporasyon gaya ng Syngenta-Chemchina at pilantrokapitalista gaya ni Bill Gates na nasa likod ng mga pakanang ito. Ang pagtutulak ng GM Yellow Rice ay lantarang pambabraso, di lamang para kontrolin ang binhi,

kundi ang pandaigdigang sistema ng pagkain gaya ng ginawa nilang pag-hijack ng UN Food Systems Summit.” Sinuhayan din ng iba’t ibang mga organisasyon ang nasabing aksyon sa pamamagitan ng lokal at internasyunal na pagkilos at pagbabahagi ng impormasyon at edukasyon. Nagpahayag ng pagtutol ang Good Food Community, Bantay Bigas, Philippine Misereor Pa r t n e r s h i p I n c , K i l u s a n g Ma g b u b u k i d n g P i l i p i n a s, Greenpeace, SEARICE, PGS P i l i p i n a s, A NA K PAW I S a t AMIHAN at marami pang samahan

sa planong komersyalisasyon ng GM Yellow Rice. Sa antas internasyunal, binitbit ng Stop Golden Rice Network Asia ang tindig laban sa Golden Rice at corporate control sa partisipasyon nito sa Global Peoples Summit on Food Systems. Ipinanawagan naman ng mga Peoples’ Organization ng MASIPAG ang pagbabasura ng permit para sa GM Yellow Rice at Bt talong. Mula sa mga rice at harvest festivals, nutrition programs, information and education sa mga komunidad sa pamamagitan ng radyo,

Malaki na ang inaabot ng kampanya ng MASIPAG kasama ang iba’t ibang mga sektor at organisasyon para protektahan ang karapatan ng mga magsasaka sa binhi, teknolohiya at kabuhayan. Gayunman, dahil dambuhala ang ating kinakaharap na sinusuhayan pa mismo ng ating pamahalaan, malaki pa ang ating dapat abutin para mapabigyang impormasyon sa pangambang dulot ng GM Yellow Rice. Inaasahan ang mas malalakas na kampanya laban sa nasabing GM na binhi, mula lokal hanggang internasyunal. “Ang mga bulnerableng sektor, gaya ng mga maliliit na magsasaka, maralitang tagalunsod, mga kababaihan at kabataan ang papasan ng epekto ng GM Yellow Rice,” ani ni Panerio. “Lagi’t lagi nating ipinapaalala sa DA na ang kanin ang pangunahing pagkain kinokonsumo ng ating mamamayan at kabuhayan ng ating mga magsasaka. Huwag natin itong pakialamanan para maiwasan ang pangambang panganib ng genetic modification at pagpapatente. Tunay na tanso ang pangakong ginto ng GM Yellow Rice,” dagdag pa niya.

MASIPAG.ORG  SUHAY  11


FEATURE Ni PATRICK DELA CUEVA at BASTI EVANGELISTA

N

o o n g Oktubre 5, inilunsad ng MASIPAG, kasama ang mga pamilya, kaibigan at mga kasamahan mula sa mga organisasyong nakatrabaho ni Atty. Ben Ramos, ang awarding activity ng Gawad Ben Ramos, isang pagpaparangal sa mga natatanging pakikibaka para sa lupa, pagkain at kaunlaran. Layunin ng Gawad Ben Ramos na bigyang pugay ang mga organisasyon at indibidwal na nagsusulong ng mga kampanya para mapatampok ang mga isyu patungkol sa pagkain, agrikultura, gawaing pangkaunlaran at kanayunan, at karapatan ng mga magsasaka upang magsilbing inspirasyon para tumibay at lumawak pa ang mga adbokasiya para sa mga sektor na kanilang pinagsisilbihan. Si Atty. Ben Ramos ay isa sa mga nagsimula ng Paghidaet sa Kauswagan Development Group (PDG) sa Negros. Kilala rin siya bilang abogado ng mga mahihirap at maliliit na magsasaka sa kanayunan at naging bahagi ng MASIPAG bilang miyembro ng Board of Trustrees. Isa siya sa nagpapatibay ng “farmer-led development” na nagsisiguro na mula at para sa mga maliliit na magsasaka ang mga programa ng network. Tatlong taon na ang nakakaraan nang paslangin si Atty. Ben Ramos sa tapat ng isang tindahan sa Kabankalan City. Noong panahong iyon, namamahagi si Atty. Ben ng tulong sa mga biktima ng tinaguriang Sagay 9, kung saan siyam na magsasakang naglulunsad ng “bungkalan” sa Hacienda Nene sa Negros Occidental ang minasaker ng ‘di pa nakikilalang armadong grupo. Bilang pag-alala kay Atty. Ben Ramos, binuksan ni Cris Panerio, MASIPAG National Coordinator, ang programa ng Gawad Ben Ramos awarding activity sa pagbabalik-tanaw sa mga nagawang serbisyo ni Atty. Ben sa loob ng MASIPAG. Binigyang diin niya ang panawagan para sa hustisya na hanggang sa ngayon ay hindi pa

12  SUHAY  MASIPAG.ORG

PAG-ALALA, PAGPAPATULOY, AT PAGGIIT NG HUSTISYA

Habang nakalalakad nang malaya ang pumaslang kay Atty. Ben Ramos, tuloy ang laban para sa hustisya. Sa ganitong konteksto, inilunsad ng MASIPAG ang GAWAD Ben Ramos, isang pagpaparangal sa mga natatanging pakikibaka para sa lupa, pagkain at kaunlaran.

rin nakakamit. Binanggit niya ang kahalagahan ng karapatang sibil at pampulitikal ng mga manggagawang pangkaunlaran at nagtatanggol ng karapatang pantao na dapat malaya sila, at kahit sinuman, mula sa karahasan. “Ang hustisya na ating minimithi, kasama ng kaniyang pamilya, mga mahal sa buhay ay ‘di pa rin nakakamit; kung kaya’t patuloy ang ating laban, patuloy ang

NAMAMAHAGI SI ATTY. BEN NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG PAGPASLANG SA SAGAY 9.

ating paghahanap ng katarungan para kay Atty. Ben Ramos at sa lahat ng pinaslang sa politikal na kadahilanan,” ani Panerio. Sinundan ito ng mensahe mula sa asawa ni Atty. Ben na si Yesha Ramos, na pinaalala ang malaking gampanin ni Atty. Ben sa paglaban para sa hustisya at ikauunlad ng buhay ng mga magsasaka. Ipinaliwanag ni Yesha na puno ng pag-asa at walang kapaguran ang


GAWAD BEN RAMOS

kanyang paninilbihan at pakikibaka. “Naniniwala si Ben na ang labanan at pagsulong ng ating karapatan ay di nareresolba sa loob ng korte, kundi sa sama samang pagsulong at pakikibaka ng mga mamamayan,” banggit ni Yesha. Binigyang diin ni Yesha na dapat tayong maging mapagmatyag sa kabila ng paglabag sa karapatang pantao. “Ang red-tagging ng estado at ang kasunod na mapanlinlang

HABANG MALAYA ANG PUMASLANG KAY ATTY. BEN, TULOY ANG LABAN PARA SA HUSTISYA.

na pagpatay kay Ben at sa marami pang iba ay nagpapakita ng tahasan ang pagwawalang bahala ng estado sa karapatang pantao at karapatan sa buhay, ngunit sa kabila ng hinagpis at sakit, nanatili tayong matatag at pinapagtuloy natin ang pakikibaka,” dagdag ni Yesha. Nagbahagi rin ng mga mensahe sina Ms. Sarah Wright mula sa University of Newcastle, Atty.

Edre Olalia mula sa National Union of People’s Lawyers, at ang kanyang mga kasamahan sa Quinoa, isang organisasyon sa Belgium. Ip i n a d a l oy n i Ms. J h a n a Tejome mula sa Agroecology X at Mr. Shen Maglinte mula sa Sibol at Agham para sa Teknolohiya (SIBAT) ang pangalawang parte ng program—ang pag-anunsyo ng mga makatatanggap ng Gawad Ben Ramos. Ang mga nakatanggap ng Gawad Ben Ramos ay sina Atty. Angelo Karlo Guillen mula sa National Union of People’s Lawyers-Panay Chapter, Anita Morales mula sa METSA Foundation, Elena Tijamo na dating program coordinator ng Farmers Development Center Central Visayas (FARDEC), Emerito Samarca na dating director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), Lucia Capaducio galing sa Paghugpong sang mga Mangunguma sa Panay kag Guimaras (PAMANGGAS), Lucio Lavina Gurango mula sa Center for Organic Farmer’s Association of Real (COFAR), Mamerto Pado na dating tagapangulo ng Bayanihan Farmers Organization sa Camarines Sur, Veneranda Guinanao mula sa Bukidnon Free Farmers and Agricultural Laborers O rg a n i z a t i o n ( B U F FA L O) , Alyansang Magbubukid ng Bulacan o Bagsakan Farmers, at Bantay Bigas. Lahat ng mga nakatanggap ng Gawad Ben Ramos ay ilan sa mga indibidwal at organisasyon sa bansa na nagtampok at nagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka. Binigyan din ng posthumous award si Atty. Ben Ramos bilang pagkilala sa kanyang serbisyo at makabuluhang buhay na inalaypara sa pakikibaka kasama ang mga magsasaka. Habang nakalalakad nang malaya ang pumaslang kay Atty. Ben, tuloy ang laban para sa hustisya. Tinapos ang programa sa pagbandera ng mga panawagan para sa hustisya, pagpapatigil ng pamamaslang sa mga magsasaka, manggagawang pangkaunlaran, karapatan para sa lupa at pagkain.

MASIPAG.ORG  SUHAY  13


PGS CONFERENCE

I

Ni LUCIL ORTIZ

l a n g buwan mula nang amyendahan ang Organic Agriculture Act of 2010, nagsimula na ang roll out ng PGS kung saan primaryang natarget ng Agricultural Training Institute o ATI ang mga pioneer PGS groups upang bigyan ng PGS training ayon sa balangkas ng RA 11511 at PGS guidelines. Upang bigyang-daan ang talakayan sa usaping ito sa pagitan ng mga kasapi ng PGS Pilipinas, isinagawa ang PGS Conference noong Nobyembre 3, 2021. Layunin ng kumperensya na mailatag at masuri ang kasalukuyang kalagayan ng PGS, gayundin ang nagiging pag-usad nito sa mga lokalidad sa balangkas ng RA 11511. Itinatanong ang mga sumusunod: Paano ito ginagawa? Angkop ba ang pamamaraang ginagamit sa pagpapakalat nito at nakaayon ba sa mga prinsipyo at layunin ng Participatory Guarantee System? Sa mga bagong kaganapang kaugnay ng Organic Agriculture at PGS, nasaan ang PGS Pilipinas? Ilan lamang ito sa mahahalagang tanong na ibinukas sa kumperensya. Sa kabila ng mga hamon na dala ng iba’t ibang salik tulad ng pandemya, kalagayang politikal at paparating na national election, hindi malayo’t imposible na mawala sa focus at maisantabi ang mga layunin at usapin hinggil sa PGS. Sa ganitong konteksto, muling napaalalahanan ang bawat isa na dumalo ng kumperensya sapagkatanuman ang mangyari, ang PGS Pilipinas; mga kasaping grupo nito at ang organic movement, ay patuloy na magtataguyod at magbibitbit ng Organic Agriculture para sa pangkanayunang kaunlaran at pagsusulong ng PGS sa lehitimong diwa at kapakinabangan nito. Muling naitampok sa kumperensya ang mga tagumpay ng maliliit na magsasaka sa puspusang pagrerehistro nito ng mga panawagan at paggiit nito upang kilalanin ang kontribusyon ng organikong agrikultura sa produksyon ng pagkain at bigyan ng kaukulang pagpapahalaga sa pamamgitan ng pagpapasa ng batas na magpapatibay dito. Ang OA Act of 2010, RA 11511 at PGS recognition ay mga panalo ng organic agriculture movement lalo 14  SUHAY  MASIPAG.ORG

ROLLOUT NG PGS SA ATING BANSA,

KUMUSTA? TOP: Dahil sa pandemya, virtual na ginanap ang PGS Conference. Dati, ito ay isinasagawa sa masinsinang pag-uusap, gaya noong 2019 (kanan). na ng mga maliliit na magsasaka, ng kapaligiran, kalikasan, kabuhayan at lokal na ekonomya na lulundo sa pangkanayunang kaunlaran. Kaugnay ng PGS rollout at mainstreaming, matingkad na tanong ang inilatag sa kumperensya – naitataguyod at naipakakalat ba ang PGS sa mga lokalidad sa paraang nasasaisip at gawa ng nangunang mga grupo ng PGS? Ito ba ay ayon sa mga prinsipyo at layunin ng PGS? Kung oo, marapat lamang na ito ay ipagbunyi ng buong PGS Pilipinas, ngunit kung hindi, ano ang kinakailangang gawin at ano ang magagawa? Lagi’t lagi, panghahawakan ng PGS Pilipinas, kasama ang iba pang mga grupong nagsusulong ng organikong agrikultura sa bansa, na sa pinagsama-sama nitong lakas, boses at aksyon ay

HINDI MALAYO’T IMPOSIBLE NA MAISANTABI ANG MGA USAPIN HINGGIL SA PGS. nakaambag sa paglikha ng signipikanteng pagbabago sa batas. Sa kabila ng amyenda sa Organic Agriculture Act of 2010 at pagkilala sa PGS, hindi natitinag ang PGS Pilipinas sa tindig at pagrerehistro ng mga puna sa mga usaping may kaugnayan at direktang makaaapekto sa mga magsasaka na lehitimong nagsasapraktika ng organikong agrikultura.

Isang halimbawa nito ay ang pagpapaabot ng mga puna sa nagaganap na roll out ng PGS training na isinasagawa ng Agriculture Training Institute o ATI. Nakababahala ang mga puntong ibinahagi ng mga kinatawan ng pioneer PGS groups; kabilang na rito ang pagtukoy ng ATI at Regional Field Office ng mga magiging tagapagsanay. Ang pagsasanay sa PGS na isinagawa ng kinatawang mula sa 3rd Party Certification Body ay umani ng puna at malinaw na hindi katanggap-tanggap para sa PGS practitioners. Ang pagbibigay mungkahi rin ng ATI na baguhin ang nilalaman ng manual of operations, partikular ang kasaysayan ng pagkakabuo ng isang PGS group sa Mindanao, ay hindi makatwiran at malinaw na hindi kumikilala sa malalim na ugat ng pagkakabuo at mahabang


BALITA

Nothing New in SONA: The Fight Goes On By ELI RUZOL

karanasan nito. Ang disenyo ng pagsasanay ay malinaw din na hindi dumaan sa konsultasyon lalo na sa mga magsasaka; ang 10 araw na pagsasanay na walang pagitan o patlang ay hindi epektibo, hindi episyente, at hindi produktibo. Sa mga kadahilanang ito, maaaring sabihin na ang konseptwalisasyon at proseso ng pagsasanay ay minadali. Mula sa kumperensya, nagkaroon ng resolusyon na pormal na ipaabot sa National Organic Agriculture Board (NOAB) ang mga punang ito at maghain ng ilang rekomendasyon para sa ikauunlad ng kabuuang proseso. Kabilang sa mga rekomendasyong ito ang moratorium sa roll out at training na isinasagawa ng ATI at RFO habang hinihintay ang pirmadong Implementing Rules and Regulations ng RA 11511, ang

SUSI SA PAGPAPARATING NG MGA REKOMENDASYON AT PUNA ANG MALAKAS NA NETWORK. pinal at aprubadong PGS guidelines at ang PGS training module. Mungkahi na samantalahin ang panahon at pagkakataong naghihintay upang magkaroon muli ng paglalatag at paglilinaw sa pagitan ng NOAPNPCO, NOAB, BAFS, ATI at PGS Pilipinas upang humantong sa iisang unawa at direksyon; suriin ding mabuti ang nilalaman

ng PGS module at tiyakin ang kaangkupan nito gayundin ang pag-ayon sa kabuuang mekanismo ng Participatory Guarantee System. Susi sa pagpaparating ng mga rekomendasyon at puna ang malakas na network. Kung kaya’t mahalaga na konsolidasyon at pagpapalakas sa halip na paghina at pagkakaniya-kaniya ang maging resulta ng pag-amyenda ng batas. Nawa’y manatili sa mga kasapi ng network na ang PGS Pilipinas ay mananatiling pambansang samahan o national aggrupation at ipagpapatuloy nito ang pagpapalakas ng mga organisasyong kasapi nito, capacity building, pagpapaunlad ng mga praktika sa organikong agrikultura, pagbabahaginan at pagpapalitan ng mga kwento ng tagumpay gayundin ng hamon, ekspansyon at gawaing adbokasiya.

M A S I PA G reiterates its call for a just, sustainable and farmer-centered food system and calls for support for people led-initiatives addressing gaps and issues in agriculture, food insecurity, hunger and malnutrition amid the pandemic. President Duterte’s final report on the national situation under his leadership has once again focused on its aggressive development programs and neoliberal policies to food and agriculture such as the rice tariffication law. Six years into his presidency and almost two years into the pandemic, these “successes” have only translated to economic hardships both to the farmers and the consumers. While the health pandemic has now been inducing a pandemic of hunger due to prolonged lockdowns, the biggest profiteers of the pandemic: agribusiness companies are being coddled by government and non-government entities to forward the removal of GMO-free ordinances. GMO-Free ordinances were created to safeguard the health and livelihood of the farmers that were gravely threatened by the now sanctioned GMO practices. It was initially institutionalized to correct the mistakes of the Green Revolution. GMO-Free ordinances were also a living testament to the farmer’s victory in successfully lobbying their demands for a just and safe agricultural practice. To heed the demand of our farmers in stopping the commercialization of Golden Rice and BT Talong is to heed the interest of the masses. To heed the demand of our farmers to revoke Rice Tariffication Law is to heed to the rumbling stomach of people in poverty victimized by systemic hunger. MASIPAG is one with the Filipino farmers’ enduring fight for a just, sustainable and farmer centered food system. MASIPAG.ORG  SUHAY  15


FEATURE

H

Ni PJ SANTOS

a ng g a ng sa kasalukuyan, pinagmum u l a n , d a l u ya n , at inspirasyon ang ating mga samahan ng magagandang praktika sa likaskayang pagsasaka at pagpapaunlad ng kanayunan. Hindi tumigil ang mga magsasaka na gampanan ang mahalagang papel nito sa paglikha ng pagkain. Pinamalas ito ng MASIPAG sa mga nagdaang mga buwan sa gitna ng mga kagipitan at balakid dulot ng pandemya at lumalalang krisis panlipunan. Sa kabilang banda may mga aral at oportunidad na hindi napanghahawakan dahil sa maraming kadahilanan, ito ay dumudulo sa inabot at kalagayang pang-organisasyon. May mga balakid na kailangan pang i-hawan at mga suliranin na nararapat na pagtulungang solusyonan. Naging mahalaga ang papel ng batayang unit o Provincial Consultative Body ng MASIPAG upang mapalalim ang mga kalagayang pang-organisasyon. Nitong nakaraang mga buwan ay matagumpay na idinaos ang mga PCB Conferences. Labing-pito rito ay nakapaglunsad noong pagitan ng SeptemberNovember at ang ilang pa ay natatakdang ganapin sa mga susunod na mga buwan. Layunin ng conference ay magkaroon ng konsolidasyon sa gitna ng extraordinaryong kalagayang dulot ng pandemya at krisis. Ang mga unit ay nakapagpalalim sa mga nalikhang kalakasan at kahinaan, balakid o suliraning sumasagabal, at mga oportunidad sa kanilang mga sinasaklawang mga areas. Mga ilan sa kahinaan kinakaharap ay ang mabagal na expansion ng mga myembrong POs at practitioners. Dumarami ang patandang bilang na kasapi habang maliit ang bilang ng mga secondliners. May mga PCBs na hindi regular na natitipon ang mga komite dahil sa maraming kadahilanan. At ang mga ilan sa mga nakatayong komite ay nahihirapan sa pagpapagana at ang iba naman ay hindi na gumagana. Marami rin na pagsasanay sa

16  SUHAY  MASIPAG.ORG

Naging mahalaga ang papel ng batayang unit o Provincial Consultative Body ng MASIPAG upang mapalalim ang mga kalagayang pangorganisasyon. Ang mga kumperensya o iba pang pagtitipon ng mga PCBs ay magsisilbing paaralan at konsolidasyon ng mga kasapian.

IBAYONG PAGSULONG NG BATAYANG UNIT NG MASIPAG pagpapalakas sa organisasyon ang kailangan habulin at bigyang pansin upang maging puspusan ang konsolidasyon. Kinakapos sa monitoring sa kalagayan ng iba pang mga POs lalo na sa mga malalayo at liblib lugar. Ang ibang mga POs ay hirap maka-angkop sa mga bagong paraan ng komunikasyon gaya ng zoom o mga virtual na pagtitipon. May mga PCBs rin na kumakaharap sa problemang pang-organisasyon dulot ng mga proyekto at mga programa ng mga institusyon gaya ng Department of Agriculture at mga lokal na pamahalaan o LGUs — mga proyektong hindi angkop at sumasapul sa pangangailangan at interes ng mga

ANG MGA UNIT AY NAKAPAGPALALIM SA MGA NALIKHANG KALAKASAN AT KAHINAAN, BALAKID O SULIRANING SUMASAGABAL, AT MGA OPORTUNIDAD.

magsasaka at kanilang mga samahan. Lumalaganap rin ang takot sa mga komunidad at paglabag sa karapatang pantao dahil sa mga military operations na kakambal ng kaliwa’t kanang mga proyekto gaya ng dam, mining at land use conversion. Sa mga kalagayang ito hindi pa rin matatawaran sa mga kalakasang nalikha. Panahon ng pandemya ang aktibo at masiglang mga partnership ng POs, NGOs at mga lider sa lahat ng gawaing MASIPAG sa lokalidad. Kapitbisig at nagtutulungan ang mga ito upang makausad sa mga gawain. Kahit pa nahihirapan dahil sa mga Covid-19 restrictions. Dumarami rin ang partisipasyon


PCB CONFERENCE PULONG

Sa South Cotabato, nag-uusap ang mga miyembro ng Provincial Consultative Body ng MASIPAG tungkol sa mga problemang kinahaharap.

ng mga kababaihang miyembro at nakakapagsanay ng mga kabataan sa iba’t ibang gawain. Kinakitaan din ng sigla at dalas ang paglunsad ng mga pulong-talakayan, tranings at mga iba pang aktibidad dahil sa tulong ng mga hubs o sentruhan ng mga magsasaka. Nagagawang buhay ang ugnayan ng mga magsasaka sa mga staff dahil natutugunan ng mga hubs ang masiglang komunikasyon. Mas lumalawak ang impluwensya ng mga magsasakang MASIPAG sa kanilang mga komunidad dahil sa pagiging aktibo nito sa produksyon at local marketing ng mga organikong produkto o masustansyang pagkain. Buhay na buhay ang tulungan sa produksyon

o mga Bayanihan at pagpapalitan ng binhi, panananim at alagaing hayop. Natukoy rin sa conference ang kahalagahan sa pagtutok at pagpapalakas ng DIFS o Diversified Integrated Farming System upang mas yumabong pa ang produksyon. Pasiglahin pa ang skills and knowledge sharing sa mga miyembro upang makalikha ng mga bagong pamamaraan sa mga gawain. Pagpaparami ng community seed banks para sa mapagkukunan ng binhi sa panahon ng bagyo o anumang sakuna. Malulubos din ang mga kalakasan kung ang gawain sa produksyon ay mahigpit na naikakawing sa masiglang kampanya at adbokasiya; aktibo at tuloy-tuloy na harapin ng mga

HINDI LAMANG NAKAPAGSAMASAMANG SURI, ARAL AT PLANO— NAGRESULTA ANG PCB CONFERENCES NG MALALIM NA KONSOLIDASYON SA ISA’T ISA.

PCBs ang mga banta sa karapatan ng mga magsasaka. Mga ilan lamang ito sa mga maraming natukoy na kalagayan at mga aral sa mga kumperensya ng mga PCBs. Kolektibong nakapagbuo rin ng mga rekomendasyon at resolusyon para sa ibayo pang pagpapalakas. Sadyang sa matibay na organisasyon patuloy na natututo at humahanap ng mga pamamaraan upang igpawan ang mga hamon at balakid. Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng isang kolektibong mga aksyon na ginagabayan ng kolektibong pamumuno. Ito rin ay bunga ng umuulad na organisasyon; sumentro sa gitna ng gawain sa panahon ng krisis upang palakasin ng samahan. Ang PCB Conferences ay isa rin sa maraming nalikhang tagumpay ng mga samahan ng MASIPAG sa panahong ito. Hindi lamang nakapagsama-samang suri, aral at plano, nagresulta ito ng malalim na konsolidasyon sa isa’t isa. Pinangunahan ng mga miyembro at mga magsasaka na harapin ang mga balakid at kahinaan at ibayo pang sumulong sa pamamagitan ng pagkamit sa mga oportunidad at nalikhang mga kalakasan at tagumpay. Ngayon at sa susunod pang malalaking hakbang, upang mas epektibo pa nating magampanan ng ating network ang mga gawain at programa sa gitna ng mga balakid at krisis ay nais nating pagyamanin ang ating mga aral. Kasama at pangungunahan ito ng mga magsasaka. Ang mga kumperensya o iba pang pagtitipon ng mga PCBs ay magsisilbing paaralan at konsolidasyon ng mga kasapian. Dito rin sa mga PCBs at POs magpapanday ang mga staff, coordinators at mga myembro ng pamunuan ng MASIPAG upang mas umunlad pa ang kanilang kapasidad sa paggampan ng mga gawain.

MASIPAG.ORG  SUHAY  17


NATIONAL AND GLOBAL PEOPLE’S FOOD SYSTEM SUMMIT

Maliliit na Magsasaka, Sentral sa Mga Usaping Pagbabago

N

Ni PATRICK JOSEF DELA CUEVA

o o n g Oktubre 16, 2 0 1 9, i n a n u n s y o ni United Nations ( U N ) S e c re t a r yGeneral António Guterres ang paglulunsad ng Food Systems Summit (FSS) para sa taong 2021 upang pag-usapan ang mga aksyon, solusyon, at plano upang baguhin ang kasalukuyang sistema ng pagkain at mai-abante ang pagkamit ng mga Sustainable Development Goals (SDGs). Bahagi ng pag-uusapan sa UNFSS ang limang action tracks hinggil sa nutrisyon, produksyon, kabuhayan, usaping pangkomunidad, at mga epekto ng pagbabago sa klima at kalamidad. Ang UNFSS ay pinamumunuan ng mga ekonomista, ahensya ng United Nations, at mga piling siyentista. Bahagi rin ng pamunuan ng UNFSS ang isang Special Envoy, na nag-aastang “representante” ng mga maliliit na magsasaka, na si Dr. Agnes Kalibata. Si Kalibata ay pinuno ng Alliance for a Green Revolution in Africa (AGRA), isang organisasyon na may suporta ng Bill and Melinda Gates Foundation (BMGF) na responsable sa pagpapalala ng kagutuman at pagkasadlak sa utang ng mga maliliit na magsasaka sa Africa, at pagkawala ng mga tradisyunal at masustansyang pananim na mabisa sa pagbabago ng klima bunsod ng pagtutulak ng Green Revolution. Bahagi rin ng UNFSS ang World Economic Forum (WEF), isang pandaigdigang organisasyon ng mga korporasyon, bilyunaryo, at pinuno ng mga gobyerno. Simula 2017, iniaabante na ng WEF ang Fourth Industrial Revolution Technologies, mga teknolohiyang higit na nilalayo ang mga magsasaka sa pagsasapraktika ng likaskayang pagsasaka. Kapansin-pansin ang halos

18  SUHAY  MASIPAG.ORG

WALANG SILBI ANG MGA USAPANG PAGBABAGO KUNG ISINASANTABI ANG MGA MARAPAT AT MAHAHALAGANG SALIK SA PAGBABAGO. kawalan ng espasyo para sa mga maliliit na magsasaka sa UNFSS gayong sila naman ang laging laman ng mga diskusyon at pinatutunguhan ng mga aksyon sa naturang summit. Bilang tugon, inilunsad ng mga organisasyon at network ng mga maliliit na magsasaka, advocates, at mga kasaping sektor ang mga pambansa at pandaigdigang alternatibo at counter-summit upang patampukin ang mga hinaing at

panawagan ng mga maliliit na magsasaka para sa makamasang pagbabago sa sistema ng pagkain. Kasama ng MASIPAG ang Agroecology X, isang komunidad ng mga nagkakampanya para sa agroecology at soberanya sa pagkain, na inilunsad ang Salu-Salo: The National People’s Summit bilang lokal at pambansang alternatibong summit. Isa sa mga layunin ng Salu-Salo ang bumuo ng isang deklarasyon na naglalaman ng lahat ng panawagan para sa isang maka-Pilipinong sistema ng pagkain. Naglunsad ng mga workshop at konsultasyon ang maraming organisasyon sa iba’t ibang sektor na kalahok patungkol sa paggawa hanggang sa pagkonsumo ng pagkain. K a i s a r i n a n g M A S I PAG sa pag- oorganisa ng Rice Stakeholder’s Workshop, kasama ang Bantay Bigas, kung saan nakalahok ang mahigit 70 na organisasyon at indibidwal. Kasama rin ang MASIPAG sa pagtataguyod ng Agroecology Fairs, iba pang

workshops, at mga protest actions kaugnay ng kampanya. Ginanap ang Salu-Salo noong Agosto 30-31 at nagpatuloy ang mga aktibidad nito hanggang Oktubre 17. Kasabay nito ang paglulunsad din ng The Global People’s Summit, isang pandaigdigang counter-summit ng mga pang-internasyunal na mga samahan ng mga magsasaka, organisasyon, at mga advocates. Naging bahagi ang Stop Golden Rice! Network Asia (SGRN Asia) sa organizing committee at MASIPAG sa ilang mga aktibidad. Nanguna ang SGRN Asia sa paglulunsad ng isang pagtitipon upang pag-usapan ang mga isyu tungkol sa binhi at naging bahagi ang MASIPAG sa mga talakayan hinggil sa agroecology. Nilahukan ang mga aktibidad na ito ng mga indibidwal at organisasyon mula sa iba’t ibang bansa. Naganap ang pormal na summit noong Setyembre 21-23 at dito ipineresenta ang People’s Declaration para sa radikal na pagbabago sa kasalukuyang sistema ng pagkain. Bahagi rin sa mga naging presentasyon ang People’s Action Plans na nanggaling sa mga pambansa, pangrehiyunal, at sektoral na mga workshops, forum at konsultasyon. Matapos ang summit, nakatipon na ng mahigit 526 organisasyon at mahigit 70 na indibidwal ang nag-endorso ng deklarasyon. Bagama’t matagumpay, kailangan bigyang diin ang rason sa paglunsad ng mga summit na ito dahil sa kawalan ng representasyon ng mga maliliit na magsasaka, hindi pagkilala sa likas-kayang pagsasaka, at patuloy na pagkiling ng UN sa mga korporasyon pagdating sa paglalatag ng direksyon at pagpapasya sa mga aksyon. Walang silbi ang mga usapang pagbabago kung isinasantabi ang mga marapat at mahahalagang salik sa pagbabago. Kailangang ibigay ang pagpapasya at mailagay sa sentro ng mga usapang pagbabago ang mga tunay na nagnanais nito, hindi lang para sa mga maliliit na magsasaka, kundi pera sa lahat at sa susunod na henerasyon.


MASIPAG ONLINE

Rehiyunal na Kumperensya ng APEX, Inilunsad

MASIPAG, Naitampok sa Isang Pag-aaral sa mga Organisasyon

N

g ay o n g taon, nilunsad ng Global Alliance for the Future of Food ang True Value: Pagtatasa sa mga positibong epekto ng pagbabago ng mga sistema ng pagkain. Ito ay isang malawak na pagtatasa ng mga positibong epekto ng “True Cost Accounting” (TCA) sa

iba’t ibang aspeto ng mga pandaigdigang sistema ng pagkain. Ang ulat ay nagpapakita ng malawak at makabuluhang benepisyo ng pagtatasa sa “tunay na halaga” ng mga epekto ng isang organisasyon sa lipunan, tao, at kapaligiran. Sa parte ng MASIPAG, itinampok bilang bahagi ng 6 na pag-aaral ang kaso, na nagpapakita ng malakas at nakakahimok na ebidensya

na posible ang pagbabago ng mga sistema ng pagkain, at nangyayari ngayon sa iba’t ibang kapaligiran sa buong mundo. BASAHIN ANG BUONG REPORT I-scan lamang ang QR code sa iyong mobile.

Praktika ng MASIPAG, Punla ng Pag-asa sa Gitna ng Pandemya P i n i n s a l a ng pandemya ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan; nagkaroon ng krisis sa pagkain, kalusugan, at sa sosyo-ekonomikong sitwasyon lalo na sa mga maralita sa lungsod at sa kanayunan. Isiniwalat ng pandemya ang malubhang krisis sa sistema ng pampublikong kalusugan at pati na rin sa sistema ng pagkain at agrikulutra. Sa ganitong konteksto, makikita pa rin natin ang pag-usbong at patuloy na kolektibong aksyon ng iba’t ibang mga sektor at mga organisasyon upang magpanawagan para

tugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng sambayanan para sa pagkain, kalusugan, at proteksyong panlipunan. Tinatalakay ng Seeds of Hope in the Midst of the Covid-19 Pandemic na akda ni Maria Corazon JimenezTan (kanan), miyembro ng Board of Trustees ng MASIPAG at propesor sa College of Social Work and Community Development, ang mga aral mula sa mga naging praktika ng network ng MASIPAG sa kanilang malikhang pagtugon sa hamon ng krisis na dulot ng pandemya.

BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO I-scan lamang ang QR code sa iyong mobile.

M a t a p o s ilunsad ng Asian People’s Exchange for Food Sovereignty and Agroecology (APEX) ang serye ng mga workshops hinggil sa PAR o Participatory Action Research, naglunsad ang plataporma ng rehiyunal na kumperensya na ginanap noong Oktubre 4 hanggang 8, 2021 sa pamamagitan ng teleconferencing. Ang rehiyunal na kumperensya na ginanap ay nagsilbi bilang konsolidasyon ng lahat ng kalahok bago tumungo ang programa sa susunod nitong yugto kung saan tatalakayin nang masinsinan ang usapin ng Agroecology at adbokasiya. Dinaluhan ito ng iba’t ibang mga organisasyon mula sa 13 na bansa at mahigit na 20 na organisasyon, magsasaka, at lokal. Nakilahok din ang mga komunidad at mga tagasubaybay ng APEX sa kumperensya. Ang unang tatlong araw ng Kumperensya ay nakatuon sa tatlong tema; klima, buto at biodiversity at ang mga sistema ng pagkain. Nagbahaginan din ang iba’t ibang organisasyon upang ibahagi ang kanilang mga karanasan. Sa parte ng MASIPAG, ibinahagi ng kalahok na leader-magsasaka ang kanilang mga inisyatiba sa pagpaparami ng binhi at pagpapatibay ng mga miyembro organisasyon. Nagsisilbi ang MASIPAG bilang parte ng consortium ng APEX na pinangungunahan ng MASIPAG, Pesticide Action Network Asia Pacific (PANAP), at MESERIOR. IBA PANG DETALYE Puntahan ang APEX website sa pag-scan ng QR code na ito.

MASIPAG.ORG  SUHAY  19


CROSSWORD

NILALAMAN

Ang SUHAY ay ang opisyal na pahayagan ng Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-Unlad ng Agrikultura (MASIPAG). Cris Panerio Punong Patnugot Ian Raphael Lopez Layout Artist Juan Sebastian Evangelista, Reina De Borja, Patrick dela Cueva, MASIPAG RET, Rose Sambo, Romeo Cordez, Rowena Buena, Ryan Damaso, Denis Omison, Georie Pitong, Kervin Bonganciso, Leo XL Fuentes, Benito Kampeniso, MASIPAG Mindanao Writers

MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA 2611 Carbern Ville, Los Banos, Laguna D masipag.org ft @masipagfarmers u advocacy@masipag.org

REGIONAL OFFICES

MASIPAG Luzon Back-up Farm, Rajal Centro Sta. Rosa, Nueva Ecija C: +63921-486-1261 E: masluz@masipag.org MASIPAG Visayas Zone 5, San Isidro, Tabus Suba Jaro, Iloilo City 5000 Telefax: (003) 329-5152 E: masvis@masipag.org

ACROSS 3. Dito nilulunsad ang Pinipig Festival 7. Global na kampanya upang isulong ang sustenableng produksyon at pagkonsumo. Isinulong ng MASIPAG sa seryeng ito ang talakayan ng integrasyon ng livestock 8. Itinampok sa festival na ito ang isang antas ng kooperasyon at ambagan, aktibo at malawak na partisipasyon ng komunidad

at Provincial Consultative Body (PCB) Q2. 9. Sa probinsyang ito ginanap ang photo at video documentation traning noong Agosto 14-15. DOWN 1. Isang komunidad ng mga nagkakampanya para sa agroecology at soberanya sa pagkain 2. Isang exchange platform para sa food sovereignty at agroecology na binubuo ng mga organisasyon

sa asya; nagsisilbi ang MASIPAG bilang parte ng consortium nito 4. Genetically modified na bigas na kulay yellow 5. Dating miyembro ng board of trustees ng MASIPAG at isang dakilang tagapagtanggol ng karapatang pantao, lalo na ng mga maliit na magsasaka; pinarangalan sa isang programang Gawad. 6. Probinsiya kung nasaan ang Makapawa Farmers Association.

02

Crop-Livestock Integration, Isinusulong

03

Daybersidad ng Lokal na Binhi sa Rice Festival

04

Tagumpay ng Patikim Festival at ng Organikong Pagsasaka

06

MASIPAG Visayas Assembly; Mga Kabataan ng Negros

07

Organization Assessements Series sa Leyte, Nailunsad

08

Atrasadong Mekanisasyon at ang FDAT ng MASIPAG

09

Pagbawi sa Katutubong Binhi, Sentro sa Lake Sebu

10

No to Golden Rice: Tanso ang Pangakong Ginto

12

Gawad Ben Ramos: Pag-alala, Pagpapatuloy, at Paggiit ng Hustisya

14

Lagay ng Rollout ng PGS sa Bansa, Kamusta?

15

Nothing New in SONA: The Fight Goes On

16

PCB Conference: Ibayong Pagsulong ng Batayang Unit ng MASIPAG

18 19

National People’s Food Systems Summit MASIPAG Online

sa napapanahong balita, talakayan at impormasyon hinggil sa agrikultura at pagsaMASIPAG SA RADYO Para saka, samahan natin ang ating mga Ka-MASIPAG sa kanilang mga programa. Hanapin lamang sa inyong talapihitan o kaya sundan sa Facebook. Makinig, makibahagi, ipalaganap ang Balitang MASIPAG!

BUKID ARALAN (SABADO)

Joel Abrao at Christine Nazareno 92.7 Spirit Infanta FM facebook.com/92.7SpiritFM

KAUNDAN SANG KAMATUORAN

Kasama si Dondon Cortez RPN DYKB Bacolod 1404 facebook.com/RPNBacolod1404

JUAN ORGANIKO

Kasama si GB Villocino DXJR North Cotabato Sure FM Surigao

MASIPAG Mindanao Durian St., Juana Subdivision Matina, Davao City C: +63916-575-9279 E: mindanao@masipag.org Hinihikayat ang lahat na ipalaganap at gamitin ang publikasyong ito na materyales para sa pulong at talakayan. CROSSWORD ACROSS: 3. LAKE SEBU; 7. GREEN ACTION WEEK; 8. PATIKIM; 9. NEGROS. DOWN: 1. AGROECOLOGYX; 2. APEX; 4. GOLDEN RICE; 5. BEN RAMOS; 6. LEYTE.

20  SUHAY  MASIPAG.ORG


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
SUHAY July-December 2021 Issue by MASIPAG Advocacy - Issuu