
12 minute read
Ang krusyal na papel ng pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya
Hindi na bago sa atin ang problema sa pagkain at agrikultura. Hindi pa man tumatama ang pandemya, milyong Pilipino ang nakararanas ng kronikong kagutuman, habang karamihan, lalo na ang mga batang Pilipino, ang nakararanas ng matinding malnutrisyon.
Sa hanay ng mga magsasaka, marami sa kanila ang hindi makawala sa pagkakatali sa programang Green Revolution na naglubog sa kanila sa utang, at nagdulot ng problema sa kalusugan at kapaligiran.
Advertisement
Sa pagtama ng pandemyang COVID-19, higit pang nailantad ang malalim na problema sa pagkain at agrikultura. Ayon sa datos ng Social Weather Stations, halos dumoble ang bilang ng mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman, o 3.9 milyong pamilya. Pinakamatinding tinamaan ang mga maralita sa Metro Manila, na tinaguriang sentro ng pandemya sa bansa.
Sa kabila ng ayudang ibinibigay ng gubyerno, nananatiling kulang ang nasabing tulong para sa araw-araw na pangangailangan ng mamamayan, laluna sa pagkain. Sa kabilang banda, dahil sa matinding restriksyon sa pagbyahe ng produkto at barat na presyuhan, maraming produktong agrikultural ang itinatapon na lamang ng mga magsasaka.
Plant, Plant, Plant ng DA – ayuda para sa magsasaka?
Para matugunan ang nararanasang kahirapan ng mga magsasaka bunga ng pandemya, inilatag ng Departamento ng Agrikultura (DA) ang programang ALPAS COVID o mas kilala sa Plant, Plant, Plant. Layon nitong bigyang ayuda umano ang sektor ng agrikultura upang makaagapay sa pangangailangan ng mamamayan sa pagkain.
Sa ilalim ng nasabing programa, 31 bilyong pisong supplemental fund ang ilalaan para sa ayuda sa mga magsasaka gaya ng binhi, gamit pansaka at relief.
Gayunman, nakikitang pagpapatuloy lamang ito ng mga kasalukuyang programa ng DA, na pangunahing nakatuon sa malawakang importasyon ng produktong agrikultural, pagpapalakas ng kontrol ng mga korporasyon sa pagkain at agrikultura, tinutulak ng pamilihan, at hindi para sa kaseguruhan sa pagkain. Walang malinaw at agarang tugon para tulungan ang mga maliliit na mga magsasaka. ng MASIPAG ICA Unit
Mabagal ang pagdating ng tulong sa mga magsasaka. Target ng DA na bigyan ng financial subsidy ang halos 591,000 beneficiaries. Ngunit ayon kay Neri Colmenares, na nagsalita sa isang webinar ng Bantay Bigas, umabot lamang sa mahigit 52,000 beneficiaries ang nabigyan ng tulong noong Abril 14. Matapos ang dalawang buwang lockdown, saka pa lamang inulat ng DA, na nakaabot na ang tulong na Php 5,000 cash aid sa 89% ng target beneficiaries o halos 525,478 magsasaka ng palay.
Sadyang maliit pa rin ang bilang ng nakatanggap ng nasabing ayuda. Nasa 2.7 milyon ang kabuuang bilang ng mga magsasaka at manggagawang bukid na nagtatanim ng palay. Sa kabuuang budget ng DA para sa pandemya, na nagkakahalaga ng 51 bilyong piso (P20 bilyon para sa food logistics at P31 bilyon para sa ALPAS COVID), tinatayang 6% lamang ng nakalaang pondo ang para sa social amelioration program (SAP) sa mga magsasaka.
Hindi rin maayos ang sistema kung paano ipapaabot ang ayuda. Ayon sa mga ulat, kinakailangang rehistrado ang mga magsasaka sa DA upang maging kwalipikado sa ayuda. Tinitignan bilang benepisyo ang SAP sa halip na ayuda na para sa lahat ng nangangailangan. Sa panahon ng kalamidad, dapat unibersal ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan para maharap ang kawalan ng kabuhayan. Ngunit dahil benepisyo ang pagturing ng pamahalaan, targeted o nakatiyak lamang sa iilang benepisyaryo ang ayuda, na HUNYO 2019 - HUNYO 2020 | 11
nagdudulot ng dagdag na problema sa pagpili at pamamahagi.
Apat na bilyong piso mula sa programang ALPAS COVID ay nakalaan sa Expanded SURE Aid Program at Expanded Agriculture Insurance Project, na pawang pautang imbes na direktang tulong sa mga magsasaka.
Agrikultura para sa pakinabang ng mga korporasyon
Imbes na paunlarin, itinutulak pa rin ng DA ang mga dati nang programa nito sa pagkain at agrikultura.
Sa ilalim ng 8.5 bilyong pisong Rice Resiliency Program (RRP) sa ilalim ng Plant, Plant, Plant, itutulak ang pagtatanim ng hybrid rice at paggamit ng kemikal na abono sa mga palayan. Sinabayan pa ito ng promosyon ng genetically-modified (GM) crops at iba pang tipo ng kumbensyunal na pagsasakang nakaasa sa mamahalin at panlabas na inputs na tanging makikinabang ay mga kumpanya at komersyante.
Ginawang oportunidad ng Bayer at Corteva Agriscience ang programang Plant, Plant, Plant ng gubyerno sa pamamagitan ng libreng pamimigay ng mais at palay. Mamimigay naman ang Bayer ng hybrid Arize rice at Dekalb corn seeds, na pawang GMO na produkto ng Monsanto.
Prayoridad pa rin ang cash crops at plantation crops pang-export sa halip na food crops para sa mga mamamayan. Hindi pa rin humihinto ang land use conversion sa maraming lugar sa bansa. Pinaplano rin ng DA ang pagpapalit-gamit ng mga lupaing ninuno para taniman ng mga produktong agrikultural.
Patuloy pa rin ang liberalisasyon sa agrikultura, partikular sa industriya ng palay. 12 | SUHAY Ngayong 2020, tinatayang aabot sa 3.3 milyong metriko tonelada (MMT) ng bigas ang planong angkatin ng bansa, mas malaki kumpara sa 3.1 MMT na inangkat natin noong 2019. Nangangamba rin ang mga lokal na producers ng manok sa planong pagdagsa ng imported na manok ngayong taon.
Maaaring palalain pa ito ng programang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa na nakikitang magpapataas ng antas ng kawalang-trabaho sa kanayunan, kung walang aabutang maayos na trabaho at kabuhayan ang mga mamamayang uuwi sa mga probinsya.
Lumalala pa ang krisis, at nag-anak pa ito ng mga komplikasyon para sa ating mga magsasaka at mamamayan. At kung hindi ito mabilis na matutugunan, maaaring makaranas ng ikalawang pandemya ang bansa – ang pandemya ng gutom – gaya ng inilahad ng World Food Program ng United Nations.
Agroekolohiya, Soberanya sa Pagkain sa Panahon ng Pandemya
Hindi na uubra ang dating mga programa ng gubyerno para sa agrikultura. Sa ilang buwang lockdown, ipinakita ng mga mamamayan at magsasaka na
Mga sanggunian:
PAN Asia Pacific. ‘Business as usual’ for Agrochemical Industry: Damaging to Biodiversity, Farmers.
Philippine News Agency. 89% of target beneficiaries receive pandemic relief.
Department of Agriculture. Rice farmers to receive free seeds, fertilizers for May 2020 main season napakaraming inisyatiba at alternatiba para makaangkop at makatugon sa krisis.
Naging pangunahing panawagan ang pag-aaral at pagsasapraktika ng mga prinsipyo ng agroekolohiya bilang tugon sa krisis sa pagkain. Binibigyang diin ng mga prinsipyo ng agroekolohiya ang kahalagahan ng sama-samang paggawa, pagsasapraktika ng likas-kayang pagsasaka, pagpapatatag ng lokal na merkado at ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagkamit ng sapat, ligtas, abot-kamay at abot-kayang pagkain.
Nariyan din ang iba’t ibang mga serbisyo at hakbang upang tugunan ang kagyat na pangangailangan sa pagkain. Sa Iloilo, pinangunahan ng MASIPAG Visayas ang health and nutrition programs sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa pagkain, training sa urban gardening at community kitchens. Pagpapalakas ng bayanihan at batarisan naman ang naging gawi para makaangkop ang mga magsasaka at people’s organization sa MASIPAG Luzon. Online information dissemination naman hinggil sa COVID-19 at iba’t ibang tips sa urban gardening ang pinagsikapan ng MASIPAG Mindanao.
Maaaring matagal-tagal pa susuungin ng mga magsasaka ang pandemya, kasabay na pagdagan ng mga maling polisiya sa agrikultura. Kung mayroon mang nakikitang positibo, ito ay ang unti-unting pagkamulat at pagkikiisa ng mga mamamayan sa pag-asam ng isang matatag na sistema sa pagkain at agrikultura, kung saan sentral ang mga maliliit na mga magsasaka. •
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pagsusuri sa Programa ng DA na Plant, Plant, Plant (ALPAS-COVID).
Manila Times. No chicken, pork imports until end of year.
Reports mula sa regional offices ng MASIPAG
Kampanya Kontra Gutom: Tugon ng MASIPAG Visayas sa COVID-19 at Lockdown ni Kervin Bonganciso, Dennis Omison, at Bonbon Cacho
Marso 16 nang ideklara ni Infectious Diseases (IATF-EID). sa 3 milyong magsasaka sa buong Pangulong Duterte ang bansa. Sa ilalim ng RRP, 210,000 Enhanced Community Dahil sa naging padalos- lamang na magsasaka ng palay ang Quarantine sa buong isla ng Luzon, dalos at kawalan ng maayos at mabibigyan ng tulong sa Region 6 at matapos maitala ang kauna-unahang komprehensibong programa ng ayon sa datos ng DA VI nasa 114,500 kamatayan dahil sa COVID-19 na gobyernong nasyunal para harapin na magsasaka lang ang rehistrado sa mula sa bansa. ang pandemya, malaki ang naging Registry System for Basic Sector in epekto ng lockdown sa mga informal Agriculture. Sa kabila ng maingay na panawagan sectors, mangingisda, at magsasaka. ng mamamayan noong Enero na Mayroon din na one-time cash itigil ang pagpasok ng mga flights Sa sektor ng agrikultura, naging assistance na P5,000 na kabilang sa mula sa Wuhan, China, sentro limitado ang paggalaw ng mga amelioration program na limitado at ng virus, isinaalang-alang pa ng magsasaka dahil sa curfew at sa ibibigay lamang sa mga magsasaka administrasyong Duterte ang kawalan ng maayos na transportasyon. na mayroong lupang hindi hihigit sa diplomatikong relasyon nito sa China Nabulok ang kanilang mga produkto isang ektaryang lupa at rehistrado kaysa sa kapakanan ng sarili nitong at kung maibenta man ay halos sa Registry System for Basic Sectors mamamayan. ipamigay na lang dahil sa sobrang in Agriculture (RSBSA). Ayon sa DA, baba ng presyo. kakaunti ang mabibigyan ng oneIdineklara rin ng World Health Organization (WHO) na Global Health Crisis ang COVID-19, ngunit Ayon sa Department of Agriculture (DA), mayroong P31 bilyon na time cash assistance dahil hindi lahat ay pasok sa batayan ng ahensya. minaliit ito ng administrasyon at supplemental budget ang ahensya Malinaw na hindi naging sapat ang hindi pinaghandaan ang nakaambang para sa Ahon Lahat, Pagkaing Sapat tulong na ibinibigay sa magsasaka, pandemya. kontra COVID-19 (ALPAS COVID-19) kung mayroon man, at hindi akma sa o mas kilala sa programang “Plant, kanilang pangangailangan. Dahil sa Ilang araw matapos na isailalim ng Plant, Plant”. Layunin ng programang sitwasyong ito, nagbuo ng Kampanya pamahalaang nasyunal sa ECQ ang tulungan ang mga magsasakang Kontra Gutom ang MASIPAG Visayas. buong Luzon, sumunod naman ang naapektuhan ng ECQ. mga Local Government Units (LGUs) Layunin ng kampanyang mabigyan sa labas ng Luzon at isinailalim Ngunit P8.5 bilyon lang ang inilabas ng kaukulang gabay ang mga sa ECQ ang kanilang mga lugar, na budget ng ahensya, para lamang People’s Organizations (PO) at ang alinsunod sa guidelines ng Inter- sa Rice Resiliency Project (RRP) na komunidad kung paano haharapin Agency Task Force for Emerging magbibigay ng binhing palay at abono ang kakulangan sa suplay ng pagkain


(Kaliwa) Isa sa mga nabigyan ng Food Relief sa Brgy. Poblacion, Cauayan. (Gitna) Mobile Feeding Program sa San Dionisio, Iloilo, kasama ang LGU ng Brgy. San Nicolas. (Kanan) Seed Distribution pagkatapos ng Urban at Health Orientation sa Ajuy, Iloilo.


(Kaliwa) Mga produkto ng mangingisda mula sa Roxas na ipinagpalit sa produkto ng mga magsasaka. (Kanan) Health Orientation sa mga kabataan sa Ajuy, Iloilo.

at gutom sa gitna ng ECQ; magpalitaw ng rekurso para sa seed and food relief activities; palakasin ang pakikipagalyansa sa mga LGUs, taong simbahan, at iba pang mga grupo at mapakilos ang mga organisasyon ng magsasaka upang ipanawagan sa gobyerno ang ayudang dapat sa kanila.
Isla ng Negros
Sa Cauayan, Negros Occidental, problema ng mga magsasaka ang pagbebenta ng kanilang mga produkto dahil sa ECQ. Bukod kasi sa limitadong paggalaw dahil sa curfew, hindi na rin sila makapagbenta ng kanilang mga produkto sa barangay at munisipyo. Pansamantalang itinigil ang market day upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao at ang pagkalat ng virus.
Tigil pasada rin ang mga pampublikong sasakyan na kadalasang naghahatid ng kanilang produkto sa bayan. Bagamat may sariling mapagkukunan ng pagkain habang naka-lockdown, lubos na naapektuhan ang kanilang kabuhayan at iba pang pangangailangan.
Sa kabila nito, nagsumikap ang MASIPAG na tulungan ang mga miyembro ng POs sa Cauayan na ibenta ang kanilang mga produkto.
Sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office at Municipal Social Welfare Department-Sustainable Livelihood Program (MSWD-SLP) ng Cauayan, nakapaglaan ng pondo para bilhin ang mga produkto ng mga myembro sa 4 na POs dito (DAPAT, AMLIG, TUSFA, MANGGAD).
Matagumpay ring naglunsad ng food relief at feeding program sa Barangay Poblacion, isang coastal community sa Cauayan. Ang mga nabiling produkto (bigas, kalabasa, munggo) mula sa magsasaka ay ipinamigay sa 40 pamilya.
Masaya ang mga magsasaka, dahil kahit papaano ay nalutas ang kanilang problema nang nabenta ang kanilang mga produkto. Gayundin, masaya rin ang mga napakaing kabataan, dahil sa halip na noodles at delata, sariwa at masustansyang pagkain ang kanilang natanggap.
Isla ng Panay
Sa bayan ng Capiz, barter naman ang naisip na paraan ng mga mangingisda at magsasaka para lampasan ang hamon ng ECQ sa pagbebenta ng kanilang produkto.
Sa halip na hayaan na lamang na mabulok o ‘di kaya ay mabenta sa sobrang babang presyo, naisipang i-barter ng mga magsasaka ang kanilang produktong bigas, gulay, at iba’t ibang halamang-ugat sa mga mangingisda kapalit ng ilang kilong tuyo at isda.
Naging tampok din ang urban gardening orientation sa mga urban poor communities sa Roxas City at Iloilo City. ang pinakabulnerable sa gutom at food insecurity dahil sa limitado at kadalasan walang access sa abot-kaya at masustansyang pagkain. Kung mayroon mang tulong mula sa LGUs, delata at noodles lang ang kadalasang laman ng mga relief packs – hindi sapat para punan ang kinakailangang sustansya ng katawan.
Hindi lang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at palagiang paghugas ng kamay ang kailangan para sugpuin ang COVID-19. Mahalaga rin ang malakas na resistensya para labanan ang anumang uri ng sakit, at makukuha ito sa masustansyang pagkain, gaya ng mga gulay at prutas.
Ito ang dahilan kung bakit bahagi ng Kampanya Kontra Gutom ang pagbibigay ng urban gardening orientation at binhing gulay sa mga urban poor communities. Pangunahing layunin nito na makaabot ang masustansyang pagkain gaya ng gulay sa mga komunidad, na kadalasan ay limitado o walang access sa abot-kaya at masustansyang pagkain.
Nagsagawa rin ng serye ng feeding activities para sa mga kabataan sa Ajuy, San Dionisio, Barotac Viejo, Dumangas, at Sara sa probinsya ng Iloilo. Nasa 900 packs ng kalabasa canton ang ginawa sa MASIPAG Visayas Back Up Farm na ginamit para sa mga feeding activities.
Umabot sa 17 komunidad ang nabigyan ng urban gardening orientation at health orientation. Mayroon namang 314 sets ng binhing gulay ang naipamigay sa mga dumalo. Nakasama ang 439 kabataan sa feeding na ginawa sa Nothern Iloilo.
Lahat ng ito ay matagumpay na nangyari dahil sa iba’t ibang mga organisasyon, LGUs, at simbahan na nakatuwang ng MASIPAG. Patunay ito na sa panahon ng pandemya, ang sama-sama at organisadong pagkilos ang susi para malampasan ang anumang pagsubok.
Gayunpaman, simula lamang ito ng mas mahaba at masalimuot na laban para makamit ang karapatan at kasiguraduhan sa pagkain. •