Ang Mapagbalat-kayong UN World Food Systems Summit
M
Art wor k by
SAK A
atagal nang batbat ng problema ang sistema ng pagkain. Ayon sa mga datos, sa dami ng nalilikhang pagkain, kaya nitong pakainin ng ilang beses ang populasyon ng buong mundo. Subalit, hanggang ngayon, aabot na sa isang bilyong katao sa buong mundo ang nakararanas ng gutom. Hindi ito kaiba sa nararanasan natin sa ating bansa, kung saan aabot sa 4.2 Milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kagutuman. Bukod pa dito ang pabagsak na kabuhayan ng mga magsasaka,
unti-unting pagkasira ng lupa, papatinding bagyo at tagtuyot at papalaking kontrol ng dayuhang korporasyon sa pagkain at agrikultura. Upang umano’y tulungang harapin ang mga hamon sa kaseguruhan sa pagkain sa kabila ng nagbabagong klima, at makamit ng mga bansa ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs), ilulunsad United Nations (UN) ang World Food Systems Summit (WFSS) na lulundo sa kabuuan ng 2030 Agenda. Ang 17 SDGs ay pawang mga magkakaugnay na l a y u n i n g pinagkaisahan ng 178 na bansang miyembro ng UN, kabilang na ang Pilipinas. Layon ng nasabing Summit na ‘ayusin’ ang sistema ng pagkain upang makatulong sa pagpawi ng k a h i r a p a n at kagutuman. Sa g a y o n , napapanahon ang nasabing Summit upang pag-usapan ang problema sa kasalukuyang sistema ng
B A L I TA /
Mga serye ng webinar, inilunsad
LATHALAIN /
Ibahagi ang binhi, ibahagi ang buhay!
pagkaing at lubusang isiniwalat ng pandemyang COVID-19. Sa biglang tingin, tila maganda ang layunin ng UN sa paglulunsad ng WFSS 2021, lalo pa’t kung sesentro ang nasabing summit sa mahalagang papel ng mga magsasaka sa paglikha ng pagkain. Ngunit may dalawa nang kaganapang nagbubunyag sa tunay na kulay nito, na siyang dahilan kung bakit ito tinuligsa ng 126 na organisasyon mula sa 83 na bansa sa buong mundo. Si Agnes Kalibata at AGRA Noong Disyembre 2019, italaga ni UN Secretary-General Antonio Guterres bilang special envoy para sa 2021 UN World Food Systems Summit si Agnes Kalibata, pangulo ng Alliance for Green Revolution for Africa (AGRA). Nangangamba ang mga mamamayan na maaaring iderehe ni Ms Kalibata ang proseso ng WFSS upang maipasok ang agenda ng AGRA, at maging ang mga bumuo dito gaya ng Bill and Melinda Gates Foundation at Rockefeller Foundation na pawang mga pilantropong institusyon na nagpapalaganap ng industrial, corporate agriculture (sundan sa likod na cover)
BALITANG MASIPAG
Talaan ng mga aktibidad ng MASIPAG sa Luzon, Visayas at Mindanao
Serye ng glyphosate forum, inilunsad sa Luzon ni Rowena Buena
Inilunsad sa iba’t-ibang bahagi ng MASIPAG Luzon ang Glyphosate Forum upang maibahagi ang resulta ng pag-aaral sa residue ng herbisidyo sa tubig at lupa sa Capiz noong 2018 kung saan malawak ang sakahan na natatamnan ng Round Up Ready na mais. Nauna nang naibahagi ang resulta ng pag-aaral na ito noong Pebrero sa isang pambansang kumperensya na isinagawa sa Iloilo. Nakita sa pag-aaral na tumatagal ang residue ng herbisidyo sa lupa at tubig ilang linggo pagkatapos ng huling aplikasyon nito. Pahayag pa ng World Health Organization na maaaring magdulot ng kanser ang glyphosate. Layunin ng mga inilunsad na forum sa PCB Occidental Mindoro, PCB Camarines Sur, PCB Nueva Ecija, PCB Pangasinan, PCB Quezon 1, Quezon 2 at PCB Albay na malaman ng mga magsasaka at mamamayan sa epekto ng paggamit ng glyphosate, pati na ang mga GM na mais sa mga komunidad kung saan ito laganap.
Seed Exchange matagumpay na idinaos sa Negros ni Dennis Omison
Seed Sharing Activity ng mga magsasaka matapos ang matagumpay na PCB meeting sa Negros. Ito ang kauna-unahang PCB meeting na ginanap sa isla matapos ipataw ang quarantine restrictions noong Marso (2020) dahil sa covid-19 pandemic.
Ang pandemya na hinarap ng buong mundo ay nagdulot ng krisis sa pagkain. Sa karanasan ng mga magsasaka, naging pagsubok ang mga restriksyon na ipinataw ng IATF para sugpuin ang covid-19. Naging limitado ang kanilang paggalaw dahil sa curfews at nabawasan ang panahon nila para produksyon. Sa usapin naman ng
Matagumpay na idinaos ang zoom conference kasama ang mga magsasaka ng MASIPAG Luzon.
Ibinunga ng forum ang pagsisimula ng aktibong pangangampanya sa mga lokal na pamahalaan upang makapagpasa ng mga ordinansa upang mapangalagaan ang mga sakahan at komunidad, at mapigilan ang pagkalat ng glyphosate at GM Corn. Tuloy-tuloy din ang paglawak ng interes at pagbabahagi ng mga magsasaka tungkol sa organikong pagsasaka bilang alternatibo.
binhi na isa sa importanteng rekurso sa paggawa ng pagkain, dahil sa limitasyon ng pagbyahe at pagbabawal ng pagtitipon ay hindi nakadaos ng mga pagpupulong ang PCB Negros kung saan sabay na isinasagawa ang seed exchange activity. Kung kaya tagumpay para sa PCB Negros ang pagdaos ng pagpupulong noong Octobre 8, 2020. Ito ang pinakaunang pagtitipon ng mga magsasaka simula noong idineklara ang pandemya. Dinaluhan ito ang mga magsasaka mula sa 12 na PO at isang NGO. Masayang nagbahagi ang mga magsasaka ng kanilang mga dalang binhi mula sa tradisyunal na mais, gulay, legumes, atbp., na inimbak nila noong panahon ng enhance community quarantine. Ibinahagi rin ng mga magsasaka ang kanilang mga karanasan sa panahon ng lockdown, at ang mga bagong natuklasan sa likas-kayang pagsasaka gaya ng mga bagong paraan sa pamamahala sa peste at pagpapataba sa lupa. Sa huli, pinakalayunin naman talaga ng mga ganitong aktibidad ay mas patatagin ang samahan sa pagitan ng mga organisasyon ng magsaska at patuloy na pagsasakamay at kontrol ng mga magsasaka sa mga binhi para ipasiguro ang na may pagkain ang pamilya at kumonidad.
Mga trial farm, tuloy-tuloy sa pagbigay ng binhi sa panahon ng pandemya ni Rowena Buena
Mula ng magkaroon ng pandemya, naging mahirap ang distribusyon ng binhi mula Back Up Farm sa Nueva Ecija patungo sa mga PO. Dahil dito, lalong nakita ang halaga at pakinabang ng mga trial farm sa mga komunidad na syang naging pinagkukunan ng binhi. Maraming PO ang nagtala ng mga gawaing bayanihan sa trial farm mula land preparation hanggang farmers field day (FFD) kung saan nakapag-imbita pa ang ilan sa kanila ng mga representante mula sa municipal agriculture office sa kanilang lugar, kasama ang mga NGO partner, upang mamili ng sampung pinaka-magandang binhi batay sa kanilang criteria. Ang mga ganitong gawain ay karaniwang natatapos sa isang salo-salo na nagpapatibay naman ng ugnayan ng magkakasama.
MASIPAG National Secretariat, muling nakabalik sa Back-up Farm ni Sandra Dorington
Nagtatalakan ng maikling oryentasyon si Bonifacio , MASIPAG National Back Up Farm Manager, sa mga staff ng National Secretariat bago sumabak sa produksyon.
Muling nakabalik ang MASIPAG National Secretariat (NS) sa National Back Up Farm (NBUF) sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Oktubre 7-9, 2020. Magandang aktibidad ito para na rin sa mga bagong staff na hindi pa nakakapunta sa NBUF para mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa kabuuan ng MASIPAG at para na rin maiugnay ito sa kanilang mga gawain. Ang NBUF ay ang lugar kung saan isinasagawa ang praktikal na aplikasyon ng sustenableng agrikultura at organikong pagsasaka. Dito isinasagawa ang koleksyon ng mga binhi ng palay, pag-alam sa mga katangian ng binhi, pagpapa-unlad at pagpaparami nito para maipamahagi pa sa mga magsasaka. Dito nagmumula ang lahat ng mga binhing palay na gamit ng mga samahan ng magsasaka sa kanilang ginagawang trial farm. Sa pagbisita sa NBUF, nagkaroon ng iba’t ibang mga aktibidad ang mga staff para makita ang proseso at paggawa rito kasama ang paglahok panicle selection at paggawa ng Kuhol Amino Acid at Fermented Plant Juice.
Dito ay pinatunayan pa rin na ang praktikal na gawain sa organikong pagsasaka ay ang pinakaepektibong adbokasiya dahil dito nakikita at isinasapraktika ang mga programa ng Masipag. Dito rin mas nararamdaman ng mga magsasaka ang pagiging Masipag at mga mga bunga ng mga gawaing ito ang nagpapakita ng tagumpay ng mga adhikain ng mga magsasaka na umasa sa sariling kakayahan at maging malaya.
Nagtuloy-tuloy ang mga trial at verification farm ng mga magsasaka upang maseguro ang mga binhi ng bawat miyembro ng organisasyon.
Nagkaroon din ng diskusyon sa kung ano ang NBUF at ang mga ginagawa rito para sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga staff. Para sa mga bagong staff ng MASIPAG NS, mahalagang karanasan sa kanila ang makapunta sa NBUF para mailapat ang kanilang mga gawain sa praktika. Ayon kay Reina De Borja, Technical Staff ng RET Unit, “marami akong natutunan sa una kong pagpunta sa NBUF. Dito ko aktwal na naranasan ‘yung nababasa ko lang. Kahit naging maikli lang ‘yung oras ng naging immersion, mas nakita ko yung esensya ng NBUF lalo na sa pagmimintina ng mga binhi. Mas napatunayan ko rin kung gaano kasipag at katiyaga ang mga magsasaka dahil hindi biro ang maggapas sa ialim ng papabagong panahon.” Ayon naman kay Patrick Dela Cueva, Advocacy Staff ng ICA Unit, “Naisip ko na madaling banggitin na gusto natin ng pagbabago sa sistemang pang-agrikultura, ngunit mabibigyan lang natin ng hustisya ang ating mga adbokasiya kung lapat at mahigpit na katuwang nito ang arawang danas at gawain ng mga magsasaka. Tumitibay ang loob ko sa mga diskusyon dahil sa solido at matagumpay na pagtataguyod ng mga magsasaka sa Back-Up Farm. Mula sa mga ito, napapatunayan kong wasto, nararapat at higit na kailangan ang ating mga gawain at hangarin.” Naging maikli man ang pagbisita sa NBUF ay nakatulong naman ito ng malaki para sa mga staff ng MASIPAG NS upang muling balikan ang mga aral na matututunan sa NBUF. Hamon ngayon sa MASIPAG ang pagsabay sa new normal na dulot ng pandemya para mapanatili ang ugnayan sa NBUF at iba pang mga erya na sakop ng MASIPAG.
Serye ng webinar na ‘Let’s All Agri!,’ inilunsad ng PGS Pilipinas ni Lucil Ortiz
Hunyo 2020, nakatakdang isagawa ang isang pambansang kumperensya sa Participatory Guarantee System (PGS) at ang pangkalahatang asembliya ng PGS Pilipinas. Sa hindi inaasahang pagkakataon bunsod ng pandemyang Covid-19, hindi ito naisagawa at minabuting ipagpaliban hanggang sa susunod na taon kung kailan inaasahang ligtas na ang pagdaraos ng malakihang pagtitipon. Upang makaangkop at makapagpatuloy sa gawaing PGS habang nasa kasagsagan ng implementasyon ng community quarantine, inilunsad ng PGS Pilipinas ang Let’s All Agri, isang webinar serye. Ang bawat episode ng Let’s All Agri ay nakasentro sa usapin ng organikong agrikultura at mga likas-kayang praktika ng mga kasapi ng PGS Pilipinas network. Ang paglulunsad ng Let’s All Agri ay naglayong panatilihing konsolidado at aktibo ang mga kasapi ng PGS Pilipinas sa kabila ng limitadong kalagayang dulot ng Covid-19. Upang mas maabot ang papalawak pang kilusang organiko, ibinukas ang webinar sa publiko. Maliban sa mga lokal na grupo ng PGS, nilahukan ito ng mga indibidwal mula sa non-government organizations, civil society organizations, iba’t ibang yunit at ahensiya ng gobyerno, simbahan at maging mga mag-aaral. Sa unang bahagi ng Let’s All Agri noong Mayo 6, tinalakay ni Rosario Guzman ng IBON Foundation
ang pambansang kalagayan at mga
suliraning sa gitna ng pandemya. Dito, malinaw na pabulusok ang sektor ng agrikultura at pambansang ekonomiya. Ayon sa IBON, mayroon lamang annual growth na 2.1% sa average ang Pilipinas noong 2017 hanggang 2019. Bilang tugon dito, binaybay ni Guzman ang alternatibo at haligi ng People Economics: 1) pagpapaunlad ng kanayunan, 2) pagbuo ng mga industriya ng at para sa mga Pilipino, 3) pagprotekta ng kapaligiran, 4) pagsuporta sa karapatan at kapakanan ng mga mamamayan, 5) pagpapaunlad ng pananalapi o finance, at 6) pagsusumikap para sa soberanya at kalayaan. Tinalakay rin ni Georie Pitong ang Agroecology at kung bakit ito ang nararapat na maging ‘bagong normal.’ Mayo 13 naman nang maging paksa ang Participatory Guarantee System (PGS) kung saan binalikan ni Rowena Buena ang balangkas, batayang prinsipyo at layunin ng PGS. Sinundan ito ng pagbaybay ni PJ Santos sa Organic Agriculture Act, ang nararapat at angkop na mga probisyon upang tunay na makapagsilbi ang batas para sa kagalingan ng maliliit na mga organikong magsasaka. Lumahok ang mga kasapi mula sa promosyon ng aktibidad hanggang sa pagiging tagasubaybay at tagapagsalita. Sa katunayan, maraming nagpakita ng interes sa organic, urban gardening na ibinahagi ni Sixto Bereber ng PGS Isabela. Sumentro ang pagtatalakay ni Bereber sa usaping kaseguruhan sa pagkain sa mga pamayanang urban na sinundan
naman ng pagbabahagi ni Anita
Morales ng PGS Davao tungkol sa gawaing pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya. “Nagkaroon man ng mga limitasyon at restriksiyon sa paggalaw ay nakaangkop pa rin ang mga organikong prodyuser at nagawang ipaabot ang mga produkto sa mga mamimili,” dagdag ni Morales. Sa pagtatapos ng Let’s All Agri 1, malaman ang iniwang salita ni Rafael “Ka Paeng” Mariano. Aniya, “integral ang repormang agraryo upang makamit ang tunay at makabuluhang pag-unlad ng mga magsasaka at ng kanayunan.” Sinasabi rin na mahalagang instrumento ang PGS sa adhikaing ito. Positibo ang naging pagtanggap ng mga tagasubaybay sa unang bahagi ng Let’s All Agri kung kaya naman sinundan pa ito ng Let’s All Agri 2 noong Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre. Dahil sa mga huling kaganapan kaugnay ng pag-amyenda sa Organic Agriculture Act of 2010 (RA 10068), sinimulan ang Let’s All Agri 2 sa pagbabalik-tanaw sa mga naging inisyatiba at pagsusumikap sa pangangampanya upang kilalanin ang PGS bilang alternatibo sa Third Party Certification sa loob ng batas. Binalikan ni Rowena Buena ang ilang mahahalagang kaganapan at aksyon na humantong sa pag-amyenda ng nasabing batas. Nagbigay rin ng mensahe ng pakikiisa si Representative Ferdinand Gaite ng MAKABAYAN tungkol sa
pagbitbit ng mga makabayang kongresista sa pag-amyenda ng RA 10068 kasama ng ilan pang mga panukalang pabor sa mga maliliit na magsasaka. Patuloy rin na nagsasagawa ang mga miyembro ng mga inisyatiba upang isulong ang organikong pagsasaka at maka-magsasakang sistema ng organikong sertipikasyon. Sa nakaambang pagpirma sa panukalang amyenda ng RA 10068, lalong kinakailangan ang puspusang pagpapalaganap ng PGS upang tunay na maserbisyuhan ang maliliit na mga magsasaka. Bukod sa usapin ng sertipikasyon, mahalaga ring paksa sa webinar ang angkop at lokal na sistema ng paglikha ng pagkain upang matugunan ang kaseguruhan sa ligtas, abotkamay, at abot-kayang pagkain para sa lahat. Noong Agosto 19 ay nagbahagi sa webinar sina Dennis Omison, kinatawan ng MASIPAG Farmers Guarantee System Visayas, Anita Morales ng PGS Davao at Kathlene Tiam ng PGS Isabela kaugnay ng kanilang mga naging istratehiya sa pagsasapamilihan ng
mga organikong produkto. Sa gitna ng pandemya at ang idinudulot nitong kawalangkatiyakan sa trabaho at hanapbuhay, nangibabaw ang diwa ng pakikipagkapwa-tao at pagdadamayan sa mga komunidad. Mababakas ito sa makatarungang pagpepresyo sa mga produkto, pamamahagi nang libre o ‘di kaya ay pagbebenta sa mababang halaga at maging pagsasabuhay ng praktikang barter. Upang itampok ang mga inisyatiba sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya, noong Agosto 26 ay ibinahagi nina Elena Mangabay ng GBP- Managos sa Pangasinan, Francis Valladolid (Masipag Luzon) para sa Bayanihan, at Rodolfo Cortez mula sa Negros ang pagproseso ng mga produkto gaya ng tomato jam, sangkaka at kalabasa noodles, gayundin ang kanilang gawaing pangkabuhayan. Kinilala ni Dr. Elizabeth Panerio, reaktor sa nasabing episode, ang mga inisyatiba ng mga People’s Organizations sa pag-proseso ng kanilang mga produkto. “Palagi lamang natin tatandaan na dapat isaalang-alang
World Food(less) Day, Buwan ng Pesante, ginunita ngayong Oktubre ni Alfie Pulumbarit
Sumama sa ginanap na SALU-SALO ng AgroecoX ang MASIPAG kung saan ibinida ang mga produkto at mga aktibidad ng network.
Sa Pilipinas, natatangi ang buwan ng Oktubre para sa mga magsasaka at sa sektor ng pagkain at agrikultura. Partikular sa mga magsasaka ng palay, ang buwan ng Oktubre ay buwan ng selebrasyon para sa masaganang ani. Gayunman, ginugunita din ng mga magsasaka ang buwan ng Oktubre upang patampukin ang mga problemang kinakaharap nila sa lupa, binhi, kabuhayan at karapatan. Matingkad ngayong taon ang epekto ng Rice Liberalization
ang kalinisan at kaligtasan ng ating mga produkto lalo na at para ito sa konsumo ng tao.”, paalala pa ni Dr. Panerio. Sa pagtatapos ng ikalawang Let’s All Agri at upang bigyangdiin naman ang kahalagahan ng masaklaw na usapin ng likas-kayang agroekosistema at integrasyon ng hayupan, ibinahagi nina Arnulfo Palma, Eric Campomayor, at Lauro Diego ang mga angkop na pamamaraan at pagmaksimisa ng mga natural na rekurso sa sariling sakahan upang paunlarin ang paghahayupan; mula sa mga alagang manok, itik at bibe, kambing, baboy, at isdang-tabang. Naging mapanghamon man ang virtual platform lalo na para sa mga magsasakang nagbahagi ng kanilang mayamang praktika, hindi ito naging hadlang sa masikhay nilang partisipasyon sa webinar upang palawakin pa ang organikong agrikultura at ang participatory guarantee system bilang pagtitiyak sa kaseguruhan sa ligtas, abotkamay at abot-kayang pagkain.
Law sa kita ng mga magsasaka, papalaking kontrol ng mga korporasyon sa binhi, pagkain at agrikultura, papalalang problema sa kagutuman at maging sa karapatang pantao, na pina-igting pa ng pandemyang COVID-19. Sa pandaigdigang saklaw, binabalangkas ng United Nations ang World Food Systems Summit 2021 bilang tugon upang ‘ayusin’ ang kasalukyang sistema ng pagkain, ngunit tila dominado ng mga korporasyon ang nasabing proseso (tignan ang editoryal). Bilang tugon, inilaan ng MASIPAG ang buwan ng Oktubre upang pukawin ang interes ng mga magsasaka at mamamayan sa mga isyu sa pagkain at agrikultura. Nakilahok ang network sa 16 Days of Global Action on Agroecology ng Pesticide Action Network Asia Pacific (PANAP), kampanyang #Hungry4Change ng People’s Coalition on Food Sovereignty (PCFS) at paglulunsad ng SALU-SALO 2021, ang alternatibong Food Systems Summit ng AgroecologyeXchange (AgroecologyX). Mula October 1-16, sa pangunguna ng mga pormasyong rehiyunal at lokalng MASIPAG, inilunsad ng mga people’s organization ang iba’t ibang mga inisyatiba upang itaguyod ang likas-kayang pagsasaka at papel ng magsasaka para sa lokal na kaseguruhan sa pagkain. Halimbawa na dito ang Peer Review para
sa organikong sertipikasyon sa ilang sakahan ng mga miyembro ng GBP Warding sa probinsya ng Pangasinan, seed selection sa Trial Farm ng Calapi-Daat Small Famers Association sa Negros Occidental, at seed at products exchange sa pagitan ng mga bakwit ng Davao City. Sa antas nasyunal, katuwang ang MASIPAG Mindanao, inilunsad ang isang bahaginan ng mga kabataan hinggil sa food security at likas-kayang pagsasaka sa isang parteng Eco Talk, ang kanilang video series. Nagkaroon din ng media launch ng Salu-salo: National People’s Food System Summit 2021 upang isiwalat ang mga problema kasalukuyang sistema ng pagkain at agrikultura, at tugon ng mga magsasaka at mamamayan para baguhin ito. Sa pamamagitan ng PCFS, ipinasa ng MASIPAG ang panawagan ng GM Free Bohol at ng Stop Golden Rice Network kay UN Special Rapporteur on the Right to Food Michael Fakhri upang kagyat itong mabigyan ng tugon.
Gayundin, sa paggunita ng Oktubre 16 bilang Pandaigdigang Araw ng Pagkain o World Food Day, o mas akmang tawaging World Foodless Day, nagsagawa ng isang online mass action sa pamamagitan ng ‘fansigns’ ang mga magsasaka at network members ng MASIPAG laban sa kasalukuyang sistema ng agrikulturang lumilikha ng kagutuman, kawalang hanapbuhay at dambuhalang kita para sa mga korporasyon. Pinamagatang ‘Farmers Fight for Food Systems Change!,’ pinanawagan ng MASIPAG ang pagbibigay-halaga sa papel ng mga magsasaka sa paglikha ng pagkain at pagpapaunlad ng kanayunan. Asahang palalakasin pa ng MASIPAG ang panawagan nito, sa lokal at internasyunal na antas, ang isang sistema ng pagkaing likas-kaya, makatarungan at pinangungunahan ng mga magsasaka.
Ika-33 na petisyon laban sa Terror Law, ikinasa kasama ang MASIPAG ni Juan Sebastian Evangelista
Sa pangunguna ng Coordinating Council for People’s Development and Governance Inc. (CCPDG), nagkaisa ang mga non-government organizations (NGO) at civil society groups (CSO) sa pagpasa ng petisyon upang ibasura ang kontrobersyal na Anti-Terror Law o RA 11479 sa Korte Suprema noong ika-18 ng Septyembre, 2020. Maliban sa MASIPAG Inc., kasama ang Kalikasan People’s Network for the Environment, Center for Environmental Concerns-Philippines, Climate Change Network for Community-Based Initiatives Inc., Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura, Philippine Network of Food Security Programmes, Children’s Rehabilitation Center, Ibon Foundation Inc., and Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumers para sa Ika-uunlad ng Bayan (SUKI Network) sa mga may akda ng ika-33 na petisyon laban sa ‘terror law.’ Ayon sa mga may akda, hindi nakamit ng mga mamamayan ang hustisya sa mga nagdaang mga taon, bagkus, ay lalo pang lumala ang impunidad at pag-atake sa mga mamamayan. Ibinahagi rin ng mga may akda na nakaranas sila ng red-tagging, harassment, at intimidasyon bago pa man nalagdaan ang batas noong ika-3 ng Hunyo. Sa isang pahayag, sinabi ng CDPG na, “Ang atake sa mga mga mamamayan ay lalong dumadami at lumalawak- kabilang ang pang-aalipusta, harassment, iligal na pag-aresto, pisikal na pag-atake, at pamamaslang.” Para sa MASIPAG, malaki ang posibilidad na maihanay ang gawaing pangkaunlaran at adbokasiya bilang “terorismo” dahil sa malabong probisyon ng batas at pamumuno ng astang hudikatura ng Anti-Terror Council. Naniniwala rin ang MASIPAG na sagka sa sosyo-ekonomiko at kultural na karapatan ng mga Pilipino ang Terror Law dahil sa pag-ipit
Pinangunahan ng CPDG kasama ang iba’t ibang CSOs ang pagsusumite ng petisyon laban sa ATL
nito sa mga demokratikong espasyo. Bago pa man nagkaroon ng Anti-Terror Law, nagkaroon na rin ng biktima ng pagpaslang mula sa MASIPAG. Matapos isama sa mga karatulang nagbibintang sa mga aktibista bilang mga terorista, pinaslang ang dating miyembro ng Board of Trustees ng MASIPAG at founding member ng National Union of Peoples’ Lawyers na si Atty. Ben Ramos. Kilala si Atty. Ben bilang isang aktibista para sa karapatang pantao at isang tanyag na pro bono na abogado para sa mga magsasaka. Para kay Pedro Santos Jr., OD Officer ng MASIPAG, lalong lalawak ang impunidad at pagpatay dahil sa Anti-Terror Law. “Ang kultura ng takot na dala ng batas na ito ay maglulumpo sa gawaing pangkaunlaran. Ang karapatan ng mga mamamayan para sa malayang pamamahayag, pagkilos, at pag-oorganisa ay untiunting kinikitil at umaabot na ito sa pagpaslang sa mga tagapagtanggol ng mga ito, katulad ng nangyari sa martir na si Atty. Ben,” wika ni Santos.
MULA PILIPINAS, INTERNATIONAL PATUNGONG ASYA AT IBA PANG BANSA WORK Rehiyunal na plataporma para sa Agroekolohiya at Food Security, pinangunahan ng MASIPAG ni Juan Sebastian Evangelista
Sa kabila ng pandemyang dulot ng COVID-19, matagumpay na inilunsad ng Asian Peoples’ Exchange for Agroecology and Food Sovereignty (APEX), ang dalawang linggong sub-regional consultation sa Timog Asya at Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng online conferencing. Sa pangunguna ng consortium na binubuo ng MISERIOR, MASIPAG, at Pesticide Action Network-Asia Pacific (PAN AP), dinaluhan ang naturang konsultasyon ng mahigit 25 na organisasyon. Ang mga ginanap na sub-regional consultation noong Septyembre hanggang Oktubre ay unang bahagi sa inisyal na tatlong taong programa ng APEX. Ang APEX ay nasimulan at nabuo bilang isang sunod na hakbang sa nakaraang Regional Learning Exchange Platform (RLEP) na naging plataporma upang ipalaganap ang People-Led Development (PLD) na anyo ng gawaing pangkaunlaran. Sa iskemang bottom-up approach, napapalakas ng PLD ang mga magsasaka sa aspeto ng pamamahala at pagdedesisyon. Isa sa mga layunin ng APEX ay ang pagpapalakas ng
Masayang nakangiti ang mga kalahok ng RLEP na siyang kasama rin sa APEX.
kapasidad ng mga pagkilos ng mga mamamayan sa Asya upang makamtan ang soberanya sa pagkain sa pamamagitan ng Agroecology at PLD. Nais rin ng APEX na ipatampok at ipopularisa ang Food Sovereignty at Agroecology bilang solusyon laban sa monopolyo ng mga transnasyonal na mga korporasyon na nagdudulot sa kawalan ng lupa, land-grabbing, kagutuman, at marhinalisasyon ng mga magsasaka sa kanilang kabuhayan. Tinalakay din sa unang araw ng bawat sub-regional na konsultasyon ng memberscientist ng MASIPAG na si Dr. Chito Medina at ng executive director ng PAN AP na si Sarojeni Rengam, ang Food Sovereignty at Agroecology. Sa ganap na pagbabahagi, ibinida rin ng mga organisasyon ang kanilang mga kasanayan sa organikong pagsasaka, mga inilunsad na pagkilos habang pandemya at ang kanilang implementasyon ng PLD.
International Week of Action for Food Security, Ikinasa ng SGRN ni Jio Joshua Baldesimo
Nakiisa ang mga miyembro ng Roots for Equity sa Israel na siyang nagtataguyod din ng kampanya laban sa Golden Rice sa kanilang bansa.
Matagumpay na isinagawa ng Stop Golden Rice Network (SGRN) ang “International Week of Action for Food Security” laban sa posibilidad ng komersiyalisasyon ng Golden Rice mula 2 hanggang 8 ng Agosto. Ang naturang kampanya na may temang “Defend Our Rice, Fight for Our Rights” ay pinangunahan ng MASIPAG kasama ang mga organisasyon at alyansa mula sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko.
Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang SGRN sa loob ng linggong ito natapos sa Agosto 8 na tinaguriaang “International Day of Action against Golden Rice.” Matatandaan na sa araw na ito gumawa ng makasaysayang aksyon ang pinagsamang pwersa ng mahigit 400 magsasaka, maralitang lungsod, kabataan at konsumer kung saan sabay-sabay na binunot ang Golden Rice sa Pili, Camarines Sur noong 2013. Bilang parte ng linggo ng pagkilos, idinaos din ang isang international webinar na pinamagatang “From Gates to your Plates: On the Corporitization of Food and Agriculture amid COVID-19.” Dinaluhan ito ng MASIPAG National Coordinator Cris Panerio at GRAIN researcher Kartini Simon, kasama ang mga batikang panauhin na sina Saro Renggam ng PANAP, Neth Dano ng ETC Group at Julie Smit ng PCFS. Umabot sa 7,500 katao ang naabot ng naturang webinar sa Facebook live.
Kabataang MASIPAG para sa Agroekolohiya at Kaunlaran ng Kanayunan ni Patrick Dela Cueva at Junjun Genol MASIPAG Mindanao Inilunsad ng MASIPAG, sa pangunguna ng MASIPAG Mindanao, ang “Ecotalk Live: Rural Youth on Agroecology and Future of Farming” noong ika-12 ng Oktubre na dinaluhan ng mga kabataang magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon, estudyante ng mga Lumad school, tagapagtaguyod ng organikong pagsasaka at mga administrador. Layunin ng aktibidad na ito na muling maipatampok ang usapin ng paglahok ng mga kabataan sa pagsasaka at ang tungkulin nila sa pagpapaunlad ng kanayunan. Kasama sa aktibidad na ito sina Teacher Noel mula sa Community Technical College in Southern Mindanao na naka-base sa Maco, Davao del Norte, at Janel Juaton, Chairperson ng City Coordinating Body ng Davao at miyembro ng Kabataang MASIPAG (KAMAS) sa Mindanao. Nagtalakay sila hinggil sa kanilang mga karanasan bilang mga kabataang magsasaka at tagapagtaguyod ng organikong pagsasaka. Mula sa diskusyon, ibinahagi nila ang mga suliraning idinulot ng kumbensyunal na pagsasaka na lubos na nakadepende sa mga modernong binhi, kemikal na
input at teknolohiyang dala pa ng Green Revolution noong dekada sisenta. Kaiba ito sa karanasan nina Janel at Teacher Noel sa pagtataguyod nila ng organikong pagsasaka. “Sobra pa ang harvest. Doon na kami sa farm kumukuha ng pagkain,” banggit ni Teacher Noel. Dagdag pa ni Janel, “Sapat kapag nag-organiko ka. Ang kita naming noong 2013 sa harvest ng corn, sapat lang. Ngayon, sa organic, tatlo hanggang apat na beses ang inilaki ng kita.” Malaki rin ang iniambag nito sa kaunlaran sa komunidad dahil nakaangkla ito sa kalagayan, kapasidad at pangangailangan ng mga maliliit na magsasaka at napapatimo ang esensya ng bayanihan. Ngayon, naka-amba ang problema ng papaliit na bilang at papatandang edad ng mga nagsasakang pwersa sa Pilipinas. Sa katunayan, ang karaniwang edad ng isang magsasaka sa bansa ay 57 taong gulang. Kalakhan pa sa mga ito ay mga maliliit na magsasaka na bumubuo sa 87% ng kabuuang populasyon ng mga magsasaka sa bansa. Dagdag pa rito, lumiliit na rin tauntaon ang balon ng mga kabataang magsasaka sa agrikultura. Iniulat ng SEARCA na 1.5% kada taon ang ibinababa ng bilang ng mga
estudyanteng pumapasok sa mga kursong agrikultura. “Ang mga kabataan ngayon mas gusto magtrabaho sa opisina pero hindi pa nila nakikita ang kahalagahan ng pagsasaka. Malaking tulong nito sa pamilya at komunidad,” banggit ni Konsehal Pamela Librado sa kanyang mensahe sa naganap na aktibidad. Upang mapasigla ang partisipasyon ng kabataan sa pagsasaka, naglunsad ang MASIPAG ng mga aktibidad tulad ng mga Youth Camp sa mga rehiyon at International Youth Congress noong 2019. Mula sa mga proyektong ito ay nagkaroon ng mga bagong organisasyon ng mga kabataan, katulad ng KAMAS, kabataang Farmer Trainors, kabataang propesyunal at maging mga kabataang akademiko na nagsusulong at nagtataguyod ng mga adhikain ng MASIPAG.
MASIPAG Visayas Sa pagtutulungan ng PCBNegros at ng Paghida-et sa Kauswagan Development Group, Incorporated (PDG, Inc.), inilusad ang Youth for AgroEcolgy Development Program. Ang Programang ito
ay naglalayon na (a) mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa kanilang papel sa pagsulong ng likas-kayang pagsasaka para sa kasiguruhan ng pagkain at (b) sa mga pamamaraan at mga angkop na teknolohiya sa pagsulong ng likaskayang pagsasaka; at (c) matukoy ang potensyal na farmer trainers mula sa hanay nga mga kabataan. Kabilang sa programa ang mga aktbidad tulad ng oryentasyonal at praktikal na kasanayan sa likaskayang pagsasaka at iba pa. Simula nitong buwan ng Oktobre 2020, sa tulong ng KABUHIAN Association na kasapi din ng MASIPAG dito sa Negros, nagsaka ang mga kabataan sa 2,000 metro kwadradong lupain para gawing kumonal na gulayan. Ang produksyon ay ginagawa ng mga kabataan dalawa hangang tatlong beses bawat linggo sa pamamagitan
ng “dagyaw” bayanihan. Naglunsad ng Batayang Oryentasyon ng MASIPAG sa pangunguna ni BOT Chairman Elpedio “Jojo” Paglumotan ng BAKAS Association nitong Oktobre 13. Dito diniinan ang papel ng mga kabataan para patuloy na pagsulong ng mga programa ng network at ng kanilang kinabibilangang asosasyon. Ito ay masiglang nilahukan ng mga 20 na mga kabataan mula sa assosasyon ng KABUHI-AN, KASMABI, PAMABI, KMALIG, AMBO at ng mga kabataan mula sa SEED / PDG FOOD HUB PROJECT COMMUNITY. Nagsagawa rin ng pagsasanay para sa Soil Fertility Management at Alternative Pest Management si Denis Omison, Negros Island Area Coordinator. Dito tinalakay ang mga isyu sa kasalukoyang
sistema ng kemikal na pamamaraan ng pagsasaka. Ibinahagi naman ni Tatay Ricardo “Tay Dodoy” Camasa, farmer trainer mula sa MABBUNGAPA Association, ang mga prinsipyo ng SFM at APM. Tatlong concoction at fermentation process ang isinagawa sa praktikal na pagsasanay. Bawat grupo ay masiglang lumahok sa mga demonstrasyon. Kabilang din sa mga nagawa ng mga kabataan ang kilalang kapartner ng bawat magsasaka ang Oriental Herbal Nutrients o OHN. Ang mga organikong inputs na ito ay siya ring gagamitin ng mga kabataan para sa pagpapaunlad ng kanilang komunal na gulayan na mag sisilbing praktikal at paunang pagsasanay ng mga kabataan upang maihanda sila na maging mga progresibong magsasaka sa hinaharap. Praktikal na pagsasanay ng mga youth participants ang paggawa ng fermented fruit juice at concoction na siyang gagamiting organic inputs para sa kanilang komunal na gulayan. Nagsilbi itong paunang pagsasanay sa kanila upang maihanda sila bilang mga organic farmer practitioners sa hinaharap.
Hinihikayat ang lahat na ipalaganap at gamitin ang publikasyong ito na materyales para sa pulong at talakayan. Para sa mga katanungan, suhestyon, o puna, maaring ipadala ang inyong mensahe sa:
advocacy@masipag.org
MASIPAG REGIONAL OFFICES MASIPAG - Luzon
Back-up Farm, Rajal Centro Sta. Rosa, Nueva Ecija Cell: (0921) 486 1261 E-mail: masluz@masipag.org
MASIPAG - Visayas
Zone 5, San Isidro, Tabuc Suba Jaro, Iloilo City 5000 Telefax: (033) 329 5152 E-mail: masvis@masipag.org
MASIPAG - Mindanao
Durian St., Juana Subd.,
Matina, Davao City Cell: (0916) 575 9279 E-mail: mindanao@masipag.org
Ibahagi ang binhi, ibahagi ang buhay!
Lathalaing MASIPAG
“Tayo-tayo nalang talaga ‘to.”
ni Reina Nina de Borja
pagkain ng pamilya at komunidad.
Pakikibaka para sa Binhi
99. Ang dating masaganang buhay ng mga magsasaka ay isinadlak sa kahirapan nang pinapasok ang mga High Yielding Varieties (HYV) kasabay ang talamak na paggamit ng kemikal input. Ang dating buhay na kultura ng bahaginan ng binhi ay napalitan ng konsumerismong kaisipan at gawi.Paglaon, nagkamal ng malaking kita ang mga transnasyunal na korporasyon habang nagkukumahog ang mga magsasaka sa pagbabayad ng inutang na kapital. Kapalit ng pangakong malaking ani ng mga ipinakilalang lahi ng palay ay ang pagkasira ng natural na ekosistem ng agrikultura na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng matagalang bakas sa mga magsasaka, kalikasan at lipunang Pilipino.
Ito ang mga katagang naging Pagpupunla ang simula upang popular nang maramdaman ang tuluyang makapagpayabong. Para sa kakulangan ng suporta mula sa mga magsasaka, ang binhi ay hindi gobyerno kasabay ng pagdami ng lamang kasangkapan sa pagsasaka kaso ng COVID-19 sa bansa. Bawat - ang binhi ay buhay. Kaya naman, isa ay may kanya-kanyang diskarte katulad ng ibang batayang karapatan, sa kung paano maitatawid ang ang binhi ay hindi dapat itinuturing araw-araw nang hindi kumakalam na pribilehiyo lamang kundi isang ang tiyan bago matulog. Mayroong karapatang abot-kamay ng lahat at mga nawalan ng trabaho at umasa hindi bagay na isinasa-pribado at sa ayuda. Habang ang iba naman ay pinagkakakitaan. natutong magtanim sa kanilang mga sariling bakuran. Sa kabila ng mga pagsubok at matinding pangangailangan, patuloy na umuusbong ang mga komunal na inisyatiba upang sabay-sabay na maitawid ang pandemya. Umarangkada ang mga food-on-wheels, Kaya naman noong rumatsada ang mga mobile itinatag ang MASIPAG kitchen – umangat sa mga sa taong 1985, sinimulan komunidad ang pagkakaisa at din ang mga programang pagtutulungan. Collection, Identification, Napapanahon ang temang M a i n t e n a n c e , “sharing communities” ng and Green Action Week (GAW) Isinagawa ng PCB Albay ang palitan ng mga binhing mais Multiplication at gulay sa TABI Farm bilang bahagi ng gawain sa Green Evaluation (CIMME) at 2020 sa panahong ito Action Week. Breeding upang muling upang paigtingin ang palakasin at ipalaganap ang kultura ng kolektibong pagharap Bago pumasok ang Green at aksyon sa kampanya ng Revolution noong 1960s, mataas sistemang makatutulong upang kaseguruhan sa pagkain sa porma ang kaalaman at mayaman sa panatilihin ang mga tradisyunal na ng pagbabahaginan ng mga rekurso. karanasan ang mga magsasaka binhi. Layon din nitong paunlarin Ang GAW ay isang pandaigdigang patungkol sa binhi – pagpili ng ang mga binhing palay na ito sa ng pagpapalahi kampanya upang isulong ang may magandang katangian, pag- pamamagitan upang makakaangkop sa pagbabago sustenableng produksyon at iimbak nito, maging ang natural pagkonsumo. Mula noong 2013, na paraan ng pagpapalahi at ni klima at sa iba pang layunin ayon nakikiisa na ang MASIPAG sa pagsasapraktika ng pagbabahaginan sa kagustuhan ng mga magsasaka. kampanyang ito kasama ang mga sa kanilang komunidad. Ngunit Sa pamamagitan ng CIMME, at kasaping People’s Organization taliwas sa inaasam na pag-unlad, nakapagkokolekta (PO) gayundin ang mga kasapi at unti-unting napawi ang mga nakakapagmintina una ng mga katuwang na non-governmental kasanayan, kaalaman at kulturang tradisyunal na variety ng palay, nang organization (NGO). Ngayong taon, ito kasabay ng paglaho ng libu- lumaon ay isinama na ang mais, minabuti ng MASIPAG na isentro libong tradisyunal na binhing gulay, katutubong manok at baboy, ang aktibidad sa praktika ng seed palay dahil sa pagpasok ng Green spices,herbals, feeds at forage.. sharing and storage bilang kagyat na Revolution at iba’t ibang programa Personal ding natatasa ng mga pagtugon sa lokal na kaseguruhan sa ng gobyerno, tulad ng Masagana masasaka ang mga lahing angkop sa kondisyon ng kaniya-kaniyang
taniman sa mga itinatag na mga trial farm. Dahil sa programang Breeding, nakalikha ng lampas 1,700 na MASIPAG at farmer-bred rice. Ilan sa mga ito ay matibay sa baha, tagtuyot, tubig-alat, at peste/sakit. Sa ganitong sistema, malayang nakapagpapalahi at nakapagpapalitan ng binhi ang mga magsasaka. Sa huli, nais ng network na tuluyang makalaya ang mga magsasaka mula sa kontrol ng mga transnasyunal na korporasyon sa binhi. Upang palakasin at palaganapin ang inisyatibang ito, nakikiisa ang network sa mga nasyunal at pandaigdigang kampanya katulad ng Green Action Week (GAW).
“Bahaginan� Ang GAW ay inorganisa ng Swedish Society for Nature Conservation (SSNC). Katuwang ang 51 organisasyon sa 30 bansa, idinaos ang magkakahiwalay na aktibidad na nakasentro sa makatao at makakalikasang layunin. Pundasyon ng kampanya ang sabay na pagtalakay sa panlipunan at pangkalikasang hustisya sa pamamagitan ng likas-kayang produksyon at konsumo. Itinampok ng MASIPAG sa pakikiisa nito ngayong taon ang kahalagahan ng bahaginan ng binhi partikular ng gulay. Relatibong abante ang network sa koleksyon nito ng binhing palay hindi tulad sa binhing gulay. Layon
ng MASIPAG na makaambag sa pagkamit ng kaseguruhan sa pagkain sa mga komunidad sa kanayunan at sentrong bayan sa pamamagitan ng community seed sharing, pagbabahagi ng mga binhing gulay, gayundin ng mga angkop na pagsasanay. Kaya naman inilunsad ng MASIPAG ang BAHAGINAN: Seed Banking and Seed Sharing for Resilient Communities.
member scientist ng MASIPAG, ang mga pagsubok at pagsusumikap ng mga magsasaka at siyentipiko para sa karapatan sa binhi (Farmers’ Rights to Seeds), at sa paglalatag ni Cris Panerio, national coordinator
Noong Setyembre 16, 18, 21 at Oktubre Ilan lamang ang MWFO at BWO sa mga PO na nakatanggap 2, nagsagawa ng ipinamahaging binhi at materyales para sa imbakan ng ang MASIPAG ng binhi mula sa MASIPAG Mindanao. edukasyonal na webinar. Sa unang sesyon, tinalakay ng MASIPAG, ng 6-Point Food ang Appropriate Seed Technology Security Agenda ng MASIPAG. kung saan ibinahagi ni Dr. Lucille Elna De Guzman ang istruktura at Sa mga rehiyon, ikinasa ang tipo, produksyon at pagpoproseso, oryentasyon at pagpaplano pagsusuri, at pagpapaunlad ng binhi. patungkol sa seed banks para sa Sumunod namang ibinahagi ni Leo mga binhing gulay. Naipatupad XL Fuentes, regional coordinator ang probisyon ng mga binhi at ng MASIPAG Mindanao, ang ng mga payak na kagamitan para paghahanda ng lupa, pamamahala sa pagsasaayos ng seed storage. ng narseri at gulayan hanggang sa Kabilang sa mga aktibidad kaugnay pag-aani, sa talakayang Organikong ng GAW ang pagdaraos ng maliitang Gulayan at Pamamahala ng Narseri. organic food and seeds festival Ang ikatlong paksa, Urban/Backyard katambal ng mga diskusyon at Gardening, ay pinangunahan ni Joel pagpapalitan ng mga binhi. Abrao, area coordinator ng Southern Tagalog, kung saan natalakay ang Inilantad at pinalala ng pandemya container gardening, Enhanced ang mga kasalukuyang suliranin sa Potting Preparation at mga paraan pagkain. Bunsod ng kapitalistang ng pagtatanim perspektibang ipinataw sa mga sa limitadong batayang karapatan katulad ng espasyo sa pagkain, mas napatutunayan na k a n a y u n a n kailangan na muling maangkin lalo na sa ng mga magsasaka ang rekurso, mga sentrong teknolohiya at produksyon nito. He bayan. Naging who controls seeds, controls food. malaman din He who controls food, controls the ang diskusyon world! Kaya naman, patuloy na sa huling yugto suportahan ang mga magsasaka sa ng webinar nang pagkamit ng kalayaan sa paggamit inilahad ni Dr. at malayang pagpapalitan ng mga Chito Medina, tradisyunal at lokal na binhi.
Karanasan sa kanayunan:
ANG GAWAING PROCESSING AT ANG PANDEMYA
ni Rowena Buena
“Ang mga magsasakang MASIPAG ay higit na maparaan sa panahon ng kagipitan” – ito ang pinatunayan ng mga magsasaka na sa kabila ng mga hirap na nararanasan dahil sa pandemya ay tuloy-tuloy pa rin sa pagpoproseso ng iba’tibang produkto upang maibenta at maseguro ang kabuhayan ng kanilang mga pamilya. Hindi maikakaila na napakalaki ng epekto ng pandemya sa mga magsasaka. Marami sa kanila ang hindi nakapagsaka dahil sa mga lockdown, lalong apektado ang mga nasa edad 60 pataas habang maraming manggagawang bukid ang nawalan ng kabuhayan at nakaranas ng kagutuman. Subalit ang mga magsasaka ay likas na maparaan lalo pa at kabuhayan ang nakasasalay. Habang naggigiit ng kanilang karapatan sa pamamagitan ng paglahok sa mga online na panawagan at kampanya, mga relief operation sa kanilang komunidad, at mga pag-aaral, pinalalakas din ng mga magsasakang Masipag ang kanilang organikong produksyon, pag-proseso at pagsasapamilihan ng mga produkto. Habang hitik sa bunga ang mga puno ng bignay sa mga sakahan ng mga miyembro Kolo-kaKoloy sa probinsya Rizal, inani na ito upang gawing bignay wine. Noon ay hindi ito pinapansin at
naglalaglagan lamang, ngunit ngayon, sa tulong ng pagsasanay, ay napakikinabangan na ang mga bungang ito. Sa kasalukuyan ay nakagagawa ang mga kababaihan ng Kolo-Ka-Koloy ng hanggang sa 20 litro ng bignay wine at ipinagbibili nila ito sa kanilang komunidad.
namang cassava crunch, pineapple jam at turmeric powder at ang mga produkto ay naibebenta hanggang Los Baños, Laguna. Habang sa Camarines Sur ay inilalako sa mga komunidad ang sangkaka na produkto ng Bayanihan Farmers Organization (BFO) gayundin ang mga produktong honey mula Sa Gabaldon, Nueva Ecija, tuloy sa mga kiyot at herbal products, tuloy naman ang mga samahang pili nuts, coco jam at coco vinegar Gabay sa Bagong Pag-asa (GBP) mula naman sa mga miyembro sa mula sa bayan ng Bantug, Albay. Cuyapa, Bagong Sikat at Bugnan sa paggawa ng vegetable noodles, Mga aral at pananaw salabat at turmeric powder, shing-a-ling, banana chips, Ayon sa mga miyembro ng GBP, walis tambo at ang homemade mas aktibo at masigasig ang washable facemask katulong ang mga kasapi ng samahan kung SAFRUDI, NGO-partner ng nakakasali sila sa mga ganitong MASIPAG sa Gitnang Luzon, sa gawain dahil nakikita nila na ang marketing nito sa loob at labas kanilang ambag ay “nai-translate” ng probinsya. Ang mga PO sa sa kontribusyong kita kahit sa Pangasinan na pinangungunahan maliit na halaga para sa kanilang ng mga GBP ng Barangay pang-samahang proyekto. Managos, Warding at Alinggan Bagaman hindi ang processing sa Bayambang at ng Farmers ang pangunahing pinagkukunan Agricultural Development ng pagkain at kita, malaki ang Association o FADA ng Barangay nai-aambag nito sa kanilang Catuday, Bolinao Pangasinan ay kabuhayan at sa pagpapalakas ng abala naman sa pag-proseso ng organisasyon. tomato jam, champoy, peanut butter at cornick. Mas nakita din ng mga magsasaka ang kahalagahan ng nagkakaisang Sa probinsya ng Quezon, ang layunin at pagkilos. Malaki ang mga hilaw na materyales na kontribusyon ng ambagan ng nagmumula sa komunal na mga miyembro sa produksyon, sakahan ng PO at sa ani ng mga processing at pagbebenta upang miyembro ng Kiday Community magtuloy-tuloy ang mga gawaing Farmers Association ay ginagawa pangkabuhayan at matustusan
ang pangangailangan ng bawat miyembro lalo na at walang kaseguruhang natatanaw ang mga magsasaka dahil sa pandemya. Isang mahalagang aral dito na sa kagipitang sitwasyon ay kayang ipilit at ipuslit ang mga malikhaing pamamaraan ng pagtugon kung sama-sama at nagkakaisa ang mga miyembro ng organisasyon. Sa panawagan ng bagong normal, hindi mawawala ang pag-aalala dahil sa kawalan ng kasiguruhan.
Ngunit para sa mga magsasaka, hindi dapat huminto upang makagawa ng pagkain; hindi dapat na panghinaan ang mga samahan at magpatuloy upang mas pahigpitin ang pagkakaisa sa pagkamit ng layuning pangsamahan at panlipunan. Para sa mga magsasakang Masipag, ang normal ay ang pagsasakang may kalayaan sa utang at kahirapan; pagsasakang may konsiderasyon sa kapaligiran at tao; nagseseguro
ng malusog na pangangatawan at nagbibigay ng siguradong bukas sa bagong henerasyon; pagsasakang magpapatibay ng bayanihan at pagkakaisa ng mga magsasaka at magpapatalas ng kanilang isip sa pamamagitan ng pag-aaral at talakayan. Ito ang dapat na bagong normal.
Hamon at tugon ng organisayon: Sulong, MASIPAG! ni PJ Santos
Inilugar tayo ng pandemya ito sa kundisyong humanap ng mga bagong pamamaraan upang maisakatuparan pa rin ang mga gawain. Ipinapakita sa karanasang ito ang mahalagang papel na dapat gampanan ng Organizational Development and Network Strengthening (ODNS) program ng MASIPAG sa paglikha ng mga kundisyon sa samahan na gawin sa pinakamahusay ang mga gawain sa gitna ng abnormal na kalagayan. Nagsisilbi rin itong pandikit sa atin upang mas tumibay ang pagkakabuklod at makaresponde ng buong sa pagharap sa hamon at mga gawain sa isang hindi pangkaraniwang kundisyon. Nag-anak ng mga panibagong kumplikasyon ang COVID-19, ang problemang pangkalusugan at may kakambal na paglala ng kagutuman. Ang kundisyong ito ang mas nagbigay ng katuturan, kabuluhan at direksyon ng ating pagkilos. Sa
ating samahan tayo tuloy-tuloy nakapag-aaral para mas sistematiko at epektibo tayong nakakahanap ng solusyon at tumutugon sa mga suliranin at hamon dulot ng pandemya. Pinalakas natin ang panawagan sa likas-kayang pagsasaka, kasiguraduhan sa pagkain at pagtatanggol sa karapatan ng maliliit na magsasaka bilang paunang solusyon sa krisis. Hindi pinahinto ng pandemya ang kolektibong pagkilos ng mga magsasaka. Kahit sa panahon ng lockdown ang mga samahan ng magsasaka sa mga bayan ng Pollillo, Gen. Nakar, Infanta, Lucena, Rizal at Mindoro ay patuloy na nagsagawa ng saknungan o bayanihan. Sa Kabangkalan, Negros Occidental naman buhay ang pagsasapraktika ng DIFS sa mga kamunal na sakahan. Masiglang pagbabahaginan ng mga rekurso at produkto sa anyo ng barter sa Panay. At tuloy-
tuloy na naman sa pagsusuplay ng organikong gulay sa mga consumer sa Davao City. Ilan lamang ito sa mga sustenidong pagkilos ng mga maliliit na magsasaka noong panahon ng lockdown. Hanggang sa kasalukuyan, pinagmumulan, daluyan at inspirasyon ngayon ang atin samahan ng magagandang praktika sa pagpapaunlad ng kanayunan. Hindi tumigil ang mga magsasaka na gampanan ang mahalagang papel nito sa paglikha ng pagkain at pinamalas ito ng MASIPAG sa mga nagdaang buwan. Ito ay resulta ng papaulad na organisasyon, sumentro sa gitna ng gawain sa panahon ng krisis ang pagpapalakas ng samahan, mula sa layunin ng pag-iral nito sa nagbabagong kundisyon, pagbubuo ng stratehiya, pagpapanday sa kapasidad, pagpapahusay sa estilo ng pamumuno hanggang pagpapalapad ng pakikipag-ugnayan o networking.
Madaling araw pa lang gising na si Tatay Jun. Matanda na pero kailangan niyang kumayod bilang drayber para may pandagdag sa panustos sa mga gastusin sa bahay. Hindi pa tapos ang kape pero kailangan na niyang suriin ang sisiraing pulang trak. Maraming gulay ang bibitbitin nila kaya kailangang siguruhin na hindi ito titirik sa gitna ng magulo at mainit na kalsada na Davao City. Magaalas sinko na, papatapos na ang curfew ng lungsod kaya malaya na silang tumulak palabas para hakutin ang mga gulay mula sa mga organisasyon ng kakaihang magsasaka para sa linguhang merkado. Kasabay niyang umaarangkada si Opong, taga contact sa mga tao para ayusin ang sundo. Matagal na si siya sa METSA Foundation – partner NGO ng Masipag Mindanao, kaya nung nagbukas ng posisyon sa ang Mindanao para sa Cluster Coordinator isa siya sa mga kononsidera. Pagkasundo, nakikita nilang maayos na nakahilera ng mga itim na crates na gulay. Nakabalot narin sa dahon ng saging ang Alugbati, kangkong at iba bang madahon. “Ayaw ng Ateneo sa plastic, lalu na yung mga maliliit, yung single-use. Kaya minamabuting nakabalot ng mga yan, syempre organic kasi tayo” sabi niya sabay abot kay Nay Quiling nang kinita mula sa
merkado nung nakaraang lingo.
na tadtad ng kemikal.
Si Nay Quiling ay isa sa mga beteranong lider kababaihan ng KNBL – Kabaihang Nagtataglay ng Bihirang Lakas isang pederasyon ng mga kababaihang magsasaka. Nakakatulong aniya ang ginagawang pagkuha sa kanilang mga produkto mula sa kanilang erya. Siyam na membro ng kanyang PO ang Bayanihan Women’s Organization ang regular na nagsusupply ng kanilang mga produkto para sa linguhang merkado. Malakijng tulong raw ito sabi niya. Nung naglockdown daw kasi nung abril medyo nahirapan ang mga membro niya kasi kasabay ng COVID-19 ay mataas-taas na tagtuyot kaya ngayon lang umaarangkada ang mga membro niya sa pagtatanim kasi may kahirapan sa pagkuha ng tubig.
Si Nay Quiling at ang mga miyembro niya ay iilan lamang sa 35 na mga magsasakang kababaihan na regular na nagsusuply sa lingguhang merkado ng METSA Foundation kasama ang Ateneo High School.
Dahil kinukuha nila Tay Jun at Opong ang mga produkto nila hindi na nila kailangang lumuwas pababa para dahlin ang mga produkto nila sa baba. “Dumudoble din kasi ang pamasahe mula ng mag lockdown. Kasi yung mga drayber halos walang pasahero kaya naiintindihan rin namin” dagdag niya. Nasubukan rin niyang magluwas ng produkto sa ginagawang pagbili ng mga ahensiya ng gobyerno. Pero sabi niya isang beses lang yun at hindi rin daw naiihiwalay ang mga produktong organiko nila sa mga gulay at prutas
Mula sakahan patungong lipunan:
Pagsasapamilihan sa panahon ng pandemya ni Benito Campesino
“Matagal na tayong may organic Market diyan sa Ateneo, 2018 pa yata. Pero nung nag lockdown nahinto ito.” sabi ni Anita Morales, mas kilala siya bilang si Nay Nena. Siya ang Executive Director ng METSA Foundation. “Kilala na kasi tayo na tunay na organic kaya yung mga suki natin sa Ateneo naghahanap sila talaga ng mga gulay na organiko. Kaya nung lumuwag nung mga Hunyo, nagkausap kami ng Ateneo na ibalik ang Market pero order-basis nalang. Walang physical set-up kasi mahirap.” dagdag niya. Super Senior na si Nay Nena pero isinasabuhay niya ang pangalan ng pederasyon na kanyang bunio, sadyang may kakaibang lakas si Nay Nena talaga. Alas 6:30 palang ng umaga kada biyernes kakatok na siya sa opisina ng Masipag para kunin ang timbagan na kakailanganin nila kasama ang apat pa niyang kasamang kababaihan para balutin ang indibidwal na mga orders ng mga konsumante sa Packing House.
Uupo siya at magsusulat ng mga orders at maya maya hindi na hihinto ang cellphone niya sa pagtunog. Kailangan niyang kontakin ang mga kasama niyang kababaihang magsasaka para tiyakin ang bolyum ng mga gulay na inorder sa kanila. Martes pa ang cut-off ng mga orders pero madalas napapasobra ang pinapadala ng mga magsasaka. Tatawa na lang si Nay Nena, ibebenta ko nalang ito sa mga kapitbahay sabi niya. Si Ate Belen, staff ni Nay Nena tumutulong na rin sa pagbabalot. Siya ang in-charge sa catering services ng METSA Foundation, pero nung naglockdown natigil na rin ito. Nagbukas siya ng tindahan at kasama ng asawa niya, nagtatanim rin sila ng gulay sa bakanteng espasyo sa opisina ng Masipag. Pandagdag sa pagkain nila, minsan rin pantapal sa orders kung nagkjukulang ang napapadala ng mga magsasaka. Isaisa niyang kinikilo ang mga gulay saka isinilisid sa berdeng sakong reusable. Sabi nya “Moroksiklo kasi ang ginagamit sa pagdedeliver ng mga ito sa mga bahay-bahay. Kaya dapat mahigpit yung pagkakabalot kasi baka “sumabog” sako.” Mga trabahanteng utility personnel ng Ateneo ang kinokontrata ang naging taga hatid ng mga ito. “Online Learning na kasi sa Ateneo kaya walang pangangailangan
para linisin ang mgan silid aralan” dagdag pa niya. Magmula nung inumpisahan ng METSA Foundation ang iskemang ito, tinatantyang aabot na sa mkahigit 16,000 Php ang kabuohang halaga ng gulay na nabebenta nila bawat lingo. Sa halos 16 na lingong operasyon nila, tinatantsang aabot na sa higit 300,000 php ang halaga ng mga gulay na nabenta. Pero kung tatanungin si Nay Nena, kumukita naman daw ang METSA mula rito, pero konti lang. Minsan break even pa. Ngumingiti nalang si nay nena ang importante nakakatulong sabi niya. Ang pagbili sa mga maliliit na mga produser ay nakakatulong para makabili ang mga tulad ni Nay Quiling, Ate Belen at sa iba pang kasali sa proyektong ito ng makakain sa pang-araw-araw. Hindi katulad ng pagbili sa mga malalaking tindahan na tumutulong ka para may pambili ng ikaapat na kotse o ikalimang bahay ang mayari. Ang mga
malilit na magsasaka, sampu ng ilang milyong mga mahihirap ang nakasakay sa lumulutang na kahoy. Sila ang kailangan ng tulong. Sa better normal na sinasabi, isa lang ang malinaw, kailanganang nakaayon sa pagmamahal at pagkalinga ang mga prinsipyong dapat tanganin nito at hindi ang pagkaganid sa pera at kapangyarihan na naglagay sa atin sa kinalalaguyan natin ngayon. Ipinapakita na ang mga maliliit na merkado ang akwal na tumotulong sa mga maliliit din na mga magsasaka. Tinatangan nito ang prinsipyo ng agroekolohiya – ang mga pinsipyo na dapat tanganin ng kinabukasan ng pagsasaka.
PATNUGUTAN Punong Patnugot Cris Panerio Patnugot sa Pamamahala Jio Baldesimo Layout Artist Jio Baldesimo Mga Manunulat Dennis Omison, Kervin Bonganciso, Georita Pitong, Alfie Palumbarit, PJ Santos, Rowena Buena, Lucil Ortiz, Sandra Dorington, Patrick dela Cueva, Juan Sebastian Evangelista, Benito Campesino, Reina de Borja, Junjun Genol, Kim Gargar
sa mundo. Kasama ang Ford
Foundation, binuo ng Rockefeller Foundation ang IRRI na siyang nagpalaganap ng mapaminsalang Green Revolution sa Asya. Samantala, ang Bill and Melinda Gates Foundation ay siya namang pangunahing nagpondo at nagiimpluwensya sa direksyong ng pagkain at kalusugan sa buong mundo, partikular na dito ang mga solusyong high-tech ngunit kontrolado ng mga korporasyon gaya ng Golden Rice. Sila ang mga nangungunang salarin sa paghihirap na kinakaharap natin, lalo na ng mahihirap na magsasaka! Target ng AGRA ang mga malalaking sakahan na may komersyal na operasyon o yaong mga magsasaka na nagtatanim para sa merkado sa 13 na bansa sa Africa. Upang magawa ito, inimpluwensyahan ng AGRA ang mga pamahalaan at idinerehe ang pampublikong pondo para sa tanggapin ng mamamayan ang programang Green Revolution. Gayunman, ang pampublikong pondo na sa halip na matuon para sa pananaliksik sa agroekolohiya at iba pang pamamaraan sa agikultura na mas magpapayabong ng lupa, binhi at katutubong kaalaman ng milyunmilyong magsasaka, pastoralist at iba pang lumilikha ng pagkain sa Africa ay napunta lamang sa mga korporasyong nasa likod ng mga Green Revolution technology tulad ng hybrid na binhi, sintetikong abono at pestisidyo. Dagdag pa dito ang seed harmonization na isinulong ng AGRA ay siyang dahilan ng pagkawala ng mayamang bayodibersidad sa agrikultura ng Africa. Mula ng itinatag ang AGRA noong 2006 hanggang kasalukuyan, ang AGRA ay walang maipakitang ebidensiya na tumaas ang kita o kung nagkaroon ng kaseguraduhan sa pagkain ang mga maliliit na magsasaka sa Africa. Dahil dito, kinukundina ng maraming mamamayang Aprikano ang AGRA.
Ang papel ng World Economic Forum Salik din ang pagiging sponsor ng WFSS ang World Economic Forum (WEF) sa pangamba na siyang nagdidirehe sa ekonomiya ng buong mundo. Sa likod nito ay ang mga global elite mula sa Western Europe, Japan, China at US na siyang may kontrol sa global finance kasama ang maraming agri-TNCs. Naniniwala ang WEF na maaring sagipin ang kapitalismo habang sinasagip din ang mundo. Isang halimbawa ay ang pagsusulong ng 4th Industrial Revolution. Ito ay ang pag-uugnay ng mga teknolohiyang may kaugnayan sa pisikal, digital at bayolohikal at ito ay may aplikasyon rin sa pagkain at agrikultura. Sa pagtatanim, sa vertical agriculture na na sinasabing may produktibidad ng higit 40% base sa gamit sa espasyo ng lupa kumpara sa kung ito’y itinanim sa ordinaryong sakahan na gamit ang tubig na mas kaunti ng 90%. Ang Lauric Acid na mula sa niyog ay pwedeng ng gawin mula sa mais.
Kaya tayo naglunsad ng National People’s Food Systems Summit kung saan nagsasalu-salo ang maraming mga CSOs sa pagsusulong ng tunay, makatarungan at likas-kayang sistema ng pagkaing sasagot sa kagutuman at kahirapan ng mga mamamayan. Sa MASIPAG, alam na din natin ang ating gagawin: Pagsasabuhay ng Agroekolohiya na pinamumunuan ng mga magsasaka kung saan ang binhi, teknolohiya at lupa ay pinapaunlad at pinangangalagaan para sa kasalukuyan at kinabukasan. Pagtatag ng sistema ng agrikultura na ang pagkaing nalilikha ay sapat, ligtas, abot-kaya at abot-kamay ng marami. Pagsusulong ng mga tunay na repormang agraryo upang maganap ang tunay na katarungang panlipunan na kung saan ang yamang nalilikha sa agrikultura ay mas marami ang makikinabang lalung-lalo na ang mga magsasaka. Pag-alis ng agrikultura sa WTO, kasama na dito ang pagbabasura ng Rice Liberalization Law.
Napakagandang pagkinggan ang mga pangako ng mga korporasyon, at ng kanilang solusyon at teknolohiya, Sulong MASIPAG! Ipagtanggol ang upang sagutin ang kahirapan at Lupa! Paunlarin at pangalagaan ng kagutuman ng mga mamamayan, mga katutubong binhi, halaman Ngunit kung ang pagbabatayan ay at hayop! Itaguyod at ipaglaban ang kasaysayan ng una hanggang ang sistema ng pagkain na para sa sa pangatlong industrial revolution mamamayan! na kung saan ang mga magsasaka ay inaagawan ng lupa at ang mga manggagawa ay nawawalan ng trabaho, ano kaya ang kahihinatnan ng 4th Industrial Revolution? Habang ang teknolohiya ay nasa kontrol ng iilan, gagamitin lamang ito sa pagkamal ng kita sa kabila ng kahirapan ng mas marami at MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG pagkasira ng kalikasan. At ito ang AGRIKULTURA (MASIPAG) solusyong gustong ihain ng mga kagaya ni Agnes Kalibata at ng World 2611 Carbern Ville, Los BaĂąos, Laguna Economic Forum sa gaganaping masipag.org @masipagfarmers WFSS.