
2 minute read
Ika-17 Asembliya ng MASIPAG Luzon, matagumpay na inilunsad
Tuloy-tuloy ang gawain sa MASIPAG National Back-Up Farm, kahit na malaki ang naging epekto ng umiral na enhanced community quarantine sa bansa.
Gawain sa MASIPAG National Back Up Farm, hindi natinag ng pandemya ni Bonifacio Nazareno at Eugene Baylon
Advertisement
Sa unang bahagi ng taong 2020, naalarma ang buong mundo sa pandemyang Covid-19. Naitala ng Kagawarang Pangkalusugan ang unang positibong kaso sa Pilipinas noong buwan ng Enero, samantalang naitala naman ang unang lokal na transmisyon ng virus pagpasok ng buwan ng Marso.
Upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa Pilipinas, ipinatupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR) na sinundan ng mas pinalawig ng quarantine na sumaklaw sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Malaki ang naging epekto nito sa pangkalahatan kabilang sa gawain ng MASIPAG.
Subalit ang gawain sa back up farm ay pundamental. Ang pagtitiyak na patuloy na maitanim ang mga binhi sa koleksyon na bahagi ng matagal nang gawaing konserbasyon ng MASIPAG ay kinakailangang ipagpatuloy. Buwan ng Abril nang simulan ang pag-ani sa higit dalawang libong baryedad ng palay. Sa tulong ng dagdag lakas-paggawa na mula sa komunidad ay matagumpay na natapos ang anihan sa loob ng isang buwan na may mahigpit na pagsunod sa mga panuntunang inilabas ng gobyerno tulad ng physical distancing, pagsuot ng PPE, palagiang paghugas ng kamay at pagpapalit ng damit. Sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad labas ng national back-up farm (NBUF), ikinalulugod nating marinig mula sa mga manggagawang-bukid na malaki ang tulong ng MASIPAG sa kanilang pamilya sa panahon ng lockdown.
Sa sistematikong latag ng programa sa BUF, natitiyak ang binhi para sa koleksyon gayundin ang binhing para sa trial farm. Nagpatuloy rin ang mass production. Bahagi ng ani mula rito ay naipaabot sa mga katuwang na organisasyon ng MASIPAG upang makatulong sa relief operations para sa ilang pamilyang lubhang apektado ng pandemya.
Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga PO sa binhi, patuloy ang seed distribution para sa mga trial farm nang lumuwag ang restriksyon sa pagkilos at paglabas sa mga boundary ng munisipyo at probinsiya. Kinilala maging ng empleyado ng courier ang gawain nating ito gayundin ang labis na pagsusumikap na maabot ang mga PO. “Bigyan ko kayo ng discount, alang-alang sa mga magsasaka,” aniya ng courier.
Sa gitna ng krisis at ligalig, makaaasa ang mga PO at ang buong network ng MASIPAG sa ibayong pagsusumikap para sa NBUF. Ito ay upang makatugon sa mga pagbabago at maipagpatuloy ang operasyon nito para sa pagmintina ng koleksyon ng binhing palay; binhing mapagpalaya at umaangkop sa nagbabagong klima. •
Nagpatuloy ang mass production sa NBUF habang sinusunod ang karampatang health and safety protocols, tulad ng pagsusuot ng face masks at pagtalima sa social distancing para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus.
