3 minute read

Ang malinamnam na tagumpay ng organikong sibuyas

SIBUYAS FACTS

MAY DALAWANG TIPO NG SIBUYAS SA PILIPINAS.

Advertisement

DILAW

Inulat ni Orcino ng DOFA ang tagumpay ng organikong agrikultura sa pagtatanim at pagpaparami ng sibuyas.

Nitong mga nagdaang taon, pinasigla ng MASIPAG Luzon ang produksyon at pananaliksik sa organikong sibuyas dahil pangunahing pananim at produkto ito ng mga magsasakang MASIPAG sa Nueva Ecija.

Pinag-aaralan ng mga magsasaka ang pinakamabisang paraan sa pagaalaga ng sibuyas sa organikong pamamaraan; mula sa pagbibinhi, pagpapalaki ng mga bulb, soil at water management, at epektibong paglikha ng sariling buto at pagpaparami ng binhi upang hindi na bumili pa ng mga komersyal at imported na binhing sibuyas.

Sa pangangasiwa ng Provincial Consultative Body (PCB-NE), aktibong bahagi ng pag-aaral na ito ang mga samahang magsasaka ng Digmala Organic Farmers Association (DOFA) sa Brgy. Digmala, Bongabon at Gabay sa Bagong Pag-asa (GBP) ng Sitio Carugang, Brgy. Bugnan, Gabaldon, Nueva Ecija. Gamit ang sariling karanasan sa pagtatanim ng sibuyas at iba pang halaman at sa fermentation, nakagawa ng organikong mga pataba sina Carlito Orcino ng DOFA.

Ang prutas ng halamang tibig (Ficus nota Merr.) ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang concoction bilang fermented fruit juice (FFJ) na nagsilbing foliar fertilizer at ang suob kabayo (Hyptis suaveolens) naman ang ginawa niyang fermented plant juice (FPJ) at growth enhancer. Sa pagitan ng mga kama ng sibuyas tinanim ang mga amarillo at marigold habang native na mais sa gawing ibaba.

Ani, Kita, Pag-asa

Inani ang mga tanim na organikong sibuyas ni Orcino noong unang linggo ng Abril 1-6, 2019, at kanya itong dinala sa ika-10 General Assembly sa Quezon City. Mabilis na naubos ang unang sampung sakong buriki na inani niya.

Granex Grano

PULA

Red Red Creole Pinoy Ang mga pulang barayti ang kadalasang itinatanim sa bansa dahil higit na mas matagal itong masira kumpara sa dilaw na sibuyas.

ni Ryan D. Damaso Ang malinamnam na tagumpay ng organikong sibuyasHUNYO 2019 - HUNYO 2020

Unang naitanim ang sibuyas (Allium cepa L.) at pinarami bilang pagkain at medisina sa Gitnang Asya at Babylonia (Iran) at Pakistan, 5,500 taon na ang nakakalipas. Sa Pilipinas, hindi tiyak kung kailan unang pinarami at itinanim ang sibuyas, ngunit naging isa ito sa mga mahalagang pampalasa sa mga lutuin nating mga Pilipino.

SAAN KARANIWANG TINATANIM ANG SIBUYAS SA PILIPINAS?

“Halos wala akong gastos sa produksyon ng organikong sibuyas dahil nakukuha ko sa aking paligid ang aking gamit. Halos kapareho lang din ang resulta sa sibuyas na ginamitan ng komersyal na pataba,” ayon kay Orcino. “Hindi rin dinapuan ng peste gaya ng harabas ang aking mga sibuyas dahil palagi ko naman nadadamuhan at nalilinisan ang taniman.”

Galing sa ramp pump ang tubig na pandilig ng sibuyas ni Carlito na hindi ginagamitan ng kuryete o diesel.

“Talagang kikita ka dito sa organikong sibuyas. Kailangan na nga lang tuklasin kung paano tayo makalilikha at magpaparami ng sarili nating binhi ng sibuyas upang hindi na tayo bibili pa,”dagdag pa ni Carlito.

Next Level Na

Sa huling pulong ng PCB NE at ng Technical Working Group-Onion, napagpasyahang ilunsad ang susunod na lebel ng research: ang pagpapabuto.

Kinukumpleto ngayon ng PCB NE at MASIPAG Luzon ang dokumentasyon sa ginawang Organic Onion Trial nila Orcino at ng iba pang magsasaka at paunlarin ang Organic Onion Protocol na gabay sa proseso sa pagDahil sa inisyal na tagumpay ng praktika ng magsasakang MASIPAG sa Nueva Ecija, isa si Orcino sa naimbitahan ng Right Seeds Workshop Group sa Germany sa darating na July 2020.

Bahagi ng kanilang pagbisita ang pagpapalitan ng mga buhay na karanasan, kongkretong kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga, pamamahala, at pagsasaka ng sibuyas at iba pang halamang gulay at butil.

Sa nagbabagong klima at pagkasira ng maraming ekosistema sa daigdig, higit na mahalaga ngayon ang paglilinang ng mga maliliit na magsasaka ng kanilang kasanayan sa pagsasaka habang nilalabanan ang pagkasira ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng produksyon ng sibuyas at iba pang mga pagkaing halaman, at pagbabahaginan ng mga kaalaman at karanasan sa pagsasaka, napapalalim at napapalawak natin ang isang kilusang nagtataguyod ng nakasasapat sa sariling ekonomiya sa pagsasaka, at napapatibay ang pundasyon ng ating adhikaing itaguyod ang maliliit na magsasaka sa buong mundo. •

Dahil sa tagumpay ni Orcino at ng DOFA, inimbitahan sila ng Right Seeds Workshop Group para ibahagi ang kanilang mga pamamaraan sa pagpapayabong ng organikong sibuyas.

This article is from: