SARO 2: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO

Page 8

TULA

Minsa’y Ako’y Inibig Neil Cirilo

Iniuugoy ng hangin ang mga puno ng bayabas, chesa, at bulaklak ng sampagita. Sa malamlam at maulap na hapon, sa silong ng anino ng mga nagliliparang saranggola, punong akasya at mga ibong maya, sumalok ng inumin, mapayapang pinatid ang uhaw, mula sa minanang tapayan * ‘Di matitinag ng maruming hangin ang kinang at kintab ng salamin kakabit sa tindig ng gusaling tumutusok sa ulap, sa bisig ng bakal at sementong karaniwa’y hinugis kwadrado, sa ilalim ng anino ng mga eroplano, ibinurol ang tapayan sa isang museyo. Sinubok ng panahon, Ngunit binigo ng isyu ng kontaminasyon. Pinalitan, lumipas at ‘Di na muling umalpas * Muli, ibinurol ang tapayan sa mga litrato’t temporaryong alaala, laman ng mga paandap-andap na pag-asa, buhay sa mga alaala ng ngayo’y mga kaluluwa na.

{6}


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SARO 2: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO by Rene Boy Abiva - Issuu