"Mungkahi ko’y h’wag n’yo nang hanapin sa librong ito ang mga nakaugaliang lirisismo, pormalismo, maindayog at kahalihalinang mga linya. Bagamat may mga metapora at talinghagang ginamit, naglalaro ang mga ito ito sa ibabaw ng lupa na gaya sa mga bata sa nayong uhugin at gusgusin, nakaapak na walang sapin sa paa at puno ng hilab ang sikmura. Sa ganitong punto’y masasabi kong tunay ang nais ng mga linya at kataga hinggil sa paglaya. Bakit? Sapagkat ni sa nakagisnang sukat at tugma’y ‘di s’ya nagpabartolina."- sipi mula sa Introduksiyon ng Makata, Agaw Agimat: Parnaso Ng Isang Bilanggong Politikal