Skip to main content

PO(E)(LI)TIKA: Mga Tula ni Rene Boy Abiva

Page 1

PO(E)(LI)TIKA Mga Tula

ni R.B.Abiva Ikalawang Edisyon

2020


PO(E)(LI)TIKA Mga Tula

ni R.B.Abiva

2020


Karapatang-ari Š ni R.B Abiva

Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring gamitin kapag walang pahintulot mula sa pabliser at sa mayhawak ng karapatang-ari, maliban kung kailangang sipiin sa pagsusuri at pagsasaliksik pang-akademya.

Disenyo ng Pabalat (Unang Edisyon): Max Santiago

Disenyo ng Aklat (Unang Edisyon: Emmanuel Halabaso

Unang Edisyon 2019 Inimprenta ng MRC Printing Press

126 Gabaldon Street, Brgy. Maria Theresa, Cabanatuan City, Nueva Ecija Tel. Number 940-12-76

Reg. TIN: 241-387-662-000 O.R # 023573


Sa alaala at mga adhika ni Lazaro Francisco(+), sa aking mag-ina,

sa aking ama (+) at ina (+), sa aking mga kapatid,

sa mga kamag-anak at iba pa, sa mga naniniwala sa akin at hindi, sa mga tagatangkilik

ng aking magaspang na panitik,

at sa mga kritiko sa buong panig ng bayan at daigdig, tanggapin niyo

itong bagong koleksyon ng mga titik at mga tulang may pitik-pintigtitig-himig sa nanaig, nananaig,

at mananaig na siklo-siglo. R.B.A

Sa aking dulang-sulatan-basahan Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija Setyembre 9, 2019


Nilalaman Introduksiyon Dila

Ang Wika/ Ang Wika At Panitikan / Makata Saan Yari Ang Aming Parnaso?/ Kalatas Ng Malayang Malay/

Hamon Sa Mga Makatang Pugante/

Namamatay Nga Ba Ang Isang Makata? (Kay M. Daniel At G. Guillermo)/ Hindi Ako Ang Daigdig

(Apologia Ng Isang Makata)/ Sarili Ang Huling Tukso/

Kung Minsa’y Mayroong Punto Si Nietzsche/ Oda Sa Isang Palaboy sa Espanya (Mga Aparisyon)/ Nang Una Kong Madinig Ang Iyong Iyak/ Para-tula

Ang Dialectics Ni Socrates Sa Bala Ni Leon Guerero/ Gitnang Luson at Si Dostoevsky/ Halik Sa Apoy (Nang Matisod Ako Sa Tuldok Ni Pasternak)/ Taon

MCMLXVIII/ Agosto 2017 At Ang Tatlong Persona (Sa Alaala ni Isabelo Delos Reyes)/ Dapol Tan Payawar/ Mujer

Sa Seat 22 Ng Five Star Bus At Ang Libidinal Drive Theory Ni Freud/ Ang Bayan Kong Gaya Sa Isang Puta/


Live Show/ Paruparo/

Ang Mga Mariposa Sa Klasmeyt At Calyptos/ Signos Paraiso/

Huwag Kang Magdiwang (Isang Babala Ng Mga Pinaglihi Kay Achilles)/ Ang Sumpa, Ang Imelda, At Iba Pang Gaya Niya/ Ire/

Madaling-araw Sa Nayon Saclolo/ Nagkakahugis Ang Tubig/ Karnal, Kanal, Banal

X-XO-DO (Limang Tula)/ Har(i)din ng Gethsemane/ Kom(unyon)/

Mater Dolorosa/

Sa Loob At Labas Nang Bayan Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari (Siyam Na Himno-Radikal)/


Introduksyon

Ang Pitong Kapitulo Sa PO(E)(LI)TIKA Hindi na bago ang salitang Poetika at Politika. Si Dr. Rolando Tolentino ng UP-Diliman ay naglabas na ng librong Writing To The Future: Poetika at Politika Ng Malikhaing Pagsulat (NCCA, 2008), at mula ito sa tinipong poetics ng mga naging writing fellow ng UP National

Writers Workshop. Umiikot ang mga nasabing poetics ng mga manunulat sa kung ano ang kanilang political stand sa mga bagay-bagay na kinahaharap ng ating bayan. Gayundin ang Pambansang Alagad Sa Sining Para Sa Literatura na si Dr. Bienvenido Lumbera ay

nakapaglabas na rin ng libro ng mga tinipong tula na pinamagatang Poetika/Politika (UP Press, 2008). Ang dalawang librong ito’y sabay na nalimbag sa taong 2008, at iisa lamang din ang nais nilang pasubalin, ang pag-ako ng mga poststructuralist na “the author is dead” na sa ganang aking masusi at masinop na pananaliksik ay nagsimulang umusbong at kumalat sa mga bansang nasa Kanluran pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pero, ang malaki

nilang pagkakamali sa pag-akong ito’y ang patuloy pa rin namang pag-iral ng mga sentro,

halimbawa’y ang mga grupo ng mga manunulat na naglulunsad ng kaliwa’t kanang palihan at publikasyon. Sa litanya ni Foucault na wasak na ang grand narrative ay isa lamang anyo ng eskapismo sa structural pa rin namang mundo, at makikita ito sa pagpostura nila bilang mga

kontra-establisiyemento. Ang pagtakas o pagpuga sa realidad na ito ay malinaw at simpleng manipestasyon ng usapin sa politika, at hindi toong sila’y apolitical. Ayon kay Dr. Tolentino, “ Poetika bilang paliwanag ng manunulat sa kanyang kasaysayan sa

pagsulat, kasama kung ano ang ginagawa bago, habang at matapos magsulat; sources at influences; artikulasyon ng estilo; at rasyonalisasyon ng susunod na proyekto. Politika bilang paglalatag ng mas malaking stake ng manunulat at ng kanyang akda sa lipunan at kasaysayan ng bansa.”

Sa koleksyon ko namang ito’y pinagsama ko ang Poetika at Politika, at medyo nakalilito raw basahin. At upang mabasa ang isa’y kinakailangang gamiting mabuti ang mata upang masipat

nang mabuti ang isa sa isa, habang ang iba nama’y kinakailangan pang gamitin ang kanilang hintuturo panakip sa panaklong. Sa ganang akin, ang paggamit ng mata at hintuturo upang maaninag ang poetika at politika sa iisang salita ay aktuwal na paghingi ng kalagayan sa tao

ng tugon, at sa sandaling magkaroon ng interaksyon sa pagitan ng salita na nasa ibabaw ng materyal, at tao na mayhawak ng materyal, masasabi kong nagtagumpay akong ihapag sa


inyong palad ang dialectics ni Socrates, Hegel, at Marx. Sa termino ni E. San Juan, Jr. ito ang praxis o pagtatalik ng mundo at diwa. Nahahati ang obrang ito sa pitong kapitulo o tsapter. Signipikante para sa akin ang pito na aking hinalaw sa Banal Na Aklat kung saan namaksimisa ng mga propeta ang numerong pito

mula Henesis, sakramento, misteryo, at maging sa Pahayag ay naging madiin ang papel ng numerong pito. Sa Dila, Makata, at Sarili, sentral na paksa ng mga tula ang wika/ berbo bilang kasangkapan sa pag-abot sa kaakuhan ng bayan, makata, sarili, at vice versa.

Sa Para-Tula,

Taon, at Mujer nama’y paglabas ng naunang tatlo sa kanilang tapayan at nakagawiang

kumbensyon, moral, at ang pilit iniiwasang erotisismo. Habang sa Signos, at Karnal, Kanal, Banal ay radikal na pagpihit mula sa nakagisnan at kumbensyunal na pag- unawa sa panahon, signos, propesiya, at relihyon. Sa ganang akin, ito na ang aking poetika at politika bilang

nagsusulat at nagtutula na nakilala sa panulaang berso libre na kalakha’y prosa at eksperimental. Ito rin ay isang porma ng pagtugon at pagtataguyod sa librong isinulat ni Dr.

Rolando Tolentino at Dr. Bienvenido Lumbera. Malinaw ang korelasyon ng akin sa kanila, at sa pagpapasubaling nais naming ihapag sa mga pormalistang hindi nga naman talaga maihihiwalay ang poetika at politika. At heto’t pinagsama ko pa nga sila.

At ngayon nga’y sinusukat ng mundong maligalig ang bawat mayhawak ng pluma na nagtatangkang isiping ito sa papel. Kung gayo’y mainam na balikan ang winika ni Amado Hernandez hinggil sa makatang si Negrasov na “…Malamang ay ibigin pa nitong nihilista at batikang makata na kumain ng isang putol na keso kaysa sa tula ni Alexander Pushkin!”

Nawa’y makapag-ambag ang mga tulang narito sa baul ng Panitikang Filipino, Malikhaing Pagsulat, Araling Filipino, at Comparative Literature. Utang ko ang lahat sa nagmagandang loob na akuhin ang gastos sa publikasyong ito, at siyempre, sa aking mentor na si Jun Cruz Reyes, at mga kaibigan at guro sa panitik na sina Rommel Rodriguez, Choy Pangilinan,

Ferdinand Jarin, Mark Angeles, Joey Baquiran, Jimmuel Naval, Roel Aguila, Ramon Guillermo,

Rolando Tolentino, Arlan Camba, Emmanuel Halabaso, Marvin Lobos, Mj Rafal, at Max Santiago. R.B.A Sa aking dulang-sulatan-basahan

Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija Setyembre 12, 2019


“Ang araw na sila’y magkaisang-loob/ ay mangagkagising sa pagkakatulog/

ang araw na iyan, ang araw ng Dios/ baya’y maniningil…Sino ang sasagot?” - Teo T. Antonio, Piping-Dilat

(Canto VIII: Hibik sa Paglaya), 2000


Dila

“Noon ko natantong ang ina kong mahal, ang Inangwika kong sa aki’y nagbigay

ng lahat kong muni, pangarap at dangal, subalit tinikis sa gitna ng aking ginhawa’t tagumpay namatay sa kanyang dalamhating taglay

nang ako’y sa ibang mapalad magmahal, nang ako’y…tuluyang pakasal sa Wikang Dayuhan!”

-Amado Hernandez, Inangwika, 1961


ANG WIKA Musa ng katawan at kaluluwang alipin,

na kung busabos man di’y musa pa rin ng katawan at kaluluwa laban sa pagka-alipin. Musa kung musa gayong siya ang diklap sa madilim na daigdig,

at ni sa daigdig ng diklap siya ang apoy,

ni lalong sa daigdig ng apoy ay siya ang tubig. Sa madaling sabi’y siya ang hininga

ng mga tinig ng mga titik

na mula sa mga bibig na kayang isatitik

ang mga hiwaga

ng mga bulalakaw at buntala. Hulyo 20, 2019 Lungsod Quezon, Maynila


ANG WIKA AT PANITIKAN (Unang Rebisyon) Rehiyunal man o pambansang antas ay dapat tangkilikin

sikaping saliksikin,

bungkalin, at payabungin,

nang sa gayo’y mamulaklak at mahubog natin

ang matibay, tunay,

at buhay na nasyunalismo

na gaya sa isang makulay

at puno ng buhay na papawirin; bawat isa’y ito ang tungkulin

gamitin, pagyamanin, at hubugin

ang wika’t panitikan sa kaluluwa, puso, at damdamin

gayong siyang kailangan ng bawat isa

upang pag-unlad, kalayaan, at pambansang-kaakuhan

ay makamtan

mula sa kuko ng puting dayong mandaragit

na dumagit

sa matamis na kapalaran, kasarinlan, at sariling pagpapasya

ng liping kayumanggi;

mga manunulat at makata

-lalung-lalo na ang madla-

muling nanghahamon ang kasaysayan, balikan yaring mga pangaral

sa mga nobela at pluma ni Rizal na Dakila ng Calamba, Laguna,

Ka Celo Del Pilar ng Bulakan, Bulacan,

Ka Saro ng Bonifacio, Cabanatuan,


o maging yaring itak at sundang ng magiting na Supremo

Andres Bonifacio ng Tondo, Maynila -ang wika’y kaluluwa

at ang panitika’y ang laman

na siyang bubuo sa isang makapangyarihang

muog at sandata para sa paglayang asam

ng mga nauna nating nuno at lahat ng pinagsasamantalahang uri;

gayong mas nakamamatay ito

kumpara sa pinaka-abante at pinakamalakas na riple, kanyon, at armas nukleyar

ng mga bayang imperyalista! At tiyak ‘di tayo magkakautang sa Dakilang Huseng Batute nang kanyang winika

29 ng Marso 1921 sa Maynila, “Pagtawid sa batis, siya’y nakakita

ng isang tagalog, ang sabi sa kanya: ‘Sino ka? Sino ka?’ At dito’y sumagot na lipos ng dusa:

“Ako’y Inang Wika…Anak ko, halika!’”

Agosto 15, 2018

Lungsod Quezon, Maynila *Inilathala ng Liga ng mga Kabataang Propagandista noong Hulyo 11, 2019, at Northern Dispatch Weekly noong Agosto 23, 2019.


Makata

“Matagal patayin ang kaibigan sapagkat isa-isang

dapat ilibing ang mga titik ng kaniyang pangalan.�

- Rio Alma, Pangaral Ng Apoy, 1986


SAAN YARI ANG AMING PARNASO? Aabangan ka namin sa harap ng aming mesa

na yari sa tinabas na puno ng Nara na nakaharap sa Kalye Dungon

habang kami’y nakaupo na waring sa isang prinsipe ng lumang Rusya ni Ivan Na Terible; hahayaan

naming maging saksi ang isang tasa ng kape na tinimpla pa ng aming mga kabiyak, isang panulat na de-tinta, at mumurahing papel habang kami’y maligaya pa rin sa pagkakaupo at hinihimay ng aming hintuturo

ang bawat pahina gayundin ng aming mata na waring aming ginugutay ang bawat titik sa mga nangangausap na pangungusap

sa bawat kabanata ng nobela ni Munsayac at kung sino ba talaga sina Anong, Sol at iba pang persona; at sa sandaling haplusin

ng malamig at mamasa-masang amihan ang aming batok, ibaba muna namin ang aming hawak na aklat

na sukat anim ang taas at siyam na pulgada ang lapad at hahayaang ang aming sarili at kaluluwa na gamutin nang sumusuyod na bigwas ng paparating na ulan mula sa mga pinitak ng Palayan at Talavera sapagkat nakakasugat din pala

ang pasikut-sikot na paglalakbay tungo sa Bayan ng Liwanag ni Munsayac; at sa yugtong pumatak sa aming balat


ang unang luha ng kulay abong langit, dadamputin naming muli ang aming pluma at papel at aming walang-awang hihigupin at sisimutin ang laman ng babasaging baso; wala kaming ititira ni isang butil nang ‘di nalusaw na asukal

at tsaka namin uumpisahan ang paghahabi ng mga titik habang umuukilkil

sa aming pandinig at utak ang ti-ka-tik ng ulan na lumalagitik sa aming bubungan

na yari sa yero at lata na waring hagkis ng latigo ng mga noo’y Guardia Civil na nagpahirap-kumatay sa mga nahuling aswang kunong Katipunero ng magiting na Supremo mula Tondo, o putak na mula sa bibig ni Bukowski

habang siya’y lasing na tumutula sa California na animo’y baryang lumalakatak sa bulsa

ng comprador at kapitalistang walang kaluluwa at hiya; at sino ang makakapigil sa amin na magsulat

kung ang aming nadarama ay waring aming katabi sa higaang yari sa rosas si Aphrodite

habang kami’y magiliw na inaawitan ng mga kalapati, maya, at sisne sa gubat na walang ibang nakatanim kundi mirto? Wala! Siyempre, kami lamang at ang sarcophagus ni Anubis o ang kalawakan sa palad ni Nuiti. Mayo 29, 2019 Lungsod Quezon, Maynila


KALATAS NG MALAYANG MALAY Sapat na ang ginugol kong panahon sa pagsasanay. Nais nang kumawala ng mga titik at talinhaga sa loob ng aking bibig ang naipong himutok. Higit na mas mabilis ito kaysa sa pagbunot ni Alibasbas ng baril sa kanyang tagiliran o ng nakamamatay na tinggang tanso na nakakubli sa matris ng bola ng kanyang rebolber.

Ito ang aking itak na kasinkislap ng liwanag at kasintalim ng ngipin ng kidlat ay handa ko nang itaga sa leeg ng mga mandarambong na pinaglihi sa tokwa, okoi, at hopia. Sa bagsik nito’y nakatitiyak akong kung makasalubong ko man ang kanilang Diyos at Diablo’y tiyak masusugatan ko ang kanilang laman at anino.

Babawiin ko ang mga bagay na nawala dulot ng kanilang pagmamalabis lalu na sa yugtong

ginawang pain ang aking mahihirap na kababayan sa ngalangala ng karahasan, kalupitan, at pagka-alipin. Kung sakali mang masima sila ng aking itak at buhay pa sila, aking ituturing na tropeyo ang mga naputol na bahagi ng kanilang katawan.

Iuuwi ko ang kanilang ulo at puso sa bayan kong uhaw sa puri at dangal.

Ang kanilang bayag ay aking ipapakain sa mga nabihag kong Banal na Aso. Habang ang kanilang anino’y aking ipanggagatong sa bulkang papatag sa buong mundo. Nobyembre 21, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


HAMON SA MGA MAKATANG PUGANTE Bago ka magsimulang humabi ng mga salitang Victorian at iputong sa iyong ulo ang gintong laurelya,

mainam na hubarin mo ang iyong sapin sa paa gayundin ang balanggot ng iyong kaluluwa. Kung tunay kang ‘di pugante ay bakit ‘di mo gawing isang napakalaki at napakalapad na papel

ang magaspang, maputik, at maalikabok na kapirasong lupa kung saan ka

nakatayo na waring isang bulaklak na sumibol sa gitna ng disyerto

ng mga kalansay at bungo?! Bakit ‘di mo gawing protagonista ng iyong mga katha

silang mga nakadungaw at nakatanghod sa kulay dagat na langit? Silang mga yayat ngunit butete ang tiyan? Silang amoy panis na laway at pawis?

Silang ang mata’y waring sa mata ng uwak na gutom, gutom na gutom,

na namumugad sa bayang pilit inaanalisa ni Weber, Durkheim, at Hirszowicz

na pilit namang pinalalaya ni Gramsci, Althusser, at Horkheimer?! Kung tunay kang ‘di pugante

ay bakit ‘di mo damputin ang ‘yong sariling anino at gamitin ito bilang ‘yong pluma at i-ukit mo sa dibdib nang nilalagnat na daigdig -ang init at kirot ng lipunang wari

sa isang bulkang malapit nang sumabog


at nagpupumiglas na mga atungal dulot nang labislabis na pagpapagal sa kalawakan ng kahirapan

at dagling buhay at kamatayan? Dito ka susukatin at hahatulan

kasama ng ‘yong panitik ng kasaysayan na madalas mong banggitin, landiin, at paglaruankung kaisa mo ba hanggang sa huli ang mga hinabi mong titik

o likas na hinabi mo lamang sila

upang ika’y makaani ng mga papuri matapos mong bulagin ang mga ‘di mo kauri? At kung pugante ka nga’y higit na mainam gawing balot ng iyong kabaong

ang madalas mong sambahing kurtina ng venetian na naghihiwalay sa iyo at sa buong uniberso

ng mga taong tinik na bakal ang korona sa ulo.

Enero 13, 2019 Lungsod Quezon, Maynila *Itinanghal ng makata sa ginanap na ika-49 anibersaryo ng First Quarter Storm (1970) na may temang SIGWA: Pambansang Pista ng Sining at Panitikang Bayan. Naganap ito sa College of

Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, at dinaluhan ng mga batikang alagad ng sining gaya nina Bienvenido Lumbera, Joel Lamangan, at Niel Doloricon.


NAMAMATAY NGA BA ANG ISANG MAKATA? (Kay M. Daniel At G. Guillermo) Silid-aklatan mo ang nayon-

ang iyak ng bagong silang na sanggol ang atungal ng uhaw at gutom na kalabaw

ang tangis ng inang ‘alang maipasuso sa anak ang pagpapagal ng amang kayod-kabayo magdamag ang alulong ng mga nawalan ang daing ng kambing

ang bulong ng hanging mula sa kaingin ang pagdila ng haring araw sa salakotay nagsilbing mga buhay na pahina dahilan upang ‘sang gabi-

sa ibabaw ng kainang yari sa tabla sa harap ng lumang gasera-

ang tuyong sanga ng bayabas

ay ‘yong maingat na ikinuskos

sa ibabaw ng dahon ng saging at bayabas, at himalang nakagawa ka ng mga pulang tula’t prosa sa ilalim ng mga bituin

at buwan na korteng karit,

mga tula’t prosang ang mithi ay ang paglaya ng mga api, mga tula’t prosang nagsatitik

sa paghihimagsik ng mga inaamis,

mga tula’t prosang panandang- bato na naisungilngil sa dibdib ng tigang na lupa

katibayan na ang makata

ay ‘alang kamatayan gapasin man ang kanyang hininga

nang nagbabagang punglo,

durugin man ang kanyang puso at bungo


sa gulong ng pison, ipagkait man sa makata habambuhay

ang maningning na silahis ng bukang-liwayway,

gugunitain siyang lagi

gaya ng dakilang Blok at Gorky.

Setyembre 4, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


HINDI AKO ANG DAIGDIG (Apologia Ng Isang Makata) Kung susukatin ang bahagi ko

sa buong uniberso ng mga animal at homo, labis-labis na ang ‘sang dakot na lupa, o ‘sang kilo ng abo,

o ‘sang kutsara ng buhangin, sa mga dalampasigan at disyerto; ang katotohanan,

ako’y ‘sang katiting na butil lamang na marumi at magaspang; sa madaling sabi’y may nagmamay-ari sa akin at kung ako ma’y mayroong pag-aari, ito’y ang kakapiranggot na buhay na napanday nang magsiping

ang kaluluwa at laman liwanag at dilim init at lamig

sa Banal na Paraiso ni Eden

na ang tanging pamana’y isang matamis-mapula

na mansanas ng karunungan sa dibdib na iginawad ng pangahas na tansong ahas; sa sandaling iyo’y naging ganap

ang pagiging Daigdig ng daigdig sapagkat naging ganap din ang pagiging Tao ng tao; at naging Ako si ako sapagkat naging Ikaw


ang daigdig. Marso 22, 2019 Lungsod Quezon, Maynila


Sarili

“Hindi ko kayang tantyahin

kung ilang gabi na ang itim na bumilog sa ‘yong mga mata. hindi ka nagluksa, pero

t’yak kong ikaw ay naglamay.” -Roberto Ofanda Umil, Sa May Pinto (Kay Beng), 1997


ANG HULING TUKSO Likas na katangian ng tao ang pagiging animal at homo, mayroong mga nais makamit

na pagnanasa at maaari lamang ibunga nang mabagsik niyang libidokapangyarihan pag-ibig

kasiping

pagkain

kaginhawaan

malawak na lakas buhay at bukas

higit na glorya-

at ‘di pa naaabot ng tao ang sukdulan

ng katotoohanan, karanasan, at kasaysayan, tukso ‘tong umaakit sa kanya,

bulong ‘to ni Anghel Lusiper sa kanyang tainga, at sa darating na paghuhukom ng proletaryo, muli s’yang sasagupa sa huling tukso-

kailangang maglaho ang uri sa kaibuturan ng tao

kailangang maisilang ang taong ganap nang tao

kailangang mawasak ang mga hangganan ng santinakpan

kailangang magiba ang haligi ng mga bayan-bayan at bansa ng mental at manwal na paggawa

ng agrikultura at industriya

at kailangang maging isa ang marami-

upang maganap ‘to,

kailangang magising ang lahat

sa kani-kanilang masarap na panaginip at kahibangan. Oktubre 19, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


KUNG MINSA’Y MAYROONG PUNTO SI NIETZSCHE Tangis ng balong asawa

nawawalang pusa

gutom na sanggol asong kumakahol

hagulgol ng preso

nahiwang puso

naliligaw na paruparo

natutuyong damo bulaklak na kulay dugo

manhid na anino,

lahat ng ito

sa mundong puno

ng matamis na pangako,

mundong kailanma’y ‘di isang paraiso, mundong kung tutusi’y gaya ng tao, na babalik sa abo

maging ang tulang ito

at maging si Rio. Setyembre 15, 2018 Lungsod Kabanatuan, Nueva Ecija


ODA SA ISANG PALABOY SA ESPANYA (Mga Aparisyon) Ako ay gaya sa isdang bugaong

sumisisid sa kailalim ng araw at gabi na kung aking ilalarawa’y kasingkulay ng mundong inagawan ng dignidad, pag-asa, at kariwasaan

ng mundong pina-iinog ng mga sanga-sangang esteromasikip, sukat butas ng ‘sang libingan,

mainit, madilim, mabaho, kasumpa-sumpa-

ng ‘sang pamosong syudad

na madalas nangangako ng ‘sang maganda’t dalisay na tadhana. Ngunit gaya ng marami, ako’y kanyang binigo

at heto ako, trono kung ituring ang mataas na tumpok ng basura pinandidirihan at kinamumuhian ng sariling kababayan nilalayuan at kinatatakutan na animo’y ketongin kung muling makikipagsapalaran sa lansangang mula noon hanggang ngayo’y pugad pa rin ng kalaswaan, kasamaan, at kasakiman; at heto ako, sa mumo ng ilan nabubuhay sa mga nangabngab na pitso at hita ng manok ng kung sinong tao’t impakto

na madalas tumambay sa mga kainang primera klase; at heto ako, akong sa gabi’y pilit kumakayod kasama ng mga ipis, pusa, at daga

akong naging kaisa na rin ng liwanag at dilim nang inulol ng sariling kumakalam na tiyan

kaya’t nagawa kong mabuo ang sariling mundo at uniberso sa loob lamang din nang unang pitong araw sa Legardaang mga lumilipad,

ang mga gumagagapang, ang mga lumalangoy


ang mga tumatalon, ang lahat ng may buhay na paglaon

ay mamamatay din lamang pala’t babalik sa lupa na s’yang kanilang pinagmulan-

at aking hinugot si Magdalena ‘di sa aking tadyang kundi nang magsiping ang aking dibdib at isipan

nang ganap na nabakla at nabaliw ang kaluluwang minsa’y humimpil sa nagtatayugang muog ng karunungan, katotohanan, at pantasya sa aking kailalim-laliman na aking ‘di rin maarok; at s’ya, si Magdalena, ang aking hinahanap

sa likod ng makapal at masangsang na usok

na binubuga ng tambutso ng mga sasakyang waring mga garapatang gumagapang at naghahabulan sa kahabaan ng Quiapo-Rotonda, s’ya ang aking pilit hinahanap sa likod ng mga nakabibinging pitada ng mga bakal na lantsa sa lupang nag-aagawan

sa linya patungong buhay at kamatayan at vice versa

na baka ang kanyang malambing at mapagmahal na tinig ay pilit lamang ikinukubli ng ingay ng mga makinang nag-rerebolusyon;

s’ya si Magdalena, ang nawawalang turnilyo ng aking nabaklang kaluluwa mahanap ko pa kaya s’ya? At nahanap ko nga s’ya ‘sang araw sa katauhan ng ‘sang gusgusing manika

halos tumigil ang mundo nang una ko s’yang mahagkannaglaho ang maitim na usok sa paligid hinalinhan ng umaawit na simoy ng hangin

ang maingay at maligalig na sonata ng lunsod waring ako si Adan at s’ya si Eba sa Paraiso ng Eden

walang paghihirap, walang tangis, walang sakit, walang dusa lahat ay sagana sa yaman at pag-ibig

hanggang sa kami’y nilamon ng dumadagundong na dambuhalang ahas na may pitong ulo at malalaking bolang galamay

at kaming dalawa’y lumaya mula sa sisidlang mapaniil naganap na ang mga pangitain


nagkaroon kami ng pakpak ni Magdalena at lumipad na anong giliw sa papawirin

at iniwan namin ang mundong ang turing sa lahat ng bagay at tao ay kalakal

iniwan namin ang mundong yari sa pagpapagal sa ngalan ng kita at kalakal. Oktubre 16, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


NANG UNA KONG MADINIG ANG IYONG IYAK Sa totoo’y ‘di ko kayang ilarawan ang aking nadama nang gabing yaon

at sa katiting na sandaling yaon ‘di naka-alpas ang metapora sa kanyang sarili ni ang idiyoma at matatalinhagang paglalarawa’y sandaling naging mangmang ni ang malikot na utak ay natulala sa tinig bagang

may ibang bigat ang nais at ibig. Ngunit isa lang ang aking tiyak, nang gabing yaon

iginawad sa akin ng buhay ang gantimpalang aking dadakilain

hanggang sa huling putok ng hininga hanggang sa huling bula ng dugong mapula.

Oktubre 9, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


Para-Tula

“Di pa ako nakamalas ng isang mapulang baka, makakita ng ganoo’y hindi ako umaasa;

ngunit aking sinasabing ibig ko pang makakita kaysa akong ito’y siyang maging isang bakang pula” -Gelett Burgess, The Purple Cow


ANG DIALECTICS NI SOCRATES SA BALA NI LEON GUERERO Malamang gulat na gulat ka nang inasinta at itumba ni Lito

ang dalawang tulisang kumakaripas ng takbo; malamang inisip mong dahil sa pelikula ‘to, at malamang hinusgahan mo ang gumawa nito na ‘alang pinag-aralan, timang at bobo; malamang sa malamang

na ang laman ng isip mo,

ang puti ay puti, ang itim ay itim; kung gayo’y para mo naring sinabi na kayang umiral ng tao

na ‘alang anino, ni Adan

na wala si Eba, ni Cain

na wala si Abel; para mo na ring sinabing ‘alang makakadaig sa baga ng tingga,

kung tama nga ang aking hinuha’y para mo na ring sinabing

‘alang araw at gabi.

Setyembre 18, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


GITNANG LUZON AT SI DOSTOEVSKY Magiting na binabagtas ng mga tutubi ang makapal na talahiban ng Pulilan. Anong ligaya sa kanilang pandinig

ang pitik ng mga dahon ng kawayan ng Candaba sa t’wing ito’y madadaplisan ng ulan na waring lumalagitik na buto. Sa Sta. Rosa’y nakanganga ang mga palaka sa ibabaw ng rebultong bato.

Uhaw na uhaw sila sa agwang waring iwiniwisik ni San Juan Bautista na hatid ay muling pagkabuhay ng katawan at kaluluwa .

Nagsimulang maglayag ang mga pato at itik sa mga bukirin ng Tarlac na nagmistulang dagat. Nagkakaisa nilang binagtas

ang hangganan ng binabahang tubuhan ng Luisita. Nakangiti ang mga kalabaw sa may paanan ng Arayat habang pasan si Lando,

at mainit silang sinalubong ng mga taong-putik ng Alliagaang mga maalamat na gerilya

na kaisa ng lupa na nais kumawala sa latigo ng mga nagdidiyus-diyosan. Itinaas ni Daning ang palakol,

at itinama ito sa paanan ng lumang bahay na yari sa pinakamamahaling kapis at marmol, nara at kamagong. Napunit ito na parang papel at nabiyak.


Sumagitsit ang dugo ng Panginoong Maylupa at Usurero gaya nang sa kung paano naghimagsik si Raskolnikov laban sa matandang may-ari ng sanglaan ng ginto.

Hulyo 17, 2018

Lungsod Quezon, Maynila


HALIK SA APOY (Nang Matisod Ako Sa Tuldok Ni Pasternak) Isang gabi’y nangagsisayaw ang mga anino sa nakakakilabot na ritmo’t kumpas ng sumasabog na mga kapsula. Maliksi ka! Hanggang sa masilo ka’t higupin ng kumunoy ang iyong payak na pakpak. ‘Di mo nagawang makapiglas ni makabigwas nang anong lakas. ‘Di ka nakatiplas! Dinampian ka ng baga sa dibdib at tuluyang kinubkob nito ang iyong katawan habang kumakawala ang iyong kaluluwa. Dahan-daha’y nagmistula kang palutang-lutang na bulalakaw sa pagitan ng mga kahoy at dahong nakatungayaw. Bilang sa daliri ang iyong hininga

gayundin ang pintig ng iyong pusong nakikibaka. Umatras ang panahon at umalagwa sa iyong sentido ang salasalabat at pinakaiingatan mong salamisimnakita mo ang larawan na iyong ina; ika’y kanyang pinapasuso sa kanyang malusog na dibdib; kinakantahan ka habang tinatapik ang iyong hita;

nakatitig siya sa sanggol- ikaw na nasa kanyang braso;


maluha-luha ang kanyang mata habang nakangiti ang kanyang mapulang labi; lumitaw ang imahen ng ‘yong kasintahan;

nakatitig sa ‘yo;

papalayo;

papalayo nang papalayo; pumitik ang kamay ng orasan,tik!

At sa isang iglap ay naglaho ang lahat sa iyong harapan; wala kang nagawa kundi tanggapin ang lahat

na bunga ng iyong mga pagpapasya

mula nang ukitin-tahakin mo ang sarili mong tadhana. Hanggang sa ika’y unti-unting lumagapak at naubos, at tanging mga alipato ang ‘yong iniwan sa hangin. Sinimot at sinipsip ng uhaw na lupa ang iyong abo at naging sampu ang pangahas na gaya mo. At muling pumihit-umandar ang mga turnilyo’t kwerdas ng tao sa sanlibutang ‘di pa nakakalaya sa pagiging makina-

lugmok, lupaypay, sugatan, nakatanghod sa kaitaasan

ang mata, noo, bibig, at palad habang gutom at uhaw sa ayuda at awa

habang bitak-bitak at nanunuyot ang gaya nilang korderong sugatanat mula dito’y marami pa ang gaya mo na makikipagduwelo sa naghuhumindig at nagtutumayog


sa tatag, lakas, at tibay na kapangyarihan ng mga palalong Diyosisang tansong tingga sa bola ng rebolber

didiinan ng hinlalaki paatras ang maliit na maso na yari sa asero isisiping ng hintuturo

ang sarili sa nag-aabang na gatilyo aasintahin ang noo

ang puntiryang masahol pa sa aso gigiling sa utak ang lahat ng masasama nilang pakana

at walang kapangimi-pangiming pipitik ang piglas-nais-diwa

ng layang ubod ng bagsik at himagsik. Klik! Enero 17, 2019

Lungsod Quezon, Maynila


Taon

“Ina naming Bayan, ngayon at sa susunod po ninyong sentenaryo nawa ituwid ninyo ang aming landas na papalapit sa inyo.

Supling ninyo kaming alay ay alaala ng nag-aalalang siglo alang-alang po sa salinlahing darating na mas pili at pino!� -Vim Nadera, Huling Pamahra, 2000


19(20)6(1)8 Manalig ka sa kanya ni sa panahon ng mararahas at madudugong bigwas

ng minsa’y nalilitong sarili

at desperadong kaaway sa uri; kahit pa nagsimula s’ya sa iilang mapandigmang kalansay ngayo’y wari na sa buhangin

sa dalampasigan ang dami nila; at sa gaya n’yang muog

ang malawak, masukal, matalahib bato-bato, maputik, maalikabok, at bulubunduking kanayunan,

kakailanganin pa n’yang mag-ipon

ng mala-buhawi at mala-daluyong na lakas nang maganap ang kagilagilalas at magnipikong taglagas sa hinaharap sa kanyang masining na kumpas; ang ginintuang limampung taon

ngayo’y maaaring katumbas lamang ng sangkapat ng anim na daang taong pagkakatulog

ng Bulkang Pinatubo bago ito sumabog noong dekada-otsenta

nang kanyang ihandog ang siklong bumulabog sa mga gising na tulog

sa Silangan ng mundong bilog. Enero 14, 2019 Lungsod Quezon, Maynila *Nalathala sa pahayagang PinoyWeekly noong Pebrero 3, 2019.


AGOSTO 2017 AT ANG TATLONG PERSONA (Sa Alaala ni Isabelo Delos Reyes) Lumaya rin sa wakas si Shukhov

mula sa kulang limang-taong pagkakakulob sa libingan ng mga buhay. Kinalas ang posas sa kanyang kamay binuksan ang bakal na pintuang nagpahirap sa ‘di-mabilang na laman at malay hayan na ang hanging sariwa

hayan na ang paulit-ulit na pangako sa kanya ng kanyang panaginipisang bayang

payapa, isang bayang payapa na sagana.

Subalit ano ‘tong kanyang nadama at natamasang gantimpala?! Hanging ang samyo’y dokhodyaga?!

Ang loob at labas pala’y ‘alang pinagkaiba! Pareho at mukhang mas masahol pa ‘ata ang kanyang nakikita.

Hayan nga’t bumungad sa kanyang mata

ang abuhing langit at bukiring nalalanta, Hayan nga’t ang nagpupumiglas na bisig na kulay-lupa

ng kaydaming inang tuyo ang labi at mata.

Hayan nga’t bakit nagkalat ang batik-batik na hintuturo

na sabik na sabik

pumisil ng tansong gatilyo?


Kamatayan.

Araw-araw na kamatayan. Dugo ang ipinambubuhay sa ampaw na laman.

Dugo ang ipinaiinom sa gutom, at tigang na tiyan. Dugo ang iniaalay sa hapag ng kapangyarihan. Hayan nga’t ‘sang taon na ang nakakalipas ay ‘ala pa ring nagbago,

mula nang si Shukhov ay naka-alpas. Si Shukhov ay si Ako, si Ako si Ikaw

ay si Ikaw, ay si Sila.

Hayan ngayon, si Shukhov na ako, ikaw, at sila si Shukhov na ako, ikaw, at sila na ‘alang kadala-dala

na gaya ko, ikaw, at sila. Ayaw ng tatlong personang pakulob sa luwag na natatamasa.

Nais pa rin n’yang lumaya at magpalaya. At ngayo’y nasaan sila?

Nasa kalsada bitbit ang tula na mapangahas ipinansasagupa sa mga anghel na ang hawak ay tear gas, truncheon, baril, tangke-de-gera, at batuta.


Agosto 2, 2018

Lungsod Quezon, Maynila


DAPOL TAN PAYAWAR Sa bawat paghalik ng labi ni Goring

ay napuno ang iyong puso ng pagnanasa

gaya sa kung paano o gaano ka

kasabik at nanabik mahalikan ng mamasa-masa’t malamig na butil ng hamog

ang tuyo’t nag-aagawbuhay mong bibig.

At sa unang hatinggabi sa Ridgewood sa Kalye Gibraltar -nang pinutol ng mga alulong

ng aso at tangis ng mga inang balo ang iyong parnasong panaginip-

nakadama ng kaba ang iyong dibdib na wari noong si Zaitsev

habang nakadapa’t sinisikap pigilin ang hininga habang

nakasipat ang kanang mata sa iskopyo ng kanyang springfield sa ilalim ng mga guho

ng Dakilang Stalingrad. At sa ikalawang hatinggabi

sa Ridgewood sa Kalye Gibraltar nawasak ang lahat

nang gumalaw-luminaw ang imahen, nasipat ng lenteng sinlaki ng piso

si Bugan na waring si Inang Maria -na madalas gumambala kay Pedro Calosa noon sa mga misteryosong burol, bundok


baryo, at libingan ng Tayugna duguan sa ilalim ng malakas-bumabayong buhos ng ulan.

At sa ikatlong hatinggabi

sa Ridgewood sa Kalye Gibraltar ‘di ka nakuntento

sa mga aparisyong kumikiwal-umuukilkil sa mga kuweba ng iyong damdamin at guniguni, nagkusot ka ng mata

at nakita mo ang pag-iisa ng kaluluwa at abo

at inasalto mo ang hagupit ni Goring kahit pa ang tingin sa iyo ng ila’y mayroon ka ng tililing

na waring bunga ng banal na katas ng pinagbabawal na talampunay. Hulyo 21, 2019 Lungsod Quezon, Maynila Dapol tan Payawar- nangangahulugang “ang mga abo at multo” sa wikang Pangasinense. Zaitsev- mahusay na soviet sniper; lumaban sa Stalingrad noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig..

Springfield- isang klase ng baril pang-isnayp noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bugan- si Eba ng Ifugao.

Pedro Calosa- lider ng kolorum sa Pangasinan na namuno sa pag-aalsa sa Tayug noong 1931. *Nalathala sa Bulatlat noong Hulyo 21, 2019.


Mujer

“Nasakop kami ngunit nakaligtaan nilang di kailanman kami papanawan ng pag-asa at pangarap. Kaya tuwing gabi, tulad ng sinaunang musmos, kami’y lumilikha ng mga bagong pangitain upang muling buhayin ang aming pinaslang na kaluluwa’t buhdi.” - Mike L. Bigornia, Pantasya, 1990

___________________________________ *Mujer- ang katawagan ng mga Kastila sa babae.


SA SEAT 22 NG FIVE STAR BUS AT ANG LIBIDINAL DRIVE THEORY NI FREUD “Lady, won’t you save me?/ My heart belongs to you/ Lady, can you forgive me?/ For all I’ve done to you/ Lady, oh, lady.”- Steelheart, She’s Gone, 1990

Pagka-akyat ko’y waring nasabuyan ng malamig na tubig ang aking mukha, isang anghel ang aking nakita na nakaupo sa pagitan ng mga upuan na yari sa bakal at pinakamalambot na tela sa buong daigdigan;

malamig ang paligid subalit nakadama ang aking hapong dibdib ng kakaibang hagod, init, at kabog. Manukirado ang dulo ng kanyang mga daliri

na sa kinis ay animo’y ‘di pa nadidilaan ng sabong panlaba ni naikiskis sa ulingang pwetan ng kaldero at palayok; kulay tanso ang kanyang buhok

na nagkukubli sa mga nakalambitin na pilak na alahas sa kanyang malambot- mahiwagang tainga; makintab ang kanyang mata

na gwardiyado ng mga nakatirik- matatalim na pilikmata na animo’y balisong at bayoneta;

balot ang kanyang maputi- makinis na balat ng itim na balabal na yari sa balahibo ng tupa; animo’y talulot ng rosas ang kanyang labi

habang ang kanyang pisngi’y bilog na bilog

na kay sarap sanang kagatin nang nakapikit sapagkat wari ‘tong sa mansanas ni Lucifermalinamnam na matamis na mahapdi na masakit sa gilagid; nagpupumiglas ang malusog -maumbok n’yang dibdib,

buong- buo ito at wala ni isang bakas ng katampalasanan

o kalapastangan laban sa kanyang birhenidad na nanahan sa tungki ng kanyang burol at karnalidad,

o sa lambak ng de-nunal n’yang susong puno ng hiwaga habang umuusli pabulwak-palabas ang kanyang utong na wari bagang hatid ay libong bugtong at nag-iiskrimahang mga tanong sa utak na binabaha na ng naghihimagsik na libido gaya na lamang ni Alexander na malibog.


Hanggang sa isang kakaibang init ang namuo sa aking sikmura na tumagos hanggang sa nilalamig na puson; kumulo ang berde kong apdo

at agad dumaloy sa aking mga ugat ang ‘sang tipo ng kuryente na kung ‘di mapipigilan ng katwiran ang t’yak kukubkubin ito ng tukso at malilikha ang ‘sang ligalig na ikaguguho ng banal na haligi

nang nakaraang pakikipagtipan ng Tao sa Tao, at sa Diyos Ispirito; umabante ang sinasakyan naming de-makinang karwahe hinila ako ng antok sa kanyang sariling daigdig

hindi naman n’ya ako hinandugan ni isang matamis na panaginip hanggang sa nakadama ng pangangalay ang aking kaliwang balikat, unti-unti kong ibinukas ang talukap ng aking mata at nagulat- nanginig ako sa aking nakita,

mahimbing sa pagkakatulog ang anghel sa aking braso naghuhumiyaw- nagwawala ang aking kaluluwa, subalit kailangang ilihim ang lahat; minabuti kong maidlip na rin,

at damayan at subuking habulin-hulihin s’ya sa nakaliligalig na siklo ng mga panaginip

at nadama ko ang payapang pagkiskis ng aming mga balat at ang nakakabagabag na pagkakakulob ng init sa aking kaibuturan

pakiramdam ko’y nasa iba na akong dimensiyon ng uniberso na walang oras, walang paggalaw

maliban sa kailangang pigilin ang makamundong pagnanasa Hanggang sa gambalain putulin ng isang hiyaw ang aking pantasya “O mga bababa po ng Balintwak oh. Lapit na po tayo sa harapan!” Bumalik ang aking ulirat at nakita ko sa siwang ng bagong gising kong mata

ang mga mapanghimagsik pulang bandila ng Katipunan gayundin ang inaamag- kinakalawang na rebulto ng supremo,


nagkukumahog pababa ang mga pasahero lumalakutok ang kanilang suot na sapatos

nanaog na rin pala palabas- palayo nang hindi ko namamalayan ang babaeng lumikha ng kaguluhan sa aking kaibuturan

nag-iisa na muli ako na gaya sa mga nauna kong pakikipagsapalaran sa Siyudad ng Huwad na Panaginip, ang Maynila. Bumaba ako ng bus at sinalubong ako ng mabaho -mausok –maingay- mapanghing singaw ng sanlibutan;

humakbang ako at unti-unting nilagom ng mainit- nag-aalab na sikat ng tanghaling tapat.

Disyembre 12, 2018 Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija


ANG BAYAN KONG GAYA SA ISANG PUTA Mula sa mananakop na Kastila’y anong pait at ibinugaw ka ng pangkating Illustrado sa kandungan ng mga Amerikano. At mula sa palad ni Superman ay anong lupit, at kung ikama

ka ng mga gutom at uhaw sa laman at libido na sundalo ng imperyo ni Hirohito’y halos segusegundo. At hanggang sa matapos ang digmaan, pinagpasasaan ka pa rin kahit ika’y wasak, wasak na wasak na.

Lumipas ang halos pitong dekada, ibinubugaw ka pa rin ng mga naging lider ng Malakanyang. At ngayon, pilit ka muling ipasisiping sa mga Tsino. 60-40. Handa ka nilang bayaran kahit ika’y halos baog na. Gagamitin nila ang iyong paa, kamay,

tiyan, puwet, puki, at ulo sa kanilang sariling digma. Lalagakan nila ng armas ang iyong anino habang ang mga anak mo’y unti-unting binubulalo sa kanilang sariling mga bayag. Soup Number 5. Kaya heto, marami ang naduduwag na tubusin ka sa mundong amoy-laway at semilya ng mga dayong mandaragit- mangaalipusta. Nobyembre 19, 2018

Lungsod Quezon, Maynila


LIVE SHOW “Ganito na lang, halika, halika ‘di ka ba pwede?

alam mo…wala na bang iba?” ‘ika ni Kanor

habang nandudumilat ang kanyang mata sa kumpol ng mga tao sa kanyang harapan. Maingay. Sumulpot sa kanyang likod ang dalawang babae at agad nagtawanan ang mga tao. Malakas. Malakas na malakas. Inilapit ni Kanor ang kanyang bunganga sa mikropono. “May dalawa dito,

umakyat kayo, kako dito ‘pag hindi you share share ha kayo wala akong ano.

Guard paki-guide. Para fair, basahin mo dito dito mo na lang basahin

maybe after you, give it to her.” “Yes sir,”sagot ng babaeng kasama ni Bea. Tatango-tango ang babae habang si Kanor,

‘di mailayo ang titig sa dalawang babae lalung-lalo na kay Bea.

Muling nagtawanan ang mga tao nang malakas. “Dapat… I’ll be sending…” ‘ika ni Kanor.


“Thank you…thank you po.” “Bigay ko ‘to sa kanya.” “Thank you po.”

Napayuko at nagkamayan ang tatlo. “You can finish that in two nights, one night” ‘ika ni Kanor sabay idinuro ang kanyang hintuturo sa dibdib ni Bea. ‘Di n’ya ‘to napansin.

“Hehehe…ahhh!”sabay talon si Bea. “Haayyy…ahh,”nang iilad-ilad na si Bea.

“Thank you, thank you sir ah,” sabay mano at halik sa kamay ni Kanor. Bongga si Bea. Nag-ayos pa ng buhok habang napapatalon sa kilig.

Nang paalis na ang dalawang babae’y muli silang tinawag ni Kanor. “ ‘Wag kang mag-amin-amin ‘dyan. Halika ka dito. Huy!” Bumalik ang dalawang babae habang hawak ang libro. Niliyad-liyad ni Bea ang katawan at inayos ang kanyang bangs. Paglao’y napahagod ang sariling dila sa bibig at napalunok sa libog si Kanor.

Hinawakan muli ni Kanor ang kamay ng babaeng kasama ni Bea.

“Alam mo naman ang matanda. Ang beso- beso?” Liliyad-liyad muli si Bea sa kilig

napa-abante at akmang ipapalapa ang sarili kay Kanor. Magkahalo ang kanyang kilig, takot at kaba na waring mapapaihi sa tuwa. “Beso na po sir, beso!” ‘ika ng kasama ni Bea


sabay haplos sa balikat ni Kanor. Nagbeso-beso nga sila.

Habang si Bea nama’y halos tumimbuwang sa kilig. Lumapit si Bea at idinuldol ni Kanor ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. Anong ligaya ni Bea.

Halos takpan n’ya ang kanyang mukha gamit ang hawak-hawak na pitakang itim. Akmang lalapit si Bea kay Kanor. Nagtilian ang mga tao. Malakas ang hiyawan. Malakas na malakas.

“Dalaga pa?” ‘ika ni Kanor. “Hindi po, meron na po”sabay inayos ni Bea ang kanyang mahaba at kulot na buhok.

“Andito?”sabay dinuroni Kanor

ang kanyang hintuturo sa libumbon ng mga tao sa kanilang harapan.

“Meron po,meron po,” maikli at nahihiyang sagot ni Bea. “ ‘Di naman kayo hiwalay?”

“Hi-hindi naman po,” sabay iling ang ulo. Napatili muli si Bea. Liliyad-liyad.

“Pero kaya mong sabihin na biro lang?” muling tanong ni Kanor. “O-opo,” sagot ni Bea sabay tango.

“Pero magkiss tayo?” at muling idinuldol ni Kanor ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig. Sigawan ang mga tao. Halos mahiga na si Bea sa sukol langit n’yang ligaya. Matagal na napatitig si Kanor kay Bea.

Habang si Bea nama’y ‘di malaman ang gagawin


kung hahalik ba o maghuhubad na lamang. “Sige na paselosin mo na,” ‘ika ni Kanor. “Bwahhht…” usal nang titilitiling si Bea. Sasakmalin na s’ya ni Kanor.

Papalapit na ang bibig ni Kanor nang biglang magtakip si Bea ng mukha. Nagtatantyahan.

Sumesenyas si Kanor gamit ang kanyang nguso. “Sige na, sige na.”

Napapapikit si Bea.

“Sabay tayo, na maglapit,”hirit ni Kanor. Pumikit si Bea at nanatili sa kanyang posisyon. Habang ang ulo ni Kanor nama’y waring ibong Kalaw sa haba. Dumapo ang kanyang bibig sa bibig ni Bea. Napapikit si Bea.

Nagsigawan ang mga manonood. Malakas na malakas.

Habang si Kanor nama’y ngiting diablo na animo’y ahas na tinutukoy sa Paraiso ni Eden at pinunasan ang kumapit na lipistik sa kanyang bibig

gamit ang hintuturo. “Salamat po Sir,” muling usal ni Bea. Lumapit si Kanor at agad niyakap si Bea.

Tinapik-tapik ni Kanor ang balikat ni Bea. Iba ang ligaya ni Kanor

habang ang mga tao’y anong ingay. Nang makababa na sa entablado si Bea ay muling napakamot sa ulo si Kanor.

‘Di mailayo ang tingin, ngingiti-ngiti at mukhang kulang sa kanya ang mga nangyari.


Muling inilapit ni Kanor ang kanyang bibig sa mikropono.

“Sunod balik ko magdala ako ng marami,” ‘ika na anong tamis ang ngiti. Muling tumili, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Anong ligaya nilang makapanood ng kahalayan.

Anong ligaya nilang makapanood ng halik ni Kamatayan. Kinabukasan, naghuhumiyaw ang mga headline sa diaryo, blah, blah, blah, sealed with a kiss. Kinagabihan, nagkahamunan ang dalawang persona. Ang isa’y bumida na sa pelikulang Feng Shui

habang ang isa nama’y kilalang sexy dancer, porn star at advocate ng Kamasutra. Mahaba ang kanilang bangayan at pinag-usapan ng buong bayan.

“Gusto mo ng kaaway, ako. I am ready anytime, anywhere, harapan,” ‘ika ni Kris. Hunyo 8, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


PARUPARO Namumugad sa daigidig na patay-sindi tinitiis ang hapdi at pait sa kuko, dila, at ari na maya’t maya’y lumalapa at sumusubo sa kanyang dangal at puri;

at sa kababayo’y natutunan n’yang maging manhid at sa labis na pagkamanhid ni sarap ng romansa at pagsisiping ay ‘di na n’ya maramdaman, ‘ala na s’ya nito, naglaho na

naglaho nang ikalawa, ikatlo, ikalima, at ikapitong salang n’ya sa teatrong kasama ang mga Adonis. Setyembre 22, 2018

Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija


ANG MGA MARIPOSA SA KLASMEYT AT CALYPTOS Alila ka ng daigdig mong nabubuhay tuwing gabi waring bampira sa pula ang ‘yong labi ang ‘yong mala-labanos na katawan

ang s’yang alay mo sa mga ubod ng sibang nilalang

na gumagala sa mga eskinita at estero ng bayan mong sawi. Nakakubli sa nakahihilo’t nakasusuka na ilaw ang nakaraan mong aandap-andap,

kung anong i-pinula ng tabing sa entablado ay s’ya namang abot-langit mong tangis nang unang umagos sa ‘yong tapayan ang katas nang nawasak at ‘di na kailan pa bumaalik ang banalidad ng iyong hiyas.

Sa tugtog ng radyo at indayog ng mga katawang dinampihan ng inuming nababad sa labadura

at pulutang mula sa inihaw na balat ng aso at kambing, gumagapang sa ‘yong laylay na dibdib ang tigalgal sa oras na umandar ang kuko, dila, at kaluluwa ng halimaw na sa iyo’y magpapasasa, lalapa, at susubo, sisimutin n’ya ang lahat ng natitira pa

sa ‘yong dangal at puri, at maya-maya, kakabayuhin at patutuwarin ka nang buong giliw hanggang sa ika’y lumuyloy

‘di dahil sa sarap kundi sa labis na hirap, isisiping n’ya sa ‘yo nang pilit

ang kanyang kargadang de-bolitas at lalabas na ikaw ang sasalo

sa lahat ng galit at pagnanasa niya sa mundo at paglipas ng isang oras tatayo ka sa inyong entablado ‘yong tutunguhin ang banyo at doon, taimtim kang iiyak


sisisihin mo ang ‘yong magulang dahil ipinanganak kang mahirap, sisisihin mo ang ‘yong sarili

na kung ‘di ka sana bumigay noon sa paanyaya ng ‘yong kasintahan

ay ‘di ka mangingitlog nang wala sa oras at hahantong sa buhay na ganitobabaeng bayaran tagasalo ng libog

tagasalo ng kung anu-anong matamis na pangako ibabahay

ibibilhan ng mamahaling damit at alahas bibigyan ng kwarta at iba pa ng taong mula’t sapul ay ‘di ka naman minahal

hanggang sa aasa kang may darating na magsasalba sa ‘yo na sa totoo’y wala naman. Magda, Elena, Rosing at iba pa,

kailan n’yo kaya madadalumat na kayo ang puputol ng kadena sa tadyang ni Adan at iba pa?

Setyembre 22, 2018 Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija


Signos

“And the people bowed and prayed to the neon god they made and the sign flashed out its warning in the words that it was forming and the sign said, ‘The words of the prophets are written on the subway walls and tenement halls’ and whispered in the sounds of silence.” -Simon & Grafunkel, Sound Of Silence, 1964


PARAISO Ilog at dagat na kulay dugo burol at bundok ng kalansay at bungo

mabigat na hanging itim tangay ang mga anino gubat na nagpupumiglas na parang aso langit na hubad, wala ni isang tala

buwan at araw na gabay ng mundo. Nakadapa sa lupa ang pilay na mga dampa mga bangkay na nakahilata sa makipot na eskinita

mga dalagang-hilaw na nakapila na hanapbuhay ay pagpuputa mga birheng pilit inialay ang puri at glorya nang may pantustos sa kumakalam na sikmura mga supling na bundat at tunganga

nakapila sa bangketa’t nag-aabang ng matutuka habang gusgusing palad ay bukang-buka at mga amang gutom at aanga-anga

payat, tulala at nanginginig ang mga daliri at panga mamaya’y makikipagsapalaran muli sa kalsada at magbabakasakaling makapag-uwi ng biyayakung uuwing buhay, maraming salamat kung uuwing patay, ganun talaga

ngunit anong malas at marami’y humantong sa punerarya ang kanilang malamig, malansa, matigas, lamug-lamog, at wasak-wasak na katawan. Ito ang nais ng santo sa palasyo,

paraisong yari sa palahaw at abo ng mga kinatay at desaparasido. Nobyembre 22, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


HUWAG KANG MAGDIWANG (Isang Babala Ng Mga Pinaglihi Kay Achilles) Huwag kang magdiwang Hari ng Dilim hindi ikaw ang simula at katapusan,

hindi rin ikaw ang may-ari ng santinakpan. Alam naming kasiyahan mo ang katayin ang mga sanggol, ama, at inahin.

Alam naming ang tingin mo sa amin ay pobre, tamad, latak kayat palamunin at pasanin. Kaya’t ganun na lamang din

ang ligaya mong kami’y katayin. Sa bawat sandali ng bawat araw.

Sa bawat araw

ng bawat linggo.

Sa bawat linggo

ng bawat buwan. Sa bawat buwan

ng bawat taon,

at sa mga natitira pang panahon.

A, dalawamput-pitong libo na pala

ang ‘yong pinatay sa hanay ng nila. Nilang mula’t sapul ay may sala nga ba?.

Ngunit h’wag mo kaming maliitin. H’wag mong iwaglit ang ‘yong tingin.

Masdan mo ang aming pinagsamasamang lakas: luha, pawis, dugong matalas. Malamang, natatawa ka.

Ano nga ba naman ang mga ito kung itutumbas


sa katihan mong sagana sa armas. Ngunit h’wag, h’wag kang magdiwang! Payak ma’y Titano ang katumbas.

Sa haba ba naman ng panahong lumipas, dalita, dusa, at kamatayan na ang nagpatigas. Dangal nilang mga pobre ang pupugot -tatabas sa ‘yong mga galamay at ulong marahas. Ivan Grozny ka ma’y ‘di sila aatras. Ililibing ka nila nang buong giliw sa Tartaros kasama ng mga ahas, kasama ng ‘yong anino, at bukas.

Hulyo 26, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


ANG SUMPA, ANG IMELDA, AT IBA PANG GAYA NIYA Talagang malapit ang mga gaya n’yo sa paanan ng Diyos na nakabarong at nakasuot ng makintab at itim na sapatos. Biruin mo’y napatunayan na ngang kayo’y nagnakaw ay ayaw pa n’yo ‘tong pagbayaran sa loob ng bilangguan gayong natamasa n’yo naman na ang sarap at

ginhawa ng buhay. Palibhasa’y masagana sa kwarta at mga amigo at amigang politiko, huwes, doktor, at kung sinu-sinong titulado ang dibdib at laurelyado ang ulo.

Sabagay, nakakalusot man kayong gaya sa ‘sang langgam sa butas ng karayom ay natitiyak

kong sa seldang sukat tatlong talampakan ang lapad at anim na talampakan ang tangkad n’yo na pagbabayaran ang lahat. Sa bilangguang may lalim na higit anim na talampakan sa ibaba ng lupa. Walang ilaw. At kung may buhay man, ito’y ang mga uod na iluluwal ng inyong katawan. Sa inyong kamatayan, may hustisya. At sa libingan kung saan kayo tutuldukan ng kasaysayan, alang piyansa-piyansa. Pirmi ang hatol ng mga kaluluwan sa Imelda at iba pang dahilan kung bakit dumami ang gaya ni Ambo, Mario, at Lina sa Kolanya ng mga Patay.

H’wag ka nang umangal Imelda sa sumpang ito gayong sa kamataya’y maaaring maging pantay-pantay. ‘Di nakapagtimpi’t nagpatiwakal ang makatang si Sassot sa poste ng ilaw neon sa Rotonda,

at lubos na nasiyahan sina Fanon at Kafka! At dagling nagpapiging si Yevtushenko sa Rusya! Habang si Chou at Lin ay napasulat ng tula sa Tsina! At nasaan si Neruda?

Lumabas ng kanyang silid at nagpungas ng mata! Nobyembre 23, 2018

Lungsod Quezon, Maynila


IRE “My orders to the police and the soldiers, shoot them. If they resist violently, shoot them. If they die, I do not care.”- PaRoRoDu

Tignan mo ireng mga kuko ko sa kamay at paa tignan mo ireng kakapiranggot na butil ng lupa

na nakakubli sa kasuluk-sulukan ng aking kuko, mas malaki pa ang butil ng kulangot na nagkukuta sa pango mong ilong; tignan mo ireng palad ng gaya kong magsasaka mayaman sa gasgas, peklat, at libag

paano ba naman kasi’y sa loob ng isang taon dalawang beses lang kung maambunan ng grasya, grasyang ako ang maylikha

ang masaklap, para itong hangin

na kay bilis mawala sa isang iglap; tignan mo ireng paa kong siyang gamit pangyusak sa mamasamasang dibdib ng lupa, dinaig pa ang baka at kalabaw

at ni isa sa tala ng aking buhay ay ‘di man lang sila nakatikim

ng bagu-bagong Beach Walk at Islander, paano ba naman kasi’y kailangang tipirin ang kakarampot na kita pagkatapos ng anihanbibili ng abasto sa bahay,

bibilhan ng gamot si Nanay,

at bibilhan ng gamit si Melay, at kung bibili man ako ng sapin sa paa kung hindi Spartan ay Ramboo mura na, matibay pa; tignan mo ireng tiyan kong pinurga ng gin na round post at cuatro-cantos,


mapalad na kung mahandugan ire ng ‘sang hiwa ng karne ng baboy o manok ni bigas na bunga ng aking pagsasaka,

nagkandabuhul-buhol na ang bituka dine gaya sa aking utang kay Don Bastardo,

utang ko noong dalawang dekada na ang nakakaraan utang ko pa rin ngayon na ‘di mabaya-bayaran, paano ba naman kasi’y laging lugi; tignan mo ire kong mata manilaw-nilaw na animo’y may TB, tignan mo ire kong katawan patpatin na’t marupok na gaya sa haliging sawali madali nang mabali, tignan mo ire, kami

hahayaan mo na lamang ba kaming ilibing dine? Tignan mo ireng butil ng bigas!

Ire ding sandakot na lupa sa aking palad! Nawa’y sa kada-nguya mo sa inyong hapag maaalala mo ire, kaming nagdusa

makamtan lamang ng iyong kumakalam na bituka ang sagad sa butong kabusugan at lalong ganahan ang iyong kaluluwa

sa pakikipagsiping sa mga gaya niyong animal; tignan mo ire ikaw sa palasyo ireng bitak sa dingding

kung ‘di mo diringgin yaring mga daing ay tiyak iire kaming anak ng lupa at ika’y aming isasama sa hukay.


Nobyembre 12, 2018 Lungsod Quezon, Maynila


MADALING-ARAW SA NAYON SACLOLO Dinggin ang awit

ng mga kuliglig

at inahing

manok sa

Ito’y

nakapanginginig,

waring

nobena o alulong

ng kanilang

mumurahing

Ito’y waring

nangangatal na pintig

ng takot

at pagal

na dulot

nang sanga-sangang ligalig,

na liwanag-araw

sa mukha ng daigdig,

na waring

ikinamadang sako ng palay

sa pilapil

at biladang-bayan,

na waring

isang disyerto ng kalansay at bungo

nakangiti,

at nakangisi habang usling-usli

ang baril

at sundang

ay kita

ang duguan at nakakapit na mga laman

nilang

mga taga-gapas

gayundin

ang

na pulso sapagkat muling tatambad

muling tatambad habang

habang

sa matatalim

ang mga tandang kamalig?

pinakakawalang tinig bibig.

ng puso at buga ng dibdib pagputok ng di madadaig

ang nakahilerang mga bangkay

ang malawak na bukirin nakapamaywang ang mga nakapatig,

nakabungisngis ang kanilang labi, na pangil

Mayo 26, 2019 Lungsod Quezon, Maynila

ng buhay.


Nagkakahugis Ang Tubig “Lulutang tayo sa dugo.” -PaRoRoDu Sa pagnanais mong ibangon ang ‘yong kaharian na gaya kay Ramses,

pinatuyo mo ang dati’y saganang mga ilog, batis, at karagatan; ginawa mong tapunan

ng mga napatay at nalambat mong isda ang luntia’t gintong bukid at kabundukan; ibinilanggo mo ang mga katutubo ng ‘ yong sariling bayan sa loob ng mga karsel; nangarap kang bago magwakas ang taong dosmil-disi-otso

mapapatay, mahuhuli, mauubos, at mapupulbos mo ang mga bukal na inibig ni Saro; nguit, napagtagumpayan mo ang ‘sang bagaynapagtagumpayan mong hukayin ang sarili mong libingan; ikaw ang nabigo higit na nagkakahugis lalo

ang tubig sa bawat mura at bira mo.

Enero 13, 2019 Lungsod Quezon, Maynila


Karnal, Kanal, Banal

“At hindi magmamaliw, pagka’t ang tao

higit kung magmahal, higit kung sumamba

sa tanging larawan ng kanyang sarili.” -Amado Hernandez, Kristo, 1961


X-XO-DO (Limang Tula) “Paglampas ng meridian sa kanluran;/ Iminedyas/ Ng paa ko/ Ang makapal na alikabok,/ Pinatay/ Ng daliri/ Ang boltahe ng modernisasyon,/ Ikinumot/ Ng katawan/ Ang dasal ng pagasa,/ Pinaghilik/ Ng pagod/ Ang masisipag na pandama/ At pinasigabo/ Ng makulay na karimlan/ Ang isip ko.”—Roberto Ofanda Umil, Paglalim Ng Dilm I. Tortyur Umiiyak ang kambing, halos bumula ang kanyang bibig na wari’y binuhusan ng basi

dahil sa naipong takot na nilagom ng kanyang mala-saluyot na laway. II. Pagpapatiwakal ‘Di mapakali ang kalabaw,

na tahimik na nagmamatyag sa gitna ng bukirin. Maya’t maya n’yang iniyuyusak ang kanyang paa sa putikang lupa

na naghahatid ng hilakbot sa lahat ng mga nagdaraan. Hanggang isang araw ay

anong lakas niyang inihampas ang sariling buntot sa likod. Pumutok at lumagitik ito

na waring tunog ng latigo

nang sandaling dilaan nito ang balat ng tao at kabayo. Paglao’y anong bagsik niyang iniuntog ang sariling ulo sa matigas na bato.

Ang makapal at matigas niyang bungo


ay anong lupit sa pagkakadurog higit pa sa kung anung kaya ng palakol at maso

gaya nang ginawa noon ni Ambo

nang magdiwang ito matapos magbalik-bayan ang bunsong anak na mula sa malayo. III. Alulong At Alingawngaw Putak nang putak ang mga manok, malakas at magkakasunod.

Ang kanilang tuka’y waring bunganga ng riple na lumikha ng ligalig sa puso ng bawat kabilang sa exodo.

Ang mata nila’y iikut-ikot habang nakatingin sa lupa at langit, waring may hinahanap at kung nahanap ang hinahanap,

magpapakawala muli ang kanilang mga tuka

ng matatalim at nakakapunit laman at pandinig na rapsodiya. IV. Ebakwasyon Nakahilerang nagmartsa palabas ng looban ang mga langgam bitbit ang naipong tira-tirang biyaya: isang supot ng asukal isang supot ng bigas isang supot ng kape

at dalawang pares ng damit.

Habang ang isa’y iika-ika sa paglakad. “‘Asan ang kaparis ng tsinelas mo?” ‘ika ng lalaking langgam.

“Naiwan sa looban kasama ng aking anak. Nakahiga silang dalawa sa lupa, magkatabi,


sabay silang tinuka ng tansong palaso,� malungkot na sagot

ng babaeng langgam. V. Nang Matuyo Ang Ilaya Walang naiwan sa bayan na yaon

kundi ang mabangis at sumasalapisap na pasigan ng dugo sa ilalim ng abong alapaap, piniping kalikasan sa paligid,

binalong mga lalaki at babae, at mga paslit na inulila

nang kumaway ang apoy at nangabuwal silang animo’y sinibak na kahoy. Hulyo 12, 2018

Lungsod Quezon, Maynila

*Nalathala sa unang isyu ng Saro: Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco noong Oktubre 2019.


HAR(I)DIN NG GETHSEMANE “Furthest away was someone’s graden plot./ He left his disciples outside the stone fence/ Saying , “My soul is exceeding sorrowful, even unto death;/ Tarry ye here, and watch with me.”—Boris Pasternak, The Poems of Yurii Zhivago Nakaluhod si Juan Dela Cruz sa hardin na nalalatagan ng bermudang ang dahon ay yari sa pinong

bubog ng bote, salamin, at marmol; duguan ang kaniyang tuhod

puno nang manipis ngunit malalim na hiwa ang kanyang balat at abot na abot nito

ang kasuluk-sulukan ng kanyang makinis na buto at sala-salapid na laman na ngayo’y binabayo ng hapdi at sakit; at siya taimtim

na mananalangin habang siya ay napaliligiran ng mga itim na talulot ng mga bulaklak

na tumatangis at nag-aagaw buhay; bumubulong ang mga ito

ng mga salita na ang hatid sa kanyang kaluluwang namamaalam na sa katawan ay ang kaliga-ligalig at kakila-kilabot na berso ni Lukas bersikulo bente-dos, kapitulo

treinta nuwebe hanggang kwarenta; at siya ay tatanghod sa langit, sa mga bituin na maningning,


sa mga bituing kumikislap-kislap at aandap-andap,

sa mga bituing saksi sa mga pagmamalabis na labis-labis, sa mga dusa at pasakit na hindi na kayang tiisin; at habang siya ay nakatitig sa Bato ng Agunyas,

si Maria at si Magdalena ay naroroonsa mga inuuod at naagnas

na mga puno sa Bundok ng Oliba, umaagos sa kanilang dibdib ang mabaho at nabubulok

na likido ng sangkatauhan-

na bukas ay aawitan ng mga

papuri ang i-aalay na kordero sa bakal na krus sa tuktok ng Bundok Kalbaryo; at siya ay ipapakotat

long

pa ko-

at walang segundo

sa dapithapon na yaon na ‘di uusalin ng mga

masasama at matutulis na dila na wasak at tuyo na

ang balon ng resureksyon; at magpipiyesta sila sa kamatayan niya,

dagli nilang itatayo ang magara


at gintong rebulto ng kanilang palamurang paraon-

sasambahin nila itong Diyos

nang higit pa kay Hades

nang higit pa kay Anubis; at siya ay ibababa

sa kinamatayang trono at ililibing sa sinapupunan ng Dagat ng Himagsik

at Karalitaan. Marso 4, 2019 Lungsod Quezon, Maynila *Nalathala sa unang isyu ng Saro: Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco noong Oktubre 2019.


KOM(UNYON) “Sinukbit ang itak,/ Sinadibdib ang/ Ripleng/ Eskapularyo. Dasal lamang/ Na mga tulang

bubulwak/ Ay di hahangaan/ Lamang kung/ Puso’y bulak.” – Frank Cimatu, Batang Kalaw Laman ng aking katawan itong mainit na tinapay, at dugo ko ang nangaipon sa gintong kalis na ito. Tanggapin niyo, ang sakramento ng Banal na Kordero at Ispirito,

para sa ikagagamot

ng kasalanan ng mundo at pag-abot sa buhay

na walang – hanggan sa pangakong Paraiso, gawin n’yo ito

bilang pag-alala sa akin. Amen! Bang!

Bang! Bang!

Hunyo 18, 2018 Lungsod Quezon, Maynila *Nalathala sa diaryong Pinoy Weekly sa Maynila noong Setyembre 6, 2019, at sa unang isyu ng Saro: Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco noong Oktubre 2019.


MATER DOLOROSA “ Gumigising siyang tulog pa ang mundo/ At inaabutang/ Nilalanggas ng dagat ang lupa.”—Rio Alma, Diwata Nag-aagaw buhay ang araw

nang kalasin niya ang itim niyang balabal, pagkabagsak nito sa lupa’y animo’y napunit na papel ang nakasaklob na katahimikan sa mga lungsod at nayon, at rumagasa ang buhay sa suwelo ng mundo

na wari’y sa daantaong nakakuyom na kamao,

at nagsimulang mabagabag ang mga pusong kinanlong ng mala-impiyernong deliryo nang kanyang pakawalan ang nakatuping bisig at yupyupin sa dibdib

ang wasak, basag-basag, at gutay-gutay na paligid. Marso 25, 2019 Lungsod Quezon, Maynila

*Nalathala sa unang isyu ng Saro: Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco noong Oktubre 2019.


SA LOOB AT LABAS NANG BAYAN KONG SAWI, KALILUHA’Y SIYANG NANGYAYARING HARI (SIYAM NA HIMNO- RADIKAL) “ Ito ang prayle, Ave Maria Purisima!/ Ito ang indio, pinilit magkaton at doktrina,/ Pinagsuot ng pantalon at kamisa,/ Ginawang alipin sa hacienda.”—Carlo A. Arejola, Ritmus Tabulare I. Kabanalan Umakyat sa pulpito ang saserdote

suot ang itim na sutana at istolang gawa sa alambre. Umusal ng berbo at dasal

sa harapan ng mga nakaluhod na anak ng pagkaduhagi at pagpapagal. II. Ritwal Kinalembang ng batang sakristan ang mga kampanilya na nakadikit at nakasabit sa inarkuhang molye. Nagambala ang mga pipit, kalapati, at paniki na tahimik na nakatitig sa ibaba. Pumagaspas ang kanilang mga pakpak nang pagkalakas-lakas at nalikha ang nakahihilakbot na agunyas na waring singaw mula sa ilalim ng lupa. III. Orasyon Bubulong ang mga patay sa abuhing paligid na waring nakakamada sa gilagid ng bangin.

Pilit nilang aabutin ang mga kaluluwang mapusyaw tsaka nila malupit na kakainin. IV. Abuloy Muling itinaas ng saserdote ang kanyang kamay nang pa-alay at nagsipaggalaw ang mga aninong may mata at bunganga.


Dinilaan ng apoy ang hangin at nag-umpisang maglagablab ang kaingin. V. Tugon Nayanig ang mga rehas sa paligid ng lugar-sambahan

at nagbagsakan sa sahig ang kulay-tansong butil na kalawang. VI. Pagtanggi Naglangitngit ang mga haligi na naburdahan ng laurelya at ubas at umagos sa mga kanal ng ilong at kanto ng mata ni San Nicolas

ang masangsang na amoy ng nabulok na pawis at dugong korteng ahas. VII. Hagkis Nagliyab nang malakas ang mga tuyong palaspas. Malakas na malakas na waring ibinulid sa langis at nagtalsikan ang milyong titis. VIII. Resureksyon Nanginig ang hapag at natumba ang kalis. Nabuwal ang gintong plato na lagayan ng hostiya at kumalansing ang tangis. IX. Pag-iisa Hanggang sa umiyak ang sanggol at nahati sa tatlo ang rebultong marmol. Hulyo 22, 2018 Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

*Nalathala sa unang isyu ng Saro: Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco noong Oktubre 2019.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
PO(E)(LI)TIKA: Mga Tula ni Rene Boy Abiva by Rene Boy Abiva - Issuu