4 minute read

Bionotes

Next Article
Science Learning

Science Learning

Siya ay nagtatrabaho bilang content writer sa isang CPO company. Nagtapos siya ng Business Administration sa Central Luzon State University at dating estudyante-mamamahayag at Associate Editor ng CLSU Collegian, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng nasabing pamantasan. Nakapaglathala na siya ng mga akda sa Philippine Daily Inquirer, Liwayway Magazine, Philippine Panorama at Alpas Journal. Nakasamang mailimbag ang kaniyang sanaysay sa librong Young Blood 7: Anthology of Best Young Blood Essays (2016-2017). Siya rin ay ginawaran ng Campus Journalism Award noong nagtapos sa kolehiyo. Abala siya ngayon sa paghasa sa kaniyang kakayanan at paghanap ng mga oportunidad sa larangan ng pagsulat at panitikan.Si Neil ay tubong San Leonardo, Nueva Ecija. Maaari siyang makausap sa Facebook sa ngalan na Neil Cirilo. Isang 26-anyos na guro ng Agham sa Rizal National High School sa Rizal, Nueva Ecija na nakapagtapos ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in Physical Science. Nagsimulang magsulat noong ikatlong taon niya sa kolehiyo at mula noon, minahal na niya ang paglikha ng mga kwento’t pag-aagam-agam sa pamamagitan ng personal na essay. Naging fellow siya ng Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop noong taong 2018 sa San Jose City, Nueva Ecija. Tubong Lupao, Nueva Ecija Is a former campus journalist who served as the Filipino Feature Editor of their school paper during High School. Decided to pursue her passion in writing, she took up AB Language and Literature at Central Luzon State University. During her college days, she became a part-time writer of Precious Pages Corporation under the pen name Fatima O’Hara. She employed the same pen name when she contributed on the Facebook pages called Papel and Sobrang Short Stories which became her outlet to share her poems, short stories, and flash fictions to the public. In the present, she is a Senior High School teacher at Good Samaritan Colleges. She plans to pursue Psychology in the near future. Si RB Abiva o RBA ay awtor ng tatlong libro ng mga tula at isang libro ng mga piling maikling kuwento at dagli. Fellow siya ng 58th University of the Philippines National Writers Workshop (Tula) ng Institute of Creative Writing (ICW) ng UP- Diliman, at ngayong tao’y nasungkit niya ang Ikalawang Gantimpala sa SANIATA PRIZE. Maaring makita ang kanyang mga malikhaing katha sa National Library of Australia, National Bookstore, Popular Bookstore, UP Bookshop, UP LIKHAAN Library, UP Baguio Library, at Mt. Cloud Bookshop. Siya ang tagapagtatag ng Samahang Lazaro Francisco. Neil Cirilo Arthur Allen P. Baldevarona Maria Fatima Cerva RB Abiva

Arkin Frany works as a corporate information officer and specializes in public relations for a private energy utility provider based in Cabanatuan City, Nueva Ecija. He also does freelance work online for graphic and page design, content creation and management, and basic journalism and creative writing tutorials. He also gives a wide range of journalism skills training to high school students in Nueva Ecija. This year he started the Summer Editorial and Feature Writing Workshop, a free workshop for campus journalists and emerging writers in the province. He spends his weekends in his leaky apartment with his four cats, Rilke, Ryokan, Rumi, and Rimbaud. Si Athina Bales ay isang mag-aaral sa Wesleyan University-Philippines na kumukuha ng kursong AB Communication, na kung saan siya rin ay ang kasalukuyang Literary Editor ng Genre, ang Sentral na Publikasyon ng Unibersidad. Siya ay tubong Pantabangan, Nueva Ecija. John Erickson V. Delovino is a student of Grade V – Section 1 at Cabanatuan East Central School and a consistent honor student. He is the Winner in Science Investigatory Project during the District 1 Science Fair 2019. He won Mr. Lakan 4th Runner during the celebration of Linggo ng Wika and Mr. A1 Child during the Nutrition Month celebration in their classroom. He loves to sing, dance, and play badminton. He aspires to become a scientist someday. John Joshua V. Delovino is a Grade VI – SPED for the Gifted student at Cabanatuan East Central School. He is a consistent honor student from grade 1 to present and received various awards in Mathematics and Science at district, division, and national levels. He has also received a Bronze Award and became a qualifier for Thailand International Mathematical Olympiad. He aspires to become an Engineer in the future. Arkin Frany Athina Bales John Erickson Delovino John Joshua Delovino

Advertisement

Mula sa Jaen, Nueva Ecija, si Arbie ay isang CPA na nagtapos ng kanyang BS in Accountancy sa Wesleyan University – Philippines sa Lunsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija at ngayon ay nasa mga huling bahagi na ng kanyang Ph.D. in Business Administration sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Nagsimula siyang magsulat bilang isang student journalist mula high school hanggang kolehiyo kung saan nakapagbahagi siya ng mga maikling kwento at mga tula sa kanilang mga inilalabas na mga babasahin. Kasalukuyan siyang sumasailalim sa mga workshop tungkol sa malikhaing pagsulat bilang isa sa mga kandidatong kasapi ng KATAGA (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.) - Quezon City Chapter. Isa rin siyang bahagi ng Nueva Ecija Art Community at kasalukuyang tagapangulo ng GUHIT Pinas Nueva Ecija na naglalayong isulong ang sining sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija. Arnel Bien Francisco

This article is from: