Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco, Ikalawang Isyu
SARO Isyu 02, Bolyum 01 | Disyembre 2019 Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco EDITOR Rene Boy Abiva Rhounee Ron Kevin Frany DISENYO NG PABALAT AT PAHINA Rhounee Ron Kevin D. Frany RETRATO SA PABALAT Rhounee Ron Kevin Frany KARAPATANG-ARI Š2019. Samahang Lazaro Francisco; mga kontributor
Lahat ng akda sa kalipunang ito ay pawang orihinal at hindi maaaring kopyahin o ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng mga may-akda at ng Samahang Lazaro Francisco. Nananatili ang karapatang-sipi nito sa mga mayakda at sa pamunuan ng Samahang Lazaro Francisco. Samantala, ang larawang ginamit sa disyenyo ng pabalat ay pinagpaalam mula sa may karapatang ari na siyang nagbigay ng permiso. Ang mga ito’y ginamit na naayon sa limitasyon ng karapatang-suri nito. Ang anomang puna, opinyon, suhestiyon, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan at sining ay maaaring ipadala sa Samahang Lazaro Francisco. Para sa karagdagang detalye, mangyaring sundan ang aming facebook account: facebook.com/SLFNuevaEcija Maaari ring magpadala sa aming email: samahanglazaro@gmail.com
SARO Pampanitikang Diyornal Ng Samahang Lazaro Francisco
RB ABIVA ARKIN FRANY Mga Editor
NILALAMAN 03
INTRODUKSIYON: Ang Napapanahong Pagsibol ng (mga) Bagong Dugo RB Abiva
05
Ang Piping Saksi
06
Minsa’y Ako’y Inibig
07
Ibayong Buhay
08
Silang Mga Nagtiis
16
Pangako
20
Utos ng Hari
22
Piso
23
Kabado
24
When I think of pink, I think of you
25
Splinters
26
Science Learning
27
Math Bucket
28
Bionotes
Neil Cirilo
Neil Cirilo
Neil Cirilo
Arthur Allen Baldevarona
Maria Fatima Cerva
RB Abiva
Arnel Bien Francisco
Arnel Bien Francisco
Arkin Frany
Athina Bales
John Erickson Delovino | Observer
John Joshua Delovino | Observer
INTRODUKSIYON Ang Napapanahong Pagsibol ng (mga) Bagong Dugo Wala pang isang quarter ay agad nasundan ang Unang Palihan ng Samahang Lazaro Francisco na ginanap lamang sa isang apartment ng isa sa mga kasapi ng samahan. Nakakatuwang ang naging laman ng usapan noong Agosto 21 ay naging isang katotohanan. Isang palihan ang naikasa ng samahan sa tulong na rin ng Lazaro Francisco Foundation, Masonic Lodge 53- Cabanatuan City, at mga kaibigang manunulat at nagmamahal sa wika at panitikang Filipino. At ang bunga ng nasabing dalawang araw na paghahagis ng butil at pataba sa mga obra ng mga kalahok na manunulat ay naririto na sa inyong palad at dulang. Handa na nilang ipatikim ang bunga ng kulang dalawang araw na sagupaan ng ideya at praktika sa malikhaing pagkatha. Isang nahahawakan, nakikita, naaamoy, at nalalasahang diyornal pampanitikan sa ilalim ng SARO isyu 2 at 3. Isang panandang-bato ang ngayo’y muling naitirik sa dibdib ng santinakpan. Nahahati sa dalawang kategorya ang isyung ito ng SARO, at masasabing espesyal sapagkat ang buong edisyon ay nahahati-hinahati ng mga obrang mayroong rektang plot o naratibo sa buhay rural at urban. Kaya naman, masasabing may likas na kahusayan ang walong writing fellow ng Ikalawang Palihang Lazaro Francisco. Sa anong pamamaraan, tiyak kong malinaw itong masisipat ng mga mambabasa sa sing linaw ng tubig sa mga pitas ng Jaen, Rizal, at San Leonardo nilang mga katha. Sa kabilang banda nama’y sing halimuyak ng usok at basura ng Cabanatuan ang pait, hapis, at himagsik ng mga panitik na kung sisipating maigi’y nanunulay sa pagitan ng naturalismo at realismo. Aba! Malalapit-lapit na sa social realism ni Lazaro Francsico! Sa dalawang kalipunang ito’y mababanaag ng mga millennial ang kariktan at matulaing diwa sa mga tula ng mga makatang sina Cristobal Alipio, Neil Cirilo, at Athina Bales. Kaiba itong tatlong makatang ito, tahimik, madulas, mabigat, mapaglimi, at palihim ang kanilang talinghaga at kataga kung umasalto. At dito sila naiiba sa mga spoken word artist. Sa kabilang dako nama’y dadalhin tayo ng mga kuwentistang sina Arthur Allen Baldevarona, Andy Feje, Fatima Cerva, Ron Santos, Arbie Francisco, at Jerwyn Labagnoy mismo sa malupit, mapanlinlang, nakakatakot, at puno ng pagnanasang mundo ng mga homo, ispirito, at engkanto. Baliw ang mga manunulat na ito. Kaya nilang hatakin ang nakaraan sa kasalukuyan at isampal sa ating pagmumukha ang mukha ng isang hinaharap. Dagdag pa, kitang-kita ang kanilang kahusayan sa malikhaing pagtatala. Kaya naman, nagmimistula silang mga historyador ng kani-kanilang lugar at panahon. Sa ganang akin, ang komposisyon ng mga makata at manunulat na ito’y waring ipuipo na may ipon at hindi mapagtimping pagtuligsa at paghamon sa namamayaning ordeng politikal, ekonomikal, at ispiritwal. Iba ang talas ng kanilang mata, puso, at kamay. Marapat ngang igawad sa kanila ang titulo bilang makata at kuwentista ng kanilang panahon! Ang isa sa kahanga-hanga, kasama sa kalipunang ito ang mga malikhaing katha ng mga dumalong observers na mula pa sa elementarya at sekundaryang lebel ng akademya, at ito malamang ang
{3}
kaibhan ng palihang ito sa ibang palihan. At dahil sa ganitong praktika, nadiskubre ng samahan ang mga kabataang may mataas na potensiyal at pagnanais na maging isang manunulat balang araw. Sa mga tulang pambata na kinatha nina Renz Benedict Quiros, John Erickson Delovino, John Joshua Delovino (na mula sa Cabanatuan East Central School), at Chrixxie Jehns De Leon ng Wesleyan High School Department, mababanaag ang kanilang mga musmos na pangarap gayundin ng mga simple ngunit kritikal na obserbasyon at sipat sa kanilang paligid. Siyempre, iba kung tumula ang isang bata, at ang wikang at kaluluwang ating hinahanap sa mga ganitong katha’y walang ibang makakapagsulat kundi sila. Kung susumahin, isang malaking tagumpay ang kalipunang ito sapagkat manipestasyon ito na nagagampanan ng SLF ang kanyang makasaysayang tungkulin na magbigay ng pagkakataon para sa mga manunulat na nasa gilig-gilid. Dagdag pa, ang pagtatalang ito’y isang anyo na rin ng pamana sa sunod na salinlahi, at pagtatangka ng samahan na igpawan ang nakasanayang oral na tradisyon. Panahon na upang magsulat! Hindi ko na pahahabain pa ang aking pasakalye. Maligayang pagbabasa at paglalakbay sa mundong perehong hitik sa talinghaga at metapora, at nawa’y gaya ng mga manunulat na nasa kalipunang ito, mahanap niyo ang inyong sarili lalu na ang musa ng/sa inyong kaluluwa, at buksan ang inyong pakpak at subukang makiisa sa bagwis ng nagugulumihanang amihan at habagat. R.B. ABIVA Tagapangulong-Tagapagtatag Cabanatuan City, Nueva Ecija
{4}
TULA
Ang Piping Saksi Neil Cirilo
Tabingi— ngunit panatag sa ibabaw ng baku-bakong lupa habang naghihintay sa grasyang dulot ng ulan, sa tapat ng alulod ng lumang tahanan. Ang piping saksi sa apat na musmos, pamumukadkad, pag-usbong, habang kanilang iniikut-ikutan, suot ang kapaslitan, habang naghahabulan, hanggang ang araw ay nanahan sa kanluran, habang yapos ng at ang ingay ng bakuran, pawis, at kapagalan sila’y pahuhupain lamang ng ‘di inaasahang buhos ng ulan. Ang piping saksi sa walang hanggang pagpapalit ng apat na paslit, pagbisita ng mga mga luha’t tawanan, sa walang hanggang pagbalik, at pag-ukilkil ng mga memorya ng magkabilang dulo at sala-salabid na daan sa gitna ng kasalukuyan at nakaraan, Naroon, payapa sa tapat ng alulod ng lumang tahanan.
{5}
TULA
Minsa’y Ako’y Inibig Neil Cirilo
Iniuugoy ng hangin ang mga puno ng bayabas, chesa, at bulaklak ng sampagita. Sa malamlam at maulap na hapon, sa silong ng anino ng mga nagliliparang saranggola, punong akasya at mga ibong maya, sumalok ng inumin, mapayapang pinatid ang uhaw, mula sa minanang tapayan * ‘Di matitinag ng maruming hangin ang kinang at kintab ng salamin kakabit sa tindig ng gusaling tumutusok sa ulap, sa bisig ng bakal at sementong karaniwa’y hinugis kwadrado, sa ilalim ng anino ng mga eroplano, ibinurol ang tapayan sa isang museyo. Sinubok ng panahon, Ngunit binigo ng isyu ng kontaminasyon. Pinalitan, lumipas at ‘Di na muling umalpas * Muli, ibinurol ang tapayan sa mga litrato’t temporaryong alaala, laman ng mga paandap-andap na pag-asa, buhay sa mga alaala ng ngayo’y mga kaluluwa na.
{6}
TULA
Ibayong Buhay Neil Cirilo
At— sa huling hantungan muling huhulma waring nasa isang sinapupunan kuyum-kuyom ang mga nilikhang alaala, sa bisig nang minsang dinaluyan ng pananatili, paglisan, at pagsisimula, pagsubok, at pagtatapos. At— sa huling hantungan isisilid sa tapayan, tatakpan upang tanging alaala ang umalpas at sa muling paglaya, maglalakbay, mangangahas, patutunayang walang tunay na namamatay ‘pagkat muli’t muli’y mabubuhay, At—,
{7}
SANAYSAY
Silang Mga Nagtiis Arthur Allen P. Baldevarona
Hindi ko pinangarap maging guro. Ito ang isang bagay na sigurado ako nang masaksihan ko mismo ang unti-unting panghihina ni Mam Helen noong kami ay Grade 2. Maingay kami noon. Naglalaro ng teks (piraso ng papel na may larawan ng mga cartoon characters). Hindi masaway. Kani-kaniyang bulastugan at daldalan. Sigaw nang sigaw si Mam. Nang hindi kami maawat, bumulyaw siya ng pagkalakas-lakas. Umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong klasrum na umabot pa ata sa opisina ng aming punong-guro sa kabilang gusali na animnapong metro ang layo. Sigurado ay narinig din iyon ng guro sa katabi naming silid-aralan. Tahimik kaming lahat. Ang mata, lahat ay nakatitig kay Mam Helen. Dinig ko ang pagpintig ng aking dibdib sa susunod na mangyayari. Sigurado papipilahin kami ni Mam habang hawak niya ang kaniyang mahabang multi-purpose stick. Hindi niya lang kasi ‘yon panuro sa aming binabasa sa pisara. Ginagamit niya rin iyon bilang pamulot ng mga nagkalat na plastik o papel sa loob ng klasrum. Ngunit kadalasan niya itong nagagamit bilang pamalo.. Ngunit ang inaasahan naming sunod-sunod na pamamalo ay hindi natuloy. Natunghayan namin si Mam Helen. Humawak sa ulo. Ipinikit ang mga mata. Muntik nang mabuwal. Nahihilo na pala ito. Naupo ito sa malapit na desk. Kaming mga estudyante niya ay nataranta. Pinaypayan ng mga babae si Mam.’ Yong presidente ng klase ay tumakbo palabas. Tinawag ‘yong titser sa katabi naming klasrum. Agad namang rumesponde ang mga kasamahan ni Mam. Dinala siya sa kaniyang mismong upuan sa likuran. Nagtawag ng nars. Kinuhanan siya ng blood pressure. High blood daw, dahil sa amin. Walang kumibo ni isa sa amin. Nilingon ko si Mam Helen. Nakaupo. Nakapikit. Parang tulog. Nagpapahinga. ************* Pinaiyak ako ni Mam Tresalin noong huling taon ko ng hayskul. Hindi dahil ako ay kanyang piningot, pinalo o pinakaen ng dumi ng kalabaw. Bago pa man mangyari ang eksenang tumulo ang aking luha, may insidenteng nangyari sa aming klase. Nasa Computer Lab kami noon. Nahuli kaming mga lalaki na nanonood ng malaswang sayaw sa Youtube. May nagsumbong na ako raw ang pasimuno. Ngunit ang totoo ay nakinood lang din ako.
{8}
Kinahapunan, kinumpronta ako ni Mam Tresalin tungkol sa nangyari. Sinabi ko ang aking rason. Madaming estudyante ang nakasaksi ng tagpong iyon. Hindi pa man ako tapos magsalita ay sumingit si Mam. “Ikaw talaga Baldevarona, ang hilig mong rumason. Bastos ka,” ika niya saka siya umalis. Bumibilis ang tibok ng aking puso dahil na rin sa halo-halong emosyon. Kaba, hiya at inis na hindi pinakinggan ang rason ko. Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kung ano ang mangyayari kinabukasan. Sa susunod na araw kasi ay magtatanghal kami sa asignaturang hawak ni Mam Tresalin. Magagalit pa ba sa akin si Mam? Ipapahiya ba niya ako? Patatalsikin niya na ba ako sa paaralan? Ilan lang iyon sa mga tumatakbo sa aking isipan sa gabing iyon. Kinaumagahan, pagpasok ni Mam Tresalin ay tahimik ito. Ngunit mabigat ang kaniyang presensya. Wala siyang kibo. Hindi maipinta ang kaniyang reaksyon sa nangyari kamakailan. Parang walang sagutang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ipinagsawalang bahala ko na lang din ang magiging reaksyon ni Mam Tresalin. Total parang wala naman ata sa kanya ang nangyari. Pero nangangamba ako na baka pag-initan niya ako buong taon. O di kaya naman hiniling na niya sa aming prinsipal na patalsikin ako kaya tahimik ito. Tinawag ni Mam ang unang grupong magtatanghal. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya binabanggit ang tungkol sa nangyari kahapon. Natapos ang unang grupo. Ang sumunod at ang sumunod pa.Hanggang sa tinawag na niya ang aming grupo. Malakas ang pintig ng aking dibdib. Pinilit kong iwaksi ang kaba. Itinuon ko ang aking atensyon sa aming pagtatanghal. Nakatayo na kami sa harapan. Nag-aayos ng mga gagamitin nang biglang magsalita si Mam Tresalin. Napatingin ang lahat sa kanya. “Kayong mga IV-A,” nilahat niya ang buo naming seksyon. “Kung pinagsabihan kayo dahil sa pagkakamali niyo, huwag niyong mamasamain.” Malumanay ang pagkakasabi. Hindi tulad ng nanggagalaiting boses nito nang ako’y kanyang kinumpronta. Sa kanyang mga binanggit, alam kong ako ang kanyang pinagsasabihan. Inaasahan kong magagalit
{9}
siya sa akin ngunit hindi niya iyon ginawa. Sa halip, pinangaralan niya lang kami. Hiyang-hiya ako sa mga oras na iyon. Naisip ko ‘yong pagsagot ko sa kanya. Napagtanto kong mali ang aking ginawa. Kaya, sinamantala ko ang pagkakataon na humingi ng tawad sa harapan niya at ng buo naming klase. “Sorry po mam kung nasumbatan ko kayo kahapon,” sabi ko. “Sinasabi ko lang naman po na hindi ako ang nagpasimuno ng ginawa namin.” “Naiintindihan kita Allen. Pasensya na rin kung nasungitan kita,” sagot ni Mam Tresalin. Tuluyan nang tumulo ang aking luha dahil sa kabaitan niya. Ang kabaitan ni Mam Tresalin ang tuluyang nagbukas sa aking kaisipan sa kamaliang aking ginawa. Naupo ako dahil sa aking pag-iyak. Hindi na ako pinagtanghal ni Mam. ******* Naranasan kong matakot sa tae ng kalabaw. Iyon kasi ang ginawang panakot ni Sir Lope noong kami ay Grade 1 tuwing maingay at hindi kami maawat sa kaguluhan. Sisigaw si Sir. Pupunta siya sa kaniyang munti at masikip na opisina sa loob ng aming klasrum na natatakpan lang ng plywood. Magtatawag siya ng pinakamagulo kong kamag-aral. Doon ay kunwaring ipapakain niya ang bilog na piraso ng tuyo, matigas at mangitim-ngitim na dumi ng kalabaw sa batang tinawag niya. Saka niya lalakasan ang boses sa pagsasabi ng, “Nganga! Kainin mo ‘tong tae ng kalabaw!” Kaming mga hindi tinawag at hindi nakakakita ng nangyayari sa opisinang iyon ay tahimik. Iba’t ibang reaksyon ang naghari sa klasrum. Kinakabahan. Natatakot na baka isa sa amin ang susunod na papakainin. Meron naman ‘yong iba na pabulong na magsasabi ng, “Hala kayo. Kasi kayo ang iingay ninyo. Kayo na ang susunod.” Sa mga ganoong pagkakataon ay nakadukdok lang ako sa aking upuan. Bumubuo ako ng imahe base sa nangyayari sa loob ng opisina ni Sir Lope. Iniisip ko ang kamay ni Sir na nakahawak ng dumi ng hayop. Unti-unti niyang inilalapit ito sa bunganga ng aking kaklase. Saka isusubo. Sa aking imahinasyon, inaalam ko kung ano ang lasa ng tae ng kalabaw. Nahihiwagaan ako sa kung anong pakiramdam kapag nagdikit na ang tuyo, matigas at mangitim-ngitm na dumi ng hayop sa bunganga ng batang pinapasok ni Sir sa kaniyang opisina. Magaspang kaya? O natutunaw agad sa dila? Mapait kaya na tulad ng ampalaya? Mapakla na parang tableta ng Enervon na kinagat at nadurog sa iyong dila? Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang mga kasagutan sa nasabing hiwaga. At ngayong
{ 10 }
ako’y nagkaisip na, ayoko nang malaman sa pamamagitan ng sariling karanasan. Lumabas ang aming kaklase sa opisina ni Sir Lope. Nakalobo ang magkabilang pisngi. Sa aming murang isipan ay bakas iyon ng isinubong dumi ng kalabaw. Pagkaupo ng aming kaklase ay lumunok ito at biglang nawala ang umbok ng pisngi. Lumabas na rin si Sir sa kaniyang opisina. “O sino pa ang mag-iingay?” sabi ng aming guro. “At papakainin ko ng tae ng kalabaw.” Para kaming makahiyang nabundol. Lahat ay tumiklop at nag-asal anghel. Natatakot na baka maituro ni Sir. Natatakot na baka mapakain ng dumi ng kalabaw. Buong hapon kaming tumahimik sa araw na iyon. Iniiwasan na magaya sa aming kamag-aral na pinakain ng tae ng kalabaw. Pag-uwi, tinanong ko ‘yong aming kamag-aral. “Masarap?” “Ang alin?” pagtataka nito. “‘Yong tae ng kalabaw.” “Hindi naman ako pinakain. Kunwari lang ‘yon para tumahimik tayo.” Nang malaman ng lahat ang totoong nangyari, sa sumunod na araw, nagtawag muli si Sir Lope ng maingay sa kaniyang opisina. Ganooon din noong sumunod pang araw. Hanggang sa nagsawa si Sir. Nag-isip na siya ng ibang panakot para lang tuluyan kaming tumahimik. ****** Sa harapan ng aming klasrum noong Grade 4, may malaking puno ng mangga. Hindi mo siya mayakap sa sobrang taba. May sanga itong mababa kaya abot naming mga bata. Sa sangang ito ay nakasabit ang bilohabang bakal na may isang metro ang haba. Iyon ang nagsisilbing bell ng aming paaralan. Tuwing recess at ala-una imedya ng hapon ay binabatangtang ang nasabing bell bilang hudyat ng pagpasok ng mga mag-aaral sa kani-kanilang klasrum. Pinupokpok ito gamit ang solido at matigas na bato na mapupulot sa ugat ng punong mangga. Dahil kami ang malapit sa bell, kaming mga Grade 4 ang naatasan para sa pagpapatunog nito. Si Mam Mercy, ang aming adviser ang nag-atas sa ilan sa aking mga kamag-aral na siyang magpapatunog ng bell sa bawat araw ng linggo.Wala ako sa mga naatasan. Pero kapag sinumpong ako ng kapilyuhan ay nakikisawsaw ako sa pagbabatangtang.
{ 11 }
May isang pagkakataon na nahuli ako ni Mam Mercy na nakiki-agaw sa batong pamukpok ng bell. Nanlaki ang mga mata niya sa galit. Napansin ko ring bumuka ang kanyang ilong dahil sa sobrang inis. Parang dragon na bubuga ng apoy. Akala ko ay humupa na ‘yong galit ni Mam pagpasok niya ng aming klasrum. Inaabangan niya lang pala akong pumasok at hinihintay na makaupo bago niya ako sinuntok sa kaliwang braso. Dalawang beses. Dalawang beses kong naramdaman ang pagbaon ng buto ng kaniyang kamao sa kalamnan ng aking braso. Parang nabangga sa matigas at maumbok na bakal ang pakiramdam. Masakit at hindi ko maigalaw ang aking braso. Naluluha ako pero pinigilan ko. Hindi na sana ako tuluyang iiyak kung hindi nagtanong ang kaklse ko. “Masakit ba Allen?” Ang tanong na iyon ang muling nagpaalala at nagparamdam ng sakit. ***** Nahuli kami ni Mam Leoni na naka-istambay sa may plant box sa likod ng aming klasrum noong kami ay mga third year high school. Nagalit siya sa aming dalawa ni Joemare dahil habang may ginagawa ang aming mga kaklase sa loob ng aming klasrum ay nandoon kami sa labas. Nakaupo at nagmimiryenda. “Kayo talaga, umiiwas kayo sa mga gawain. Mga tamad kayo,” sabi ni Mam Leoni. Malakas at bakas ang pagkainis sa boses ng aming guro. Nakayuko kaming pumasok sa klasrum. Nahihiya sa titig ng aming mga kamag-aral. Titig na nagsasabing, “Yan kasi! Buti nga sa inyo!” Habang patuloy sa paggawa ang aming mga kaklase ay pinapangaralan kami ni Mam. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi naalis ang kaniyang inis. Hindi kami pinansin ni Mam Leoni ng buong umaga. Isa siya sa pinamakabait na guro ng aming paaralan. Isa siya sa mga paborito ko. Kaya nalungkot ako nang nagalit siya dahil sa amin. Si Mam Leoni muli ang aming guro sa hapon sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Hindi ako makatingin ng deretso sa aming guro. Nasa loob ko pa rin ang hiya sa aming ginawa. Ngunit hindi ko inasahan ang sinabi niya bago magsimula ang aming klase. “Sa dalawang napagalitan ko kanina, pasensya na kung napagtaasan ko kayo ng boses. Ayaw ko lang kayong matulad sa ibang estudyante na naglalaro sa pag-aaral,” bigkas ni Mam Leoni. Nais tumakas ng luha sa aking mga mata matapos kong marinig iyon. Para sa akin, hindi dapat niya
{ 12 }
iyon ginawa dahil hindi siya ang may kasalanan. Hindi dapat siya ang humihingi ng tawad. Naantig ako sa mga sinabi ni Mam. Kaya, hindi na kami nag-alinlangang humingi ng tawad sa aming maestra. Ngiti ang isinagot sa amin ni Mam Leoni. ****** Nasigawan naman ako ni Mam Guada habang kami ay nagkaklase noong Grade 3. Masaya ang diskusyon ni Mam noon. Ganado siya. Walang humpay siyang nagsasabi ng ‘Very good!’ tuwing naririnig niya ang tamang sagot sa kanyang mga katanungan. Maingay ang klase noon. Ngunit hindi tulad ng walang saysay na kaingayan, ang aming pag-iingay sa mga oras na iyon ay dahil sa aming pakikilahok sa pinapagawa ni Mam Guada. Ganado rin kaming nakikinig. Sa pagkakataong iyon ay naranasan kong maging bibo sa loob ng klasrum. Pero, nasobrahan ko ata. Nabastusan sa akin si Mam Guada nang sumagot ako sa tanong niya habang nakaupo sa ibabaw ng aming desk at nakapatong ang aking paa sa upuan. “Bakit ganyan ka maupo?” malakas na sabi ni Mam. Nagtinginan ang lahat ng aking kaklase. Namumula ako sa hiya. Kaya dahan-dahan akong dumausdos para maupo ng maayos. “Hindi naman ganyan ang itinuturo namin sa inyo. Kaya huwag niyong gagawin. Umasta kayo ng tama,” paalala ni Mam. Nakayuko ako sa aking upuan habang nagsasalita at nangangaral si Mam Guada. Hiyang-hiya ako sa aking ginawa. ***** Noong ikalawang taon ko ng hayskul, sa Benguet National High School sa bayan ng La Trinidad, Benguet ako nag-aral. Malayo sa aming probinsya na Nueva Ecija. Wala akong kakilala. Palagi akong nag-iisa. Walang pumapansin sa akin. Pinatayo ako ni Mam Pakipak ng isang buong oras sa klase namin sa kanya sa Filipino. Sa kadahilanang natusok ang mata ni Benjamin ng dulo ng libro na inagaw ko. Umiiyak ang aking
{ 13 }
kamag-aral sa sakit. Sa sobrang inis niya ay sinigawan ako ni Benjamin sa harapan ng aming guro. Si Mam ay kalmado lang. Hinintay na tumahan si Benjamin. Saka niya ako inutusang tumayo sa harapan. Hinintay kong paupuin ako ni Mam ngunit hindi niya ako pinansin hanggang sa matapos na ang aming klase. Pagkatapos ng isang oras ay kinausap ako ni Mam Pakipak. Hindi tungkol sa nagawa ko kay Benjamin. Tinanong niya ako ng mga personal na bagay. Kung sino ba ang mga magulang ko. Kung ano ang trabaho nila. Kung sino ang nag-aalaga sa akin. At kung saan ako tumitira. Nalaman niya ang lahat sa akin. Nalaman niyang hiwalay na sina Papa at Mama, at tumitira ako sa babaeng kapatid ng aking ama. Na ako ay taga ibang probinsya at malayo ako sa aking pamilya. Nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Mam Pakipak sa sumunod na mga araw hanggang sa matapos ang buong taon. Palagi niya akong kinakamusta. Tinatanong kung kumain na ako. Paminsan-minsan, isinasabay niya ako sa taksing sinasakyan niya pauwi. ***** Mahaba at malapad na kawayan ang ginamit na pamalo ni Sir Nestor sa amin noong kami ay Grade 6. Dalawa kami ni Allan ang pinalo ni Sir. Nagpunta at nagreklamo kasi ang mama ni Jade dahil umuwi itong wala sa oras at umiiyak. Tinukso kasi namin ito kaya umuwing luhaan. Dalawa kami ni Allan. Ako ang taga-sulsol. Si Allan ang gumagawa ng pang-aasar. Tinusok sa puwet. Sinabuyan ng buhangin sa ulo at hinamon ni Allan ng suntukan si Jade dahilan para umiyak ito at umuwi. Pagbalik ng eskwelahan ay kasama ni Jade ang kanyang mama. Pinatawag kami ni Sir Nestor. Pinagalitan kami sa aming ginawa Tig-lima. Tig-limang beses kaming pinalo sa puwet ni Allan. Malakas at malutong. Nakaharap sina Jade at ang kanyang ina habang kami ay nakadapa. Pak! Pak! Pak! Pak! Pak! Pinangaralan kami ng husto ni Sir. Pinamukha sa amin na mali ang aming ginawa. Matapos nun ay nagtanong ang aming guro. “E anong gagawin niyo ngayon?� sabi ni Sir Nestor. Hindi na galit ang aming guro. Malumanay na parang nanlalambing ang boses niya. Sa tanong niyang iyon ay may nais siyang iutos. Hindi nga lang namin nakuha ang gusto niyang iparating. Kaya sinenyasan niya na kami ni Allan na humingi na ng tawad sa inaway naming kaklase..
{ 14 }
Nilapitan namin si Jade. Sabay kaming nagsabi ni Allan. “Sorry na, Jade.” Mula noon, naging matalik na kaming magkaibigan ni Jade. Magkasama na kaming lumiliban sa klase. ***** Unang beses kong naranasan na mapagkatiwalaan ng isang guro noong ako’y Grade 5. Si Mam Paulina. Siya ang unang guro na nagbigay ng tiwala sa akin. Ibinigay niya kasi sa akin ang isang mabigat na responsibilidad. Inutusan niya akong maglista ng mga maiingay sa klase noong pagkakataong umalis siya sa aming klasrum para ibigay ang mga dokumentong ipinapasumite ng punong-guro sa kanya. Mahirap ang naging papel ko sa klasrum ko noong wala siya. Sa tungkuling iyon, dapat patas. Walang kai-kaibigan. Kung maingay, dapat ilista, at sa pisara pa na nakikita pa ng mga kamag-aral na naililista ko. Marami ang nagalit at nagtampo sa akin. Ngunit binalewala ko iyon. Dahil sa loob ko ay pinagkatiwalaan ako ni Mam. Dapat kong tanggapin ang resulta ng mga desisyon ko sa mga oras na ako ang kaniyang inasahan. ***** Piningot ako ni Mam Rita bago matapos ang taon ng panuruan noong ako ay nasa first year high school. Hindi kasi umabot ang grado ko para mapabilang sa Honor Roll. Nalaman niya na hindi ko inasikaso ang mga projects ko. “Anong pinaggagawa mo at hindi mo naipasa?” tanong ni Mam. Galit ngunit mapanghikayat ang tono. Hindi ako nakapagsalita. “Sige,” muling sabi ni Mam. “Kakausapin ko mga titser mo na pagbigyan ka. Kaya, gawin mo na ang mga projects mo para makapagpasa ka.” Ginawa ko ang utos ni Mam. Inihabol ko lahat ng aking projects saka ipinasa sa aking mga guro. Tinanggap nila ang mga ito. Nagpasalamat ako kay Mam Rita. Noong Recognition Day, sa entablado, tinawag ang pangalan ko.
{ 15 }
MAIKLING KUWENTO
Pangako
Maria Fatima Cerva “Babalik ako,” pangako ni Mang Efren. “Sabay tayong kakain ng paborito mong bibingka.” Sa nanlalabo pang paningin ay tinanaw ni Berto ang ama. Ito ang lagi nitong pangako sa kanya tuwing umaga bago magpunta sa masikip na puwesto nito sa palengke na puno ng nilalamat at inaalikabok na palayok at tapayan. Sa kabila nang madalas nitong hindi pagtupad sa pangako, ngumiti si Berto. Sa kanyang mukha ay gumuhit ang ibayong kasabikan sa pagbabalik ng ama. Umasam na sa pagkakataong iyon ay tuluyan na niyang makakasalo ang ama sa pagkain ng paboritong bibingka. Gumulong ang bisikleta ni Mang Efren kasabay ng paggulong ng isang police mobile. Pumarada siya sa tapat ng kanyang masikip na puwesto kasabay ng pagparada ng mga tao sa kung saan-sang puwesto sa palengke. May babaeng nakatayo sa harap ng tindahan ng karne at nakikipagtawaran, may matandang sinisipat ang ilang lantang dahon ng petchay, may lalaking binubusisi ang mata ng isang malapad na isdang bangus. Tanging sa puwesto lamang ni Mang Efren tahimik, ngunit hindi iilang oras mula sa mga sandaling iyon, pagkakaguluhan ang kanyang puwesto. Uugong ang sirena ng isang police mobile at ilang pulis ang bababa. Isang pakete ng droga ang hindi maipaliwanag na madidiskubre sa loob ng isa sa mga tinda niyang tapayan at kasabay niyon ay ang tuluyang pagbabago ng kanyang buhay. Samantala, sa kanilang uuga-ugang pawid na tahanan, makikitang nagwawalis si Berto. Nakangiti ang sampung-taong gulang na musmos habang panaka-nakang sumisilip sa kanilang gusgusing orasan na binili lamang ng ama mula sa bote-bakal. Hindi na mahintay ang pagbabalik ng ama bitbit ang pangakong bibingka. Nang makatapos magwalis ay nangalumbaba sa harap ng bintana si Berto at matiyagang naghintay hanggang sa tuluyang matanaw ang ama. Subalit lumipas ang maraming oras, nangawit na ang mga kamay ni Berto, at tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwanag ay hindi dumating si Mang Efren. Nakaidlip si Berto at nagising sa mga tawag ng kanilang Kapitan. Nakapaang lumabas siya at sinalubong ang bigotilyong matanda na may tapal na sigarilyo ang ang bibig. Pupungas-pungas na pinagmasdan niya ito. “Masamang balita, Berto.” Tinanggal nito ang sigarilyong nakatapal sa bibig at ihinagis. Sa ilang sandali ay pinagmasdan siya nito na tila ba pinag-aaralan kung paano ilalahad sa kanya ang dalang balita. Nagbuntong-hininga ito di kalaunan. “Ang mabuti pa, sumama ka na lamang muna sa akin.” “P-pero,” napapalunok na saad ni Berto. Nilinga niya ang kanilang bakanteng pawid na tahanan. Nang muli siyang luminga sa Kapitan ay kababakasan ng lungkot ang kanyang mga mata. “A-ano, um, baka po kasi dumating ang tatay.” Bumuntong-hininga ang Kapitan. Lumuhod ito sa harapan ni Berto nang sa gayon ay mag-abot ang kanilang mga mukha. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa kanyang mga balikat.
{ 16 }
“Anak, hindi muna makakauwi si Efren.” saad nito. “Sumama ka na lamang muna sa akin at ipapaliwanag ko sa’yo kung anong nangyari.” Ayon, kay Kapitan, nagkaroon raw ng buy-bust operation sa palengke. Nakitaan raw ng droga sa isa sa mga tinda nitong tapayan ang kanyang ama. Hindi pa gaanong nauunawaan ni Berto kung ano ang “buy-bust operation” pero alam niya kung ano ang droga. Alam niyang masama ‘yun. Alam niya rin kung gaano kahirap ang buhay. Namulat siya roon. Pero kahit gaano kahirap ang kanilang buhay, alam niyang kailanman ay hindi gagamitin ng kanyang ama ang droga upang makalasap ng kaunting ginhawa. “Kapitan, kumusta po kaya ang tatay?” ang halos araw-araw niyang tanong. “Kailan ko po kaya siya makikita?” “Malapit na, Berto,” ang isasagot naman ng Kapitan. “Malapit na.” Hindi pa gaanong marunong magbilang si Berto. Sa edad na sampu ay nasa unang baitang pa lamang siya sa elementarya. Sa kabila niyon, araw-araw niyang minamarkahan ang kalendaryo ng alak sa opisina ni Kapitan at itinatanong rito kung ilan pang araw ang lilipas bago niya makita ang ama. Noong ikasampung araw ay hindi na napigilan ni Berto at tuluyan na siyang naiyak ngunit napatahan din agad ni Kapitan. Noong ikadalawampung araw ay muli siyang umiyak ngunit sinabi ni Kapitan na nakikipag-ugnayan na ito sa mga pulis. Matapos noon ay gabi-gabi na siyang umiiyak pagkat pakiramdam niya ay tulad lamang din ng pangako ng kanyang ama ang pangako ni Kapitan. Sumapit ang isang buwan at may mga dumating na dalawang pulis. Natatandaan pa ni Berto, nagwawalis siya noon sa harap ng Barangay Hall. Hindi niya narinig ang pinag-usapan ng mga ito ngunit nasaksihan niya nang ituro siya ni Kapitan at pagmasdan siya ng mga pulis. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot. Namulat siya sa paniniwalang nagliligtas ng buhay ang mga pulis ngunit bakit tila natatakot siya sa mga ito ngayon? “Totoy, halika,” tawag ng isa sa kanya. “Gusto mo raw makita ang tatay mo?” Tumango si Berto. Hindi na uli ito nagsalita at kinayag siya patungo sa police mobile. Pinasakay siya nito sa likod habang ang dalawa ay dumiretso sa harap. “’Yan ba ‘yung naiwang anak?” “Oo, ‘tol.” “Kawawa naman, ‘tol.” “Wala, eh. Wala tayong magagawa. Napag-utusan lang naman tayo.”
{ 17 }
“Nakokonsensiya ako, ‘tol.” “Ssh, huwag ka nang maingay riyan.” Nakita niyang sinulyapan siya ng mga ito mula sa salamin sa gitna ng mobile. Hindi niya naintindihan nang lubusan ang kanilang pinag-uusapan ngunit lalong lumawig ang takot na kanyang nararamdaman. Nanginginig ang mga tuhod na luminga siya sa salamin na bintana at lihim na nanalangin hanggang sa tuluyan na nilang marating ang istasyon. Inalalayan siya ng mga ito papasok sa loob ng isang kuwarto; kay linis at kay lamig. Ang hindi lamang maunawaan ni Berto ay ang amoy ng sariwang dugo na nanunulay sa kanyang ilong sa tuwing lalanghap siya ng hangin. Nasagot ni Berto ang misteryo nang tumambad mismo sa kanyang sabik na paningin ang nanuyong dugo sa gilid ng labi ng kanyang ama. Bukod sa nanuyong dugo ay may pasa rin ito sa kanang mata at maga ang magkabilang pisngi. “T-tay,” salubong niya sa garalgal na tinig. “A-anong nangyari sa’yo, tatay?” “O-OK lang ako, anak. Huwag kang mag-alala sa akin. OK lang ako.” Alam ni Berto na hindi totoong OK lang ang ama. Naalala niya noong minsang nadulas siya sa poso habang nag-iigib. Tumama ang kanyang pisngi sa bakal at namaga rin iyon. Alam niyang masakit iyon. Mistulang bigla niyang naalala ang sakit kaya bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. “Huwag ka nang umiyak, anak.” Pinilit nitong ngumiti. “Hindi naman masakit.” Pinahid nito ang umaagos na luha sa kanyang pisngi gamit ang mga kamay. Doon na tumambad sa kanya ang mga paso ng sigarilyo sa braso nito. Gusto niya sanang itanong kung hindi rin ba masakit ang mga pasong iyon ngunit alam niya sa sariling magsisinungaling lamang uli ito. “Tatay, nahulihan ka raw ng droga?” ang halip ay tanong niya. “Totoo po ba ‘yun?” Umangat ang mga labi ni Mang Efren. Akmang sasagot ngunit hindi natuloy nang tumikhim ang pulis na bantay sa loob. Nakita niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kaniyang ama at muling nanumbalik ang kanyang takot. “Um, anak, bata ka pa. Hindi mo pa lubusang maiintindihan ang mga nangyayari. Pero, kahit na ganun, gusto kong malaman mo na hindi dahil nakakulong ang tatay ay masama na siyang tao.” Nagsimula na ring gumaralgal ang tinig nito. “K-kung ano man ang mangyari sa akin, anak, sana huwag mong kakalimutan na mahal kita. Ibinilin na kita kay Kapitan. Hindi ka niya papabayaan.” “P-pero hanggang kailan ako kina Kapitan?” piksi ni Berto. “Kelan ka babalik sa atin, tatay?”
{ 18 }
Lumapit ang bantay na pulis. Itinayo nito si Mang Efren at nilagyan ng posas ang mga kamay. Sinubukang makiusap ni Berto ngunit itinaboy lamang siya nito. “Tatay!” Lumuluhang habol niya. “Tatay, kelan ka babalik?!” Kahit nakatalikod na ang ama ay alam ni Berto na umiiyak ito. Nakita niyang yumuyugyog ang mga balikat nito. May binulong ito sa pulis. Parang nagmamakaawa. Hindi kalaunan ay huminto ang pulis sa pagkaladkad sa kanyang ama. Hindi tinanggal ng mga ito ang posas ni Mang Efren, pero hinayaan nilang makalapit uli ito sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at habang patuloy ang patak ng luha sa mga mata nito ay dahan-dahan nitong inusal ang mga salitang madalas nitong iwanan sa kanya tuwing umaga bago umalis. “Babalik ako,” pangako nito. “Sabay tayong kakain ng paborito mong bibingka.” Katulad ng dati, sa nanlalabong paningin ay pinagmasdan ni Berto ang ama. Sa kabila nang madalas nitong hindi pagtupad sa pangako, ngumiti siya. Sa kanyang mukha ay gumuhit ang ibayong kasabikan sa pagbabalik nito. Umasam na sa pagkakataong iyon ay tuluyan na niyang makakasalo ang ama sa pagkain ng paboritong bibingka.
{ 19 }
DAGLI
Utos ng Hari RB Abiva
Halos sa pagtitinda ng tinapa binuhay ni Aling Ason ang kanyang mga anak. Sa kanyang pagkakatanda’y kulang apat na dekada na niya itong hanapbuhay. At dahil nga sa katatagan niyang hinarap ang lumuluray-puno ng pagpapasakit na ganti ng hirap at dusa, napagtapos niya lahat ang kanyang mga anak sa hasykul. Subalit hindi na sila kailanman nakatuntong sa kolehiyo sa kadahilanang inatake sa puso ang kapilas ng kanyang buhay, at sa kasamaang palad ay namatay ito na hindi man lamang nabigyan ng marangal na libing. Lahat ng kanilang impok ay nagamit sa pagpapagamot. Ang masama pa’y nagkandautang-utang sila nang may mataas na interes. Mula nga noo’y nagkawatak-watak na ang pamilya ni Aling Ason. Namasukan bilang bodegero ng bigas at mais ang tatlo niyang mga anak na lalaki sa Siyudad ng San Jose, Nueva Ecija habang ang dalawa niyang anak na babae ay naging mga muchacha sa San Miguel, Bulakan na paglao’y napilitang mamasukan din bilang mga GRO sa isang kabaret na tambayan ng mga pahinante ng trak na nagluluwas ng kung anu-anong kalakal paloob-palabas ng Maynila. Puro panganay ang mga naging anak at nang malaman ito ng kanilang Ina, wala itong ibang naitugon kundi mabigat-makapal na hagulgol at pagkuyom sa dibdib na puno-mayaman sa pasakit. At mula nga noo’y sinisi na ni Aling Ason ang Diyos at ang kapalaran. Hulyo 29 ng taong kasalukuyan, isang umagang tirik na tirik ang araw na sinasasabayan pa ng alingasaw ng sanga-sangang imburnal at alingasngas ng mga mamimili, ay umalingawngaw ang megaphone na hawak-hawak ng empleyado ng munisipyo. May kasama itong abugado, mga pulis, traffic aid, at eskirol. Inanunsiyo nitong lahat ng mga may puwesto sa gilid ng Pamilihang Bayan ng Tarlak ay papalayasin na at nakatakdang gibain ang kanilang mga puwesto kinabukasan. Ito raw ang utos ng Hari na nakatala sa Memorandum Circular 2019-121. Marami ang naalarma sa pabatid publiko. Marami ang nabahala kung saan na sila lulugar. Marami ang nag-isip kung paano na ang kanilang pamilya na sa mumong ganansiya lamang sa pagtitinda umaasa. Maraming katawan ang ngayo’y aligaga at hindi mapagsalubong ang katwiran ng utak at kalam ng tiyan! Bago magtapos nga ang nasabing buwa’y naganap ang inaasahan. Maagang dumating sa Pamilihang Bayan ang empleyado ng munisipyo, ang abugado at ang bando ng mga armadong pulis na may kasamang kalalakihan na nasasandatahan ng maso, bareta, martilyo, at kabra. Totoo ngang babaklasin na nila ang mga istruktura na ayon sa kanilang Hari’y iligal ang pagkakatayo. Nang mga panahong yao’y nasa palengke na nga si Aling Ason kasama ng kanyang mga panindang tinapa. Sa malas nga nama’y siya pa ang unang sinita. Sinigawan siyang umalis na sa kanyang kinapupuwestuhan kung ayaw niyang masamsam ang kaniyang mga paninda. Sa gulat ay hindi nakagalaw ang matanda at wala itong ibang naiganti kundi isang mukha na puno ng bagabag at pagmamaka-awa at tigalgal. Subalit bakal ang puso ng kanyang kaharap, linapitan lamang siya nito at hinablot nang malakas-pilit ang hawak nitong basket, na yari sa uway na puno ng tinapa. At dahil hamak na mas malakas ito sa matanda, bumagsak si Aling Ason kasama ng kanyang mga tinapa. Dahil mahina-hina na ang tuhod ay unang lumagapak ang mukha sa marumi-basang sahig ng
{20}
palengke, at nang i-angat ng matanda ang kanyang sarili’y tumambad sa madla ang duguan nitong ilong at bunganga. Nanginginig ang mga laylay na kalamnan nito habang lumuluha ang malabo na niyang mata. Usal niya sa may kapangyariha’y “ Parang awa niyo na, huwag niyong kunin itong aking paninda,” subalit ang tugon ng kaharap ay “ Katanda-tanda mo na’y hindi ka marunong sumunod sa batas! Mangmang! Hindi niyo na ba kami kinatatakutan?!” Akmang lalapit ang matanda subalit isang sampal-tulak ang kanyang natikman. At ang mga sumunod na pangyayari’y naging laman nga ng balita. Nang umaga ngang yao’y nangagsisayaw ang mga anino, nag-iskrimahan ang mga braso-kamaong may hawak na kutsilyo-itaktubo-kahoy, at umalimbukay sa mga kanal na tinangay naman ng hangin ang sanghaya ng dumanak na dugo ng mga anak ng araw. At bago nga lumubog ang araw at ganap na isilang ang takipsilim sa langit na siyang saksi, pinulot ang mga tadtad-warak-tumimbuwang na katawan ng mga mahihirap ng kani-kanilang mga kaanak. Ang isang katawang nakasubsob-basag ang bungo-butas ang leeg sa gilid ng latang basuraha’y ang naka-barong, naka-slaks, at naka-sapatos nang makintab na abugado. Walang pumapansin sa kanya maliban sa pulutong ng bangaw at langaw na sa kaniya’y nagpipiging.
{ 21 }
DAGLI
Piso
Arnel Bien Francisco 1 Message Received. Dali-daling binuksan at binasa ni Mang Nestor ang laman ng mensahe. ‘Tay, last day of enrollment na namin. Mag-enroll pa ba ako? Received 17:17 06/14/18 Isang libo pa, sabi ni Mang Nestor sa sarili. Matatapos ang araw at makukumpleto na niya ang pinagiipunang tuition ng anak na magdadalawang buwan na niyang binubuno. Kanina pa kumakalam ang tiyan niya dahil maaga pa lamang ay bumiyahe na siya para mamasada, kung kaya hindi na niya nahintay na makapaghanda ang asawa ng agahan. Kanina naman ay mabilis na lamang niyang tinapos ang pananghalian nang makabalik na sa pasada. Nang makarami sa pasada, sa isip niya. Nadaan ang ipinapasadang dyip sa tapat ng Jollibee at naamoy ang halimuyak ng bagong lutong Chicken Joy na nagsilbing hudyat ng panibagong pagkalam ng tiyan ng matanda. Bigla niyang naisip nang may pananabik ang nag-aabang na mainit na sabaw ng nilaga sa karinderyang pinapasukan ng asawa sa terminal bilang kusinera. Halos tapos na ang pasada para ngayong araw kaya masaya niyang kinuha ang kanyang lumang cellphone sa lalagyan at nagtype: Pauwi n q. kumpl2 n pambyad mo ng tuition nak. Kapapadala lang ng mesahe nang marinig niyang may biglang sumigaw sa loob ng dyip, ‘Holdap to!’ sabi ng isang binatilyo na halatang kabado dahil pumiyok pa ito habang sumisigaw. Nakasabit naman ang isa pang binata sa estribo, bantay upang walang makalabas na mga pasahero. Kasabay ng pagsigaw ng binatilyo ay siya ring paglabas ng ice pick ng katabi niyang lalaki. “Tuloy mo lang drive,” sabi ng binata habang nakatutok kay Mang Nestor ang patalim. Dagling kinuha ng lalaki ang kahon ng pasada na nasa harap ng matanda. Kaagad namang sinubukang agawin ng matanda ang kahon mula sa binata subalit isang kamay lang ang kaniyang magamit habang ang isa ay nasa manibela. “’Wag!” pagmamakaawa ni Mang Nestor habang nakakapit sa maliit na kahon. Subalit ayaw magpatalo ng binata. Iwinasiwas ng lalaki ang ice pick sa mukha ng matanda. Isa. Dalawa. Mintis. Ayaw pa ring bumitaw ni Mang Nestor kaya’t muling iwinasiwas ng binata ang patalim. “Aray!” bulalas ng matanda nag tumama ang ice pick sa kanyang pisngi. Biglang napahinto ang dyip at nagpulasan naman papalayo ang tatlong binatilyo tangay ang laman ng kahon at ibang pang mga gamit ng mga pasahero. Nanghihinang sinilip ni Mang Nestor ang kahon ng pasadang iniwan ng binatang may ice pick. Sa loob nito ay may nakita siyang piso at ang kaniyang lumang cellphone.
{22}
DAGLI
Kabado
Arnel Bien Francisco Buntis ako. Received 20:12 06/13/18 Wala pa ring maisagot si Jomar sa tila pasabog na mensahe ni Trixie sa kaniya kagabi. Hindi pa ‘ko handa. Mali. Mali ang lahat. Paubos na rin ang baterya ng kaniyang cellphone sa walang humpay na kakavibrate mula sa mga tawag ni Trixie sa kanya. Trixie - 36 missed calls Totoo, mahal ni Jomar ang dalaga subalit wala pa silang tatlong buwan na magkasintahan. Hindi rin planado ang nangyari sa kanila. Wala ang lahat sa plano. “‘Langya ka Brad, sigurado ka ba dito?” tanong ni Jomar habang itinatago niya ang maliit na lanseta sa loob ng kanyang jacket. Nang naglalabas kasi ng sama ng loob ang binate sa kaniyang mga kaibigan ay napagdesisyunan nilang dumilehensya kasama si Kiko, ang notoryus sa kanilang lugar pagdating sa panghoholdap sa dyip. Maya-maya pa ay sumakay na sila sa dyip na napili ni Kiko. Tulad nga nang napag-usapan, sumakay siya katabi ng drayber. Wala pang limang minuto at habang puno ang laman ng dyip ay sumenyas na si Kiko. “Holdap to!” sigaw ni Enok, halatang kabado dahil pumiyok pa ito, mula sa may pinto ng dyip. Agad namang itinutok ni Jomar ang dala niyang patalim sa drayber at mabilis nitong sinimot ang laman ng kahon ng pinamasada ng matanda. Paghinto nila sa stop light, dali-dali silang tatlong tumalon at kaniya-kaniyang tumakbo palayo ang grupo bitbit ang kaunting pera at barya mula sa lalagyan ng pasada. Habang tumatakbo ay nagpadala siya ng mensahe sa kasintahan: To: Trixie Nasaan ka? Magkita tayo. Sent 19:15 06/14/18
{23}
POETRY
When I think of pink, I think of you Arkin Frany
And the sound of your laughter sweeps across seas, takes the shape of coral reefs stretching from shoreline to shoreline, we wait for it to reach us. Remind those left here of your return, again, ready to ride out beyond the oceanfront. A margin, vulnerable like paper, its contents surrender to the sea’s infinite erasure. Despite distance, you leave your seashore smile, starlight eyes, petal feet, compass heart in a reliquary. These will do for now, for you, looking for brilliance, between the reckless and routinary, will find on your way home a soft blushing sunset waiting for the city to tire itself: a rose-colored world. As it should be. for Chloe
{24}
POETRY
Splinters Athina Bales
I watched as its fragments rest on the floor. Pale and nothing - dead. These pieces of the wooden jar speaks so much despite its non-existence: it’s the color of my lips, the broken poetry I speak it depicts how fragile the world is. I looked around for there are no more jars. I looked around only to be blinded with irrelevance. So I stared again, below. And I can’t help but think: Every splinter is an island of the country. And the dead jar is our culture with an unheard plea.
{25}
POETRY FOR CHILDREN
Science Learning
John Erickson Delovino, Grade 5 Observer, Ikalawang Palihang Lazaro Francisco Scientific learning is by doing Our teacher says each morning Focus on avoiding moments in boring All of us growing and scoring. Like sand and mud create a chemical reaction As this makes us strong and in action Despite the times, the answer is wrong Yet knowing our friends are there to give us a song. As young Novo Ecijano bragging tapayan TAngible Past that Youth is Able to Nap In chemicals of learning fixing a gap From the past and to the future avoiding overlap. The relics of the past molded us A better person of the future are in us Knowledge vessel makes us witty Every time the road of learning is jitty. So let us support one reproduction Making Novo Ecijano in one motion Learning together achieving one notion That makes us an excellent nation.
{26}
POETRY FOR CHILDREN
Math Bucket
John Joshua Delovino, Grade 6 Observer, Ikalawang Palihang Lazaro Francisco In an empty space Their eyes are in a maze Wondering and questioning What needs to bring. First day play Yet they feel dismayed As they saw her Giving them something to in despair. Day by day They understand and say Learning mathematics shall be in play So they will be gay. Ideal points means infinite As learning math is definite Though they wanted to quit They survive math with all their wit. Mud is like a bucket of math Sticky skill is a path That will surely last As mathematics learning is vast. Chasing drawings line by line Training and gaining time by time Answering problems more than nine Yet there are still fine.
{ 27 }
BIONOTES Neil Cirilo
Siya ay nagtatrabaho bilang content writer sa isang CPO company. Nagtapos siya ng Business Administration sa Central Luzon State University at dating estudyante-mamamahayag at Associate Editor ng CLSU Collegian, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng nasabing pamantasan. Nakapaglathala na siya ng mga akda sa Philippine Daily Inquirer, Liwayway Magazine, Philippine Panorama at Alpas Journal. Nakasamang mailimbag ang kaniyang sanaysay sa librong Young Blood 7: Anthology of Best Young Blood Essays (2016-2017). Siya rin ay ginawaran ng Campus Journalism Award noong nagtapos sa kolehiyo. Abala siya ngayon sa paghasa sa kaniyang kakayanan at paghanap ng mga oportunidad sa larangan ng pagsulat at panitikan.Si Neil ay tubong San Leonardo, Nueva Ecija. Maaari siyang makausap sa Facebook sa ngalan na Neil Cirilo.
Arthur Allen P. Baldevarona
Isang 26-anyos na guro ng Agham sa Rizal National High School sa Rizal, Nueva Ecija na nakapagtapos ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in Physical Science. Nagsimulang magsulat noong ikatlong taon niya sa kolehiyo at mula noon, minahal na niya ang paglikha ng mga kwento’t pag-aagam-agam sa pamamagitan ng personal na essay. Naging fellow siya ng Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop noong taong 2018 sa San Jose City, Nueva Ecija. Tubong Lupao, Nueva Ecija
Maria Fatima Cerva
Is a former campus journalist who served as the Filipino Feature Editor of their school paper during High School. Decided to pursue her passion in writing, she took up AB Language and Literature at Central Luzon State University. During her college days, she became a part-time writer of Precious Pages Corporation under the pen name Fatima O’Hara. She employed the same pen name when she contributed on the Facebook pages called Papel and Sobrang Short Stories which became her outlet to share her poems, short stories, and flash fictions to the public. In the present, she is a Senior High School teacher at Good Samaritan Colleges. She plans to pursue Psychology in the near future.
RB Abiva
Si RB Abiva o RBA ay awtor ng tatlong libro ng mga tula at isang libro ng mga piling maikling kuwento at dagli. Fellow siya ng 58th University of the Philippines National Writers Workshop (Tula) ng Institute of Creative Writing (ICW) ng UP- Diliman, at ngayong tao’y nasungkit niya ang Ikalawang Gantimpala sa SANIATA PRIZE. Maaring makita ang kanyang mga malikhaing katha sa National Library of Australia, National Bookstore, Popular Bookstore, UP Bookshop, UP LIKHAAN Library, UP Baguio Library, at Mt. Cloud Bookshop. Siya ang tagapagtatag ng Samahang Lazaro Francisco.
{28}
Arkin Frany
Arkin Frany works as a corporate information officer and specializes in public relations for a private energy utility provider based in Cabanatuan City, Nueva Ecija. He also does freelance work online for graphic and page design, content creation and management, and basic journalism and creative writing tutorials. He also gives a wide range of journalism skills training to high school students in Nueva Ecija. This year he started the Summer Editorial and Feature Writing Workshop, a free workshop for campus journalists and emerging writers in the province. He spends his weekends in his leaky apartment with his four cats, Rilke, Ryokan, Rumi, and Rimbaud.
Athina Bales
Si Athina Bales ay isang mag-aaral sa Wesleyan University-Philippines na kumukuha ng kursong AB Communication, na kung saan siya rin ay ang kasalukuyang Literary Editor ng Genre, ang Sentral na Publikasyon ng Unibersidad. Siya ay tubong Pantabangan, Nueva Ecija.
John Erickson Delovino
John Erickson V. Delovino is a student of Grade V – Section 1 at Cabanatuan East Central School and a consistent honor student. He is the Winner in Science Investigatory Project during the District 1 Science Fair 2019. He won Mr. Lakan 4th Runner during the celebration of Linggo ng Wika and Mr. A1 Child during the Nutrition Month celebration in their classroom. He loves to sing, dance, and play badminton. He aspires to become a scientist someday.
John Joshua Delovino
John Joshua V. Delovino is a Grade VI – SPED for the Gifted student at Cabanatuan East Central School. He is a consistent honor student from grade 1 to present and received various awards in Mathematics and Science at district, division, and national levels. He has also received a Bronze Award and became a qualifier for Thailand International Mathematical Olympiad. He aspires to become an Engineer in the future.
Arnel Bien Francisco
Mula sa Jaen, Nueva Ecija, si Arbie ay isang CPA na nagtapos ng kanyang BS in Accountancy sa Wesleyan University – Philippines sa Lunsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija at ngayon ay nasa mga huling bahagi na ng kanyang Ph.D. in Business Administration sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Nagsimula siyang magsulat bilang isang student journalist mula high school hanggang kolehiyo kung saan nakapagbahagi siya ng mga maikling kwento at mga tula sa kanilang mga inilalabas na mga babasahin. Kasalukuyan siyang sumasailalim sa mga workshop tungkol sa malikhaing pagsulat bilang isa sa mga kandidatong kasapi ng KATAGA (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.) - Quezon City Chapter. Isa rin siyang bahagi ng Nueva Ecija Art Community at kasalukuyang tagapangulo ng GUHIT Pinas Nueva Ecija na naglalayong isulong ang sining sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija.