Gasera ang sentral na tema ng koleksiyong ito, at madaling maunawaan [na para bang sasaluhin naman agad ng pailalim/paloob na ulo ng akda, Wika ay Laya]. Kung may gasera ay malamang sa malamang ay may apoy. Pwede rin namang wala itong apoy. At bakit may gasera? Sapagkat sumasapit ang dilim. Ang pandemya ay isang uri ng dilim. Mas masahol pa’y tinatawag nito ang diyos ng mga peste. Tama. Ng mga peste.