TULA
Ang Piping Saksi Neil Cirilo
Tabingi— ngunit panatag sa ibabaw ng baku-bakong lupa habang naghihintay sa grasyang dulot ng ulan, sa tapat ng alulod ng lumang tahanan. Ang piping saksi sa apat na musmos, pamumukadkad, pag-usbong, habang kanilang iniikut-ikutan, suot ang kapaslitan, habang naghahabulan, hanggang ang araw ay nanahan sa kanluran, habang yapos ng at ang ingay ng bakuran, pawis, at kapagalan sila’y pahuhupain lamang ng ‘di inaasahang buhos ng ulan. Ang piping saksi sa walang hanggang pagpapalit ng apat na paslit, pagbisita ng mga mga luha’t tawanan, sa walang hanggang pagbalik, at pag-ukilkil ng mga memorya ng magkabilang dulo at sala-salabid na daan sa gitna ng kasalukuyan at nakaraan, Naroon, payapa sa tapat ng alulod ng lumang tahanan.
{5}