SARO 2: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO

Page 5

INTRODUKSIYON Ang Napapanahong Pagsibol ng (mga) Bagong Dugo Wala pang isang quarter ay agad nasundan ang Unang Palihan ng Samahang Lazaro Francisco na ginanap lamang sa isang apartment ng isa sa mga kasapi ng samahan. Nakakatuwang ang naging laman ng usapan noong Agosto 21 ay naging isang katotohanan. Isang palihan ang naikasa ng samahan sa tulong na rin ng Lazaro Francisco Foundation, Masonic Lodge 53- Cabanatuan City, at mga kaibigang manunulat at nagmamahal sa wika at panitikang Filipino. At ang bunga ng nasabing dalawang araw na paghahagis ng butil at pataba sa mga obra ng mga kalahok na manunulat ay naririto na sa inyong palad at dulang. Handa na nilang ipatikim ang bunga ng kulang dalawang araw na sagupaan ng ideya at praktika sa malikhaing pagkatha. Isang nahahawakan, nakikita, naaamoy, at nalalasahang diyornal pampanitikan sa ilalim ng SARO isyu 2 at 3. Isang panandang-bato ang ngayo’y muling naitirik sa dibdib ng santinakpan. Nahahati sa dalawang kategorya ang isyung ito ng SARO, at masasabing espesyal sapagkat ang buong edisyon ay nahahati-hinahati ng mga obrang mayroong rektang plot o naratibo sa buhay rural at urban. Kaya naman, masasabing may likas na kahusayan ang walong writing fellow ng Ikalawang Palihang Lazaro Francisco. Sa anong pamamaraan, tiyak kong malinaw itong masisipat ng mga mambabasa sa sing linaw ng tubig sa mga pitas ng Jaen, Rizal, at San Leonardo nilang mga katha. Sa kabilang banda nama’y sing halimuyak ng usok at basura ng Cabanatuan ang pait, hapis, at himagsik ng mga panitik na kung sisipating maigi’y nanunulay sa pagitan ng naturalismo at realismo. Aba! Malalapit-lapit na sa social realism ni Lazaro Francsico! Sa dalawang kalipunang ito’y mababanaag ng mga millennial ang kariktan at matulaing diwa sa mga tula ng mga makatang sina Cristobal Alipio, Neil Cirilo, at Athina Bales. Kaiba itong tatlong makatang ito, tahimik, madulas, mabigat, mapaglimi, at palihim ang kanilang talinghaga at kataga kung umasalto. At dito sila naiiba sa mga spoken word artist. Sa kabilang dako nama’y dadalhin tayo ng mga kuwentistang sina Arthur Allen Baldevarona, Andy Feje, Fatima Cerva, Ron Santos, Arbie Francisco, at Jerwyn Labagnoy mismo sa malupit, mapanlinlang, nakakatakot, at puno ng pagnanasang mundo ng mga homo, ispirito, at engkanto. Baliw ang mga manunulat na ito. Kaya nilang hatakin ang nakaraan sa kasalukuyan at isampal sa ating pagmumukha ang mukha ng isang hinaharap. Dagdag pa, kitang-kita ang kanilang kahusayan sa malikhaing pagtatala. Kaya naman, nagmimistula silang mga historyador ng kani-kanilang lugar at panahon. Sa ganang akin, ang komposisyon ng mga makata at manunulat na ito’y waring ipuipo na may ipon at hindi mapagtimping pagtuligsa at paghamon sa namamayaning ordeng politikal, ekonomikal, at ispiritwal. Iba ang talas ng kanilang mata, puso, at kamay. Marapat ngang igawad sa kanila ang titulo bilang makata at kuwentista ng kanilang panahon! Ang isa sa kahanga-hanga, kasama sa kalipunang ito ang mga malikhaing katha ng mga dumalong observers na mula pa sa elementarya at sekundaryang lebel ng akademya, at ito malamang ang

{3}


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SARO 2: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO by Rene Boy Abiva - Issuu