Matapos maranasan ng Flames ang “new normal education system, pinulsuhan namin sila kung “Kumusta ba ang first semester mo?”
“My first semester was surprisingly okay. Really didn’t learn much in our online classes, at that time I guess online classes aren’t meant for me. I was comfortable while I finished my schoolwork since we got to stay at home due to the pandemic. I stayed positive most of the time with the exception of me stressing over our capstone project. I didn’t have much of a problem with remote learning aside from some of my modules being unorganized. Having the necessary resources definitely helps in regard to online learning, I imagine it’s more difficult for those who don’t have these things available. It all just depends on the circumstances, and how you approach the situation I guess.” - Marc Llarenas, CITE “My 1st semester was a slap in the face, it was a time wherein I had to ad-
just everything. While it was still like summer break and other schools were already having their classes, my perception was to be always on top of my work, like being quick in doing my homeworks and understanding lessons, but then the classes started to happen and I was lost; it was harder than what I expected it to be. It was like a reality check. Seeing my other classmates doing good in class while I was doubling my efforts and my grades are still lower than them. My first semester wasn’t a happy experience, the only thing that I’m happy about is that it’s about to end. Being mentally strong was really the way to be able to overcome those problems, with the help of friends like I’m still having a hard time but I am surviving.” - Miguel Karlo Coquia, CAS “As much as other students have struggled with this new mode of learning, at first, I also had a hard time. One of
6
the struggles I had to face was to maintain my focus during the class. I could not understand why after all my classes, I felt exhausted when I was just sitting in front of my device. Learning is as not as easy, as usual. I did not expect that it will be physically and mentally tiring. Bur I learned a lot. Modular and online classes are indeed a good combination. It was good that we were able to reach our instructors, who are considerate of their students’ situation, in cases where there were points we could not understand in the modules. The printed lessons also helped a lot. It was not easy and far from perfect, but my first semester went as good beyond what I expected.” - Lianne Ruth Pagaduan, CSS “My experience in our current setup is quite easy and convenient. But some factors also make it hard sometimes. First is the internet connectivity issue.
Not all students have the privilege to avail fast internet promos so other rely on prepaid loads. Second is the power connection, which is unstablesometimes. We dont know when or what time our electricity provider will cut the power. Everyone encounters it for sure. Third is the annoying noise coming from outside. For example birthday parties, pets, and vehicles passing through. Overall, it was a nice setup even though we have those issues mentioned above. But for me I still prefer coming to school.” - Dale De Guzman, CITE “Adjusting to the setup was harder than I expected it to be and I think it is not as productive specially when doing group projects. But given the circumstances, I think it is the safest way but then I still prefer the traditional learning or the face-to-face classes.”
Sakit na ‘di bago Kung sinong takbuhan natin kung sakaling tamaan ng Covid, sila pa ‘yung agrabyado. Naiintindihan ko naman na hindi maiwasang mailang kapag may nakasalamuhang doktor sa daan o nakasakayan sa jeep na nurse dahil natatakot tayong magkaroon ng kontak sa kanila. Ngunit hindi naman required na pandirian at sabihan sila ng masasakit na salita, ‘di ba? Hindi nalalayo riyan ang karanasan ng ilan sa ating PHINMA University of Pangasinan (UPang) alumni na ngayon ay med-
‘‘
malaki ang tyansa ng “infection control” kaysa gumala pa paglabas. Ayon naman kay Jen Ferrer, na isa ring alumna ng PHINMA UPang na nagtratrabaho na ngayon sa Asian Hospital and Medical Center (AHMC), ibang-iba ang karanasan at pakiramdam ng pagiging isang medical frontliner ngayon at noon bago pa magkaroon ng pandemya. Kung noon ay mas madali ang daloy ng trabaho, ngayon ay mas mabigat na sa rami ng pasyente na nagdudulot na rin sa kanila ng pagod sa pisikal, emo-
Ngunit may kurot pa rin sa puso na sa mahigit isang taon ay halos wala silang sapat na pahinga, proteksyon, at pisikal na kalinga ng pamilya samantalang ang ibang pasaway ay nagpapakasasa sa paglabas ng bahay dahil lang sawa na raw silang makulong sa bahay. Lalabas nga nang may mask pero nakababa o nakasabit lang sa tenga, ayaw sundin ang physical distancing, tuloy ang “happy happy” with friends. Wow! Ang lalakas naman pala ng guardian angels!
ical frontliners na. Bago pumasok si Carlo Bernardino para sa kanyang night duty sa isang ospital sa Alaminos, Pangasinan ay bumili muna siya ng hapunan sa isang fast food chain, suot ang kanyang scrub suit. Aniya, napakasakit tumingin g ibang tao, para bang nais siyang paalisin sa lugar na ‘yun. Dagdag pa niya ay mas mainam nang bumili ng makakain bago pumasok ng ospital dahil mas
“Para sakin naging mahirap kasi mas nasanay akong face to face ang klase at may natututunan talaga. Though I’m not saying na wala akong natutunan because of online class na, meron pa rin pero hindi ganun sa gusto kong way of learning talaga. In short naging mahirap sakin pero kinaya. Habang lumilipas ang araw narerealize ko na hindi masaya yung ganitong klaseng set up sa pag aaral. At nakikita ko na marami sa kapwa ko studyante na nawawalan ng gana magaral Lalo ang mga studyanteng walang magamit pang online class Mabagal din ang internet connection during online discussion. Minsan hindi ko maintindihan kung ano ang dinidiscuss ng instructor. Madalas, self study na lang.” - Marian Joy Urbano, CMA
VIEWS
September 2020 - January 2021 | Vol. XXVIII Issue No. 1
B
uong akala ng marami ay parehas pa rin ang magiging buhay natin ngayong taon- papasok nang maaga sa eskwela, overtime sa trabaho, inuman sa kanto; lahat ‘yan ay nabago sa isang iglap. Ang Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus-2 (SARS-CoV-2) ay ang pangalang ibinigay sa bagong sangay ng Novel Corona Virus. Covid 19 naman ang tawag sa sakit na nauugnay sa nasabing virus na nagsimulang kumalat noong December 31, 2019 sa Wuhan, China bilang isang outbreak, at idineklarang Public Health Emergency of International Concern ng World Hearlth Oragnization (WHO) noong January 30, 2020. Ayon sa ulat ng Medical News Today, may apat na lebel ng Covid 19: Una ang Asymptomatic, o ‘yung kapag carrier na pala ang isang tao ng virus ngunit hindi nagpapakita ng sintomas. Pangalawa ang Mild to moderate symptoms, na ibig sabihing ang pasyente ay nakararanas na ng lagnat, matinding pagod, at ubo. Pangatlo ang Severe cases, ‘yun ay kapag ang pasyente ay may mataas na lagnat na at hirap sa paghinga. Panghuli naman ang Critical cases na nagdudulot ng sepsis, respiratory failure, at organ failure na maaaring ikamatay ng pasyente. Alin man sa mga ito ay nakakatakot na maranasan, hindi lamang ng pasyente, ngunit pati na rin ng ating frontliners na direkta ang kontak sa virus. Nakakamangha na sila ang may trabaho ng pag-asikaso at paggamot sa mga tinamaan ng Covid. Modern heroes pa nga kung ating tawagin. Ngunit may kurot pa rin sa puso na sa mahigit isang taon ay halos wala silang sapat na pahinga, proteksyon, at pisikal na kalinga ng pamilya samantalang ang ibang pasaway ay nagpapakasasa sa paglabas dahil lang sawa na raw silang makulong sa bahay. Lalabas nga nang may mask pero nakababa o nakasabit lang sa tenga, ayaw sundin ang physical distancing, tuloy ang “happy happy” with friends. Wow! Ang lalakas naman pala ng guardian angels! Kung tutuusin, malilit lamang iyon na bagay na pwede nating gawin hindi lang para sa sarili ngunit para na rin makatulong sa mga frontliners na nagpapakahirap iahon ang bansa natin mula sa krisis na ito. Pero hindi eh. Mas lalo lang nating pinapabigat ang trabaho nila. Alam niyo pa ang mas masakit?
- Romel Pidlaoan, CITE
‘‘
syonal, at sikolohikal na aspeto. Kailangan na ring full gear ang pagsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) upang malimitahan ang exposure sa virus at iba pang mapanganib na salik. Naranasan na rin niya ang diskriminasyon sa loob mismo ng ospital gaya ng paglayo ng ibang tao sa kanya habang nasa elevator, o kaya nama’y pagkatakot at tuluyan nang ‘wag sumabay.
Alam niyo bang hindi lang mga doktor, nurse, medical technologists, pharmacists, at police at military officers ang dapat ituring na frontliners? Sa likod ng mga face mask ay nandiyan ang janitors, waste and garbage collectors, utility and maintenance workers, bank tellers, security guards, food and parcel couriers, morticians, barangay officials, at transportation operators upang tumulong sa paghahatid ng pangagailangan ng marami ngayong wala tayong kakayahan gawin ang mga normal na mga lakad natin. Ngunit marami rin sa kanila ang biktima ng pangmamaliit, diskriminasyon, at panloloko. Eh alam niyo rin ba na may karampatang parusa ‘yan? Ang house bill 6817 ay inaprubahan noong June 2, 2020 na nagsasaad ng karampatang kaparusahan sa mga gagawa nito sa frontliners; mula healthcare and essential service workers hanggang sa responders at volunteers. Kapag napatunayang nangharass o nanakit nang pisikal, makukulong ka lang naman ng isa (1) hanggang sampung (10) taon o multang dalawang daang libong Piso (P 200,000) hanggang isang milyong Piso (P 1,000,000). Kapag napatunayan namang nangdiskrimina at tumanggi ka na parangalan ang wasto at umiiral na mga kontrata ay pwede kang makulong ng anim (6) na buwan hanggang limang (5) taon o multang limampung libong Piso (P 50,000) hanggang limang daang libong Piso (P 500,000) Ang mas mainam na gawin ngayon ay tulungan na natin silang mapagaan ang kanilang pasanin tutal makikinabang naman tayong lahat. Sabi nga nila, “Prevention is better than cure” kaya laging isuot ang face mask/ shield, maghugas ng kamay sa loob ng dalawampung (20) segundo, palakasin ang resistensya, at higit sa lahat ay ‘wag itatanggi sa otoridad ang pagkakaroon ng sintomas. Ang mga pag-uugaling ito ay nakakapit na nang mahigpit sa budhi ng tao noon pa man. Palaisipan nga kung kailan kaya tayo gagaling? Cut the stigma. Walang karapat-dapat sa diskriminasyon, lalung-lalo na sa panahon ng krisis. Hindi kailanman magiging sapat na dahilan ang pagiging isang frontliner upang malayo ang loob natin sa isa’t isa at pagmulan ng pagtatangi at pagkakahati ng pagtingin sa kapwa.