3 minute read

Sakit na 'di bago

Sakit na ‘di bago

Advertisement

Kristine Joy S. Nool

Buong akala ng marami ay parehas pa rin ang magiging buhay natin ngayong taon- papasok nang maaga sa eskwela, overtime sa trabaho, inuman sa kanto; lahat ‘yan ay nabago sa isang iglap. Ang Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus-2 (SARS-CoV-2) ay ang pangalang ibinigay sa bagong sangay ng Novel Corona Virus. Covid 19 naman ang tawag sa sakit na nauugnay sa nasabing virus na nagsimulang kumalat noong December 31, 2019 sa Wuhan, China bilang isang outbreak, at idineklarang Public Health Emergency of International Concern ng World Hearlth Oragnization (WHO) noong January 30, 2020.

Ayon sa ulat ng Medical News Today, may apat na lebel ng Covid 19: Una ang Asymptomatic, o ‘yung kapag carrier na pala ang isang tao ng virus ngunit hindi nagpapakita ng sintomas. Pangalawa ang Mild to moderate symptoms, na ibig sabihing ang pasyente ay nakararanas na ng lagnat, matinding pagod, at ubo. Pangatlo ang Severe cases, ‘yun ay kapag ang pasyente ay may mataas na lagnat na at hirap sa paghinga. Panghuli naman ang Critical cases na nagdudulot ng sepsis, respiratory failure, at organ failure na maaaring ikamatay ng pasyente. Alin man sa mga ito ay nakakatakot na maranasan, hindi lamang ng pasyente, ngunit pati na rin ng ating frontliners na direkta ang kontak sa virus. Nakakamangha na sila ang may trabaho ng pag-asikaso at paggamot sa mga tinamaan ng Covid. Modern heroes pa nga kung ating tawagin.

Ngunit may kurot pa rin sa puso na sa mahigit isang taon ay halos wala silang sapat na pahinga, proteksyon, at pisikal na kalinga ng pamilya samantalang ang ibang pasaway ay nagpapakasasa sa paglabas dahil lang sawa na raw silang makulong sa bahay. Lalabas nga nang may mask pero nakababa o nakasabit lang sa tenga, ayaw sundin ang physical distancing, tuloy ang “happy happy” with friends. Wow! Ang lalakas naman pala ng guardian angels! Kung tutuusin, malilit lamang iyon na bagay na pwede nating gawin hindi lang para sa sarili ngunit para na rin makatulong sa mga frontliners na nagpapakahirap iahon ang bansa natin mula sa krisis na ito. Pero hindi eh. Mas lalo lang nating pinapabigat ang trabaho nila.

Alam niyo pa ang mas masakit?

Kung sinong takbuhan natin kung sakaling tamaan ng Covid, sila pa ‘yung agrabyado. Naiintindihan ko naman na hindi maiwasang mailang kapag may nakasalamuhang doktor sa daan o nakasakayan sa jeep na nurse dahil natatakot tayong magkaroon ng kontak sa kanila. Ngunit hindi naman required na pandirian at sabihan sila ng masasakit na salita, ‘di ba? Hindi nalalayo riyan ang karanasan ng ilan sa ating PHINMA University of Pangasinan (UPang) alumni na ngayon ay medical frontliners na.

Bago pumasok si Carlo Bernardino para sa kanyang night duty sa isang ospital sa Alaminos, Pangasinan ay bumili muna siya ng hapunan sa isang fast food chain, suot ang kanyang scrub suit. Aniya, napakasakit tumingin g ibang tao, para bang nais siyang paalisin sa lugar na ‘yun. Dagdag pa niya ay mas mainam nang bumili ng makakain bago pumasok ng ospital dahil mas malaki ang tyansa ng “infection control” kaysa gumala pa paglabas.

Ayon naman kay Jen Ferrer, na isa ring alumna ng PHINMA UPang na nagtratrabaho na ngayon sa Asian Hospital and Medical Center (AHMC), ibang-iba ang karanasan at pakiramdam ng pagiging isang medical frontliner ngayon at noon bago pa magkaroon ng pandemya. Kung noon ay mas madali ang daloy ng trabaho, ngayon ay mas mabigat na sa rami ng pasyente na nagdudulot na rin sa kanila ng pagod sa pisikal, emosyonal, at sikolohikal na aspeto.

Kailangan na ring full gear ang pagsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) upang malimitahan ang exposure sa virus at iba pang mapanganib na salik. Naranasan na rin niya ang diskriminasyon sa loob mismo ng ospital gaya ng paglayo ng ibang tao sa kanya habang nasa elevator, o kaya nama’y pagkatakot at tuluyan nang ‘wag sumabay.

This article is from: