
2 minute read
Tikom at tango lang ang gusto
Tikom at tango lang ang gusto
Trixie Ann C. Bautista
Advertisement
Hanggang kalian ba tayo tututulan sa tuwing tayo’y magsasalita? Ilang beses pa ba nila aatakihin ang kalayaan nating makapagpahayag ng nais nating iparating lalo na sa gobyerno? Ano bang gusto niyo? Tikom at tango na lang ba?
Tikom at tango. Ito ang gusto ng mga nakaupo dala ng ang gulo-gulo na nga ng mundo dala ng pandemic na ito. Reklamo rito, reklamo roon. Ang daming hinahanap, lalo na yang mass testing na yan. Kaya siguro nagpapasa sila ng bill para naman manahimik nalang tayo. Sino bang hindi matatakot, kung mabagsakan ka ng bukong inuuod? Nagpa-mass gathering sa panahon ng pandemya, at may debutanteng nagpa-tarp?
Talagang sisigaw ka na ng mass testing. Kaso, gan’un talaga, Anti-Terrorism Act of 2020, para sa kapakanan ng lahat. Kalusugan rin naman namin, kapakanan din naman ng lahat ‘yun hindi ba?
Tikom at tango. Minsan personal akong nagtataka dala ng mga nagsilitawang “dummy accounts” na nakapangalan sa akin at sa iba pang kapangalan ko. Para saan ba ang mga ito? Para ba sa paninira dahil kasama na ang Facebook posting sa maaaring sakupin ng bill na ‘to?
Ilan sa mga rason ay pwedeng “sikat”, pwedeng kilalang hindi pabor sa ilan sa mga galaw ng mga pulitiko, pwede ring nakisali sa online petition na #Junk- TerrorBill, o pwede ring gawa-gawa lamang dahil uso? Ang daming rason pero isa lang ang gusto. Sa bawat galaw, itikom mo lang ang iyong bibig, at ika’y tumango.
Tikom at tango. Para sa selebrasyon ng Araw Ng Kalayaan, nagkaroon ng protesta ang ilan sa mga taong gigil na gigil i-junk ang bill na ito, ang grand mananita. Iba nga lang ito sa mananita nung nakaraan, may social distancing kasi dito, doon wala.
Sa panahon ngayon nag-iiba na ang depinisyon ng terorista o terorismo. Kung noon ito yung mga armadong nagpapaulan ng mga baril at bomba, ngayon kasama na rin ang mga gumagambala sa . Bakit ka nga ba kasi mag-iingay ngayon kung nananahimik ka lang noon? Ika-nga nila.
Hindi nakakatakot ang salita ng sinuman, dahil mas nakakatakot ang katotohanan ng kasalukuyang maaaring magmulto sa ating kinabukasan. Kung kaya’t bakit ka titikom at tatango sa maling gawa ng nakaupo sa pwesto? Natural ang paglalahad ng opinyon sa masa. Natural din naman ang sumang-ayon o sumalungat. Ang hindi natural, yung selective application ng batas.