14 minute read

Manhole Ahead

Next Article
One Way

One Way

Article by: Prince Vincent Cano | Artwork by: Venessa Mendoza

I fell into complacency of life not knowing the depth of its burden. Is innocence a bliss? ***

Advertisement

Saturday, January 19, 2019

While boarded inside a public vehicle,I received a text from my mom, around 7pm which read,“Maglinis ka ha bka uwe nko mya pagka ubos ng dugo na cnasalin skn,” excuse the ‘jeje’ style of text but, since I quoted my mom’s message, let’s just leave it that way.

Mom was already complaining the pain in her lower abdomen days prior she was admitted to the hospital, though, she was only rushed a day before I received the message. And it sucked because during that time, I was in the company where I was rendering my internship training.

I wish I was there you know.

But I wasn’t.

My 45 year-oldmom thought that, what she felt might be a sign of aging. That’s what I believed too, but then, nobody knew until she was hospitalized.

She said she was diagnosed due to over bleeding coming from her menstruation and that one of her internal organs malfunctioned. I couldn’t exactly recall what her illness was or what it was called but, I know she had to live with it for the next years of her life.

“Man, it will be expensive to live with illness. The maintenance of medication would be a certain pain in the pocket,” I thought.

After spacing out for a long whileI suddenly shouted,“Para ho!”,then the jeepney driver stopped five meters away from the street where I had to ride a tricycle going home.When I dropped off, I told myself, “Perks of having reverie at night.”And there was no choice but to walk back. As I slowly stepped my feet, only darkness enveloped the whole placeas the street lamp nearest to where I was standing wasn’t working then, a wild wind suddenly blew.

For some strange reason, I got scared though, I didn’t exactly know why. Maybe because I tried to hallucinate a scene from a horror movie where the killer would approach me and gouge out one of my eyes. But then, I still cleared my mind from anything else aside from one thing: Considering the jacket I was wearing, why did it seemed weird that certain coldness embraced me down my spine. Imagine the cold bullet sweats we could emit when we would try to hold our poop from letting out. What I felt was more than that.

However, I shrugged off the feeling and rode a tricycle heading home.

There were only two of us in the house – me and my mom – that was why nobody greeted me as I opened the door since she was in the hospital. It was already 8pm and the ticking of the clock was the only sound bearable to be heard, hovering our humble abode.

I had two siblings but I didn’t live with them as my parents decided to separate when I was three. And one of the curses of having a broken home was that, the children also got to separate with each other.

And I hated that. I didn’t know if what I hated was the fact that we’re all far from each other or the reality that I was always alone every time I open the doorof our house. Somehow, I wanted someone to greet me when I would come home. I hated the feeling.

I hurried to my room and changed my clothes then I receivedagain, a text from my mom, “Bok wag mong sabihin sa ate mo ha, tska na pag ok nko, plz pray for me anak, slmat,”

Usually, I never cared about anything even my relationship with anyone: my parents, siblings, instructors, and temporary friends, but this time, tears fell slowly from my eyes racing against each other down my cheeks. The feeling was an unknown to my heart, yet, it was digging a hole to my being.

I scratched my eyes a little as I wiped my tears with my right hand hoping the mild sadness would fade. I did not even mind if my hand smelled metal-rust which I think I got from the handle bar of the jeepney earlier.

It was 8:33 PM in the clock when I opened the TV, not to watch but to hear something ‘cause it would give me comfort whenever I was home alone. It made me believe like I was with someone. To further relax my muscle, I did some chores like washing the dishes, sweeping and mopping the floor, folding the clothes I washed earlier in the morning, and cleaning the bathroom. I did these things to kill time and I think I won. The feeling I had earlier seemed to subside.

I was about to pull a pitcher from the fridge when I heard another beep from my phone in the living room.

“Pivs, punta ka bukas sa pub?” it was from one of my co-staffers.

“Yah,” I replied curtly. I was not interested into anything right now unless it was about my mom or her condition or her bills or… *I sighed a deep and exhaled long

I expected a message from my mom but I didn’t receive one. I just wanted to know how she was doing and how she was feeling, most important was, I should be at her side

I sat on the sofa, turned off the TV and contemplated about how my life.

First,

“Bka hihiram muna ako ng pera kay ate Vergie.”

When I asked her about bills, she said it accumulated to Php 58,000.

Damn, where were we going to get that amount of money? My thought loitered on that idea for a long while as she texted right away, “Bhala na, bka sanla motor.”

Since I would always go with the flow and if good things could happen, I could be okay with it but, if bad things would happen, I would always find a reason to escape.

On my head, there was nothing but a resounding silence. A loud silence.

I calmed myself, stared blankly at the ceiling and played my favorite song of all time.

“When I was younger, I saw my daddy cried and cursed at the wind”

I couldn’t blame my parents why they broke up

“He broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it”

“And my mama swore that she would never let herself forget”

“And that was that the day that I promised I never sing of love if it does not exist”

“Well, darling you are the only exception”

Syntax

I received the text

Internalized

I cleaned the house

Played the only exception

Waited, slept on the couch, no one came.

No one came.

Knowing the ugly reality was painful yet, it would allow you to discern on how to move forward.

I fell into complacency of life not knowing the depth of its burden. Is innocence a bliss?

I would say no.

Because knowledge is a gift.

The Great Pretender By: Marie Dominique Oña

I tend not to care As I believe, silence is a virtue Experiences always prevail Making me a more careful citizen Who does not jump on the other side To not see the future But when that came, I have realized that I should care On life’s premises, I will not handle the compromises ‘Cause I was just afraid.

stop light

Article by: Danka Angela Lim | Artwork by: John Carlo De Torres

Bumaling na ‘ko sa mga kasama ko sa loob. ‘Di ako mapakali, kala mo’y magjojowa ang mga sasakyan sa kahabaan ng kalsada ng Lipa, pero siyempre mas nanaisin ko nang mag-break sila sa mga oras na ‘to, gahol na ‘ko e. Sa may kaliwa ko’y kitang-kita ko ang magkasalubong na plakadang kilay ni ate habang gigil na nagpipipindot sa kanyang selpon. Samantalang mukhang ito namang dal’wa sa harap ko ay ‘di ramdam ang trapik. Todo pa ang yapusan na ‘kala mo nama’y sweet tignan, maigi-igi sana kung ‘di parehas talaba e.

Napabalikwas ako mula sa pagkakayakap sa pers taym nang ma-no bitin clean na bolster pillow ko, susulitin ko sana paniguradong ako’y gahol na. Minsan lang kasi makapaglaba si nanay, mas abala pa kasi itong mamasada kesa mag-asikaso sa gawaing-bahay. ‘Di ko batid kung ano na ang eksaktong oras basta ‘pag maliwanag na’t ustong-usto nang manakit ng init ay paniguradong tatanghaliin na ‘ko.

Mahilo-hilo akong tumayo at kahit nandidilim pa ang paningin ay dinampot ko na ang tuwalyang nakasampay sa may headboard ng aking kama. Kumaripas na ‘ko agad sa banyo kahit nagdadal’wang-isip pa kung kakayanin kong mapatakan man lang mula sa inimbak na tubig noong nakaraang gabi.

Pinasadahan ko muna ng sipilyo ang ngipin ko, mga ilang kiskis lamang dahil ang mahalaga lang naman sa aki’y maglasang menthol ang bunganga ko. Hindi naman siguro ako tatanungin ng driver ng jeep kung matagal akong nagsipilyo o kung ginalugad ko man lang ang kasuluksukan ng aking gilagid tutal ‘di naman iyon ang sukatan kung makaka-avail ako ng diskwento o hindi.

Pagkatapos ng ilang minutong buhos sabay hiyaw sa loob ng banyo’y lumabas na ‘kong naka-turon ang pantapis at nakapulupot sa’king buhok ang tubal kong t-shirt.

“Naku naman kinuha pala ng kuya mo yung pera ko,” pagkalabas ko pa lamang ay umatungal na ang nanay ko habang tinataktak ang maliit na latang walang laman. Nagbabakasakaling may mahulog na pera.

Nasanay na ‘ko na gano’n ang aming umaga kaya’t ‘di na ‘ko tulad ng dati na aligagang naghahanap sa ila-ilalim ng mga silya sa bahay sa tuwing mawawalan ng pera. Tsaka panigurado namang lalapit ‘yan kina Aling Leona makabuo lamang ng pambaon ko sa araw na ito.

‘Di ako nagkamali, bago umalis ay binigyan ako ng orasyon ng aking ina – ang ubeng papel. Maigi na lang talaga’t mahal ako ng nanay ko kahit papa’no. Kaunting lakad lang mula pagkalabas ng aming pinto’y may mga dumaraan nang mga dyip. At dahil mukhang sobrang aga ko na para sa pangal’wa kong subject, minabuti ko nang pumara sa dumaraan. Pumasok na ‘ko at sumiksik kahit isang pisnge ng lang ng puwet ko ang kayang lumapat. . Kung pwede lang sanang 5% na lang ng pamasahe ang ibayad ko o sana’y may bumaba naman agad para naman ‘di luge ang otso ko, unfair naman kasi kung pare-parehas kami ng binabayad gayong ‘di pantay ang serbisyong matatanggap ng bawat

pasahero. Napalinga ako sa mga kasama ko sa loob, bale pang-sampu na ako sa hilera namin at patuloy pa rin sa pagtatawag ang dispatser mula sa labas. Bentehan ba ‘to?

Nang wala nang ni isang nagtangkang sumunod sa akin ay hinayaan na niyang umandar ang dyip pagkatapos mabigyan ng barya.

Kinse minutos na ang nakalipas pero ‘di ko pa din tanaw ang Jollibee— palatandaan kong malapit na ‘ko sa aming pamantasan. Halos ipadyak ko na ang paa ko nang malakas para makaramdam si kuya na kailangan niya nang bilisan ang pagpapatakbo niya. Istrikta kasi yung instructor namin, piptin minutes ka lang ma-leyt ay katumbas na ng isang liban sa klase, masyadong feeling major subject e binabasa lamang naman ang powerpoint.

At biglang tumigil ang dyip.

Sh*t.

Napahilamos na ako sa tagyawatin kong mukha sa pagkayamot, bahagya pang makudkod ‘yung may nana. Alanganin na ‘ko, p*tek.

“Pasabi naman kay ma’am mali-late ako” tumarangkada na ang 40 Words per second kong typing speed. SENT. Kung si Hulk lamang ako’y yupi na ‘tong grab handle ng dyip sa sobrang bagot. Kahit kailan wala talagang originality ang Lipa, gumawa ba naman ng sariling bersyon ng EDSA?

Luminga-linga ako sa paligid habang mariin na naka-cross finger sign. Reflex ko na ‘yun sa t’wing may gustong-gusto akong mangyari. ‘Di ako madasalin pero ‘di rin naman ako atheist, sadyang ‘di lang ako ganoon ka-lapit kay G kaya ‘di ako makapag-sign of the cross.

Hindi ako gaanong pamilyar sa nakikita ko sa labas. Dahil sa‘di ko namalayang ilang segundo na din pala akong nakatitig na sa lalaking nakatayo sa may tindahan na may malaking logo ng Pepsi na naka-pinta sa harap. Nakatitig din siya, sa’kin. Sh*t poreber na ba ‘to? ‘Kaw na nga ba ang bangaw sa ibabaw ng cupcake ko? Charot. Inilayo ko na agad ang mga mata ko sa TMOinspired niyang outfit, baka isipin niyang ka-puge niyang tignan, e mas sunog pa naman ang balat niya sa barbecue nina Aling Mhina.

Bumaling na ‘ko sa mga kasama ko sa loob. ‘Di ako mapakali, kala mo’y magjojowa ang mga sasakyan sa kahabaan ng kalsada ng Lipa, pero siyempre mas nanaisin ko nang mag-break sila sa mga oras na ‘to, gahol na ‘ko e. Sa may kaliwa ko’y kitang-kita ko ang magkasalubong na plakadang kilay ni ate na habang gigil na nagpipipindot sa kanyang selpon. Masasabi kong nagtatrabaho siya sa isang bangko dahil sa kanyang suot na kumbinasyon ng kulay ginto at pula na may formal coat na nakasabit sa kanyang mukhang mamahalin na bag. Mukhang bayad ang oras nito at ayaw n’ya masayang kaya todo ang panggagalaiti. Kahit naka -earphones ako ay dinig ko pa rin siya.

Sa harap niya ay isa rin sa mapagsamantalang mamamayan sa traffic, matandang lalaking may kapayatan. Base sa suot niya ay isa siyang karpintero o

kaya nama’y sa konstraksyon nagtatrabaho, kupas na maong, manipis na tokong na tila ilang taon nang kinukuskos ng iskoba ang suot nito, nasasapinan naman ang paa niya ng gomang tsinelas at nakasabit sa balikat n’ya ang sirang bag na inareglo ng sinulid at straw. Mahimbing ang tulog ni tatay na halatang pagod na kahit umaga pa lamang, ‘alam kaya nitong nasa kalagitanaan kami ng trapik? Nakanganga pa siya habang natutulog tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Nakahanap siya ng oportunidad na magpahinga.

Samantalang mukhang ito namang dal’wa sa harap ko ay ‘di ramdam ang trapik. Todo pa ang yapusan na ‘kala mo nama’y sweet tingnan, maigi-igi sana kung ‘di parehas talaba e.Naalala ko tuloy ang sinabi sa amin ng aming instructor sa Accounting na ang trapik ay hindi kailan man nakaiinip bagkus isang opurtunidad basta kasama mo ang taong mahal mo na walang konek sa kanyag tinuturo.

Ito namang babae sa aking tabi na kanina pa din nakatungo at todo pindot sa kanyang telepono, mukhang walang pake sa pagtigil ng aming sinasakyan, pero akala ko lang. Hanggang sa hindi ko naman sinadyang mabasa ang kanilang convo. Kanina niya pa ata pinapakalma yung ‘BABY Marco’ niya na naghihinintay daw sa kanya sa kanto.

“San ka na kanina pa kita inaantay”

“Malapit na ako”

“Kanina pa‘yang malapit na ‘yan”

“traffic kasi baby kaya sorry na”

“Pag wala ka pa dito sa loob ng 5mins aalis na aq”

Napatingala si ate kaya napaiwas ako ng tingin. Ayun lang ang ilan sa nabasa kong usapan nila. Kaya si Ateng katabi ko ay hindi na mapakali at todo dungaw sa labas ng bintana hanggang sa nagmadaling bumaba ng jeep at nag lakad.

Ang pinaka-ayoko sa lahat e ‘yong usok ng sigarilyo, pero dahil tatlo ata balat ko sa p’wet, (kahit wala pa ‘kong nakikita kahit isa) napakahol na ‘ko nang wala sa oras. Nanunuot sa ilong ang amoy, nagkakakahol na ‘ko’t wala ‘kong dalang panyo para ipan-takip sa bibig at ilong ko.

May “No Smoking” na babala namang nakapaskil sa likod ng driver’s seat. Napadako ako sa kung saan nagmumula ang usok… pasimuno pa ang talaga ang drayber. Wala ‘kong nagawa kundi ipitin ang ilong ko gamit ang kaliwa kong hinlalaki’t hintuturo.

“Hindi po kami masasamang tao, maawa po kayo sa Badjao,” hawak ng kakapasok lamang na dalagitang mukhang isang b’wan nang walang ligo ang mga sobreng madalas nitong pinamimigay sa mga nasasabitang sasakyan.

Bagama’t may naka-busal pang pugon sa bibig ay agad na itinaboy ng drayber ang dalagita. Ako pa lang naman ang nabibigyan ng sobre kaya’t agad-agad kong binalik ito. Pagalit naman itong hinila ng dalagita, at padabog

na bumaba. “Ang dadamot niyo! Mabangga sana kayo!” sabay takbo palayo. Napailing na lamang ako . Umandar na naman din ang jeep sa wakas at ramdam ko na ang mabilis na pagmaneho ni mamang drayber.

Pero agad ding napawi ang eksaytment ko nang tumigil ang dyip, h*yop na stop light. Tsaka para sa’n ba ‘tong stop light na ‘to kung may mga TMD na todo kaway din ng kanilang kamay, para magmando ng mga sasakyan?

Last Minute Ni: Angel Grace P. Armea

Gaano man natin kagustong buhatin — O kaladkarin kung sa’n tayo nakalulan t’wing ang oras ay gipit Tuwing nangangalaiti na ang ‘yong records— Sa pula dahil sa pagliban O sa pagiging late Gayunpaman, ito ang mga oras kung sa’n Habang umaandar ay Nais mo nang paikliin ang daan Umiinit na ang iyong salumpuwit Nangangatog na ang mga kamay Tipong usto mo nang manakit Hanggang sa patuloy na umaandar ang dyip At pabilis nang pabilis ang ritmo ng iyong dibdib ‘pagkat ilang minuto na lamang ay madadagdagan na naman Ang ‘yong pula Kaya’t nanggigigil ka na Tipong halos madurog na ang ‘yong gilagid Malapit na… Malapit nang mapigtal ang ‘yong pisi Nang naging pula ang ilaw sa daan

This article is from: