2 PAGSABOG SA JOLO CATHEDRAL KINONDENA

Page 1

Diyaryo Pinoy ISSN: 2599-5111

PARA SA LAHAT P10.00

VOL. 5 NO. 344



8 Pahina



JAN. 27, 2019

RESULTS

SUPER LOTTO

diyaryopinoy118@gmail.com

6/49 11 41

P15.8M+

03 20 47 22

SUPER LOTTO

LUNES,

P4,000 / P10 play

‘KAPIHAN NI GUERRERO MATAGUMPAY’

page3 USAPANGKALUSUGAN

BAWAS TIMBANG SA GABI page5

ENERO 28, 2019

03 27 6/58 44 53 39 43 38 07 EZ2 11AM

P49.5M+

PRIMETIME

01 08 05 23

4PM

9PM

AIRPORTBLITZ

BI HUMATAW SA 2018 COLLECTION page8

4 REASONS GLOBE STREAMWATCH XTREME PREPAID IS A MUST-HAVE THIS NEW YEAR page6

2 PAGSABOG K SA JOLO CATHEDRAL KINONDENA INONDENA ng page2 pamahalaan ang ginawang pag-atake sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu nitong Linggo ng umaga, Enero 27.

HEART, NASA CHINA HINDI PARA GAWIN ANG “CRAZY RICH ASIANS” page4 SEQUEL


LUNES 2|ENERO 28, 2019

NEWS

2 pagsabog sa Jolo Cathedral kinondena K

inondena ng pamahalaan ang ginawang pag-atake sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu nitong Linggo ng umaga, Enero 27.

Ayon sa ulat, dalawang magkasunod na pagsabog ang naganap gamit ang improvised explosive devices (IED) na kumitil sa buhay at nakapinsala sa ilang sibilyan maging sa kasundaluhan na nasa loob at labas ng simbahan. Naganap ang unang pagsabog sa loob ng Simabahang Katoliko habang nagsasagawa ng misa, na sinundan ng pangalawang pagsabog sa labas. Karamihan sa mga biktima ay kabilang sa mga dumalo sa misa gayundin ang ilang mga sundalo na rumesponde sa lugar. Sa pahayag ni Presidential

spokesman Salvador Panelo, sinabi niyang kinukondena ng pamahalaan ang insidente bilang “act of terrorism and murder”. Aniya, “We will pursue to the ends of the earth the ruthless perpetrators behind this dastardly crime until every killer is brought to justice and put behind bars. The law will give them no mercy.” Ayon kay regional military spokesman Lieutenant Colonel Gerry Besana, limang sundalo na miyembro ng coast guard at 12 sibilyan ang mga nasawi sa insidente habang 83 naman ang sugatan. Ngunit sa kabilang banda,

tinukoy ni regional police chief Graciano Mijares ang bilang ng mga nasawi sa 27 katao at nasa 77 naman ang sugatan. Sa pamamagitan umano ng airlift naibyahe ang ilan sa mga sugatan sa kalapit na bayan ng Zamboanga para magamot. Tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibleng kinalaman ng notoryus na Abu Sayyaf kidnap-for-ransom group sa naganap na pagpapasabog. Nagbigay naman ng pahayag si senadora Nancy Binay hinggil sa naganap na insidente. “Nakakalungkot dahil matagal nang minimithi nating lahat ang ganap na kapayapaan. Don’t we all want peace? Why is peace so elusive? Ano ba ang mas makakabuti sa tao at sa bayan: Digmaan, terorismo, o

kapayapaan?” ani Binay. Nakalulungkot aniya na sa kabila ng mga ginagawang inisyatibo upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa ay mayroon pa rin mga tao na ipinagpapatuloy ang terorismo. Kaya naman matindi ang pagnanais ng solon na alamin mabuti ng mga awtoridad ang matinding dahilan ng pagpapasabog kahit pa nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao. Samantala, nagpaabot naman si Binay ng pakikiramay sa lahat ng napinsala sa trahedya. “Nakikiramay at nakikisimpatiya rin ako sa mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi at nasugatan, and I call on our kababayans to be calm, vigilant, and safe at all times,” pahayag ng solon. R.CARITATIVO

DALAW SA PAMPUBLIKONG OSPITAL. Tiniyak ni Sen. Grace Poe sa isang pasyente ng mahigit na sa 100-taong Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City na patuloy niyang isusulong ang mas maayos na healthcare system at pagsasaayos ng mga pampublikong ospital sa bansa.

Sama-samang nagtungo sa Manila Bay ang iba’t ibang grupo para sa isinagawang kick off at launching ng gagawing rehabilitasyon dito na nagsimula kahapon matapos itong ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BONG SON

DAGDAG PONDO SA NORTHERN MINDANAO MEDICAL CENTER, HINILING SA DOH

Hiniling ni Sen. Grace Poe sa Department of Health na bigyan ng karagdagang pondo ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan de Oro City para sa pagsasaayos ng mga pasilidad at pagbili ng medical supplies. Bumisita si Poe sa pampublikong ospital nitong nakaraang Sabado, ika-26 ng Enero upang personal na makita kung paano ito pinangangasiwaan makalipas ang mahigit 100 taon matapos itong itayo noong 1917. “Nananawagan tayo sa DOH para mabigyan ng pondo itong ospital para mas marami pang maserbisyuhan,” ani Poe, na nagsabing gusto niyang maglagay ng karagdagang P20 milyon—P10 milyon para sa pasilidad at medical supplies. Bilang halimbawa, ang ospital ay kasalukuyang gumagamit ng mga ‘improvised incubator’ na gawa sa kahoy para sa mga ‘preterm’ na mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng espesyal na kalinga. Nagtungo sa Cagayan de Oro si Poe kung saan nagsagawa siya ng pagdinig ukol sa modernisasyon ng mg pampublikong sasakyan, epekto ng tax reform law, PUV modernization, epekto ng tax reform law, mga iba’t-ibang prangkisa at ilang panukala para sa pagtatayo ng mga karagdagang tanggapan ng LTO. Sinuportahan ni Poe ang pagpasa ng Republic Act No. 10677 na naglalayong madagdagan ang ‘bed capacity’ ng NMMC sa 600 mula sa dating 300 kapasidad nito. Ang ospital ay nagseserbisyo sa mga pasyente mula sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental kung saan ito ay nakatayo at sa mga kalapit na lalawigan ng Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Lanao Norte, Zamboanga del Norte at Agusan.

P46B ilalaan sa Bicol River Basin Development Program

VILLAR CITES PHILIPPINE EAGLES FOR PUBLIC SERVICE.

Dahil kilala ang Philippine Eagles sa marami nitong service-oriented advocacies na nakararating sa pinakaliblib na lugar sa bansa, sinabi ni Sen. Cynthia Villar na naging aktibong partner ito ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.Sa kanyang pananalita sa Joint Induction Ceremony ng Governors at Club Officers ng samahan sa NCR and Calabarzon na idinaos sa Taguig. Inihayag ng re-election senator na simula nang mahalal siya bilang congresswoman hanggang sa maging senador, nanindigan siya sa kanyang mga prinsipyo at tinutukan ang kanyang mga adbokasiya para sa ikabubuti ng ating mga kababayan at ng ating bansa.

Ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP) para matugunan ang tuwinang pagbaha at pagkasira ng mga pananim sa Albay, Camarines Sur at Camarines Norte sa Bikol ay magandang halimbawa ng isang ‘Disaster Risk Reduction-led sustainable development initiative,’ ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda. Sa isang pulong sa Pili, Camarines Sur nang bumisita siya sa rehiyon matapos ang matinding pananalasa ni bagyong Usman, nangako si Pangulong Duterte na pupunduhan ng pamahalaan ang malawakang ‘flood control program’ sa Bikol ng P46 bilyon mula sa ‘road user’s tax’ para matugunan ang problema sa lugar. Ayon kay Salceda, natutuwa ang mga Bikolano na matapos ang 40 taon, bibigyan na ng pansin ang

Bicol River Basin (BRB) na napalahalaga sa pagprogreso ng kanilang rehiyon. Ipinanukala niya na sa halip na tugunan lamang ang pagbaha, dapat din daw na pagtuunan ang pangkalahatang pagsulong ng BRB na kulang na kulang sa pondo sa kabila ng pagmamakaawa ng Bicol Regional Development Council na pinamunuan niya nang gubernador siya ng Albay noong 2007-2016. Sa balangkas ng BRBDP na sinimulan noong dekada 70, layunin ng pamahalaan na pasulungin ang BRB at gawing bahagi ng “mainstream national development” sa pamamagitan ng kumprensibong programa kasama ang “irrigation development, watershed development and flood control.” Hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil oposisyon sa layuning gawing regular na imbakan ng baha ang isang bahagi Baao, Camarines Sur na ginawang ga-

nun din g kalikasan. Malaki ang potensiyal na ambag ng BRB sa pambansang kaunlaran. Saklaw nito ang 317,103 ektaryang bukirin sa Albay, Camarines Sur at Camarines Norte na ang 81% ay bahain at matagal bago iwanan ng baha. Sa ginanap ng pulong sa Pili, nangako si Duterte na ihahanap niya ng agarang tugon sa problema nito at maaring ilaan ang P46 bilyon ng ‘road user’s tax’ para muling buhayin ang BRBDP. Nakaambang burahin din ng mga mambabatas ang masalimuot na Road Board. Bagama’t 55-kilometro bawat oras lang ang hanging taglay ni Uman, ang sobrang lakas ng ulan nito ay nagdulot na malawakan baha at pagguho ng lupa noong Pasko na kumitil ng mga 155 buhay — 105 sa Bikol bukod sa 37 nawawala. Libu-libong iba pa ang naperhuwisyo nito.


LUNES ENERO 28, 2019|3

‘Kapihan ni Guerrero matagumpay’

T

HE Bureau of Customs (BoC) last week hosted the first edition of the media forum called Kapihan sa Aduana to promote its plans and programs. More importantly, it is intended to “rehabilitate” the image of Commissioner Rey Guerrero who had been branded in various news outlets as aloof, haughty and inaccessible. Truth be told, the BoC’s Kapihan was probably the stiffest I have ever experienced, bar none. Somebody should whisper to them that such an affair is supposed to be totally informal, with a lot of laughter, banter and shooting the breeze - where guests aren’t obliged to march to the cadence shouted by a

drill sergeant. These guys, I am pretty sure, never attended the Kapihan sa Manila Hotel moderated by the late journalist Ka Doroy Valencia, and after he passed, Neil Cruz of the Inquirer. Well, it is to be understood as Guerrero, a retired military officer, is accustomed to a structured lifestyle ever since he started out as a plebe in the Philippine Military Academy some four decades ago. Anyway, here are some significant takeaways from the Kapihan: First, while the TARA (bribe money) system still exists, the rate has plummeted during Guerrero’s incumbency allegedly from P35, 000 per container (in 2018) to P5, 000 today. WoW!

PRIME TIME

Second, the BoC surpassed is 2018 collection target by 1.4 percent, with P592.869 billion in the bag. WoW! Third, contrary to reports appearing in some leading broadsheets, the new head of the controversial X-Ray Inspection Project (XIP) is Romeo Guan, not Collector Des Mangaoang. WoW! Fourth, the Customs official who currently holds the item of Chief, Public Information & Assistance Division (PIAD) doesn’t want to assume office although ordered by the Office of the Commissioner. WoW!

LOUIE LOGARTA

KAPE BARAKO - The Bureau of Customs last week hosted the first edition of its “Kapihan sa Aduana” media forum, which hopefully will be long-lived. On hand to parry questions was Commissioner Rey Guerrero (center, holding microphone) with some of his senior aides Deputy Commissioners Ian Dy, Vincent Maronilla, Edward Dybuco and Collector Dino Austria. K. NORONIO, PIAD AND MELVIN TOLEDO

GAWAD ALTERNATIBO 2019 CALL FOR ENTRIES THE CCP Film, Broadcast and New Media Division now accepts entries for the Ika-31 Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video. Deadline for submission is on or before March 15, 2019 (Friday), not later than 6:00 p.m. at the CCP FBNMD Office, located at the 4/F CCP Main Building. Entries must include a duly accomplished entry form, which can be downloaded at www.culturalcenter. gov.ph or www.cinemalaya.org; one (1) digital data file of the entry in full resolution (saved on USB or burned on a DVD as data with file properly labelled or identified); and one (1) DVD or USB containing the synopsis, genre, running time, rating, production credits, two (2) black & white

photos from the film entry in jpeg format, and film entry poster (if available) in jpeg format. Interested participants can submit a maximum of three (3) entries in each category, but an entry can only be submitted in one (1) category. Categories include Short Feature/ Narrative, Experimental, Documentary, and Animation. The selected entries will be screened during the Ika-31 Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video Festival on August 3-5, 2019 as part of the 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, which is slated from August 2 to 11, 2019 at the CCP theaters and various venues.

EDWIN ROÑO ALCALA

Pinoy Diyaryo

Publisher / Editor

SA LAHAT LIBRE PARA

ALCAL A U P BLISHING HOUSE PUBLISHING ALCAL A

JOE AÑOSO ADARO Advertising Manager

Atty. Berteni Causing and Associates Legal Counsel

B48 L29A Morning Glory St., South Greenheights Village, Putatan, Muntinlupa City #986.5251

ADVERTISING OFFICE: RM 102 National Press Club Bldg. Magallanes Drive, Intramuros, Manila Telefax: 310-2022

Member:

Publishers Association of the Philippines, Inc.

Diyaryo Pinoy is a weekly newspaper published under Alcala Publishing House Email: diyaryopinoy118@gmail.com

Spy Officer Alvin

Enciso inspects bales of ukay-ukay inside a warehouse in Guiguinto Bulacan seized by the Bureau of Customs and was stored for safekeeping and set to destroy by condemnation. Joint operatives from the Bureau of Customs and National Bureau of Investigation apprehended the owner of the condemnation facility that was allegedly caught reselling theP1 million worth of seized used clothing back into the market identified as Francis Lesaca, the alleged owner of EPY ECO Condemnation Facility located at Metrowarehouse Center in Guiguinto, Bulacan. Atty Dino Austria, the Bureau of Customs spokeman and MICP District Collector said Lesaca is violated the Customs Modernization and Tariff Act CMTA).

(DEXTER GATOC


Showbiz HEART, NASA CHINA HINDI PARA GAWIN ANG “CRAZY RICH ASIANS” SEQUEL

Diyaryo Pinoy

LUNES 4|ENERO 28, 2019

B

AGAMAT naipahayag na, halimbawa’y ni Lolit Solis sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalamitam kina Ali Sotto at Arnold Clavio sa Channel 11 at sa DZBB, na nasa China kasalukuyan si Heart Evangelista at nagsu-shooting na ng sequel ng “Crazy Rich Asians,” ang kontrobersyal at malakas sa takilyang pelikula, nilinaw ni Heart sa kanyang social media account na siya ay nasa China hindi para gawin ang pelikula kundi para gampanan ang ibang obligasyon sa kanyang komersiyalisadong kompromiso sa buhay.

May isang produktong pangkababaihan ang kanyang iniendorso at kailangang sa China gawin ang kanyang mga pang-mediang responsibilidad. Pero hindi naman pinasubalian ni Evangelista na siya ay kasama sa pelikulang banyaga tungkol sa mga Tsino. Matatandaan na si Kris Aquino ang natatanging Filipinong aktres na bumida sa pelikula noong isang taon. Ngayon namang bersyon nito ay si Heart ang nabababalitang kasama sa obra. *** Matatandaan na nagaudition noong panahon ni Kris sa paghahanda sa shooting ng “Crazy Rich Asians” si Heart pero hindi umano nakapasa ang asawa ni Chiz Escudero. Ang nakapasa nga ay si Kris at naging usap-usapan ang kanyang pagganap sa pelikula kahit na hindi siya ang bida rito. Ngayon naman ay hindi pa nagsu-shooting si Evangelista para sa pelikula. Bastat ang tinututukan lang niya ay ang paggawa ng mga media materials para sa kanyang endorsement ng isang bag. Panay ang trabaho at pamamasyal ng batang aktres sa China. May mga pagkain siyang nakakain na matagal na niyang nais matikman. May mga inumin tulad ng tsaa na minsan lang niyang masimsim kundi pa sa basing Tsina. *** Sumunod nga sa China kamakailan si Chiz para makasama ng kanyang misis at nagbigay ito ng mas magandang pakiramdam sa aktres. Miss na miss nga niya ang kanyang mister. At sa oras na magkita sila sa

China ay lalo pang namulaklak ang kagandahan ni Heart. Lalo na pa siyang ginanahan sa kanyang trabaho. Ito ang pagkakataon na inasam ni Evangelista sa kanyang buhay—ang makaniig sa kanyang trabaho sa ibang bansa ang kanyang minamahal. *** Samantala, matagumpay ang konsiyerto ng klasikal na piyanistang si Raul Sunico sa Main Theater ng Cultural Center

of the Philippines o CCP. Talagang pinangatawanan ni Raul ang masigasig at madugong pagbigigay-interpretasyon sa mga likhang-sining ng klasiko ring musikerong Ruso na si Sergei Rachmaninoff. Alam ba ninyo na binanatan ni Sunico ang apat na matitinding concerto o pagkalampag sa piyano sa mga piyesa ni Rachmaninoff? Nakababad lang si Raul sa malalawak at malalalim na ginintuang likha ni Rach sa pagtatanghal na pinamagatang “A Rach Concert.” Tamang-tama

ang titulo, di ba? Mula pala sa Concerto o Symphony No. 2 ng Rachmaninoff ang “All By Myself” na pinasikat lalo ni Celine Dion at iba pang mang-aawit. Kaya nang binabanatan na ni Raul ang Concerto No. 2, pamilyar na ang tono ng klasikong musika. Pati na rin ang popular na kantang “Never Gonna Fall in Love Again.” *** Kasi nga’y ang mga pinanggagalingan o hinahalawan din ng mga bagong awitin ay ang mabiyayang bukal ng musika ng nakaraan ng matitinding piyanista ng mundo tulad ni Rachmaninoff, ni Chopin, ni Tchaiskovsky, ni Mozart at marami pang iba. Pati na rin ang mga klasikong musikang Filipino ay may ipinamamana rin sa modernong musika tulad ng kina Levi Celerio, Constancio de Guzman, Lucio San Pedro, Ernani Cuenco, Francisco Santiago, Resti Umali, Mike Velarde, Jr. at marami pang iba. Ang ginawa ni Sunico sa CCP ay matindi talaga dahil halos tatlong oras siyang tumugtog sa piano ng matitinding Rachmaninoff. Grabe. *** Kaya naman masayangmasaya si Margie MoranFloirendo, ang Tagapangulo ng Board of Trustees ng CCP at si Nick Lizaso, ang Pangulo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ang ganda-ganda ni Margie noong Sabado ng gabi sa kanyang Filipiniana gown. Nakabarong naman si Nick at Pinoy na Pinoy siya. Si Gemma Cruz-Araneta, isa pa ring beauty queen ay ipinagmamalaki rin si Raul

LIBRE PARA SA LAHAT

sa ginawa nitong pagtirada sa mahihirap na tiklado ni Rachmaninoff. Pangmasa rin naman ang mga tulad ni Sergei

Rachmaninoff. Hindi lang ipinaririnig nang madalas sa mas nakararaming Filipino pero sa mga palabas ng mga klasikong musikero sa mga rehiyon at probinsiya, gusto rin ng masa ang mga tulad maliban sa mga

kanta nina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Arnel Pineda at iba pa. *** Pinalakpakan din ang pagarte ni Bibeth Orteza sa stage play na “Silent Sky” na itinanghal s Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza sa Makati City. Sinasabi namin sa inyo, mga giliw na mambabasa, na napakaraming kailangang panoorin ng mga Filipino para lalo pang umunlad ang ating buhay. Ito ngang si Bibeth ay napakagaling sa dulang “Silent Sky” ng Repertory Philippines na pinamahalaan ng mga sosyal na taga-Ateneo de Manila University sa paggabay ni Joy Virata. Si Joy rin ang direktor ni Bibeth na gumana bilang Annie Cannon, isa sa mga Amerikanang astronomer na nagtatrabaho sa isang obserbatoryo na pinamamahalaan ng mga lalaki at macho. Mga 1920s ito at nang panahong ‘yon ay nasa ilalim ng kalalakihan ang kababaihan. Pero likas na matalino sa agham si Annie na nagampanan ni Orteza nang napakagaling. Gayunman, ang sentro ng dula ay si Henrietta Leavitt, ang Amerikanang kasama ni Cannon bilang “computer” sa panahon na wala pa ang modernong kasangkapang ito. Maraming nadiskubre si Leavitt sa kalawakan at napatunayan niya na mas marami pang galaxy sa uniberso kaysa nakikita at nalalaman natin ngayon. Bukod sa kagalingan ni Bibeth, magaling din si Cathy Azanza-Dy bilang Henrietta at ang iba pa nilang kasamahan tulad ng gumanap na Welhelmina Fleming at ang lalaking scientist na si Toffer Fabregas. Alam ba ninyo na si Toffer ay anak ng dating aktor sa Regal Films na si Joe Fabregas na alaga noon ng namayapa nang si Goullee Gorospe? Maliit lang ang mundo kahit na teatrong Ingles ang “Silent Sky.”


Diyaryo Babae Pinoy

Usapang Kalusugan BENEFITS OF VITAMIN D

Usapang Bawas timbang sa gabi

5 | Lunes, ENERO 28, 2019

H

ANGAD ng marami sa mga kababaihan ang magkaroon ng ‘perfect o sexy body’ pero sadyang mahirap gawin para sa ilan lalo na sa mga hindi mapigilan ang paglobo ng katawan.

Hindi lamang sa pagbabawas ng pagkain o heavy ehersisyo ang maaaring gawin na paraan upang bumababa ang timbang. Higit itong nangangailangan ng disiplina sa sarili at pagiging responsable sa kalusugan, dahil hindi lamang kasi ang pagkakaroon ng sexy na katawan ang dapat na main concern kundi ang mapanatili rin na malusog at malakas ang pangangatawan. Narito ang ilang paraan na maaaring gawin sa gabi ayon sa mga nutritionist at dietician upang di tuluyang lumubo ang katawan at maisakatuparan ang pagbabawas ng timbang: 1. EHERSISYO SA GABI. Batid ng lahat na ang pagpapapawis ay sadyang nakatutulong upang magtunaw ng taba. Ngunit alangan ang iba na gawin ito ilang oras bago matulog dahil sa paniniwalang hindi sila agad makakatulog. Pero hindi ito totoo dahil ayon sa National Sleep Foundation, may mga nagpatunay na mas masarap ang kanilang pagtulog matapos makapag-ehersisyo o yoga

sa gabi.

IKAW NA GIRL

KILALA bilang ‘sunshine vitamin’, ay nililikha ng ating katawan resulta ng exposure sa araw at maaari rin sanhi ng ating kinakain o iniinom na food supplements. Kaya naman sa kabila ng tawag nito na vitamin, kinokonsidera ito bilang pro-hormone at hindi literal na bitamina. Ang bitamina kasi ay sustansiya na hindi kayang likhain ng katawan kundi makukuha lang sa pamamagitan ng tamang diet. Tinatayang 5-10 minuto na exposure sa araw 2-3 beses sa isang linggo ang paraan upang makapag-produce tayo ng sapat na vitamin D bagaman mabilis rin ito mawala lalo na sa mga panahong malamig. Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang bitaming ito sa katawan. 1. For healthy bones. Mainam ang bitaminang ito para maabsorb ang calcium ng ating bituka at upang makuha muli ang calcium na maaaring ilabas ng ating baga. 2. Reduced risk of flu. Makaiiwas tayo lalo na ang mga bata sa influenza A infection ng 40 percent kapag nabibigyan sila ng 1,200 International Units (IU) ng vitamin D kada araw sa loob ng 4 na buwan tuwing taglamig. 3. Reduced risk of diabetes. Lumalabas sa mga pagaaral ng koneksyon sa pagitan ng blood concentration ng vitamin D sa ating katawan at sa panganib dulot ng type 2 diabetes. Ang hindi sapat na vitamin D level kasi sa may type 2 diabetes ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa insulin secretion at glucose tolerance. 4. Healthy infants. Naiuugnay sa pagkakaroon ng mataas na panganib mula sa mga sakit sa kabataan ang pagkakaroon ng mababang vitamin D tulad ng hika, atopic dermatitis at eczema. 5. Cancer prevention. Naiuugnay rin ang kakulangan sa vitamin D sa pagkakaroon ng mataas na panganib sa cardiovascular disease, hypertension, autism, Alzheimer’s disease, rheumatoid arthritis, at swine flu.

LIBRE PARA SA LAHAT

2. PAG-INOM NG MARAMING TUBIG. Batid ng karamihan na ang pag-inom ng maraming tubig ay tumutulong na maibalik ang tubig na nawawala sa ating katawan sa buong araw na gawin. Ngunit upang hindi mag-alala sa isipin na maaaring magpabalik-balik sa banyo buong magdamag, ipinapayo ang pag-inom ng tubig isang oras bago matulog. 3. LOW-SODIUM NA PAGKAIN. Isang paraan upang hindi tuluyan na lumaki ang katawan sa katabaan ay ang pagbabawas ng pagkain ng sobra sa sodium content. Nananatili kasi ang alat sa ating sistema sa magdamag dahilan upang maging mas malaki kaysa sa normal. Mainam ang pagluluto ng masustansiyang pagkain gaya ng steamed na gulay at lean protein.

4. PAGGAWA NG SARILING PAGKAIN. Karaniwan na sa mga nabibiling pagkain sa mga restaurant ang doble sa bilang ng calories kumpara sa tamang dami lamang na nakukuha n gating katawan. Kaya kung nais na pumayat o magbawas ng timbang, mas mainam na gumawa ng sariling pagkain. Ihanda ito sa gabi pa lang upang less hassle sa umaga bago pumasok. Sa ganitong paraan makatitiyak na healthy ang kakainin sa buong araw. 5. DARK ROOM. Ang ating katawan ay kusang nagpo-produce ng melatonin kapag nasa isang madilim na kwarto kaya siguraduhin na patayin ang ilaw bago matulog upang makatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang hormone melatonin kasi ay tumutulong sa katawan na mag-produce ng maraming calorie-burning brown fat.


lunes 6|ENERO 28, 2019

BILLBOARD

Science Works Around Palawan To further promote science, technology, engineering and math (STEM) among students, the Department of Science and Technology (DOST) has teamed up with the Department of Education (DepEd) to bring the Science Works exhibit of the Philippine Foundation for Science and Technology (PFST) to Palawan. The travelling exhibit is a K-12 compliant designed to treat 30,000 students from the Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in the province to a fully-immersive, “science

learning beyond the classroom” experience. With its forty (40) interactive sets, general science concepts and principles in the areas of mechanics, electricity, lights, magnetism, and mathematics, among others, are made easy and fun for students. “Science Works is one of the seven travelling exhibits of the Philippine Science Centrum (PSC) that promotes hands-on and body-on science education emphasizing the 5 E’s of Constructivism: Explore, Engage, Explain, Elaborate,

and Evaluate,” explained the Executive Director of PFST, May Pagsinohin. She added: “This is made possible by the commitment of DOST in bringing science closer to the Filipinos especially the youth in the underserved areas by sponsoring the entrance fee of 200,000 students in 13 provinces nationwide, 30,000 of which are allocated to Palawan.” Its first two legs, both five-day exhibits, ended on a high note at the Coron Municipal Coliseum and Narra Gynasium last January 7 and 22, respectively.

4 Reasons Globe Streamwatch Xtreme Prepaid is a Must-Have this new year Globe At Home Prepaid’s latest offer is the total entertainment bundle you’ve been waiting for

Last month, the world saw the reveal of a global innovation in home internet and entertainment – the Globe Streamwatch Xtreme. For just P2,999, you take home the world’s first all-in-one device with fast home internet, clear free local TV channels, and Internet TV with thousands of videos, shows, and movies. It’s perfect for your family’s bonding experience kapag #UwianNa ! Here are the top reasons the Globe Streamwatch Xtreme is a must-have for your home entertainment needs this 2019: 1. It’s a Sulit All-in-1 device! For just P2,999, you empower your family to access loads of content through YouTube and Facebook, whether for entertainment, education, or both! Plus, the device is also prepaid and reloadable, so you won’t need to worry about monthly bills. The Globe Streamwatch Xtreme also doubles as a Set Top Box, enabling you to binge on your favorite shows or flicks via streaming channels all you want, anytime you want. To top it all off, you can still watch your favorite morning shows or primetime teleseryes with clear live local free TV channels on a wider screen for a bigger and better experience without eating into your load. 2. Get Twice the Internet Speed Compared to a pocket WiFi device, the internet connection of Globe Streamwatch

Xtreme is 2x faster, 2X stronger, 2x wider in coverage. Imagine not worrying about waiting for hours just to load your favorite online series while preparing your kids’ baon. In just a few minutes, it’s loaded! 3. Sing to your heart’s content with its videoke feature! There’s no need to wait for the next party of your kumare or kamag-anak to belt out your amazing vocals – you can do it right in your home! Globe Streamwatch Xtreme is videoke-ready with two built-in inputs for your own microphones for those who enjoy the signature Filipino home past time. 4. Make the most out of your Internet at home using different devices. Multiple devices can be connected to the Globe Streamwatch Xtreme at the same time for the whole family. The kids can watch their favorite videos on YouTube while you access the device’s fast internet speed and accomplish your online tasks faster. Globe Streamwatch Xtreme is available in select Globe stores located in Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Rizal, and regional centers, Cebu and Davao for an introductory price of P2999 (that’s P2000 off from the standard retail price of P4,999!). With this new all-in-one device, Globe At Home Prepaid strengthens its commitment to providing the Filipino customer with the best that international and local entertainment have to offer.

DOLE PARTNERS WITH PLM FOR EMPLOYEES’ CONTINUING STUDIES.

Labor Secretary Silvestre H. Bello III and Pamantasan ng Lungsod ng Maynila President Dr. Ma. Leonora V. De Jesus sign a memorandum of agreement that will establish a Regular Graduate Off-Campus Program leading to the degree, Master of Government Management (MGM), for DOLE personnel, during a ceremony on January 17, 2019 at the DOLE Conference Room, Intramuros, Manila. Joining them are former Labor Secretary Bienvenido Laguesma (left), Dr.Benjamin Espiritu (right), and Human Resource Development Service (HRDS) OICDirector Brenalyn Peji. Dodong Echavez, IPS

9 REASONS YOU SHOULD NOT MISS THE PASINAYA THIS YEAR

WHETHER you are quite new in the arts, a casual fan or an art aficionado, you will surely find something that will catch your attention at the Pasinaya 2019, the largest multi-arts festival in the country organized by the Cultural Center of the Philippines. Now on its 15th year, the CCP Open House Festival follows the theme “Karapatan, Kalayaan, Kultura,” putting the spotlight on basic human rights, freedom and cultures and how they can help in community development and nation building. Through the Pasinaya, the CCP aims to provide a platform for the artists to showcase their talents, nurture the public and create new audiences through interactions and performances. For the past years, the Pasinaya has become bigger and better, attracting more than 27,000 people, with approximately 75,000 audience viewership. Through the festival, CCP makes art matters in the life of every Filipino. Here are the reasons why you should not miss the Pasinaya and should visit the CCP: 1. UPSIZED CELEBRATION Since the festival has grown leaps and bounds, the CCP has decided to make the open house festival not just a weekend affair, and added another day. This year, the Pasinaya is slated from February 1 to 3, 2019. 2. MORE SHOWS, MORE FUN With a see-all-you-can-andpay-what-you-can scheme, you can watch unlimited shows as much as you want. More than 3,000 artists from different art fields such as music, theater, dance, spoken word, and visual arts are expected to participate. Also, you can “experience-all-you-can, pay-what-youcan” at the Palihan on February 1. For a suggested donation price of P50, participants may go in and out of the different CCP venues to attend the 30-minute workshops in various art dis-

ciplines conducted by leading artists, resource persons and teachers. Registration starts at 6:30am, at the CCP Ramp and Little Theater lobby. 3. BEST OF THE REGIONS The second day of the festival, February 2, is dedicated to performing groups and individuals from the different provinces of the Philippines. Expect the Palabas to showcases performances and cultural shows from Bulacan, Quezon, Boracay Laguna, Cavite, Tarlac, Batangas, Bicol, Rizal, Pangasinan and other provinces. 4. WORLD-CLASS PERFORMANCES CCP resident companies Ballet Philippines, Philippine Ballet Theater, Philippine Madrigal Singers, Philippine Philharmonic Orchestra, Ramon Obusan Folkloric Group, Tanghalang Pilipino, UST Symphony Orchestra and National Music Competitions for Young Artists - will highlight their season’s offerings on February 3. 5. GENDER MAINSTREAMING ACTIVITIES There will be gender and development workshops and other activities promoting inclusivity and equality on February 1 such as: Writing About Women conducted by Katrina Stuart Santiago, Intro to Women’s Dress in the Philippines conducted by Renee Angela Manay, “Senyas: A Deaf Awareness and Filipino Sign Language Workshop” with the Philippine Federation of the Deaf, Writing for Senior Citizens conducted by Imelda Morales, and All Rights, Kids! Exploring Rights through Theater facilitated by Abner Delina Jr. 6. A ZONE FOR LITTLE TOTS Pasinaya will always be a family affair. Kids are always welcome here. Now, parents can bring their children and participate in the various activities, while their kids can have fun and participate in interactive arts activities at the Kids Zone. 7. FREE MUSEUM HOPPING

If you have never been to any museums in Manila, or planning to visit some, this is your chance. The CCP partners the Museum Foundation, whose museum members waive their entrance fee. There will be hop-on, hop-off shuttle vans that will go around the participating museums and galleries in Pasay and Manila for free. Participating museums include: Casa Manila, Museo Pambata, National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, National Museum of Natural History, Metropolitan Museum, Museum of Contemporary Art and Design, Bahay Tsinoy, UP Manila Museum of A History of Ideas, 98B Collaboratory and Hub Make Lab, FDCP Cinematheque, Museo Marino, Galleria Duemilla, Avellana Art Gallery and NCCA Gallery, among others. 8. MARKET FOR THE ARTS There will be an Art Market at the Little Theater Lobby where audiences can pre-register for the various summer art workshops that the center will be offering. Aside from that, there will be tiangge or flea market, offering handicrafts, artistic products and what have you, located at the South Parking. The Eskinita will also house food stalls when you need to fill your hungry tummy after satiating your artistic soul. 9. STREET PARADE What is a festival without a street parade and street performances? The Pasinaya street parade will happen on February 3, along Pedro Bukaneg street of the CCP Complex. Be sure to get your camera ready because there will be tons of Instagram-worthy spots and scenes to bring out your artistic side and level up your social media game during the parade. For inquiries, please call the CCP Marketing Department at tel. nos. 832-3704 or 832-3706. For the complete schedule of activities, visit www.culturalcenter. gov.ph.


GOVERNMENT, STAKEHOLDERS TO WORK TOGETHER TO CONSERVE GALUNGGONG

THE future of round scad (galunggong) stocks in the Philippine waters takes precedent on the First National Galunggong Summit, held last January 24-25, at the PICC Forum in Pasay City. The two–day Summit, organized by the Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), gathered major members of the galunggong supply chain—fisherfolk, local government units, national government agencies, non-government organizations and the Scientific community—to generate inputs for the creation of a national management plan for galunggong. According to the agency, the National Management Plan for Galunggong will help address challenges that continuously beset the sector such as the decline in catch and production. Similar with other management plans DA-BFAR has initiated for other important fish species, the formulation of this management plan begins with the stakeholders. Through the Summit, key personalities and agencies from the sector was able to present the state of galunggong fisheries, identify its issues and threats, introduced strategies on sustainable production of galunggong to attain fish sufficiency and proposed unified resolutions on sustainable management of galunggong. DA-BFAR amplified the need for more science-based management measures crafted through strategic course planning and consensus building among stakeholders.

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION City of Makati OFFICE OF THE CLERK OF COURT AND EX-OFFICIO SHERIFF Foreclosure No. S-18-078

BDO UNIBANK, INC.,

Mortgagee, EXTRAJUDICIAL FORECLOSURE OF -versusREAL ESTATE MORTGAGE UNDER ACT 3135 AS AMENDED BY ACT 4118

MA. RITA M. NERI AND NERISSA B. NERI, Debtor/s/ Mortgagor/s. x---------------------------------------------------------x NOTICE OF SHERIFF’S SALE Upon extrajudicial petition for sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by mortgagee, BDO UNIBANK, INC., against mortgagor/s / debtor/s MA. RITA M. NERI AND NERISSA B. NERI of Unit A-104 Ground Floor, Tower A, Ritz Towers Condominium, #6745 Ayala Ave., Urdaneta, Makati City / #59B Paseo de Roxas, Makati City to satisfy the mortgage indebtedness which as of NOVEMBER 5, 2018 amounts to P18,470,563.20 in excluding penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or her duly authorized deputy will sell at public auction on 4 APRIL 2019 at 10:00 A.M. or soon thereafter at the Main Entrance of the New City Hall of Makati, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine currency, the following described property/ies with all its improvements, to wit:

CONDOMINIUM CERTIFICATE OF TITLE NO. 103663 “CONDOMINIUM UNIT NO A-104 LOCATED AT THE GROUND FLOOR OF TOWER A CONSISTING OF 252.5 SQM WITH PARKING STALL, ONE..” All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.

NEWS MULA SA PAHINA 8

NEW HUMATAW... para gumawa ng ganito kalaking proyekto?! Tsk tsk tsk! Sino ba ang dapat sisihin tungkol dito?! Ang CAAP ba dahil hindi nagbabayad sa contractor o ang contractor na wala namang pang-abono? Aba magsalita kayo?! This is for you to know, DOTr Secretary Art Tugade, Sir! *****

MONEY-RACKET SA BI MAIN OFFICE GROUND FLOOR (ATTENTION: SOJ MENARDO GUEVARRA)

ANO itong nakarating sa atin na may isang “pera section” daw diyan sa BI main office na namamayagpag ngayon sa kanilang sariling raket? Again?! You heard it right, RAKET nga raw po! Ito raw ‘yung isang opisina riyan sa ground floor ng BI Main Office kung saan kumukuha ang mga kliyente ng immigration ng “NTSP” o ‘yung tinatawag na “Not The Same Person” certification! Dito po kasi kumukuha ng clearance or certification ang mga kliyenteng may kapangalan kapag sila ay nakukwestiyon sa airport. Kadalasan po kasi kapag “common name” ang isang tao gaya ng “Jose Reyes,” “Juan Dela Cruz,” o “Ricardo Dalisay,” hindi po ‘yan yung bida sa isang palabas sa TV, ay hindi malayo na siya ay may kapangalan na naka-hold departure order o nasa watchlist. At kapag minamalasmalas kayo na may kaso ang inyong kapangalan at kayo ay dumaan sa airport, lumilitaw po ito sa “DERO” sa database

ng immigration! Dito na po inire-require si Juan Dela Cruz et al, na kumuha ng “NTSP!” Kailangan lang magsubmit kayo ng NBI clearance o ‘di kaya ay birth certificate galing NSO. Kung pagbabasehan ang resibo ng NTSP, ang pagkaalam natin ay nasa P510 lang ang dapat singilin sa mga parokyano! Ngayon mayroon na raw naisip na pagkakitaan ang isang alyas “Enteng Kabisote ‘este Hungkag sa naturang opisina?! Tumataginting na P3,000 o minsan naman daw ay nasa P5,000 pataas pa ang bawat singil kung talagang matindi ang pangangailangan ng aplikante! Sanamabits!!! Sobrang pagkagahaman naman ng Enteng Hungkag na ‘yan! Sinabi n’yo pa! Aba’y noon pa man ay namamayagpag na si “Hungkag” noong kasikatan ng amo niyang si alyas Pabebe Boy diyan sa Bureau at limpak-limpak na raw ang kinita ng pandakekok na ‘yan! Juice colored! Hindi malayo na bundat na bundat ang isang ‘yan! Paano naman ang mga empleyado riyan? Bundat na rin kaya? Pero teka, isang palapag lang ang nag-uugnay sa office ni Commissioner Bong Morente at diyan kay Enteng Hungkag. Aware naman kaya si Comm sa mga kalokohan na nangyayari riyan? BTW, ‘yan bang si alyas ‘Hungkag’ ang dating kilabotna-manyakol ng mga OJT kasama si Atty. Pepper? Nagtatanong lang po tayo! *****

BI LAS PIÑAS FIELD OFFICE

City of Makati, JANUARY 8, 2019.

Atty. MARIA CORAZON CECILIA H. PINEDA Clerk of Court VII and Ex-Officio Sheriff Copy furnished: Ma. Rita M. Neri et al. – Unit A-104 Ground Floor, Tower A, Ritz Towers Condominium, #6745 Ayala Ave., Urdaneta, Makati City / #59B Paseo de Roxas, Makati City Atty. Allan Louie G. Rico – 11/F South Tower BDO Corp. Center #7899 makati Ave., Makati City

DIYARYO PINOY: JAN. 14, 21 & 28, 2019

IMBESTIGAHAN!

KUNG mayroon daw isang dapat parangalan ang Bureau of Immigration pagdating sa kolek-tong ‘este koleksiyon, ito raw ang sangay ng BI field office sa Las Piñas! Mula raw kasi nang naitatag ito ay naging panglima ito sa laki ng kanilang kolek-tong ‘este koleksiyon pagdating sa SWP or Special Working Permit. Bravo!!! Palakpakan!!! Isipin na lang kung gaano kalayo at katrapik ang lugar ng Las Piñas at nagagawa pang puntahan ng mga kliyente mula Metro Manila, Batangas at Laguna gayong nariyan naman ang BI Main Office na maginhawa ang magproseso ng SWP? Anong formula mayroon sa BI Las Piñas field office at dinudumog ito ng mga dayuhan para sa kanilang mga dokumento?! O ‘di kaya ang BI Sta. Rosa o ang BI SM Aura na naging masigasig ang dating bossing nila roon na si Don ‘este Atty. Maminta?! Teka, anong Don? ‘Di ba ang “Don” pangmilyonaryong tawag?! Attorney nga pero sa ngayon raw ay “Don” na rin yata? Ganern?! DON na nga raw sa Ayala Alabang di ba?! How true etits? Teka, back to BI Las Piñas ulit tayo. Nagrereklamo raw yata ang BI Sta. Rosa at BI Batangas dahil tila nakopo ng Las Piñas ang mga dati nilang kliyente roon! Sabagay anong magagawa kung talagang mabilis ang pitsa ‘este transaksiyon doon?! Mabilis as in kasing bilis ng alagang “Jackol Russel” ganern?! Pero teka, ‘di ba niligwak na ni Comm. Morente ang mga tropapips ng sindikatong ‘PAMINTA’ na muntik na nagpahamak sa kanya?! Bakit tila may naiwan pang isang nandiyan sa BI Las Piñas? Bakit nga ba?!

For Fast Classified Ads Tumawag lang po sa

In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on 11 APRIL 2019 without further notice. Interested parties are hereby enjoined to investigate for themselves the title and condition of the said property/ies and the encumbrances thereon.

LUNES Enero 28, 2019|7

Telefax No.:

310.2022

We Publish Extra Judicial Change of First Name and Notice to the Public

COLUMN WIDTH CONVERSION

7 cols 6 cols 5 cols 4 cols 3 cols 2 cols 1 col Centerspread

25.41 cm 21.72 cm 18.02 cm 14.34 cm 10.65 cm 6.96 cm 3.27 cm 50.82 cm


Diyaryo Pinoy PARA SA LAHAT

LUNES • ENERO 28, 2019

BI HUMATAW SA 2018 COLLECTION

N

AGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng kanilang pinakamalaking revenue o kita na nagkakahalaga ng P7 bilyon para sa taong 2018.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sa buwan pa lang Nobyembre 2018, ang kabuuang koleksiyon ng ahensiya ay umabot na sa halagang P7.03 bilyon na mas mataas nang 1.5 porsiyento o kompara sa P5.58 bilyon na kinita noong 2017. “We expect our total income in 2018 to surpass the P7.5 billion in 2018 after all revenues from our main office, field and satellite offices for December are added to the 11month collection figure,” dagdag ni Commissioner. Ipinagmalaki pa ng pinuno ng kagawaran, na ang taunang koleksiyon ng ahensiya ay tuloytuloy sa pagtaas sa nakaraang anim na taon. Simula pa raw noong 2012 na ang kita ng Bureau ay nasa P2.7 bilyon pa lang, apat na beses na rin itong tumaas dahil sa masipag na pagpo-promote ng pamahalaan sa bansa bilang isang magandang destinasyon at kalakalan para sa mga turista. Kabalikat din siyempre ang magandang relasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga karatig-bansa. Kasama rin dito ang kanyang mga reporma ukol sa pakikipagkalakalan na tumawag ng pansin sa iba’t ibang panig ng ng mundo. Naging bahagi rin ang ilang proyekto ng ahensiya tungkol sa modernisasyon ng kanilang pasilidad. Ito ay upang maging mabisa at kapaki-pakinabang para sa mga transaksiyon sa publiko. “We have been strictly monitoring our collections not only in BI main office but in our sub-offices as well to ensure that all our revenues are remitted to the government coffers,” saad ni BI Finance chief, Judith Ferrera. Naging malaking tulong din ang computerized system ng BI official receipts at order of payments para siguruhin na ang lahat ng ibinabayad ng kanilang mga parokyano ay “fully accounted” o sigurado ang bilang. Isang malaking achievement ito para kay BI Commissioner Morente at sa lahat ng bumubuo

ng kagawaran! Pinatunayan nila na sa kabila ng ilang issues na bumalot sa ahensiya ay napanatili nila ang kanilang kakayahan na maging maayos ang takbo nito para na rin sa ikabubuti ng kanilang serbisyo publiko! Congratulations Bureau of Immigration! *****

BI OVERTIME PAY DAPAT TUTUKAN NANG HUSTO!

HINDI pa malaman kung ngayong Enero 2019 ay may tatanggapin pang overtime pay ang mga empleyado ng Bureau of Immigration. Ayon sa ating info, wala pa raw kasiguruhan kung magtutuloy-tuloy ang bigayan ng OT pay since wala pang panibagong guidelines ang DBM pati na ang DOJ tungkol dito. But since sa nakaraang taon ay tila may sobra pang pondo ang ahensiya para ‘laruin’ o puwede pang gamitin bilang pasahod sa kanilang mga empleyado. Kung tama ang balita nating natanggap ay nasa P1 bilyon ang sobrang budget (retro) ng Bureau at kung ito man ay totoo, malaki ang maitutulong nito para pantawid-gastos hanggang maglabas uli ng panibagong direktiba regarding overtime pay ang Malacañang. Posible rin na sa pamamagitan ng panibagong “administrative order” mula kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ay puwedeng magpatuloy ang OT pay gamit ang naturang pondo. Tungkol naman sa “augmentation pay” na nagkakakahalaga raw ng 15K bawat empleyado, tapos na raw ito lagdaan ng kalihim at anomang sandali ay nakahanda na raw i-release upon compliance ng Finance and Management Division sa

ilang dokumento na hinihingi sa kanila. Umaasa rin ang buong ahensiya na sa taong ito ay tuluyan nang maipapasa ang panibagong immigration law

si Pangulong Rodrigo Duterte ay nabahala rin sa haba ng pila sa mga paliparan dulot ng kakulangan ng IOs? Kundi tayo nagkakamali ay nasa 1,800 pa lang ang bilang ng

AIRPORT BLITZ JERRY YAP

BLITZ AIRPORT

na magtataas sa salary grades nang lahat ng kawani ng BI. Mula pa noong 2010 ay ilang ulit nang sumalang sa senado ang naturang batas. Sana naman sa pagkakataong ito ay maisulong na sa administrasyon nina commissioners Morente, Javier at ng kauupo na si Deputy Commissioner Aldwin Alegre. Mga bossing, sa inyong mga kamay nakasalalay ang katuparan ng mga bagay na ito at isang magandang legacy ang inyong iiwan sa buong kagawaran kung ang naturang batas ay mapa-aamyendahan!

mga IO sa buong bansa. Halos 200 IOs lang ang nadagdag sa nakaraang taon dahil sa tiyanitiyaning budget ng DBM. Kasama riyan ang mga naka-duty sa field offices at subports mula Luzon hanggang Mindanao. Pero dahil mukhang “wapakels” naman sa sitwasyon si DBM sikwatary ‘este secretary Ben Joke-no ‘este Diokno kaya inabot nang siyam-siyam bago pa man nabigyan muli ng OT ang mga taga-BI. Kung hahanap lang ng isang alternatibo para hindi magkaroon ng ‘gap’ ang bigayan ng “OT” bakit hindi na lang ibalik ang pagbabayad ng airlines at shipping fees na dating kinaugalian?! Matatandaan, sa panahon ni PNOY ay ipinatigil ang pagbabayad ng mga airlines pati na ang mga barko dahil sa isang ga-kulangot na “memorandum” na nilagdaan noon ni dating DOTC (DOTr ngayon) sikwatary ‘este secretary Mar Roxas kasabwat ang dating Finance secretary na si Cesar Putrisima ‘este Purisima?! Una nang nakinabang ang Philippine Airlines sa nasabing “memo” at sumunod na rin ang iba pang airline companies kaya tuluyan nang tumigil ang dati nilang obligasyon! Sa ngayon na tila mahina naman ang “PR” ng pamunuan ng PAL sa ating pamahalaan, bakit hindi na lang isulong muli ng gobyerno ang pagbabayad sa mga taga-Immigration, Customs at Quarantine? Noong isang taon lang

JERRY YAP

*****

BUDGET SA HIRING NG IOS KULANG NA KULANG PA RIN!

NGAYONG napipinto na naman tumigil ang pagkakaroon ng “OT” sa buong Burea of Immigration ay hindi malayo na maulit ang naging problema tungkol sa pagkawala ng maraming empleyado sa ahensiya. Unang tatamaan panigurado ang immigration officers na kadalasan ay sumasalang sa 24/7 operations ng ilang airports sa Filipinas. Swak diyan ang mga IO sa NAIA, MCIA, Clark at KIA na tila sumasabak sa giyera sa sandamakmak na mga pasahero na dumaraan sa kanila araw-araw. Hindi ba nga at mismong

ay nagawa ng ating Pangulo na pagbayarin ng kakulangang buwis si PAL owner Lucio Tan na umabot sa P6 bilyon, bakit ngayon ay hindi muli sila obligahin para na rin sa kapakanan ng libong empleyado ng pamahalaan?! Kung sama-samang isusulong ang suhestiyon nating ito, hindi malayo na muli itong maungkat patungo sa pagbabago! Ano sa palagay n’yo, guys?! *****

KIA RENOVATION USAD-PAGONG DOTR SEC. TUGADE!

AWARE kaya si DOTr Secretary Art Tugade sa kasalukuyang estado o development ng construction at renovation ng Kalibo International Airport? Para sa kaalaman ng kalihim, hindi malayo na na-scam ng kasalukuyang contractor ang Herbana Builders, Inc. ang gobyerno sa klase ng kanilang trabaho sa naturang airport. ‘Di kasi naman, ang plano na dapat ay matapos ang naturang konstruksiyon sa loob ng anim na buwan ay tila aabutin pa nang anim na taon bago pa ito matapos?! Sonabagan! Magmula nang inumpisahan itong bakbakin hanggang ngayon ay malayo sa target na completion date na March 2019 para ito ay matapos! Luh!!! Bakit nga ba?! Paano mo tatapusin ang konstruksiyon sa isang airport kung tatlo katao lang ang gumagawa gayong P17 milyones ang halaga ng kanilang kontrata?! Tatlong katao?! Wattafak! Lahat ng workers na kinuha ng Herbana Builders na galing Maynila ay pawang naglalayasan dahil hindi raw pinasasahod ng nasabing contractor?! Susmaryosep! Paano lumusot sa bidding ng CAAP ang nasabing contractor kung tila wala naman kakayahan

SUNDAN SA PAHINA 7


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.