INILUNSAD nito lamang Miyerkules ang pamimigay ng ‘Air Binay 2.0’ rubber shoes sa lungsod ng Makati sa pangunguna ni Mayor Abby Binay.
Sinimulan ang pamimigay ng mga bago at libreng pares ng rubber shoes sa Francisco Benitez Elementary School at apat na iba pang paaralan na may 6,000 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 kabilang ang SPED classes.
Bilang pagtupad sa pangako ng mayora na magkakaroon ng mas magandang version ng ‘Air Binay’ na inilunsad noong nakaraang taon, mabibigyan na ang may 90,000 na mag-aaral ng mga pampublikong paaralan sa lungsod mula Kinder hanggang Senior High School maging ang mga nasa SPED classes.
“The welfare of our youth will always be a priority of my administration. We will continue to expand the programs on education that my father started several years ago. Our goal is to promote a worry-free environment where students can concentrate on their studies, and acquire the knowledge and skills they need to become globall...