Sasailalim sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Labor and Employment ang mga pagawaan ng paputok sa bansa upang matiyak ang pagtalima ng mga ito sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).
Kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon, inilabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Advisory No. 20, Series of 2018, na nag-aatas sa lahat ng Regional Directors na mahigpit na bantayan ang pagtupad ng mga establisyamento, partikular iyong nasa pagawaan ng paputok, alinsunod sa Republic Act No. 11058, o ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) upang maiwasan ang aksidente sa lugar-paggawa.
Dagdag pa dito, inaatasan din ng panukala ang mga labor laws compliance officer (LLCO) na tulungan ang mga establisyamento sa pagtatama ng kanilang mga kakulangan upang makasunod sa OSHS.
Gayunpaman, kung sakaling hindi sumunod ang mga establisyamento sa patakaran, may karapatan ang labor inspector na magsagawa ng imbestigasyon sa paglabag alinsunod sa Department Order No. 183, series of 2017.....