MGA LARAWANG ABOT-TANAW ni Dawn Danielle D. Solano
S
a Isla, kapayapaan ang nananaig. Mula sa pagsikat ng Araw hanggang sa paglubog nito, iisa ang larawang naipipinta sa mga mata ng mga naninirahan dito—kaligtasan.
Kung tutuusin, wala nang mahihiling pa si Ayla kundi ang manatili sa Isla. Lahat ng kaniyang pangangailangan ay narito na, kumpleto at sapat. Ngunit tuwing dumarating ang Bangka mula sa Kagiliran, lumiliit ang Isla. Umuurong ang dalampasigan; ang abot nito ay umiikli. Lumalayo ang kalangitan at lumalabo ang dakilang Araw. Tinanaw ni Ayla ang paparating na bangka, at tumalon sa tuwa ang puso niya. Binugahan niya ng hangin ang mga hibla ng buhok na dumikit sa kaniyang pisngi. Maghapon na siyang naka-dantay, inaabangan ang maliit na bangka na dumaong sa mapuputing buhangin ng kanilang isla. Ito ay hindi isang pangkaraniwang bangka. Naiiba ito sa mga sasakyang-dagat na kinalakihan ni Ayla sa kanilang Isla. Ang 86
DAPITAN