12 minute read
Potential Match
by The Flame
ni Ma. Christella N. Lim
Ano? Parang naubos yung hangin at dugo sa katawan ko. “Gumamit ka talaga nun?” Paniguradong mas dumoble ang laki ng mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Advertisement
Tumango siya at tumawa. “Oo nga, doon kami nagkakilala.”
Ngumiwi ako. Hindi ako makapaniw alang magagawa ni Cha ‘yon. Naunahan niya na naman ako at pakiramdam ko nadaya ako sa isang laro. Nakahanap agad siya ng boyfriend dahil doon? Paano? Hindi ko inakalang sa paraang gumamit siya ng dating app. Kapag nalaman ng mga magulang namin ‘to, baka mapagsabihan siya.
“‘Wag ka maingay kina Mommy at Daddy, ah?” aniya.
Umikot ang mga mata ko. Twenty years old pa lang ang kapatid kong si Cha, pero siya ang unang nagkaroon ng love life kaysa akin. High school pa lang siya noong una siyang magkaroon ng boyfriend. Sa pagkakaalam ko, naka-apat na exes na siya – ‘yon ang sinasabi niya – at lahat sila hindi legal sa pamilya namin, maliban kina Allen at Sam na nahuli nila Mommy at Daddy. Hindi naging maganda ang nangyari kay Cha pagkatapos no’n at ayaw kong mangyari ulit ‘yon. Although pwede na siya magkaroon ng manliligaw o boyfriend ngayon, ewan ko lang kung ano ang mangyayari kapag nalaman
Ako? Twenty-two na, pero hindi pa nagkakaroon ng boyfriend. Like, ever.
Madalas akong napapaisip kung may problema ba sa’kin. Sabi ng iba choosy ako sa pagpili ng lalaki, nandyan na pero pinakakawalan ko pa, parang “sinasayang” ko raw ang grasya. Sabi naman ng iba, baka takot ako sa commitment, na baka ayaw ko pa pumasok sa isang relationship dahil may insecurities ako sa sarili ko. Well, kung ako ang tatanungin, sasabihin kong wala pa akong boyfriend kasi mas kumportable ako sa pagiging single ko. Hawak ko ang oras ko at wala akong inaaksayang panahon para sa iba. Magisa. Masaya. Malaya.
May mga oras din na gusto kong maranasan ang romansa – kung paano umibig. Gusto ko maranasan sa sarili ko yung mga nababasa ko sa romantic novels o sa mga nakakakilig na palabas. Sabi ni Cha, “hopeless romantic” ako, pero hindi ko tinanggap ‘yon. Marami na akong mga nagustuhang lalaki, ngunit hindi dumaan sa puntong minamahal ko sila. Alam ko ‘yon… yung pinagkaiba ng gusto sa mahal. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako. Kung sino man ang lalaki na swak sa standards ko, good luck sa kanya dahil kailangan niya rin patunayan ang sarili niya sa’kin. Kung walang dumating, fine, so be it. Hindi naman siguro kawalan ang walang boyfriend. Mabubuhay naman ako nang mag-isa.
Pero sa totoo lang, naiinggit pa rin ako minsan sa mga nakikita ko. Lalo na at talamak ang romansa sa social media. Pasikreto akong natutuwa kapag may nagbe-break kasi alam kong wala talagang nagtatagal na relasyon. Sina Mommy at Daddy nga hindi nagtagal, sila pa kaya? Anyway, pakiramdam ko kasi hindi ako kamahal-mahal. Ngayon nga sinusubukan ko matutong mag-ayos ng sarili – simula sa makeup hanggang sa damit – para lang mapansin nilang may babaeng tulad ko. Hello? I exist! Hindi na ako yung unpopular nerdy girl noong high school na madalas i-bully noon. Kaso kalokohan
din ang ginagawa kong pagpapapansin dahil marami na nga ang nagkagusto sa’kin pero hindi ko binibigyan ng tsansa.
Gagawin ko na lang bang hintayan ang lahat? Maghihintay na lang ba ako para sa totoong pag-big na ‘yan? Totoo pa ba ang pagbig?
Hindi ko pa alam. Siguro gusto ko rin maging sigurado.
“I-try mo na rin kasi,” pangungumbinsi ni Cha sa’kin pagkatapos kong tanungin kung paano gumagana ang dating app.
Napasinghap ako. Napatingin ako sa pintong malapit sa’min. Tinaas ko ang hintuturo ko sa aking labi at sumenyas sa kanya na huwag siyang maingay. Lumapit ako sa pinto at sinara iyon nang mabuti. “Ayoko nga, delikado. Baka may rapists do’n or kidnappers tapos makikita mo na lang ako sa Imbestigador o S.O.C.O.”
“OA naman nito! Hindi ka pa naman makikipag-meetup e. Alam mo ate, try lang naman at saka malay mo may makilala ka doon.”
Umiling lang ako at tinawanan niya ako. Ako pa ang tinuruan ng mas nakababata sa’kin.
Pero… kapag gumamit ba ako ng dating app may magkakainteres sa’kin? Natawa ako sa sinabi sa’kin ng isang kaibigan ko: “Ang problemahin mo, hindi yung may magkakagusto sa’yo, kundi may magugustuhan ka ba sa kanila.” Tama siya. Fine, choosy nga talaga ako. Pero paano kung wala nang right guy para sa’kin dahil sa sobrang pihikan ko?
Nagsimula akong mag-isip nang malalim lalo na tuwing hindi ako makatulog sa gabi. Sayang sa oras ang maghintay. Paghihintay na hindi ko alam kung may hihintayin pa ba talaga ako. Hindi naman ako nakakalabas ng bahay dahil sa pesteng pandemic na ‘yan, kaya
anong kinakatakot ko? Tama si Cha – baka may makilala nga ako. Hindi naman ako hahanap ng boyfriend agad e. Susubukan ko lang naman, hindi ba? At saka, parang malabo mangyari ang ma-“in love” sa taong hindi mo pa lubusang kilala. Ako, magkakagusto sa isang lalaki na nakilala ko lang sa dating app at nakakausap ko lang sa chat and calls?
Naalala ko yung kaibigan kong si Paul na nagkagusto sa’kin noong Grade 9 kami. Nagustuhan niya ako, siguro na-develop ang feelings niya dahil lagi kami magkausap sa Facebook Messenger. Nang umamin siya, una kong naisip, “Posible ba magkagusto sa taong nakakausap mo lang sa internet?” Sunod, “Bakit ako?” Siguro maniniwala ako kung crush, lang ‘yon, pero mahal? Big word – yung love, I mean. Syempre, ni-reject ko siya dahil wala akong nararamdaman at talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero ayoko rin balewalain ang mga naramdaman niya kasi baka naman totoo at wala lang akong pakiramdam noon.
Huminga ako nang malalim. Parang ang lagkit ng balat ko dahil sa namumuong pawis. Nanginginig ang mga daliri ko habang itina-type ang pangalan ko sa Bumble. Medyo natawa ako sa sarili ko dahil ‘di ko aakalaing gagawin ko ito. Naka-set na yung isip ko na never kong susubukan ‘to kahit anong mangyari, pero heto ako ngayon… nilalabag yung sarili kong batas. Inalam ng app yung number ko – delikado yata ‘to. Paano kung may biglang tumawag o mag-text sa’kin? At saka paano kung may kakilala akong makakita sa’kin at sabihing desperada ako? Bahala na kung magaya ako sa crime documentaries na napapanood ko. Minsan lang ako mabuhay. YOLO!
Add your first photo. Nahirapan ako sa paghanap ng maayos na picture ko. Hindi pwedeng iisang style lang ang makikita nila, dahil kung hindi, magmumukha akong boring. Pumili ako ng pictures na tingin kong maganda, yung makakahatak ng mga lalaki – kadiri pakinggan, pero totoo ‘yan. Kailangan mukha akong medyo mature para seryosohin nila ako. Simple, pero mukhang elegante. Pumili rin
ako ng picture na kasama ko yung aso namin, si Lucky, para mukha akong dog lover – gusto ko talaga ng mga aso – dahil karamihan ng mga lalaki mahilig sa aso. Maayos naman ang mga damit ko – hindi tagung-tago at hindi rin naman mahahalay.
Pick a profile prompt. Anong personality ba ang gusto nila makita? Make-or-break ang pag-overshare, gano’n din kung konti lang inilagay ko. Nag-isip ako nang mabuti bago magsimulang magtype:
“My zombie apocalypse plan is… to finish my TBR list.”
“My most useless skill is… I can eat 4-5 unripe mangoes without scrunching up my face.”
Ang pinakaayaw kong tanong ay yung tungkol sa interests ko. Akala mo resume sa hirap. Ang pinagkaiba lang, inaalam ng Bumble ang interests ko dahil parang nag-a-apply sa future date. Wala akong masabi, at pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko. Siguro ayos na ‘to: Magbasa ng libro, magsulat sa journal, magtrabaho sa theatre production, dogs, K-pop, internet. Kahit na anong sabihin o ilagay ko, boring pa rin ako sa paningin ng iba. Tingin ko dapat medyo mysterious pa rin ang vibe na binibigay ko, na kumbaga sa literature, “show don’t tell.” Kasi kung marami akong ilalahad sa kanila, makikilala na nila ako agad at ayaw na nila akong kilalanin pa. Kung pwede ko lang ilagay ang “Judge me” gaya ng nilalagay ko sa scrapbooks na uso noong elementary, pero hindi. Dapat seryoso ako, kaya:
“Bio = Death
Kindly pencil me into your dance card.”
Perfect! Kapag kinausap nila ako, malalaman nila kung ano ang ibig sabihin ng mga ‘yan. Pero kung naintindihan nila agad, mabuti.
Sa kaba ko, ginawa ko munang “BFF” mode ang account ko. Nadismaya lang ako nang makita kong halos kababaihan lang ang nakita ko. Nang malaman ng kapatid ko ‘to, tinawanan niya ako at sinabing i-set ko na sa “date” mode, at gano’n nga ginawa ko. Iisipin ko na lang na isang experiment lang ‘to. Para sa experience. Okay, it’s now or never, right?
At voila! Iba-ibang mukha ang nakita ko. May mga pogi, may hindi kaaya-ayang mukha, nakasuot ng eleganteng damit, topless, nasa bar, nasa beach, graduation picture ang profile, at kung anuano pa. Iba-iba rin ang interests nila: umiinom, mahilig magbasa at magsulat, kumain, sports, etc. Minsan hinuhusgahan ko rin sila base sa music taste nila – kung sino ang top artists nila sa Spotify. Makeor-break din kaya ang ganito. Paano kung hindi kami same ng gusto sa artists and sa genre? Hindi talaga ako sigurado sa kung ano ba ang inaasahan ko sa mga lalaking ‘to, pero may mga nakikita akong “interesting” men. Kapag sinabi kong interesting sila, ibig sabihin parehas kami ng interests at cute sila.
Swipe left… Swipe left… Swipe left…
You’ve missed a potential match! Dapat ba akong madismaya? Parang nanunuya ang Bumble sa’kin – minamatahan ako at nagiigting ang panga. Sinasabi niyang single ako dahil choosy ako. May sinasayang ako. Umiling ako. Ako ang pipili, ‘wag mo ako ganyanin Bumble.
Swipe left, swipe left, swipe left.
Sa kaka-swipe ko, napansin kong may tipo ako sa lalaki – yung mahilig magbasa, nagsusulat, seryoso, pero masayang kausap, hindi naninigarilyo at minsan lang uminom ng alak.
Swipe left, swipe left, swipe left, oh… swipe right!
YOU MATCHED! You have 24 hours to make the first
move with ___. Nag-panic ako nang malaman kong babae pala ang dapat mag-initiate ng conversation. Pero para akong nanalo sa lotto, kasi hindi ko aakalain may magkakaroon ng interes sa akin. Bakit kaya? Ano ang dahilan kung bakit sila nag-swipe right? Mukha na ba akong interesting sa paningin nila?
Tinawag ko ang kapatid ko, at iwinagayway ko ang cellphone ko. “Ginagamit ko na.”
“Talaga?” Parang hindi siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at tinignan ang mga naka-match kong lalaki. “O, bakit hindi mo pa kausapin?”
“Nahihiya ako e,” pag-amin ko.
“Patingin nga ako,” aniya, sabay hablot sa cellphone ko.
Pinunasan ko ulit ang namumuong pawis sa mga palad ko. Bakit ba ako kinakabahan, e hindi naman nila ako makikita? Mayamaya lang ay ibinalik ni Cha ang cellphone ko. Nakita kong nag-send siya ng direct messages sa tatlong naka-match ko at medyo uminit ang ulo ko.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” Tinignan ko yung mga pagbati na sinend niya.
“Duh, kailan mo pa sila kakausapin?”
May punto siya, pero nakakahiya yung ginawa niya. Ako yung magmumukhang desperada.
“At saka… bakit walang tuldok?”
Tinawanan ako ng kapatid ko, pero nainis talaga ako kasi walang mga tuldok. Hindi ako ganun mag-type, at saka dapat mukha akong edukada. Lumayo na ako sa kanya dahil baka kung ano pa ang
Makulit pala ang Bumble, parang pinipilit na kausapin ko na ang mga naka-match ko. Why not message___
? You never know
what sparks may fly! Okay, fine. Alam kong hindi ako magaling sa ganito, pero dapat mukha akong interesting – hindi lang physically, o sa bio, at hobbies – dapat dala ko rin siya hanggang sa pakikipagusap. Sa modern times, hindi na pala uubra ang magpaka-Maria Clara dahil gusto na rin ng mga lalaki na initiative yung girls. If hindi ako ganyan, hindi sila mag-iinvest ng time sa akin. Panigurado plus points kapag may sense of humor. Sige, mag-drop lang ako ng jokes, siguro tatawa na sila katapat ng screen nila. Ah, the art of conversation!
Nagsimula na akong makipag-usap. Simpleng “Hi” muna. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa paghihintay, kumakabog, nagmamakaawang lumabas. May ibang nag-reply agad sa’kin, may ibang hindi. Iba-iba ang estilo nila sa pakikipag-usap. May ilan sa kanilang nakasundo ko agad, ngunit may iilan din na hindi ko malaman kung suplado ba o wala lang talaga kaming mapag-usapan. May guy akong naka-match, si Louis, Thomasian din siya, pero hindi raw siya freshman. Grade 12 siya. Grade 12, at sinabi niyang mas marami pa raw siyang experience kaysa sa’kin dahil karamihan ng exes niya ay ages 20 to 24. Kinutya pa ako ng loko. Tingin niya I’m into “old school love, kung paano nag-meet yung lolo at lola.” Ang sagot ko? Walang problema sa traditional courtship. Anyway, ayoko ng mga ganyang klase ng lalaki kaya mabuti na lang at tumigil na rin agad ang usapan namin.
Naiinis din ako tuwing ako na lang ang bumubuhay sa conversation namin ng ibang nakausap ko. Hindi ba dapat twoway ‘to? I didn’t sign up for this para magtanong lang sa lalaki. Nagmumukhang ako lang ang may interes, at ayoko no’n. Alam kong hindi naman ito obligasyon, pero hindi ko maiwasang gustuhin makatanggap ng validation.
Nakakahiya tuwing may sinasabing details yung kausap ko tungkol sa buhay niya na nadadala ko sa iba pang kausap ko dahil akala ko siya ang nagmamay-ari ng detalyeng ‘yon. Nalilito ako sa mga kuwento. Si Carl ba ang nagsabi nito o si Josiah? Saglit, parang naikuwento ko na ‘to kay Mart… Si Den yata? No! Si Jacob lang naman ang lagi kong kausap. Freaking hell.
May mga nagtanong sa akin kung bakit ako nasa Bumble. Bakit nga ba? “I was curious,” sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko dito. Nandito ba ako para lang mag-experiment dahil curious ako? Dahil ba para makipagkaibigan? Maghanap ng kausap kapag nababagot ako? O maghanap ng lalaking pasok sa standards ko at subukan silang kausapin? Siguro gusto ko rin talaga ng experience when it comes to dating. Pero sa ngayon, hindi ako sigurado kung gusto ko ng casual o yung seryosohan.
Bale ganito lang pala ang trabaho sa dating app: Collect, then collect, then collect, and then go select. Parang bumibili lang ako ng sapatos, pipili muna ako ng marami bago umupo sa tabi. Susukatin ko ang mga iyon, only to find out na masyadong masikip pala sa mga paa ko. Susukatin ko ang isa, pero maluwag naman. May iba na hindi bagay sa mga paa ko. Ang pangit ng kulay. Yung design hindi bagay sa personality ko. Pero once na nakahanap na ako ng perfect fit and style para sa’kin, parang Cinderella lang ang peg. Hindi ako makapaghintay na isuot ang sapatos sa susunod na lakad ko.
May problema na naman: ang “Waiting Game.” Magiging hintayan ko na lang ba talaga ang dating app? Walang tiyak. Walang tiyak kung magugustuhan ako o magugustuhan ko yung araw-araw kong kausap sa Bumble. Liligawan ba ako ng lalaking ‘to? Papayag ba ako magpaligaw? Paano kung casual lang pala ang gusto niya at gusto ko ng serious relationship? Walang tiyak ang lahat. Parang nag-a-apply lang ako ng trabaho sa iba’t ibang kumpanya, hinihintay na may tumawag sa’kin kahit isa para makapagtrabaho na next week. Kaya naranasan ko naman ang unang sakit sa Bumble nang may nag-unmatch sa’kin, dahil pakiramdam ko hindi ako fit para sa
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Bumabagal ang oras, pero tumatakbo rin ito nang napakabilis.
Hintay…
Hintay…
Hintay… F