1 minute read

Mag-isa

Next Article
Sangandaan

Sangandaan

ni Jericho Christian B. Lopez

umaalingawngaw ang mga kotse sa kalsada, ngunit sa eskinitang pinasukan, tanging usok lang, dala ng ihip ng hangin, ang sumisipol sa pagitan ng mga tahanang nagsisiksikan, at mag-isa akong naglalakad sa liwanag ng kidlat, sa gitna ng putikan gawa ng bawat pagpatak—

Advertisement

may nakatitig sa akin sa kalayuan. sa kada hakbang ko, sinusundan niya ang mga paa kong nanginginig sa lamig ng semento ngayong alas singko ng umaga.

tinuloy kong lakarin nang hindi pinapansin ang sabay na kaluskos ng tsinelas sa lapag at paghingang nagtutugmaan sa ritmo ng puti at dilaw na linya sa daan.

ngunit ang nagnakaw ng aking mga mata: ang takot na nakapinta sa mukha naming dalawa na pinagtapatan sa dumi at burak ng nilalakaran na naging paalala—babala—na hindi kami nag-iisa. F

This article is from: