
1 minute read
Sangandaan
by The Flame
ni Nikko Miguel M. Garcia
Niyaya mo ako na magsimula muli, ituloy anuman ang ating naiwan.
Advertisement
Maaaring ipagwalang-bahala ang iyong paanyaya tulad ng pangangati ng sugat sa paa, ng kislap ng barya sa kalsadang nilalakad pagkagaling sa trabaho.
Paano ba tayo magsisimula muli? Narito ako sa hugpungan. Nakayuko, hindi malaman kung ang susunod na hakbang ay palapit o palayo
sa daang patuloy na magpapatuloy kahit na hindi tanawin saanman ito patungo. F