OTW
ni Sophia E. Eugenio
Sabi ni Jonas babalik siya kaagad. Pasado ala sais na. Isang oras na siyang hindi sumisipot. Ginawa na akong meryenda ng mga lamok dito sa labas ng convenience store. Maling desisyon pala ang magsuot ng khaki shorts, lalong nangibabaw ang mga mamula-mulang kagat sa binti ko. Tila galit na galit ang mga markang ito sa ilalim ng naghihingalong fluorescent lights. Sa bawat kurap nito, parang lalong namumula ang palatandaan ng pagsasalo ng pesteng mga lamok. Kung bakit ba naman kasi sa labas lang may silya at mesa. “Tol, sagot mo pang-confine ko pag na-dengue ako rito ah,” text ko kay Jonas sabay hampas ulit sa paanan ko. Hindi pa ba nabubusog ang mga ‘to? Nalalasahan ko pa rin sa dila ko ang kinain naming afritada ni Jonas kanina bago umalis ng bahay, pero nagugutom na ako sa inip. O baka nauubusan na ako ng dugo? May nabanggit si Jonas noon na tungkol sa blood sugar. Pwede ka raw himatayin pag hinayaan mo itong bumaba sa pagpapalipas ng gutom. Hindi ko sigurado kung may koneksyon ang dalawang ‘yun. Basta parehong may kinalaman HINTAYAN
71