PANGKAT#1_MIDTERM_STEKSTO

Page 1

Lakbay: Alonng
STEKSTO VOL.00 S G A 1 1 , P a n g k a t 1
Wikang Filipino

Wikang Filipino'y bubuhayin, binubuhay, at mabubuhay.

TEKSTONGDESKRIPTIBO.................................04 TEKSTONGNARATIBO...............................................06 TEKSTONGEKSPOSITORI..................................08 TEKSTONGPROSIDYURAL 10 TEKSTONGARGUMENTATIBO 12 TEKSTONGPERSWEYSIB 14 PANAWAGAN 16 MGASANGGUNIAN............................................................17 Talaan ng Nilalaman

Tekstong Naratibo

Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay, maglibang, at magbigay-aral mula sa isang partikular na pananaw ng tao. Binibigyang halaga nito ang maayos at magaang daloy ng mga kaganapan mula simula hanggang dulo kung saan nagtataglay ito ng suliraning kinakailangang mabigyang solusyon sa dulo. Bilang karagdagan, ang mga tekstong naratibo ay maaaring batay sa karanasan, imahinasyon, o pagmamasid na inilalathala sa mambabasa sa parehong masining at simpleng paggamit ng wika Ito ay madalas na ginagamit upang akitin ang mga mambabasa sa teksto.

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang katangian ng tekstong naratibo:

Naglalayong ilarawan ang isang bagay, tao, hayop, o pangyayari;

Kabilang dito ang mga panitikan na mga pabula, alamat, maikling kwento, talambuhay, at kwentong bayan.

Mahalagang ipakita ang mga pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod at sa nakakaaliw at mapaglilibangan na paraan.

Gumagamit ng transisyonal at gramatikal na magkakaugnay na mga salita bilang hudyat;

Nararapat na isulat detalyado, partikular, at maayos na paraan; Maiging malinaw ang pagkakasayad ng pangyayari at may tiyak na daloy ang teksto kung saan ito patungo.

Mahalagang naglalaman ang tekstong naratibo ng panimulang aksiyon, pataas na aksiyon, kasukdulan, pababang aksiyon, at resolusyon; Sa madaling salita, mahalagang may simula, gitna, at wakas ang teksto At kinakailangang naglalaman ng mga sumusunod na elemento: balangkas, tauhan, anggulo ng naratibo, tagpuan, tema, tunggalian, at istilo.

ANGTEKSTONGNARATIBOAYLUBOSNAMAHALAGASAPAGKATANG

SIMPLENGPAGPAPALITNGIDEYAMENSAHEOKAISIPANAYANYO NGPAGKATUTO

Mahalaga ang tekstong naratibo sapagkat nagbibigay ito ng aral sa mga mambabasa ukol sa paksa o karanasang nakalahad. Nabibigyan nito ng ideya kung paano sumasailalim sa isang pangyayari ang isang tao at naihahanda ito ukol sa mga bagay batay sa pansariling karanasan Subalit hindi lahat ng naratibong teksto ay nakabatay sa karanasan ng isang tao ngunit maging sa imahinasyon nito at sa halip, nag-iiwan ito ng pangaral sa masining na paraan. Sa tulong nito, nagkakaroon ng mas malalim na pag-intindi at pag-unawa ang bawat isa hindi lamang sa mga kaganapang literal ang pagkakasalaysay ngunit maging sa kaganapang nakapailalim sa idyoma, metapora, o iba't ibang uri ng tayutay. Higit sa lahat, ang tekstong naratibo ay lubos na mahalaga sapagkat ang simpleng pagpapalit ng ideya, mensahe, o kaisipan ay anyo ng pagkatuto.

KAUGNAYNAARTIKULO:ANGMGANAWAWALANGSAPATOSNIKULAS

PETSANGPAGLATHALA:26NOVEMBER2018

MAY-AKDASANDYGHAZ

LINK:HTTPS://PHILNEWSPH/2018/11/26/MAIKLING-KWENTO-NAWAWALANG-SAPATOS-KULAS/ Ang nawawalang sapatos ni Kulas ay halimbawa ng tekstong naratibo sa anyo ng maikling kwento sapagkat may malinaw na pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa istorya na magbubunga ng suliraning kinakailangang malutas ng

pangunahing tauhin Sa artikulo ay makikilala si Kulas na laging nawawalan ng bagong sapatos na pinaghirapan ng kanyang mga magulang at sa halip ay sinusuot ang kanyang lumang sapatos. Sa nilalaman nito, bakas ang pagnanais ng manunulat na isalaysay ang isang konsepto sa tulong ng mga tauhan, tagpuan, at daloy ng istorya. Higit na makikita ang mga katangian ng isang tekstong naratibo sa dulo kung saan nag-iwan ito ng mahalagang aral sa mambabasa na bagaman magandang bagay ang pagiging mapagbigay, nararapat na hindi tama ang magsinungaling

N A R A T I B O

Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng tekstong naglalarawan. Ito ay mayaman sa paggamit ng mga pang-uri at pang-abay upang mag larawan sa isang tauhan, tagpuan, mahahalagang bagay, at maging sa emosyon o damdamin upang magbigay ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Mayroong dalawang paraan ng paglalarawan: masining at karaniwan kung saan direkta ang panghuli at gumagamit naman ng mabulaklak na wika ang nauna May pagkakaiba-iba ang bawat teksto ng ganitong uri sapagkat hindi pare-pareho ang anggulo ng pananaw ng bawat isa.

Ang mga katangian na mayroon ang tekstong deskriptibo ay ang mga sumusunod:

Nagbibigay kalinawan sa isang teksto sa tungo ng mga paglalarawang ginamit;

Nakatuon sa pagbibigay katangian na nakabatay sa “timpla” ng naglalarawan;

Gumagamit ng mga pang-uri at pang-abay sa paglalarawan;

Gumagamit ng obhetibong paglalarawan na nakabatay sa katotohanan;

Gumagamit ng sobhetibong paglalarawan na nakabatay sa imahinasyon o nararamdaman ng naglalaglalarawan;

Nangangailangan ng 4D: dahilan, dulot, daloy at direksyon sa pagbuo ng tekstong deskriptibo; At nagbibigay ng pangkalahatang “litrato” sa pamamagitan ng paguugnay ng salitang naglalarawan.

Ang tekstong deskriptibo ay nakatutulong upang mapukaw ang atensyon, kaisipan, at emosyon ng isang mambabasa at maipahayag ang mga saloobin sa ukol sa isang paksang naranasan na ng manunulat. Ang paggamit nito ay may malaking ambag sa kaalaman ng isang indibidwal upang nauunawaan ang mga artikulo, dyornal, sanaysay, pagaaral, at iba pa sapagkat sa tekstong ito, ang pagkatuto ay nagsisimula sa manunulat at natatapos sa paraan ng interpretasyon ng mambabasa Napalalawak nito ang imahinasyon ng kung sino mang makababasa o makasusulat ng isang tekstong deskriptibo. Higit sa lahat, mahalaga ito sapagkat nagtataglay ito ng kakayahang magbigay-linaw sa larawan ng pakiramdam o karanasan sa tungo ng mga katangiang nakalahad.

KAUGNAY NAARTIKULO:ANGDALAGINDING

MAY-AKDA:INIGOED.REGALADO

LINK:HTTPS://DOKUMENTIPS/DOCUMENTS/ANG-DALAGINDINGIEREGALADO.HTML

Sa maikling kwento na ito ni Inigo Ed. Regalado ay inilarawan ang buhay ng isang dalaga na nagngangalang Irene o Ineng kung tawagin at kung paano siya nabighani sa isang mayaman na lalaki na si Daniel. Inilarawan ang malalim na pagsinta ng binata kay Irene ng ipinagtapat nito ang kanyang pag ibig para sa dalaga, bagama’t siya ay nasa hustong edad na, siya ay nangako sa ina na hindi niya ito mahal subalit sa katapusan ng istorya ay mababasa na ang dalaga ay sumama sa binata.

Bilang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo, mapapansin sa kwento ang paggamit ng may akda ng pagsasalarawan sa isang tauhan, lugar na pinangyarihan, pangyayari, at damdamin ng mga tauhan. Sa pagbabasa ng tekstong ito, nabibigyan ang mambabasa ng kaalaman hindi lamang ukol sa proseso ng pagkabighani kundi maging sa iba’t ibang salik na nagtulak sa parehong karakter upang humantong sa pagtatapos na nakasalaysay sa kwento. Ang pagbibigay ng katangian sa mga karakter at pangyayari na naganap ay mga palatandaan ng tekstong deskriptibo

Tekstong Argumentatibo

Ang tekstong argumentatibo ay tumutukoy sa sulatin kung saan ang manunulat ay maaaring pumili ng posisyon: “para sa” at “laban sa” at inimumungkahi ang saloobin ng parehong panig. Ito ay kasanayang kumikilatis ng nakahanay na mga patunay kung saan hinuhubog ang pangangatwiran sa tungo ng rasyonal na pagiisip. Saklaw nito ang paulit-ulit na proseso kung saan ang kritikal at lohikal na pagsusuri ay nagsisilbing daan upang makarating sa konkretong kongklusyong naglalaang daan sa mga panibagong pag-aaral.

Magagamit ang sumusunod na mga paraan sa proseso ng pagbuo ng isang tekstong argumentatibo:

Nararapat na mayroong tesis, anti-tesis, at sintesis ang tekstong argumentatibo kung saan mabuting naipaliliwanag ang proposisyon ng manunulat sa unang talata;

Gumagamit ng pasaklaw o pabuod na pangangatwiran sa pagsulat o angkop na pamamaraan ng pangangatwiran; Ang pasaklaw na pangangatwiran ay paraang nag-uugat sa halimbawa patungo sa paglalahat samantalang ang pabuod na pangangatwiran naman ay nag-uugat sa paglalahat patungo sa tiyak at spesipikong halimbawa.

At higit sa lahat, maikli ngunit malinaw ang nilalaman ng teksto.

Upang makasulat ng tekstong argumentatibo, nararapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

Nakikilala ang paksa ng masinsinan upang makakalap ng datos na angkop at mapagkakatiwalaan; Mayroong malinaw na konteksto ang mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng argumento; Natatalakay na maigi ang kahalagahan ng kaalaman at pakikipagpalitan ng ideya ukol sa paksa; Importante na ang paksa ay napapanahon at makabuluhan.

Natitiyak na lohikal, rasyonal, at kritikal ang pag-iisip sa pagsulat ng nasabing teksto sapagkat mahalaga ang mga katangiang ito upang makarating sa kongklusyong maaaring magsilbing simula ng panibagong proposisyon; Huli, mayroong datos na siyang susuporta sa proposisyon ng manunulat.

Mahalaga ang tekstong argumentatibo sapagkat nagagamit ito upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan at matuklasan ang katotohanan. Nag-aambag ito ng

kaalaman sa pagsuri ng sariling ideya at maging ideya ng ibang tao sa maingat at mapamaraan na asal. Sa pagbabasa, mas natutukoy kung paano suriin ang mga magkasalungat na proposisyon at pasyahan ang ebidensya at maging ang paraan ng pasisiyasat.

KAUGNAYNAARTIKULO: HINDIBASTA-BASTAANG PAGPAPATUPADNG POLISIYA

PETSANGPAGLATHALA:21

FEBRUARY2022

LINK: HTTPS://WWWPLARIDELP H/INDEX.PHP/2022/02/21/HI

NDI-BASTA-BASTA-ANGPAGPAPATUPAD-NGPOLISIYA/

Ang artikulo ay tumatalakay sa militaristang tugon ng gobyerno sa pandemya kung saan sinusubukang puksain ng gobyerno ang COVID-19 hindi sa tulong ng mga propesyunal sa medisina, ngunit mga militar na panauhin. Sa solusyong hinahain ng gobyerno, nangangatwiran ang Ang Pahayagang Plaridel na hindi makataong tugon ang polisiyang “No Vaccine, No Work,” sapagkat pinalalala lamang nito ang paghihirap ng mga Pilipino. Naging halimbawa ito ng tekstong argumentatibo sapagkat mayroon itong malinaw na proposisyon kung saan sinusupil ang mga hakbang ng gobyerno ukol sa pandemya. Nagsalaysay rin ang teksto ng anti-tesis na sa kabila ng hindi pagiging makatao ng mga solusyong nakalahad, hindi maitatanggi na epektibong solusyon ang pagbabakuna sa pandemya. Sa kabila ng mga nabanggit, malinaw ang kongklusyon sa artikulong ang kabuhayan at kaligtasan ay mahalaga sa mga Pilipino kung kaya’t hindi makatarungang sila ay papiliin sa dalawa.

Ang prosidyural na uri ng teksto ay nagbibigay ng gabay o impormasyon sa paraan ng pagkakasunod-sunod ng isang bagay. Ito ay naglalaman ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o pangyayari. Sinusunod ng tekstong prosidyural ang “chronological” na paraan ng pagbibigay ng panuto sa mambabasa upang maayos na maisagawa at masunod ng mga ito ang mga panuto ng isang gawain. Madalas na makikita ang ganitong uri ng teksto sa mga pakete ng pagkain at panglinis na gamit

Magagamit ang sumusunod na mga katangian sa proseso ng pagbuo ng isang tekstong prosidyural:

Tama ang paraan ng pagkakasunod-sunod;

Gumagamit ng heading, subheading, numero at dayagram;

Ang mga panuto ay naipapahayag nang maayos at malinaw;

Wasto at tama ang mga pandiwa na inihayag sa instruksyon.

Upang makasulat ng tekstong prosidyural, nararapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

Nakapokus sa pangkalahatan;

Mapanghikayat ang mga panuto;

Gumamit ng mga masining na presentasyon o larawan upang mas maging kahika-hikayat ang teksto at magkaroon ng malinaw na ideya ang tao sa kailangan nilang gawin.

Napapanahon ang impormasyon;

Detalyado at tiyak ang deskripsiyon na ginagamit tulad ng laki, hugis, kulay, at iba pa.

KAUGNAYNAARTIKULO: PAANOMAGLUTONG ADOBONGMANOK

PETSANGPAGLATHALA:15

DECEMBER2022

MAY-AKDA:RUTHIECANDO

LINK:

HTTPS://WWW.SIMOTSARAP.P

H/PAANO-MAGLUTO-NGADOBONG-MANOK/

Mahalaga ang tekstong prosidyural sapagkat nakalahad sa tekstong ito ang mga hakbang upang maisagawa ng maayos ang isang bagay, nagsisilbi rin ito bilang gabay sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga proseso. Pinagkukunan din ito ng impormasyon upang makumpleto ang anumang kinakailangan at mas pinalalawak din nito ang kaalaman kung paano maisakatuparan ang isang gawain. Nag-aambag ito ng kaalaman sa indibidwal ukol sa mga hakbang na kinakailangang isagawa upang maabot ang ninanais na resulta gaya ng pagluluto, paglilinis, at maging sa pagaaral. Ang artikulong ito ay nakapokus sa proseso kung paano magluto ng adobong manok. Nakasaad sa artikulo ang mga pagkakasunod-sunod ng proseso sa pagluluto nito na isa sa mga katangian ng tekstong prosidyural. Nakaka-enganyo ang pagbasa ng artikulo sapagkat hindi paikot-ikot ang mga bagay na sinasabi Makikita rin sa artikulo ang mga detalyadong impormasyon na nakakatulong sa mambabasa upang mas maintindihan ng maayos ang mga hakbang na dapat gawin. Ito ay isang halimbawa ng tekstong prosidyural sapagkat lahat ng mga pangunahing puntos ay tugma sa mga impormasyon na nakasaad. Mapapansin na ang uri ng paglalahad sa nabasang artikulo ay may mga numero ng pagkakasunod-sunod, isa ito sa mga bagay na kadalasang nakikita sa mga tekstong prosidyural.

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay isang uri ng teksto kung saan naglalahad at nagbibigay ng kaalaman at impormasyon para sa mga magbabasa. Sa uri ng tekstong ito, ibinabahagi ang mga nasabing impormasyong sa direktang paraan sapagkat ninanais ng manunulat na maunawaan ng mambabasa ang paksa sa malinaw na metodolohiya. Nararapat na walang kinikilingan ang teksto sapagkat ito ay nangangailangang makatotohanan at nakabatay lamang sa katotohanan.

Sa pagbuo ng isang tekstong ekspositori, nararapat na naglalaman ito ng sumusunod na

mga katangian:

Klaro ang pagbabahagi ng mga

impormasyon; Abstrak ang konseptong ipinapakita;

Nagbibigay ng kahulugan sa

mga salita o termino na

maaaring bago sa pandinig ng

mga mambabasa;

At gumagamit ng mga grapiko katulad ng larawan at illustrasyon.

Mahalaga ang tekstong ekspositori sapagkat malaki ang tulong na nai-aambag nito upang maintindihan ng mga mambabasa kung ano ang nais iparating ng teksto.

Sa tungo nito, naipakikita ang isang balanseng layunin na paglalarawan ng isang paksa na nagbibigay-daan para sa malinaw at lohikal na pagpapaliwanag ng malalim at kumplikadong impormasyon sa halip na patunayan ang isang punto o magbigay ng personal na opinyon ng manunulat sa isang paksa.

KAUGNAYNAARTIKULO:P156

BILYONG COVID-19 VACCINES, NASAYANG

PETSA NG PAGLATHALA: 22

NOVEMBER2022

MAY-AKDA:DANILOGARCIA

LINK:

HTTPS://WWW.PHILSTAR.COM/

PILIPINO-STAR-

NGAYON/BANSA/2022/11/22/22

25625/P156-BILYONG-COVID19-VACCINES-NASAYANG

Ito ay isang halimbawa ng tekstong expositori sapagkat ang artikulo ay naglalahad lamang ng tunay na detalye ukol sa mga nasayang na bakuna sa COVID-19 na umabot ang halaga sa mahigit 15.6 milyon pesos. Ayon rito, ang dahilan ng pagkasayang ng mga ito ay ang temperatura ng bansa at pagdadalawang isip ng mga mamamayan na nagbunga ng hindi pagbubukas o hindi paggamit ng iba rito. Mula sa konstruksyon ng artikulo, mababatid ng mga mambabasa na ito ay ekspositori sapagkat nilalayon lamang nitong magbigay ng kaalaman ukol sa paksa sa tulong ng datos na nagmula sa mga awtoridad gaya ng Department of Health (DOH). Mapapansin rin na ang wikang ginamit ay direkta at simple upang hindi magdulot ng information overload sa mambabasa at maintindihan o maunawaan ng mga karaniwang tao.

Tekstong Persweysib

Ang tekstong persweysib ay isang uri ng tekstong may layon na manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa, manonood, o mga tagapakinig. Ito ay gumagamit ng mabulaklak na wikang nag-uugat sa pansariling opinyon upang mapasangayon, makumbinsi, at mabago ang isip ng mga mambabasa na sinusuportahan ng datos o kabihasaan sa emosyon. Ang uri ng tekstong ito ay higit na makikita sa telebisyon sa tungo ng mga iskrip sa patalastas

Bakas sa mga tekstong persweysib ang sumusunod na katangian:

Tumutugon ang tagapakinig, manonood, o mambabasa na may layuning

mangumbinsi o manghikayat;

Gumagamit ng sobhetibong tono ang mayakda sa pagsusulat ng teksto;

Gumagamit ng lohikal na argumento at makatotohanang ebidensya;

Nagtataglay ng paraan ng pangungumbinsi sa tungo ng paggamit ng ethos, pathos, at logos; At gumagamit ng wikang mabulalak.

Nakapag-aambag kaalaman ang tekstong persweysib sapagkat sa tungo nito, nakabubuo ang tao ng rason kung bakit nararapat na bigyang atensyon ito ng iba. Nabibigyang oportunidad ng uri ng tekstong ito upang maipahayag ng isang tao ang kanilang saloobin ukol sa isang paksa at nabibigyang pansin ang kakayahang makakuha ng atensyon ng iba gamit ang wika. Mahalaga ito sa pagsisilbing gabay at tulay upang maipahiwatig ang isang ideya at mahikayat ang ibang tao upang sumang-ayon dito

KAUGNAYNAARTIKULO:MGADAHILANKUNGBAKIT

MAHALAGAANGEDUKASYON?LAHATNGKAILANGAN MONGMALAMAN

PETSANGPAGLATHALA:16MARCH2022

MAY-AKDA:BASSEYJAMES

LINK:HTTPS://STAYINFORMEDGROUPCOM/TL/REASONSFOR-EDUCATION-AND-WHY-IS-IT-IMPORTANT/

Ang artikulo ay tungkol sa kahalagan ng edukasyon na hindi nakabase sa kakayahan nitong bigyan ng hanapbuhay at kasiyahan ang magulang ng bawa’t isang mag-aaral ngunit ang kahalagahan nito sa atin upang tayo ay manatiling mulat sa iba’t ibang bagay at aspeto ng buhay. Nakapaloob sa artikulo ang paggamit ng tatlong pamamaraan ng panghihiyakat: ethos, pathos, at logos kung kaya’t higit na nakukumbinsi ang mga mambabasa Bagaman gumagamit ang artikulo ng mga nabanggit, isa sa nararapat na bigyan pansin ay ang pamagat nito kung saan ay nabibigyan agad ng ideya ang mambabasa ukol sa paksang nilalaman nito at maging sa kung anong proposisyon ang ninanais talakayin ng manunulat. Sa artikulo ay bakas na ninanais nito hikayatin tayo upang bigyang pansin ang kahalagan ng edukasyon at nabibigyan tayo ng klarong mga dahilan kung bakit tayo nararapat na sumang-ayon

Panawagan

Kapansin-pansinangkaramihanngmgaartikulosamagasinayumiikotsaproblemanghinarapat patuloynahinaharapngbansasubalitsakabilangmgaito,isasamgasuliraningpaulit-ulit ipinaglalabanngmgamamamayangPilipinoayangpagbuhaysawikangFilipino.Kasabayng mabilisangpagbabagongsistemasabuongmundongumaayonsapandemyaayangpagbahang pagsuboksaatingwikakungsaankabilangangtuluyangpaglalangkolonyalnakaisipan

Bagamanmaramingpositibongepektoangglobalisasyon,nagingmalubhaangnegatibongresultang dalanitosanakaraangdalawangtaon:paraminangparamiangmgabalbalnasalita,lumalakiang mganakababatanghenerasyonsalipunangtinatangkilikangwikangIngles,atsocialmediaang basehanngusadngmundo Tunaynasakabilangmgapositibongepektongpag-usbongng globalisasyonatngnagdaangpandemya,nagsilbiitongmalakingbalakidsaatingwika saating pagkakakilanlanatpagtangkilikdito Magingangmgaasignaturangitinuturosamgapaaralanay wikangInglesangmidyumnaginagamitsapagtuturo Ngunithindilamangsamgapaaralanmas tinatangkilikangwikangIngles,sakasagsaganngpandemya,magingsapagpapahayagngmga impormasyonsatelebisyon,radyo,atibapangmgamidyumngpaglalathalangimpormasyon

Angkakulangansapagtangkilikngatingwikaaynagdudulotngpagsaradongmgaoportunidad parasaibangPilipinonamaunawaanngmaigiangatingkulturangmalalimnanag-uugatsa wikangginagamit BagamanlikasathigitnamayroongkamalayanangmgaPilipinosakahalagan ngpatuloynapaggamitatpagtangkiliksainang-wika,hindimaitatanggingmaramingpagsubok anghinaharapsapagtataguyodnito

Bilangmgamag-aaralsaDeLaSalle-CollegeofSaintBenilde,ninanaisngamingpangkatna manawagansakaparehongmgakabataannapagtibayinangpagsisikaptungosamainamna pagbuhaysawikangFilipino.Nawa'ymagsilbiangmagasinnaitobilangehemplosa pangangalagaatpagpapahalagangwikasapagkatangpagpapanatilinitoaysusisaisang lipunangnagtataglayngmayamangkultura Kabataan,anghinaharapaymagiging kasalukuyannatinbalang-arawkungkaya'tatingpagbutihin gamitinangwikasa pakikipag-usap:huwagikahiya,huwagipagdamot Kabataan,tayoangnatatangingpag-asang buhayngwikangpatuloynapinupuksangparehonghenerasyon.

Hawaknatinangsusisapag-unlad,atingbuksanangpintuan athuwagipagkaitangtamisngkulturanghindinapabayaansa

wikangngayonaypaitlamangangtinatamasa.

Mga Sanggunian

(PDF) Ang Dalaginding - I E regalado (n d ) Dokumen tips https://dokumen tips/documents/ang-dalagindingieregalado.html

A (2022, November 17) Tekstong Naratibo: Katangian, Elemento, Uri - Aralin Philippines Aralin Philippines https://aralinph.com/tekstong-naratibo/

Cando, B (2022, December 15) Paano Magluto ng Adobong Manok SimotSarap ph

https://www.simotsarap.ph/paano-magluto-ng-adobong-manok/

Carlo, B (2018, January 15) Ang Tekstong Persuweysiv Pinoy Newbie https://www pinoynewbie com/angtekstong-persuweysiv/

Carlo, B. (2018, May 18). Ano ang Tekstong Prosidyural? Pinoy Newbie. https://www.pinoynewbie.com/anoang-tekstong-prosidyural/

Carlo, B. (2019, May 21). Ano ang Tekstong Argumentatibo? Pinoy Newbie.

https://www pinoynewbie com/ano-ang-tekstong-argumentatibo/

Duka, J M (2020, January 8) Tekstong naratibo https://www slideshare net/JoanaMarieDuka/tekstongnaratibo-216900449

Garcia, D (2022, November 22) P15 6 bilyong COVID-19 vaccines, nasayang Philstar com

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2022/11/22/2225625/p156-bil yong-covid-19-vaccinesnasayang

Ghaz, S. (2018, November 26). Maikling Kwento: Ang Mga Nawawalang Sapatos Ni Kulas. Philippine News. https://philnews ph/2018/11/26/maikling-kwento-nawawalang-sapatos-kulas/ Leopoldo, T (2020, September 11) Tekstong Prosidyural SlideShare

https://www slideshare net/ThomsonLeopoldo/tekstong-prosidyural

M (2021, January 9) Ano ang Tekstong Naratibo? | Gabay Filipino Gabay Filipino https://gabay ph/ano-angtekstong-naratibo/

Mga Dahilan Kung Bakit mahalaga ang Edukasyon? Lahat ng Kailangan Mong Malaman (2022, March 16)

Stay Informed Group. https://stayinformedgroup.com/tl/reasons-for-education-and-why-is-it-important/ Plaridel, A P (2022, February 21) Hindi basta-basta ang pagpapatupad ng polisiya Ang Pahayagang Plaridel

https://www plaridel ph/index php/2022/02/21/hindi-basta-basta-ang-pagpapatupad-ng-polisiya/ Tekstong Deskriptibo – Halimbawa | Kahulugan | Mga Uri | Layunin. (n.d.). Takdangaralin.ph.

https://takdangaralin ph/tekstong-deskriptibo/

Writing Arguments: Purposes of Argument | UMGC. (n.d.). University of Maryland Global Campus.

https://www umgc edu/current-students/learning-resources/writing-center/online-guide-towriting/tutorial/chapter8/ch8-

04#:~:text=It%20is%20used%20to%20settle,evidence%20and%20methods%20of%20investigation

Tekstong Deskriptibo (2020, February 13) Tekstong Deskriptibo

https://tekstongdeskriptibo3.design.blog/2020/02/13/tekstong-deskriptibo/

CASTILLO,ANGELA CINCO,JAZHLEEL RAMISO,ROHANN

SIN,SABRINA

TAN,RHEZEIN

STEKSTO PANGKAT#1

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
PANGKAT#1_MIDTERM_STEKSTO by zeintan - Issuu