1 minute read

Tekstong Deskriptibo

Next Article
Tekstong Naratibo

Tekstong Naratibo

Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng tekstong naglalarawan. Ito ay mayaman sa paggamit ng mga pang-uri at pang-abay upang mag larawan sa isang tauhan, tagpuan, mahahalagang bagay, at maging sa emosyon o damdamin upang magbigay ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Mayroong dalawang paraan ng paglalarawan: masining at karaniwan kung saan direkta ang panghuli at gumagamit naman ng mabulaklak na wika ang nauna May pagkakaiba-iba ang bawat teksto ng ganitong uri sapagkat hindi pare-pareho ang anggulo ng pananaw ng bawat isa.

Ang mga katangian na mayroon ang tekstong deskriptibo ay ang mga sumusunod:

Advertisement

Nagbibigay kalinawan sa isang teksto sa tungo ng mga paglalarawang ginamit;

Nakatuon sa pagbibigay katangian na nakabatay sa “timpla” ng naglalarawan;

Gumagamit ng mga pang-uri at pang-abay sa paglalarawan;

Gumagamit ng obhetibong paglalarawan na nakabatay sa katotohanan;

Gumagamit ng sobhetibong paglalarawan na nakabatay sa imahinasyon o nararamdaman ng naglalaglalarawan;

Nangangailangan ng 4D: dahilan, dulot, daloy at direksyon sa pagbuo ng tekstong deskriptibo; At nagbibigay ng pangkalahatang “litrato” sa pamamagitan ng paguugnay ng salitang naglalarawan.

Ang tekstong deskriptibo ay nakatutulong upang mapukaw ang atensyon, kaisipan, at emosyon ng isang mambabasa at maipahayag ang mga saloobin sa ukol sa isang paksang naranasan na ng manunulat. Ang paggamit nito ay may malaking ambag sa kaalaman ng isang indibidwal upang nauunawaan ang mga artikulo, dyornal, sanaysay, pagaaral, at iba pa sapagkat sa tekstong ito, ang pagkatuto ay nagsisimula sa manunulat at natatapos sa paraan ng interpretasyon ng mambabasa Napalalawak nito ang imahinasyon ng kung sino mang makababasa o makasusulat ng isang tekstong deskriptibo. Higit sa lahat, mahalaga ito sapagkat nagtataglay ito ng kakayahang magbigay-linaw sa larawan ng pakiramdam o karanasan sa tungo ng mga katangiang nakalahad.

KAUGNAY NAARTIKULO:ANGDALAGINDING

MAY-AKDA:INIGOED.REGALADO

LINK:HTTPS://DOKUMENTIPS/DOCUMENTS/ANG-DALAGINDINGIEREGALADO.HTML

Sa maikling kwento na ito ni Inigo Ed. Regalado ay inilarawan ang buhay ng isang dalaga na nagngangalang Irene o Ineng kung tawagin at kung paano siya nabighani sa isang mayaman na lalaki na si Daniel. Inilarawan ang malalim na pagsinta ng binata kay Irene ng ipinagtapat nito ang kanyang pag ibig para sa dalaga, bagama’t siya ay nasa hustong edad na, siya ay nangako sa ina na hindi niya ito mahal subalit sa katapusan ng istorya ay mababasa na ang dalaga ay sumama sa binata.

Bilang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo, mapapansin sa kwento ang paggamit ng may akda ng pagsasalarawan sa isang tauhan, lugar na pinangyarihan, pangyayari, at damdamin ng mga tauhan. Sa pagbabasa ng tekstong ito, nabibigyan ang mambabasa ng kaalaman hindi lamang ukol sa proseso ng pagkabighani kundi maging sa iba’t ibang salik na nagtulak sa parehong karakter upang humantong sa pagtatapos na nakasalaysay sa kwento. Ang pagbibigay ng katangian sa mga karakter at pangyayari na naganap ay mga palatandaan ng tekstong deskriptibo

This article is from: