1 minute read

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay isang uri ng teksto kung saan naglalahad at nagbibigay ng kaalaman at impormasyon para sa mga magbabasa. Sa uri ng tekstong ito, ibinabahagi ang mga nasabing impormasyong sa direktang paraan sapagkat ninanais ng manunulat na maunawaan ng mambabasa ang paksa sa malinaw na metodolohiya. Nararapat na walang kinikilingan ang teksto sapagkat ito ay nangangailangang makatotohanan at nakabatay lamang sa katotohanan.

Sa pagbuo ng isang tekstong ekspositori, nararapat na naglalaman ito ng sumusunod na mga katangian:

Advertisement

Klaro ang pagbabahagi ng mga impormasyon; Abstrak ang konseptong ipinapakita;

Nagbibigay ng kahulugan sa mga salita o termino na maaaring bago sa pandinig ng mga mambabasa;

At gumagamit ng mga grapiko katulad ng larawan at illustrasyon.

Mahalaga ang tekstong ekspositori sapagkat malaki ang tulong na nai-aambag nito upang maintindihan ng mga mambabasa kung ano ang nais iparating ng teksto.

Sa tungo nito, naipakikita ang isang balanseng layunin na paglalarawan ng isang paksa na nagbibigay-daan para sa malinaw at lohikal na pagpapaliwanag ng malalim at kumplikadong impormasyon sa halip na patunayan ang isang punto o magbigay ng personal na opinyon ng manunulat sa isang paksa.

KAUGNAYNAARTIKULO:P156

BILYONG COVID-19 VACCINES, NASAYANG

PETSA NG PAGLATHALA: 22

NOVEMBER2022

MAY-AKDA:DANILOGARCIA

LINK:

HTTPS://WWW.PHILSTAR.COM/

PILIPINO-STAR-

NGAYON/BANSA/2022/11/22/22

25625/P156-BILYONG-COVID19-VACCINES-NASAYANG

Ito ay isang halimbawa ng tekstong expositori sapagkat ang artikulo ay naglalahad lamang ng tunay na detalye ukol sa mga nasayang na bakuna sa COVID-19 na umabot ang halaga sa mahigit 15.6 milyon pesos. Ayon rito, ang dahilan ng pagkasayang ng mga ito ay ang temperatura ng bansa at pagdadalawang isip ng mga mamamayan na nagbunga ng hindi pagbubukas o hindi paggamit ng iba rito. Mula sa konstruksyon ng artikulo, mababatid ng mga mambabasa na ito ay ekspositori sapagkat nilalayon lamang nitong magbigay ng kaalaman ukol sa paksa sa tulong ng datos na nagmula sa mga awtoridad gaya ng Department of Health (DOH). Mapapansin rin na ang wikang ginamit ay direkta at simple upang hindi magdulot ng information overload sa mambabasa at maintindihan o maunawaan ng mga karaniwang tao.

This article is from: