3 minute read

Tekstong Argumentatibo

Ang tekstong argumentatibo ay tumutukoy sa sulatin kung saan ang manunulat ay maaaring pumili ng posisyon: “para sa” at “laban sa” at inimumungkahi ang saloobin ng parehong panig. Ito ay kasanayang kumikilatis ng nakahanay na mga patunay kung saan hinuhubog ang pangangatwiran sa tungo ng rasyonal na pagiisip. Saklaw nito ang paulit-ulit na proseso kung saan ang kritikal at lohikal na pagsusuri ay nagsisilbing daan upang makarating sa konkretong kongklusyong naglalaang daan sa mga panibagong pag-aaral.

Magagamit ang sumusunod na mga paraan sa proseso ng pagbuo ng isang tekstong argumentatibo:

Advertisement

Nararapat na mayroong tesis, anti-tesis, at sintesis ang tekstong argumentatibo kung saan mabuting naipaliliwanag ang proposisyon ng manunulat sa unang talata;

Gumagamit ng pasaklaw o pabuod na pangangatwiran sa pagsulat o angkop na pamamaraan ng pangangatwiran; Ang pasaklaw na pangangatwiran ay paraang nag-uugat sa halimbawa patungo sa paglalahat samantalang ang pabuod na pangangatwiran naman ay nag-uugat sa paglalahat patungo sa tiyak at spesipikong halimbawa.

At higit sa lahat, maikli ngunit malinaw ang nilalaman ng teksto.

Upang makasulat ng tekstong argumentatibo, nararapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

Nakikilala ang paksa ng masinsinan upang makakalap ng datos na angkop at mapagkakatiwalaan; Mayroong malinaw na konteksto ang mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng argumento; Natatalakay na maigi ang kahalagahan ng kaalaman at pakikipagpalitan ng ideya ukol sa paksa; Importante na ang paksa ay napapanahon at makabuluhan.

Natitiyak na lohikal, rasyonal, at kritikal ang pag-iisip sa pagsulat ng nasabing teksto sapagkat mahalaga ang mga katangiang ito upang makarating sa kongklusyong maaaring magsilbing simula ng panibagong proposisyon; Huli, mayroong datos na siyang susuporta sa proposisyon ng manunulat.

Mahalaga ang tekstong argumentatibo sapagkat nagagamit ito upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan at matuklasan ang katotohanan. Nag-aambag ito ng kaalaman sa pagsuri ng sariling ideya at maging ideya ng ibang tao sa maingat at mapamaraan na asal. Sa pagbabasa, mas natutukoy kung paano suriin ang mga magkasalungat na proposisyon at pasyahan ang ebidensya at maging ang paraan ng pasisiyasat.

KAUGNAYNAARTIKULO: HINDIBASTA-BASTAANG PAGPAPATUPADNG POLISIYA

PETSANGPAGLATHALA:21

FEBRUARY2022

LINK: HTTPS://WWWPLARIDELP H/INDEX.PHP/2022/02/21/HI

NDI-BASTA-BASTA-ANGPAGPAPATUPAD-NGPOLISIYA/

Ang artikulo ay tumatalakay sa militaristang tugon ng gobyerno sa pandemya kung saan sinusubukang puksain ng gobyerno ang COVID-19 hindi sa tulong ng mga propesyunal sa medisina, ngunit mga militar na panauhin. Sa solusyong hinahain ng gobyerno, nangangatwiran ang Ang Pahayagang Plaridel na hindi makataong tugon ang polisiyang “No Vaccine, No Work,” sapagkat pinalalala lamang nito ang paghihirap ng mga Pilipino. Naging halimbawa ito ng tekstong argumentatibo sapagkat mayroon itong malinaw na proposisyon kung saan sinusupil ang mga hakbang ng gobyerno ukol sa pandemya. Nagsalaysay rin ang teksto ng anti-tesis na sa kabila ng hindi pagiging makatao ng mga solusyong nakalahad, hindi maitatanggi na epektibong solusyon ang pagbabakuna sa pandemya. Sa kabila ng mga nabanggit, malinaw ang kongklusyon sa artikulong ang kabuhayan at kaligtasan ay mahalaga sa mga Pilipino kung kaya’t hindi makatarungang sila ay papiliin sa dalawa.

Ang prosidyural na uri ng teksto ay nagbibigay ng gabay o impormasyon sa paraan ng pagkakasunod-sunod ng isang bagay. Ito ay naglalaman ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o pangyayari. Sinusunod ng tekstong prosidyural ang “chronological” na paraan ng pagbibigay ng panuto sa mambabasa upang maayos na maisagawa at masunod ng mga ito ang mga panuto ng isang gawain. Madalas na makikita ang ganitong uri ng teksto sa mga pakete ng pagkain at panglinis na gamit

Magagamit ang sumusunod na mga katangian sa proseso ng pagbuo ng isang tekstong prosidyural:

Tama ang paraan ng pagkakasunod-sunod;

Gumagamit ng heading, subheading, numero at dayagram;

Ang mga panuto ay naipapahayag nang maayos at malinaw;

Wasto at tama ang mga pandiwa na inihayag sa instruksyon.

Upang makasulat ng tekstong prosidyural, nararapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

Nakapokus sa pangkalahatan;

Mapanghikayat ang mga panuto;

Gumamit ng mga masining na presentasyon o larawan upang mas maging kahika-hikayat ang teksto at magkaroon ng malinaw na ideya ang tao sa kailangan nilang gawin.

Napapanahon ang impormasyon;

Detalyado at tiyak ang deskripsiyon na ginagamit tulad ng laki, hugis, kulay, at iba pa.

KAUGNAYNAARTIKULO: PAANOMAGLUTONG ADOBONGMANOK

PETSANGPAGLATHALA:15

DECEMBER2022

MAY-AKDA:RUTHIECANDO

LINK:

HTTPS://WWW.SIMOTSARAP.P

H/PAANO-MAGLUTO-NGADOBONG-MANOK/

Mahalaga ang tekstong prosidyural sapagkat nakalahad sa tekstong ito ang mga hakbang upang maisagawa ng maayos ang isang bagay, nagsisilbi rin ito bilang gabay sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga proseso. Pinagkukunan din ito ng impormasyon upang makumpleto ang anumang kinakailangan at mas pinalalawak din nito ang kaalaman kung paano maisakatuparan ang isang gawain. Nag-aambag ito ng kaalaman sa indibidwal ukol sa mga hakbang na kinakailangang isagawa upang maabot ang ninanais na resulta gaya ng pagluluto, paglilinis, at maging sa pagaaral. Ang artikulong ito ay nakapokus sa proseso kung paano magluto ng adobong manok. Nakasaad sa artikulo ang mga pagkakasunod-sunod ng proseso sa pagluluto nito na isa sa mga katangian ng tekstong prosidyural. Nakaka-enganyo ang pagbasa ng artikulo sapagkat hindi paikot-ikot ang mga bagay na sinasabi Makikita rin sa artikulo ang mga detalyadong impormasyon na nakakatulong sa mambabasa upang mas maintindihan ng maayos ang mga hakbang na dapat gawin. Ito ay isang halimbawa ng tekstong prosidyural sapagkat lahat ng mga pangunahing puntos ay tugma sa mga impormasyon na nakasaad. Mapapansin na ang uri ng paglalahad sa nabasang artikulo ay may mga numero ng pagkakasunod-sunod, isa ito sa mga bagay na kadalasang nakikita sa mga tekstong prosidyural.

This article is from: