
1 minute read
Tekstong Naratibo
from PANGKAT#1_MIDTERM_STEKSTO
by zeintan
Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay, maglibang, at magbigay-aral mula sa isang partikular na pananaw ng tao. Binibigyang halaga nito ang maayos at magaang daloy ng mga kaganapan mula simula hanggang dulo kung saan nagtataglay ito ng suliraning kinakailangang mabigyang solusyon sa dulo. Bilang karagdagan, ang mga tekstong naratibo ay maaaring batay sa karanasan, imahinasyon, o pagmamasid na inilalathala sa mambabasa sa parehong masining at simpleng paggamit ng wika Ito ay madalas na ginagamit upang akitin ang mga mambabasa sa teksto.
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang katangian ng tekstong naratibo:
Advertisement
Naglalayong ilarawan ang isang bagay, tao, hayop, o pangyayari;
Kabilang dito ang mga panitikan na mga pabula, alamat, maikling kwento, talambuhay, at kwentong bayan.
Mahalagang ipakita ang mga pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod at sa nakakaaliw at mapaglilibangan na paraan.
Gumagamit ng transisyonal at gramatikal na magkakaugnay na mga salita bilang hudyat;
Nararapat na isulat detalyado, partikular, at maayos na paraan; Maiging malinaw ang pagkakasayad ng pangyayari at may tiyak na daloy ang teksto kung saan ito patungo.
Mahalagang naglalaman ang tekstong naratibo ng panimulang aksiyon, pataas na aksiyon, kasukdulan, pababang aksiyon, at resolusyon; Sa madaling salita, mahalagang may simula, gitna, at wakas ang teksto At kinakailangang naglalaman ng mga sumusunod na elemento: balangkas, tauhan, anggulo ng naratibo, tagpuan, tema, tunggalian, at istilo.
ANGTEKSTONGNARATIBOAYLUBOSNAMAHALAGASAPAGKATANG
SIMPLENGPAGPAPALITNGIDEYAMENSAHEOKAISIPANAYANYO NGPAGKATUTO
Mahalaga ang tekstong naratibo sapagkat nagbibigay ito ng aral sa mga mambabasa ukol sa paksa o karanasang nakalahad. Nabibigyan nito ng ideya kung paano sumasailalim sa isang pangyayari ang isang tao at naihahanda ito ukol sa mga bagay batay sa pansariling karanasan Subalit hindi lahat ng naratibong teksto ay nakabatay sa karanasan ng isang tao ngunit maging sa imahinasyon nito at sa halip, nag-iiwan ito ng pangaral sa masining na paraan. Sa tulong nito, nagkakaroon ng mas malalim na pag-intindi at pag-unawa ang bawat isa hindi lamang sa mga kaganapang literal ang pagkakasalaysay ngunit maging sa kaganapang nakapailalim sa idyoma, metapora, o iba't ibang uri ng tayutay. Higit sa lahat, ang tekstong naratibo ay lubos na mahalaga sapagkat ang simpleng pagpapalit ng ideya, mensahe, o kaisipan ay anyo ng pagkatuto.
KAUGNAYNAARTIKULO:ANGMGANAWAWALANGSAPATOSNIKULAS
PETSANGPAGLATHALA:26NOVEMBER2018
MAY-AKDASANDYGHAZ
LINK:HTTPS://PHILNEWSPH/2018/11/26/MAIKLING-KWENTO-NAWAWALANG-SAPATOS-KULAS/ Ang nawawalang sapatos ni Kulas ay halimbawa ng tekstong naratibo sa anyo ng maikling kwento sapagkat may malinaw na pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa istorya na magbubunga ng suliraning kinakailangang malutas ng pangunahing tauhin Sa artikulo ay makikilala si Kulas na laging nawawalan ng bagong sapatos na pinaghirapan ng kanyang mga magulang at sa halip ay sinusuot ang kanyang lumang sapatos. Sa nilalaman nito, bakas ang pagnanais ng manunulat na isalaysay ang isang konsepto sa tulong ng mga tauhan, tagpuan, at daloy ng istorya. Higit na makikita ang mga katangian ng isang tekstong naratibo sa dulo kung saan nag-iwan ito ng mahalagang aral sa mambabasa na bagaman magandang bagay ang pagiging mapagbigay, nararapat na hindi tama ang magsinungaling
N A R A T I B O