
1 minute read
Tekstong Persweysib
from PANGKAT#1_MIDTERM_STEKSTO
by zeintan
Ang tekstong persweysib ay isang uri ng tekstong may layon na manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa, manonood, o mga tagapakinig. Ito ay gumagamit ng mabulaklak na wikang nag-uugat sa pansariling opinyon upang mapasangayon, makumbinsi, at mabago ang isip ng mga mambabasa na sinusuportahan ng datos o kabihasaan sa emosyon. Ang uri ng tekstong ito ay higit na makikita sa telebisyon sa tungo ng mga iskrip sa patalastas
Bakas sa mga tekstong persweysib ang sumusunod na katangian:
Advertisement
Tumutugon ang tagapakinig, manonood, o mambabasa na may layuning mangumbinsi o manghikayat;
Gumagamit ng sobhetibong tono ang mayakda sa pagsusulat ng teksto;
Gumagamit ng lohikal na argumento at makatotohanang ebidensya;
Nagtataglay ng paraan ng pangungumbinsi sa tungo ng paggamit ng ethos, pathos, at logos; At gumagamit ng wikang mabulalak.
Nakapag-aambag kaalaman ang tekstong persweysib sapagkat sa tungo nito, nakabubuo ang tao ng rason kung bakit nararapat na bigyang atensyon ito ng iba. Nabibigyang oportunidad ng uri ng tekstong ito upang maipahayag ng isang tao ang kanilang saloobin ukol sa isang paksa at nabibigyang pansin ang kakayahang makakuha ng atensyon ng iba gamit ang wika. Mahalaga ito sa pagsisilbing gabay at tulay upang maipahiwatig ang isang ideya at mahikayat ang ibang tao upang sumang-ayon dito
KAUGNAYNAARTIKULO:MGADAHILANKUNGBAKIT
MAHALAGAANGEDUKASYON?LAHATNGKAILANGAN MONGMALAMAN
PETSANGPAGLATHALA:16MARCH2022
MAY-AKDA:BASSEYJAMES
LINK:HTTPS://STAYINFORMEDGROUPCOM/TL/REASONSFOR-EDUCATION-AND-WHY-IS-IT-IMPORTANT/
Ang artikulo ay tungkol sa kahalagan ng edukasyon na hindi nakabase sa kakayahan nitong bigyan ng hanapbuhay at kasiyahan ang magulang ng bawa’t isang mag-aaral ngunit ang kahalagahan nito sa atin upang tayo ay manatiling mulat sa iba’t ibang bagay at aspeto ng buhay. Nakapaloob sa artikulo ang paggamit ng tatlong pamamaraan ng panghihiyakat: ethos, pathos, at logos kung kaya’t higit na nakukumbinsi ang mga mambabasa Bagaman gumagamit ang artikulo ng mga nabanggit, isa sa nararapat na bigyan pansin ay ang pamagat nito kung saan ay nabibigyan agad ng ideya ang mambabasa ukol sa paksang nilalaman nito at maging sa kung anong proposisyon ang ninanais talakayin ng manunulat. Sa artikulo ay bakas na ninanais nito hikayatin tayo upang bigyang pansin ang kahalagan ng edukasyon at nabibigyan tayo ng klarong mga dahilan kung bakit tayo nararapat na sumang-ayon