#Woke

Page 19

#woke

Itulak ang pinto! ni Nina Aira Villanueva

Mga nangangating paa, Sa ilaw na patay, sindi ako'y dinala Kasama ang mga tugtog na kasabay Ang kabog ng dibdib na umaalab, Yugyog ng katawan, at pilantik ng mga kamay. Tila alon na walang patutunguhan Ang init na dumadaloy sa akin patungo sa'yo. Mga yapos at kiskis ng iyong balat Tila mga batong nagkikiskisan. Sa init ng gabi, ako'y lumiyab. Sumiklab ang ating pagtitinginan; Mata sa mata; Labi sa labi. Lumiyab ating katawan. Dahan-dahang napalitan ng sigawan ang musikang nakabalot sa atin. Mga bulyawan at tulakan ang umugoy sa atin; Mga padyak ng paa na wala sa tiyempo. Sa tindi ng init, ikaw'y nalusaw sa aking mga bisig. Sa pagtigil ng tugtog, Lahat ay naabo. At tanging alaala na lamang Sa lapnos kung balat ang init ng iyong yakap.

19


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
#Woke by Tolentine Star - Issuu