9 minute read

Aswang

Aswang ni Primrose Fuentes

Sa amon lugar diri mo guid ni laban sila makita; Ga tumpok kung aga sa tiyanggi ni tiyay Mila. Wala pa kapangalimog, ga tinipon na. Mga baho pa baba; hitsura daw mga wangga.

Advertisement

Indi kabalo mag-atipan sa ila mga bata Kay kabuhi sang iban ila gina-usisa. Kundi ila dalagita, una pa nakatulon bola. Ti, una guid nila na saboran ang naguluwa sa ila baba.

Wala ko kabalo kung ang amon baranggay damo kuwarta Kay tagsa-tagsa ka bangga may ara CCTV camera; Gina-isyuhan bisan upod mo lang imo barkada. Hambalan ka pa, "Hala bira! Untat ka na lang eskwela?"

Kung obra lang ang pagka-chismosa, Sigurado ko sila tanan milyonarya na Kay ang baba nila sobra pa sa makina; Wala untat obra istorya.

Ang pagbantay sang kabuhi sang iban wala guid maayo nga madangtan Pero amu na ni ang kamatuoran nga yara sa aton atubangan. Oo, kita nga mga Pilipino damo guid sang mga talento Pero tani gamiton naton sang insakto nga indi ta makasakit sa iban na tawo.

Kagitingan ni Alora Kimberly Talde

Mayo 1, 2020 Lungsod ng Marawi, Pilipinas

Isang delikadong misyon ang naitalaga sa'kin sa araw na ito. Delikado hindi dahil buhay ko ang nakataya ngunit buhay ng maraming kababayan kong Pili‐pino. Ako at ang aking pulutong ay naghahanda na sa pagpapaslang ng isang kumandante ng mga kalaban.

Ako'y kasalukuyang nasa itaas ng gusali upang maipuwesto ko nang maayos ang aking riple, tama lang para hindi mapansin ng mga kalaban. Bago ako magabang ay kinuha ko muna ang litrato ng aking pamilya mula sa aking bulsa. Pag‐katapos nito ay masisilayan ko na ulit ang ngiti ng asawa't anak ko. Sila talaga ang inspirasyon ko na kumayod sa araw-araw. Para sa kanila, ako'y magiging matatag. Gagawin ko ang lahat kahit buhay ko ang kapalit mabigyan ko lamang sila ng maayos na pamumuhay.

Bumalik na ako sa dati kong puwesto dahil malapit na ang aming tudlaan ayon sa oras na tinantiya namin. 'Di nagtagal ay may mga sasakyan nang pa‐parating. Malayo pa lamang ay naririnig na namin ang malakas na ugong ng isang papalapit na sasakyan. Itinuon ko ang riple sa direksyon ng tudlaan at nakahanda na rin ang aking daliri sa gatilyo ng aking riple.

"Fire!" Utos ng aming kumandante sa'kin. Isang hudyat na kailangan ko nang hilahin ang gatilyo.

Bumagsak siya, saktong ulo niya ang natamaan ko. Dali-dali kaming nagta‐go ngunit hindi pa kami nakaaatras ay pinaulanan na kami kaagad ng mga bala ng mga kalaban. Hindi kami makababa dahil mabilis silang kumilos at may mga iplinanta na silang bomba sa ibaba ng gusali. Napapalibutan na nila kami at wala kaming ibang paraan upang makatakas kundi ang lumaban. Nakipag-barilan na rin kami at marami kaming natamaan. Nagkaroon kami ng pag-asa hanggang sa may napakalakas na pagsabog. Sobrang init; pakiramdam ko'y nasusunog ako. Hindi ko na kaya ang halong pakiramdam ng sakit at init sa katawan ko kaya natumba na ako.

Nagising ako at ako ay nasa loob ng isang kwarto. Pumasok ang aking asa‐wa at ang aking kaisa-isang anak. "Mahal! Sa wakas at gising ka na!" masayang bungad ng asawa ko. Ang ganda niya talaga lalo na kapag nakangiti.

Nilibot ko ang aking paningin at namangha ako. May mga pigurin na sigura‐dong mamahalin, malawak ang espasyo ng silid at napakakumportable ng aking hinihigaan.

"Mahal? Nasaan tayo? Hindi naman 'to kwarto natin o ospital? Medyo nalilitong tanong ko sa kanya.

"Mahal, halos isang buwan kang hindi gising dahil sa mga sugat na natamo mo. Gusto ko lamang ipaalam sa iyo na ito na ang bunga ng pagsisikap mo. Sak‐to na ang pinag-ipunan natin upang makabili ng bagong bahay. Salamat sa lahat ng ginawa mo Mahal." Sinserong sambit ng asawa ko. "Papa, gustong-gusto ko talaga ang bagong house natin. Malaki ang space kaya makakapaglaro ako kahit dito sa loob!" Sabat naman ng anak kong ku‐mikinang ang mata sa kasayahan.

Napaiyak na lamang ako, ang suwerte ko pa rin talaga. Mabuti ang pangan‐gatawan ko at napasaya ko ang mahahalagang tao sa buhay ko.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid, ang mga magagarang gamit ay biglang naglaho, tila nalulusaw sila hanggang sa kulay puti na lamang ang na‐kikita ko. Sumigaw ako nang sumigaw at hindi ako makagalaw, hindi ko mara‐mdaman ang mga paa ko. Nababaliw na yata ako! Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko ang aking asawa, umiiyak at 'di alam ang gagawin habang ang anak ko'y nakatitig at kitang kita sa mga mata niya ang bahid ng takot at pagkalito.

May doktor na dumating. Gusto kong tumayo ngunit parang ayaw na guma‐na ng katawan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. Wala na akong mga paa! Naalala ko ang huling nangyari sa'kin. Panaginip lang pala ang nangyari kanina. Napapikit na lamang ako. Pakiramdam ko hindi na ako mapapakinaban‐gan pa. Sana namatay nalang ako kaysa maging pabigat sa pamilya ko. Hindi ko mapigilang umiyak sa sitwasyon ko ngayon.

"Pinatunayan mong kaya mong isakripisyo ang sarili mo para sa bayan," sabi ng isang malalim na boses mula sa may pintuan. Si Heneral! Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata ko at habang siya'y papalapit ay may dala siyang

isang maliit na kahon at ang laman ay isang medalya. Nang marating niya ang kinaroroonan ko ay isinabit niya sa'kin ito at nagulat ako. Hindi ito isang ordinaryong medalya lamang. Isa itong medalya ng kagitingan.

Ang pait na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng 'di mapantayang saya. Hindi lamang ako isang hamak na sundalo. Nawala man ang mga paa ko, napatunayan ko naman na kaya kong isakripisyo ang aking buhay para sa bayang minamahal ko. Sumaludo ang aming Heneral sa'kin pati na rin ang mga kasamahan ko sa bakbakan. Nagbigay-pugay din ako para magpakita ng respeto. Kapag nakabawi na ako sa pinsalang natamo ko ay magkakaroon ng pormal na programang laan lamang para sa'kin at sa mga kasamahan ko. Pagkaalis nila ay niyakap ako ng asawa ko at ng anak ko.

Ako si Sargento Lundagas. Patuloy na maninilbihan kahit ang isang paa'y nasa libingan.

Talaarawan ni Reyland Alvarez

"Baldo! Anak ng teting naman, oh. Gising na. Hindi ka hari!" Tanghaling tapat na at sigaw ni Aling Ester ang gumising sa aking diwa na mahimbing pang nakasubsob sa isang malabong panaginip. Bumangon akong inaalala ang bawat senaryo ng aking pantasya ngunit napaharurot ako sa muling pagtawag ni Aling Ester. Walang kahit wisik na tubig ang dumampi sa aking mukha o kakarampot na tubig ang aking namumog dahil sa takot ko sa aking ti‐yahin. Dali-dali kong inayos at tinupi ang banig na aking tinutulugan sabay kuha ng balde at diretso sa poso para mag-igib ng tubig para sa kanya. Ito parati ang laman ng aking talaarawan. Para na ngang nagmukhang Xerox copy ang bawat pahina ng aking maliit na kuwaderno. Paulit-ulit na lamang ang lahat! Minsan, iniisip ko sana makakita rin ako ng butuing tulad ni Starla para bigyan naman ng thrill ang mala-Cinderella kong buhay. "HOY, Baldo! Bili mo nga 'ko ng yosi. Siguraduhin mong Camel pula ha. Bilisan mong kupal ka!" pagmamalabis na utos sakin ni Carlo, ang kaisa-isahang anak ni Aling Ester. Siya lang naman ang nag-iisang Prinsipe Batugan ng ta‐pal-tapal na kaharian ng aking tiyahin. Madalas niya akong pag-utusan at gawing sariling alalay.

Minsan akong nalingat at naiwang ang aking sinaing. Masyado akong nawili sa panunuod ng palabas doon sa kapit-bahay. 'Yon bang mga pelikula bago mag tanghalian. Gigil na gigil ako sa kontrabidang nang-aapi na tila bang sila ang may-ari sa iyo. Nais kong itulak siya sa pinagmamayabang niyang balkonahe at hayaang malugmok ang gutay-gutay niyang katawan. Nasa barilang parte na ng pelikula nang bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses na dumadagun‐dong palapit sa akin. Hindi pa man ako nakapag-iisip ng aking sunod na gagawin ay dumampi na sa aking likod ang walis tingting na akay-akay ni Aling Ester. Bugbog ang aking sinapit noong araw na iyon. Hangin ang aking naging kanin at ang mura ni Aling Ester ang nagsilbing ulam ko sa buong magdamag.

Hindi na ako umiimik sa kanilang mga utos. Wari ko'y asta nila sa'kin ay parang isang laruang de makina na walang nararamdaman. Yun bang pwede lang nilang yurakan at abusuhin.

Wala naman akong magagawa sapagkat sila ang nagpapakain sa'kin. Wala akong karapatan na sila ay suwayin o pagsalitaan pabalik. Kung magawa ko man ay siguradong sa lansangan ako pupulutin.

Isang gabi, mumunting ungol at tila'y nasasaktan na huni ang aking narinig sa pagitan ng manipis na dingding na humahati sa maliit kong kwarto at kwarto ni Aling Ester. Ilan pang mga minuto ang lumipas ay mas bumilis at lumakas ang ungol. Kinabahan ako at di maiwasang magtaka kung ano ba ang nangyayari sa kabilang kwarto. ''Naku! Maaari kayang may nakapasok na magnanakaw at kinu‐ha ang mga tinatagong alahas ni Aling Ester tapos ay pinapatay siya sa tadtad ng saksak para 'di kumanta? O baka naman pinagsasakal na siya ng mga kapitbahay na nabuburaot sa kanya?'' Dahil sa takot na baka may ibang tao na nakapasok sa bahay, mahinhin kong dinungaw ang telang nakatabon sa pintuan ng kwarto ni Aling Ester.

Nanindig ang aking mga balahibo nang nakitang nakabandera ang hubad na katawan ni Aling Ester at ang kaniyang anak na si Carlo. Nakita ko kung paano nag umpugan ang kanilang mga pawisan na katawan habang isinasahimig ang mga ungol na tila nakakabagabag pakinggan.

Nangingilabot ang aking katawan. Nais dumugo ng aking mga mata sa bawat senaryong aking nasisilayan ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa upang bumalik sa aking kuwarto at matulog ng mahimbing sa pag-aasang malilimutan ang gabing ito. Nawa'y maging isang masidhing panaginip lamang ang lahat.

Lumipas ang ilang sandali nang maramdaman ni Carlo na may nagmamasid sa kanila. Tila ba bumalik ang aking kaluluwa sa mahina kong katawan at ku‐maripas agad ako ng takbo papasok sa aking kwarto at nagtulog-tulogan. Kaba at takot ang bumalot sa aking buong katawan. Di ko maiwasang maisip muli ang kanilang ginawa. Akala ko'y makakatulog ako ng mahimbing at iisiping isang masidhing panaginip lamang ang lahat. Mali ako.

Lumipas ang ilang mga araw at gabi na tila normal lang ang lahat, na parang walang kakaiba at masalimu-ot na mga pangyayari. Subalit biglang nag-iba ang lahat nang... "Baldo, halika. Sabayan mo kami sa pagtulog," sabay na sambit ni Carlo at Aling Ester habang nagbabaga ang mga mata at pinapawisan ang mga noo.

Ito na yata ang magbabago sa mga nilalaman ng aking talaarawan.

Countdown to Doomsday by Earl Dominic Pa-oyon

10...9...8... She utters, Plucking sampaguita petals For each drop of count not so late.

7...6... Bullets clashing on the rice fields. NPA or AFP, there's no mix, She's standing amidst the battlefield; eyes fixed.

5...4... Blood's dripping - a war to fight for. Petals stained in blood, unto The fields. It's an eyesore.

She's losing breath, the little one. Chaos building in. Missiles launching in... 3...2...1...0...

artwork by Windsor Linus Sumbillo

This article is from: