2 minute read

1k / p.89 The Queer President

The Queer Candidate ni: Jeff Gerald Quindoyos

Sa isang Campaign Rally… Host: Hindi na po natin patatagalin pa. I-welcome po natin ang nag-iisang tinaguriang Ama ng Aksyon, ang ating Presidente sa darating na 2022 election, number 3 sa balota, Marco Raft Conti! Audience: Wooooh! President! Campaign Jingle (Sa saliw ng Rock Baby Rock ng VST Company): Raft, Marco Raft! Tres a balota. Raft, Marco Raft! Tres a balota! Heey, Heey, Hey! Marco Raft: Maraming salamat, mga Cabalen. Magsi-upo po tayong lahat. Unang-una po ay nagpapasalamat ako sa inyo at narito kayo para makinig ng aking talumpati. Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso humihingi ng tulong sa inyo, mga Cabalen, sa nalalapit na halalan. Ang inyong lingkod, tulad po ng inyong nalalaman, ay tumatakbo sa pagka-Pangulo bilang Queer Candidate. May mga nagtatanong kung bakit ako tumakbo bilang Queer Candidate samantalang maaari naman akong maging kabilang ng isang partido. Hayaan niyo pong ihayag ko sa inyo kung bakit. Bagaman ako po ay maraming sinuportahan na mga proyekto at batas na mungkahi at inilathala ng mga kasamahan natin sa pamahalaan na mayroong mga partido-politikal, ay pili lamang po ang mga iyon. Hindi lahat ng proyektong pangkaunlaran ng Kapitalista Party ay sinang-ayunan ko. Hindi ako pumayag sa kanilang mungkahi patungkol sa lupain ng mga magsasaka dahil alam kong ito ay bunga lamang ng kasakiman para sa sariling negosyo. Hindi rin lahat ng batas pang-kaayusan at pang-kapayapaan na inihain ng Leader-wrath Party ay sinuportahan ko dahil naniniwala ako na ang isang lider ay dapat na mahinahon. Hindi ko rin maaaring sabihin na kaisa ako ng Partido del Pacifista dahil hindi ako sang-ayon na alisan ng baril ang ating kapulisan kapag sila ay reresponde sa tawag ng tungkulin. Hindi ko pwedeng ibilang ang sarili ko bilang miyembro ng ano mang partido-politikal na labag sa aking pinaniniwalaan. Kaya’t napagpasyahan ko po na kumandidato bilang Queer President. Kaya narito po ako sa inyong harapan, tumatakbo sa Pagka-pangulo dahil ako ay Maka-masa, Makatao, Maka-Filipino. Maraming salamat po. Host: Muli po nating palakpakan, suportahan, huwag kalimutan sa darating na eleksyon ang ating Queer President, Marco Raft Conti! Audience: Marco Raft! Marco Raft! Marco Raft! Campaign Jingle (Sa saliw ng Rock Baby Rock ng VST Company): Raft, Marco Raft! Tres a balota. Raft, Marco Raft! Tres a balota! Heey, Heey, Heey!

Advertisement

- 90 -

This article is from: