
1 minute read
Sandata
Dibuhong gawa ni: Mikaela Faith HInton
Mixed media on vellum board
Advertisement
ni: John Gabriel S. Dela Torre
Mula pagkabata’y kargado ako ng sandatang ito, Sandata na bagamat tago ay batid ng lahat na meron ako, Sandata na ni minsa’y ‘di ko ginusto, At ‘di ko nagamit na instrumento, Laban sa mapanghusgang mundo, O sa bugbog mula kay itay na dinanas ko,
Maging sa mga mapangutyang tingin ng ibang tao, Hindi ko ninais ang sandatang ‘to, Kaya nagdesisiyon ako, Na hugutin ang espada sa kinalalagyan nito, At sa kabila ng sakit na hatid ng proseso, Naging masaya ako,
Dahil wala na ang sandatang hindi ko ginusto, Sa pagpalit ng bulaklak na talagang nais ko,
At mamumukadkad hangga’t sa nabubuhay ako.